Share

Kabanata 511

Pero kapag nalaman ng lahat na apo ka ni Hernandez, at ikaw din si Alice ng Metropolis, at may intimate relationship ka sa akin, sa tingin mo ba ay pakakawalan ka nila?”

Neutral lang ang ekspresyon ni Maisie habang nakatingin kay Daniel. “Ibig sabihin, wala akong ibang magagawa kung hindi makipagtulungan sa iyo?”

Nagkibit-balikat si Daniel. “Kailangan mo lang mag-lay low. Kami na ang bahala sa lahat.”

Ngumiti si Maisie at tinaas ang wine glass, pero walang tuwa sa kaniyang mga mata. “Magtulungan tayo, kung ganoon.”

Hindi ginalaw ni Daniel ang baso niya dahil parang mayroon siyang nakita. Naningkit ang kaniyang mga mata.

Tumalikod si Maisie at nakitang tulak-tulak ni Quincy ang wheelchair ni Nolan. Magkaharap ang mga bodyguards ni Daniel at Nolan, at para bang anumang oras ay magsisimula ang isang labanan.

Agad na tumayo si Maisie at tiningnan si Daniel. “Plinano mo ito?”

Nagkibit-balikat si Daniel, walang bakas sa mukha niya kung sinadya niya ito o wala siyang alam.

“Mr
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status