Nagsalita ulit si Maisie. “Tatlong taon na ang nakalilipas, sinabi sa akin ni Tito Erwin na ang outbreak ng virus 30 years ago ay ginawa ng isang grupo ng mga tao. Pinag-aaralan nila ang virus, at ang mga taong yun ay ang mga noble.”Nagulat si Wesley. Namutla ang mukha niya habang nauutal, “Mga noble? Pinag-aaralan nila ang virus?”Tumalikod si Maisie at nagpatuloy. “Ang lolo ko lang ang tanging tao na nakakaalam ng lahat tungkol sa outbreak 30 years ago. Pero, nawawala siya.”Nagpalumbaba si Maisie at sinabi, “Kumilos sila laban sa lolo ko sa taon ng eleksyon dahil alam nila na ilalabas niya ang nangyari 30 years ago sa araw ng eleksyon.”Panggulo lang ang pagkuha sa negative vote. Kung yun talaga ang gusto nila, hindi nila itutulak si Hernandez sa punto na hindi niya na ito mahanap.Mahigpit na kumuyom ang mga kamao ni Wesley at sinabi, “Mukhang may kinalaman din sa virus ang nangyari sa dalawang taon na presidency ng lolo ko.”Pagkatapos nito, lumingon siya kay Nolan a
“Sabi ng lolo mo na laging nasa study room ang great-grandfather mo. Sa tingin ko ay tinago niya ang mga clues na iniwan ng great-grandfather mo.”Bumalik sa sarili si Maisie. “Sa study room ng de Arma mansion?”‘Tama. Siguradong alam ni lolo na hahanapin siya ng mga taong yun, at siguradong pinaghandaan niya na yun.’Hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie at sinabing, “Zee, may dalawang dahilan kung bakit ayaw kong sabihin ang kondisyon ko. Ang isa ay ayaw kong malaman mo, ang pangalawa, sa tingin ko ay hindi nila susubukang ilabas ang tungkol sa kondisyon ko.”Tatlong taon na siyang infected ng virus, pero hindi pa rin alam ng media kung anong sakit niya ngayon. Ibig sabihin, tama ang taya niya.Dahil mayroong gumagawa ng experiment at malapit na ang eleksyon, magiging malaking hadlang lang sa kanila ang virus kapag nalaman yun ng publiko bago ang eleksyon.“Katulad ng sinabi mo, ang tanging paraan lang para mapigilan ang eleksyon ay kung ilalabas ko ang katotohanan tungk
Binaba ni Maisie ang tawag, mas lalong dumidilim ang mukha niya,Nilapitan siya ni Saydie at sinabi, “Miss, may paparating. Kailangan na natin umalis ngayon.”“Hindi niya tayo hahayaang makalabas pareho dito,” Sabi ni Maisie sabay hawak sa braso ni Saydie. Tiningnan niya ito at sinabing, “Pero isa sa atin ang makakalabas.”Kumunot ang noo ni Saydie.Nang lumabas sina Maisie at Saydie ng study room, nakitan nila ang ilang nakaitim na mga lalaki na paakyat ng hagdan.“Ayun sila!”Tumakbo ang mga ito papunta sa kanila.Tinulak ni Saydie si Maisie. “Miss, mauna na kayo.”Tiningnan siya ni Maisie at sinabing, “Tandaan mo ang sinabi ko at mag-ingat ka.”Natigilan si Saydie. Matagal niyang tiningnan si Maisie bago tumango.Pagkatapos nito, hinubad ni Saydie ang kaniyang jacket at mabilis na sumugod sa grupo ng mga lalaki habang sinubukan naman ni Maisie na tumakas gamit ang hagdan sa likuran. Pagkalabas niya ng pinto, isang tao ang dumating at hinawakan siya sa braso. “Pla
“14 taong gulang pa lang siya nang dumating siya sa Stoslo. Hindi niya alam ang lengguwahe at kinailangan niyang tumira sa mahirap na lugar kasama ang pamilya niya, hindi niya alam kung may kakainin pa ba sila sa susunod. “Noong panahon na yun, hindi tinatratong tao ng mga nasa upper class ang mga tao sa mahihirap na lugar. Wala silang karapatang-pantao at kailangan nilang maging brutal.“Para magkaroon ng hanapbuhay, ang ilang tao sa mga lugar na yun ay pinapadala ang mga anak nilang babae para maging kasambahay ng mga mayayaman at makapangyarihan. “Isa na ang batang babaeng yun sa kanila, at binenta siya ng mga magulang niya sa isang matanda at mayabang negosyante na walang anak. “Hindi rin siya nagkaroon ng magandang buhay pagkatapos siyang ibenta ng mga magulang niya sa matanda at mayamang negosyante. Madalas siya nitong binubugbog, at hindi siya nakakakain ng sapat at nakakatulog nang maayos. Halos hindi makatao ang buhay niya. “Kinalaunan, nagdesisyon siyang baguhin
Tumingala si Daniel at tiningnan si Maisie. “Hindi ko naman siguro kailangan sabihin sa iyo kung sino ang eldest princess at hoodlum, tama?”Mahinang tumawa si Maisie at sumagot, “Kung ganoon, ang babaeng tinutukoy mo ay ang babaeng nagsimula ng mga Kent, ang lola mo.”“Bingo.”Walang emosyon sa mga mata ni Daniel. Tiningnan niya nang diretso si Maisie na para bang nakatingin siya sa isang bangkay at saka nagpatuloy. “Ang matanda at mayamang negosyante na yun ay hindi namin kadugo. Salamat sa lola ko, tinuloy niya ang bloodline nito.”“Ang lolo mo ang nag-infect sa eldest princess ng virus at nagdulot ng outbreak, tama ba?”Sumandal si Daniel sa upuan niya. May malamig na ngisi sa labi niya bago magsalita, “Madalas, mas mabuting sirain mo ang hindi mo makuha. Sa huli, dahil sa lolo ko kaya mayroon kapangyarihan at status ngayon ang prinsipe.”Inudyok ng lolo niya si Prince Roger, isang anak sa labas na hindi pinapahalagahan ng royal family na kumampi sa kaniya. Basta mapaba
"Nangyari na ang mga nangyari, at hindi na yun mababago. Mga Goldmann naman talaga ang puntirya ni Prince Roger, at kasangkapan lang ang mga de Arma sa pakikipaglaro niya sa mga Goldmann.""Kung ganoon, paano ka naman at si Nolan? Paano naman ang galit na mayroon ka sa kaniya?" Mapangutyang tumawa si Maisie. "Naadik ka na ba sa pagiging utusan ni Roger?"Pinagdikit ni Daniel ang mga daliri niya sa kamay, lumakad palapit kay Maisie, at seryoso itong tiningnan. "Ms. Vanderbilt, sinusubukan mo na kumuha ng mas maraming impormasyon sa akin, sinusubukan mo bang pahabain ang oras mo para mailigtas ka ng iba?"Hindi umimik si Maisie.Suminghal si Daniel. "Sayang lang at walang magliligtas sa iyo. Inalis lahat ng accessories sa katawan mo nang wala ka pang malay. Sino ang makakahanap sa lugar na 'to nang hindi gumagamit ang kahit anong tracking o positioning technology?"Niluwagan ni Maisie ang mga kamay niyang nakatali sa likuran niya. Alam niyang sa pagiging maingat at alerto ni Da
Gamit ang malaki niyang kamay ay sinakal ni Daniel si Maisie. "Huh? Naniniwala ka talaga na may darating para iligtas ka?"Namumula ang mukha ni Maisie dahil hindi na siya makahinga sa pagkakasakal, pero pinilit niyang ngumiti. "Nakatago ang basement sa isang hiwalay na lokasyon, sa tingin ko, hindi lang sleeper virus ang tinatago mo dito, ano? Mayroon din ibang virus."Makakatakas ba ang mga taong nandito kung magkaroon ng leakage?"Hindi pa rin sumasagot si Daniel.Biglang tinaas ni Maisie ang paa at sinipa si Daniel sa kaniyang pagkalalaki. Namilipit ito sa sakit, pero hindi yun makikita sa ekspresyon niya. Parang kakainin niya nang buhay si Maisie sa talim ng kaniyang tingin.Mabilis na nakawala si Maisie sa lubid na nakatali sa kaniya habang mabilis naman bumunot ng baril ang mga medical staff na nasa likod ni Daniel, pero hindi sila nagpaputok.Kahit na nakasuot sila ng protective clothing, hindi sila nakasuot ng protective mask. Sa oras na lumabas ang mga virus, at m
Tiningnan siya ni Maisie at nanghihinang sinabi, “Iniisip ko pa rin. Bakit nagpapakahirap kayong mga Kent na pahalagahan kayo ni Prince Roger at ng mga noble? Mababa ang tingin niyo sa mga sarili niyo dahil namuhay ang mga ninuno niyo pagkatapos angkinin ang ari-arian ng iba.“Ni hindi kadugo ng mga Kent ang mga ninuno niyo, hindi rin sila mga apo ng henerasyon ng mayaman na negosyante. Mga ordinaryong tao lang sila na pumuslit sa borders ng bansa.“Ang mga de Arma ang tunay na mga noble sa dalawang pamilya, hindi ang mga Kent. Gusto niyong maging mahalaga, kaya nag-develop kayo ng gamot para sa royal family para ilayo sila sa sakit, cancers o kahit na kamatayan. Yun ang tunay na kahulugan ng buhay niyo, hindi ba?”Hindi nakaimik si Daniel at umubo na lang ng dugo.Suminghal si Maisie. “Daniel Kent, ito ang dapat sa iyo. Ang sabi mo sa akin, ang buhay ay isang sugal. Tama ka, sinabi ko kay Saydie na i-cover ako habang tumatakas, pero isa talaga yung sugal. Sumusugal ako sa kato
Inangat ni Cameron ang mata niya at sinabing, “Hindi na masama. Hindi pa ganoon katagal pero gumagaling ka na sa pag-amin ng mali mo. Mukhang natuto ka na ng leksyon mo.”Ngumiti si Conroy at sinabing, “Syempre, natutuhan ko na ang leksyon ko.”Ibinaba ni Cameron ang baso ng juice at agad na tinanong ni Conroy ang mga tauhan niya na punuin yon para sa kaniya. “Lahat kayo ay magkakaroon ng reward kapag trinato niyo siya nang tama.”Umirap si Cameron at tiningnan si Conroy.Hindi alam ni Conroy kung bakit ganoon ang tingin sa kaniya ni Cameron kaya tinanong niya, “Anong problema, Cam?”Habang nakangisi, sinabi ni Cameron, “Pamilyar ka ba sa lokasyon ng martial arts center?”Walang pagda-dalawang isip siyang sumagot, “Syempre.”Tumayo si Cameron at naglakad palapit para hilahin si Conroy patayo sa sahig. Pagkatapos, tinapik niya ang kaniyang balikat at sinabing, “Mabuti. Mr. Selfridge, kailangan ko ng tulong mo sa isang bagay.”Nagulat si Conroy.…Tiningnan ng landlord ang kont
Tiningnan ni Harold ang lalaki sa likod ni Cameron. Mabagal na tumatayo ang lalaki mula sa sahig. Inilabas nila ang butterfly knife sa kaniyang bulsa at tumakbo papunta kay Cameron.Nag-side kick si Cameron, tinamaan niya ang leeg ng lalaki at lumipad ito sa kabilang parte ng kwarto bago tumama sa isang paso.Nagulat si Harold.Humarap si Cameron para tingnan siya. Gumalaw ang gilid ng labi ni Harold habang gusto niyang umiyak sa mismong oras na ‘yon.“I… I…”Ngumiti si Cameron at nagdilim ang mukha niya. Tinapakan niya ang hita nito dahilan para mapasigaw ito sa sakit. “Pasensya na!”Lumapit siya habang nakatingin kay Harold habang may mala demonyong ngiti. “Narinig ko na si Mr. Selfridge ang taga suporta niyo, hindi ba?”Samantala, sa private swimming pool…“Mr. Selfridge, dito. Lumapit ka at hulihin mo akooo!”“Mr. Selfridge, dito!”Maraming bagay na nangyayari sa pool.Nakasuot ng blindfold si Conroy habang naglalaro ng tagu-taguan kasama ang ilang magagandang Internet c
“Miss—”Nang may sasabihin na si Sapphire, hinaplos ni Cameron ang ulo niya at sinabing, “Pumunta ka muna sa klase mo. Mahuhuli ka na.”Kinagat ni Sapphire ang labi niya at palingon-lingon siya habang papasok sa paaralan.Nang makapasok siya sa campus, inangat ni Cameron ang kamay niya tinapik ang mukha ng babaeng pula ang buhok. Habang nakangiti, sinabi niya, “Dalhin mo ako sa kapatid mo.”Nagulat ang grupo ng mga babae. Ito ang unang pagkakataon na may nakaharap sila na may death wish pero ito ang gusto nila.Dinala nila si Cameron sa billiard center. Puno ng usok ang center at lahat ng lalaki ay napalingon nang makita sila. Nang makita ng middle-aged na lalaki na naglalaro ng billiard na dinala nila ang babae, inayos niya ang kaniyang tindig at ibinaba ang tako.Lumapit ang babaeng pula ang buhok at sinabing, “Harold, siya ‘yon.”Tiningnan ni Cameron ang paligid. Napansin niya na naka-cast ang ilan sa mga binti nila. Mukhang hindi naging maganda ang nangyari sa kanila nang pu
Pakiramdam ni Dylan na hindi pa ‘yon sapat nang matapos siya magsalita at nagpatuloy. “Syempre, hindi mo kailangan na mag-alala dahil mayroong Goldmann na tutulong sa'yo pero iba ang boss namin. Ang martial arts center na ito na lang ang mayroon siya. Ginastos niya ang lahat ng ipon niya para sa center na ito.”“Sinabi mo na ginastos ni Nick ang lahat ng ipon niya sa martial art center na ito?”Sa memorya niya, mayaman ang Wickam sa Southeast Eurasia. Posible kaya na pinutol niya ang koneksyon niya sa kaniyang pamilya pagkatapos niyang umalis?Tumalikod si Dylan at sinabing, “Syempre. Itinayo ng boss namin ang martial arts center na ito nang sampung taon. Dito siya kumakain at natutulog. Ang may-ari ng lugar na ito ay ayaw ipa-renta sa iba ang lugar dahil ayaw niya ng kahit anong gulo. Kinausap siya ng boss namin ng isang linggo, at pumayag lang siya na iparenta ang lugar dahil sa sinseridad niya. Pinapirma pa niya ang boss namin ng kasunduan. Kapag gumawa ng gulo ang boss habang
Inikot ni Nick ang bote at uminom. Pagkatapos, sinabi niya, “Hindi kailanman gagawa ng gulo ang mga tao na nasa martial arts center ko.”“Wala akong pakialam. Gusto ko siya ngayon. Kung hindi, hindi ko alam kung anong magagawa ko mamaya.”Lumapit ang middle-aged na lalaki kay Nick at tinapik ito sa balikat. “Hinahamon kita na pumunta sa East Street at itanong kung sino si Harold. Ano naman kung magaling kayo sa pakikipaglaban? Wala itong saysay kung mawawala na bukas ang martial arts center niyo, hindi ba?”Nagalit si Dylan at lumapit pero pinigilan siya ni Nick.Tiningnan niya sa mata ang middle-aged na lalaki at sinabing, “Sampung taon na kaming nandito. Sa tingin mo ba ay posible na mawala kami bukas?”Humarap ang middle-aged na lalaki at nakipagpalitan ng tingin sa mga tao na nasa likod niya. Nang matanggap nila ang signal niya, lahat sila ay sumugod kay Nick.Binuhos ni Nick ang mainit na tsaa na nasa kamay niya at hinawakan ang braso ng lalaki.Pinaikot niya ang braso ng l
Hinawakan ni Colton ang pisngi nito at tiningnan sa kaniyang mga mata. “Hindi mo kailangan na may matupad. Kaya kitang alagaan. Ayos lang kahit na wala kang matupad. Kaya kitang alagaan.”“Yan ang iniisip mo,” naiiyak na sinabi ni Freyja. “Hindi ko kailangan na alagaan mo ako. Ayaw ko na maliitin ako ng ibang tao.”Niyakap siya ni Colton. “Sinong may pakialam sa sinasabi ng iba? Sa tingin ko ay magaling ka.”Pinatong ni Freyja ang baba niya sa balikat ni Colton at masayang ngumiti. “Sa tingin ko ay lahat ng ginawa ko ay naging sulit.”Hindi na madilim ang mundo niya kasama si Colton at si Charm sa tabi niya.Hinalikan ni Colton ang ulo ni Freyja at mahinang sinabi. “Alright. Kailangan natin ibalita ito sa mga kaibigan mo. Sinusuportahan ka nila hanggang ngayon.”“Oo, dapat ko na sabihin sa kanila.”Ngumiti si Freyja at umakyat, iniwan niya si Colton doon.Hindi na kailangan sabihin ni Colton ‘yon basta masaya siya.Sa Bassburgh, sa martial arts center…“Itong lugar na ‘to. S
Natuwa si Sallu Hathaway nang marinig ‘yon. “Napakalambing mo lagi.”Masaya si Titus. “Well, ang anak mo ang nag-alaga sa kaniya. Syempre malambing siya.”Tiningnan nang masama ni Sally si Titus at gusto na huwag pansinin. Tumingin siya kay Diana at Nollace na nakatayo at ngumiti. “Mas lalong nagiging gwapo si Nollace. Kamukha na siya ng Kamahalan ngayon.”Hinawakan ni Diana ang kamay niya at yumuko dahil mas maliit si Sally. “Salamat. Kamukha nga ako ni Nollace.”Hindi masaya si Nolan at Colton tungkol doon. Si Nollace lang ang sinabihan niya ng gwapo. Siya lang ba ang gwapo?Mas hindi natutuwa si Titus. Dati siyang kaakit-akit at gwapo noong bata pa siya. Bakit hindi siya pinuri nito?Nagtinginan si Maisie at Freyja habang ang mga lalaki na nakatayo sa tabi nila ay ‘hindi patas’ ang pagtrato.Nakahanda na ang dinner nang sumapit ang gabi.Nasa 25 feet ang haba ng mesa at puno ng pagkain—western, oriental, fruits, at dessert.Ibinigay ni Diana ang upuan sa dulo kay Sally na m
"Hindi ko alam kung ano ang isusuot para sa unang pakikipagkita ko sa mga biyenan ko. Kung poporma ako masyado, masyadong pormal. Pero kung masyadong simple naman, baka isipin nilang wala akong respeto sa kanila."Mahigit sampung damit na ang sinukat ni Diana, at ngayon ay nakakalat na ang mga ito sa kama, binubusisi ang bawat isa.Si Rick, na matagal nang nakahanda, ay walang magawa kundi pagmasdan siya. "Basta kasya, okay na yan. Maganda na ‘yung nauna.""Talaga?" Kinuha niya ang lilang bestida at tumingin sa salamin. "Oo nga. Sige, ito na lang ang isusuot ko."Nang makapagbihis na si Diana, pumasok na siya sa palace hall habang nakahawak sa braso ni Rick. Bigla niyang naalala ang isang bagay. "Paano ang regalo?"Alam ni Rick na tatanungin niya iyon, kaya binuksan na nito ang pinto ng kotse. "Nasa kotse na. Kinuha ko na."...Sa Blue Valley Manor, masaya at masigla ang paligid. Nandoon sina Brandon at Freyja, at dumating na rin sina Diana at Rick.Wala silang kasama na mga ba
Ang isa pang tinutukoy ni Madam Hathaway ay si Titus.Tiningnan ni Titus si Nolan. “Ikaw ang tinutukoy niya, pumupunta ka kahit hindi ka imbitado.”Tumawa si Nolan at tumingin sa matandang babae. “Gran, alam ko na ngayon kung bakit hindi mo pinakasalan ang lolo ko. Hindi ka magkakaroon ng kapayapaan.”“Nolan!”Nanginig ang kamay ni Titus sa galit. Napakasama niyang apo!Lumapit siya kay Madam Hathaway at uupo na sana sa tabi nito pero tiningnan niya ito nang masama. “Sinabi ko ba na pwede kang umupo?”Nainis si Titus pero hindi niya masabi.Kailangan niyang tumayo at bumuntong hininga. “Sal, huwag kang makinig sa pilyo na ‘yan.”“Pilyo?” Tumawa si Madam Hathaway at nilagay ang kamay niya sa kaniyang tungkod. “Lahat ng Goldmann ay pilyo.” Ang anak mo, ang batang ito, at lalong lalo na ikaw.”Tinaas niya ang kaniyang boses. “Oo, pilyo ako. Pwede na ba ako umupo.”Nag-iwas ng tingin si Yorrick, nanginginig ang balikat niya.Sanay na si Nolan doon. Walang hiya ang mga Goldmann s