Gamit ang malaki niyang kamay ay sinakal ni Daniel si Maisie. "Huh? Naniniwala ka talaga na may darating para iligtas ka?"Namumula ang mukha ni Maisie dahil hindi na siya makahinga sa pagkakasakal, pero pinilit niyang ngumiti. "Nakatago ang basement sa isang hiwalay na lokasyon, sa tingin ko, hindi lang sleeper virus ang tinatago mo dito, ano? Mayroon din ibang virus."Makakatakas ba ang mga taong nandito kung magkaroon ng leakage?"Hindi pa rin sumasagot si Daniel.Biglang tinaas ni Maisie ang paa at sinipa si Daniel sa kaniyang pagkalalaki. Namilipit ito sa sakit, pero hindi yun makikita sa ekspresyon niya. Parang kakainin niya nang buhay si Maisie sa talim ng kaniyang tingin.Mabilis na nakawala si Maisie sa lubid na nakatali sa kaniya habang mabilis naman bumunot ng baril ang mga medical staff na nasa likod ni Daniel, pero hindi sila nagpaputok.Kahit na nakasuot sila ng protective clothing, hindi sila nakasuot ng protective mask. Sa oras na lumabas ang mga virus, at m
Tiningnan siya ni Maisie at nanghihinang sinabi, “Iniisip ko pa rin. Bakit nagpapakahirap kayong mga Kent na pahalagahan kayo ni Prince Roger at ng mga noble? Mababa ang tingin niyo sa mga sarili niyo dahil namuhay ang mga ninuno niyo pagkatapos angkinin ang ari-arian ng iba.“Ni hindi kadugo ng mga Kent ang mga ninuno niyo, hindi rin sila mga apo ng henerasyon ng mayaman na negosyante. Mga ordinaryong tao lang sila na pumuslit sa borders ng bansa.“Ang mga de Arma ang tunay na mga noble sa dalawang pamilya, hindi ang mga Kent. Gusto niyong maging mahalaga, kaya nag-develop kayo ng gamot para sa royal family para ilayo sila sa sakit, cancers o kahit na kamatayan. Yun ang tunay na kahulugan ng buhay niyo, hindi ba?”Hindi nakaimik si Daniel at umubo na lang ng dugo.Suminghal si Maisie. “Daniel Kent, ito ang dapat sa iyo. Ang sabi mo sa akin, ang buhay ay isang sugal. Tama ka, sinabi ko kay Saydie na i-cover ako habang tumatakas, pero isa talaga yung sugal. Sumusugal ako sa kato
Noong ilabas si Daniel mula sa basement, huli na ang lahat para sa kaniya. Infected na ang kaniyang baga at puso at nasira na ng nakalalasong gas, habang nawalan naman siya ng maraming dugo dahil sa sugat niya sa binti.Nagbago ang tingin ni Maisie, pero hindi siya kumibo.Pinagmasdan siya ni Nolan. “Pinaliwanag ko na ang lahat sa mga pulis para sa iyo. Self-defense ang paggamit mo ng baril, at wala kang planong patayin siya, sa binti mo lang siya binaril.”Ngumiti si Maisie. “Kung ganoon, paano kung gusto ko siyang patayin?”Naningkit ang mga mata ni Nolan at hindi sumagot.Lumingon sa bintana si Maisie. “Siya ang mastermind sa aksidente three years ago, at si Rowena ang umaksyon. Kahit na sa ulo ko talaga siya gustong barilin, nang makita ko na natanggap niya na ang karma na karapat-dapat sa kaniya, bigla akong nawalan ng gana.”“Zee.” Nakakunot ang noo ni Nolan, pinisil niya ang baba ni Maisie at pinaharap ito sa kaniya. “Ipangako mo sa akin, anuman ang gawin mo sa susun
Huminto sa paglalakad si Nolan pero hindi lumingon. “Hindi ako natatakot mamatay. Natatakot lang akong mamatay sa harapan niya.”Lumingon siya kay Quincy. “Papuntahin mo si Waylon dito para samahan siya bukas.”Kinabukasan…Nakaupo si Maisie sa kama habang nagbabasa ng dyaryo.Patay na nga si Daniel at lumabas na ang katotohanan tungkol sa virus, lahat ng sisi ng mga taong yun ay nasa mga Kent.Hindi man lang nila binanggit ang ginawa nila sa mga Kent. Ginamit nila ang mga Kent para pag-aralan ang teknolohiya na yun hanggang sa bumagsak ang mag Kent at mamatay si Daniel.Hindi nila kailangan mag-alala na madamay sila dito.“Mommy!”Tumalikod si Maisie nang marinig ang boses na yun at nagulat nang mapatingin sa pinto.Agad na namula ang kaniyang mga mata. “Waylon!?”Tumakbo si Waylon papunta sa kama, at niyakap naman siya ni Maisie. “Waylon, ikaw na ba yan? Sobra kang namiss ni Mommy!”Walong taong gulang na ang mga bata ngayon, maliliit pa ang tatlo noon. Kahit na
Si Saydie lang ang nanatili sa ospital sa nagdaang dalawang araw. Wala si Nolan.Nakamasid si Maisie sa labas ng bintana ng sasakyan. Autumn na, kulay-ginto na ang mga punong tumutubo sa magkabilang gilid ng kalsada. Parang gintong carpet ang mga dahon sa lupa, nagdadagdag ito ng kulay sa nakapaligid na mga gusali.Sumasayaw ang mga dahon kapag nadadaanan ng mga sasakyan.Dinala ni Maisie si Waylon sa Easton Estate, pumasok sila sa villa, at nakita si Strix na hinihintay siya sa living room.“Dad.” Lumapit si Maisie sa kaniya habang hawak ang kamay ni Waylon.Tiningnan ni Strix si Waylon. “Sino ang batang ‘to?”“Anak ko.” Ngumiti si Maisie sabay akbay sa balikat ni Waylon. “Si Waylon Vanderbilt.”Binaba ni Strix ang kaniyang tasa at ngumiti. “May binatilyo ka ng anak.”Sumagot si Waylon, “Tatlo po kami. Mayroon akong isang kapatid na lalaki at isang babae.”Ngumiti si Maisie pero walang sinabi nang makita ang pagkagulat ni Strix.Hinayaan niya si Saydie na ilibot si
Mangyayari ang final stage sa loob lang ng maikling panahon pagkatapos ng ikatlong taon. Tuloy-tuloy na uubo ng dugo ang pasyente, hihina ang immune system, at lalagnatin nang malala. Mamamatay na lang siya bigla dahil hindi na kakayanin ng organs niya ang sakit.May naisip si Maisie at saka tumayo, “Oo nga pala, kung… kung walang incubation period ang sleeper virus at nagsimula agad lagnatin at umubo ng dugo ang pasyente, anong klaseng virus yun?”Tumalikod si Strix para harapin siya. “Mutated sleeper virus yun. Mabilis na magkakasakit ang mga tao. Tatlo hanggang apat na taon lang ang itatagal ng pasyente.”“Tatlo, apat na taon..”Namutla si Maisie. Paano yun nangyari? Nasa pangatlong taon na si Nolan!“Anong problema, Zee?” Nagtataka siyang pinagmasdan ni Strix.Bumalik sa realidad si Maisie at sinabi, “Dad, may gamot ba para sa mga infected?”Nagsalubong ang mga kilay ni Strix na para bang nag-iisip siya nang malalim, “Hindi sapat ang medical research ngayon para makah
Isang gwardiya ang dumating. “Mr. Goldmann, Quincy. Nandito si Ms. Vanderbilt.”Huminto si Nolan at kalmado na sumagot, “Papasukin mo siya.”Gusto ni Nolan na samahan ni Waylon si Maisie para hindi niya ito makita nang ilang araw, pero pinuntahan pa rin siya nito.Seryosong pumasok si Maisie pero kalmado siya.Umalis si Quincy at sinara ang pinto.Lumapit si Maisie sa study desk. “Iniiwasan mo ba ako?”Ngumiti lang si Nolan. “Talaga ba?”Itinabi ni Maisie ang mga dokumento sa harapan ni Nolan. “Oo, hindi mo ako pinuntahan nang lumabas ako sa ospital. Nagsisisi ka ba?”Ngumiti lang si Nolan pero hindi sumagot.Pinatong ni Maisie ang mga kamay sa mesa. “Nolan, kung magsisisi ka, hindi na ako magpapakita simula bukas.”Mayroong lihim sa mga mata ni Nolan habang tinititigan si Maisie.Naupo si Masie sa desk at lumapit kay Nolan. Bumagsak ang malambot niyang buhok, mas lalo siyang naging kaakit-akit.Dinuro niya ang pocket square ni Nolan. “Kung wala kang sasabihin,
Bumuntong-hininga si Maisie at hindi gumalaw sa mga bisig ni Nolan. “Pagod ako.”Tumalikod si Nolan. “Pagod?”Nanghihinang yumakap si Maisie sa leeg niya. “Sa iyo lang ako ngayon.”“You little minx.” Madiin siyang hinalikan ni Nolan. Isa na nanaman yung gabi na puno ng pagmamahal.Kinabukasan…Gumising si Maisie at naghanda ng almusal nang may marinig siyang ingay sa labas. Sumilip siya at nakita si Titus na paparating kasama ang dalawang bodyguard.Nagulat si Titus nang makita si Maisie, nakakunot ang kaniyang noo. “Bakit ka nandito?”Kasunod ni Quincy si Waylon pababa ng hagdan. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Quincy at saka maingat na lumapit. “Nandito na pala kayo, sir.”“Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa iyo o hindi mo lang pinapansin?”Ang ibig sabihin ni Titus ay ang paglapit ni Maisie kay Nolan.Malamig na nagsalita si Waylon bago pa makasagot si Quincy. “Bakit hindi pwedeng makita ni Mommy si Daddy?”“Sinusuway niyo akong lahat!” Sigaw ni Titus. S
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio
“Salamat man, ang bait mo.”Nang sabihin niya ‘yon, nang makita ni Yvonne na sapat lang para sipsipin ang sabaw sa tasa niya, nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Hindi niya mapigilan na umirap.‘Nang sinabi niyang bibigyan niya ako nang kaunti, ganoon talaga ang ibig niyang sabihin, huh?’Nang makita ang ekspresyon niya, hindi mapigilan ng aktor na gumanap bilang pulis na tumawa at mahiwatig na sinabing, “Evie, sinabi niya lang na galing sa pamilya niya ang sabaw pero baka hindi ito galing sa mom niya.”Agad na naintindihan ni Yvonne ang ibig niyang sabihin. “Pfft, kaya pala. Kaya pala ang damot niya…”Pabulong na lang ang huli niyang sinabi.Pagkatapos uminom ni James ng sabaw, kumunot niya nang kakaiba ang titig sa kaniya ng dalawa. “Anong problema?”“Wala, ayos lang ang lahat. I-enjoy mo ang sabaw mo, hindi ka na namin guguluhin ni Evie.”Nagpalitan ng tingin ang aktor at si Yvonne, at bumalik silang dalawa sa ginagawa nila.Sa kabilang banda ng siyudad…Nang makabalik si
Sa Kong Ports…Si James na nagsh-shoot ng sunod niyang scene sa police station ay bumahing ng tatlong beses at ang actor na gumaganap bilang pulis na nasa harap miya ay inangat ang kaniyang ulo. “Nagkaroon ka ba ng sipon ngayong mainit naman ang panahon?”“Mukhang may naninira sa akin.”Inasar siya ng actor. “Baka may nag-iisip sa'yo.”‘Iniisip ako?’Nagulat si James at nanginig habang naaalala ang mukha ng babae sa isip niya.‘Imposible ‘yon.’Pagkatapos magbiruan ng dalawa, nagsimula na ang filming ay sumigaw si Ronny, “Action!”Ang aktor na gumanap bilang police officer ay agad na nakahanda sa kaniyang role at hinampas ang notebook sa mesa. “Nagpapanggap ka pa rin na inosente? May fingerprint mo ang tasa na ginamit ng namatay! So ikaw ang naglagay ng sleeping pills sa inumin niya? Sabihin mo na sa akin ang totoo!”Dahil hindi inakala ni James na nakahanda na agad ito sa eksena, bigla siyang tumawa. Nasira ng tawa ni James ang eksena pero nang mapansin niya na hindi tinapos
Inangat ni Cameron ang ulo niya at kinagat ang kaniyang tinidor. “So, ako ba ang special?”Kinuhanan siya ni Waylon ng sabaw. “Matakaw ka lang din talaga. Kakain ka nang kahit ano kung walang pipigil sa'yo.”Kinagat niya ang kaniyang labi at walang sinabi.Tumawa si Nicholas. “Mabuti sa buntis na kumain nang marami. Nang buntis ang lola niyo sa dad niyo, mahilig din siya kumain tulad ni Cam. Kakainin niya ang lahat ng makikita niya. Nagtago pa nga siya ng ibang pagkain mula sa'kin.”Sa pagtatago ng pagkain, na-guilty bigla si Cameron.Napansin ni Waylob ang pagbabago sa ekspresyon niya at naningkit. “Sinasabi mo ba sa akin na nagtago ka rin?”Mabilis siyang tumanggi. “Hindi! Mukha ba akong magtatago ng pagkain? Imposible talaga ‘yon!”Tumawa ang lahat ng nasa dining table.…Sa isang iglap, nagsisimula na ang July. Nang summer break ni Deedee, dinala siya ni Brandon sa Yaramoor, at pumunta rin doon si Freyja para bisitahin si Leia at Norman.Naka-graduate na rin sila at inasi
Lumapit si Waylon sa ice cream cart at nang kukunin na niya ang wallet niya, ilang bata ang tumingin sa kaniya nang masama. “Sir, may pila dito. Hindi ka pwedeng sumingit.”Natigil siya sandali, lumapit siya at tiningnan ang mga bata. “Paano kung ganito? Bibilhan ko pa kayo ng tig-iisang ice cream at ang kailangan niyo lang gawin ay pasingitin ako, okay?”Nagpalitan ng tingin ang mga bata.‘Mukhang magandang kasunduan ito!’Lahat sila ay pumayag sa sinabi ni Waylon sa huli.Bumili si Waylon ng ice cream at bumili pa ng tig-iisa sa mga bata habang nandoon. Pagkatapos magbayad sa lahat ng ice cream, kinuha niya ang isa at lumapit kay Cameron.Hindi mapigilan ni Cameron na matawa nang malakas. “Nakaisip ka talaga nang ganoong paraan para sumingit sa pila?”Inabot ni Waylon ang ice cream sa kaniya. “Ang problema na kayang ayusin ng ice cream ay hindi problema sa akin.”Binuksan ni Cameron ang ice cream at tinikman.Kapag nagsabay ang mainit na panahon at malamig na ice cream, naka
Nang sabihin yon ni Morrison, pumasok si Leah suot ang champagne-colored na low-necked ling gown.Sa ilalim nang makinang na ilaw, mas naging malinaw ang papalapit na tao, may maganda itong makeup at eleganteng kilos.Nakatitig si Morrison sa kaniya at hindi mapigilan ng mata niya na sundan si Leah.“Pasensya na at pinaghintay ko kayo.” Tumayo si Leah sa harap nila nang may ngiti sa kaniyang mukha.Biglang bumalik si Morrison sa kaniyang ulirat, tumikhim sita at agad niya hinubad ang jacket niya at isinabit sa balikat ni Leah.Nagulat si Leah sa biglang kilos ni Leah.Seryosong sinabi ni Morrison, “Nakabukas ang air conditioner. Nag-aalala lang aki na baja sipunin ka.”Gusto ni Leah na hubarin ang jacket nito. “Pero hindi naman malamig dito.”“Hindi, nilalamig ka siguro.” Hinawakan ni Morrison ang kamay niya, hindi niya hinayaan na alisin ni Leah ang jacket.Nagpalitan ng tingin si Waylon at Cameron at hindi napigilan na ngumiti.“Lay.” Lumapit si Benjamin at nakita si Waylon
Inangat ni Zephir ang ulo niya, pakiramdam niya ay napuspos siya ng pusa.Kinagat mi Ursule ang straw sa baso niya at tumawa. “Nagiging masyado lang masigla si Kisses, kaya huwag niyo na lang pansinin, sir.”Inilayo ni Zephir ang makulit na pusa sa kaniyang mukha at kumunot. “Sir?”“Kahit na mukha kang bata, kasing edad mo si Mr. Quigg, hindi ba?”Natahimik si Zephir.‘May mali ba siyang naiisip tungkol sa edad ko?’Tumingin siya sa pusa sa kaniyang braso at mahinahon na hinaplos ang balahibo nito. “Apat na taon ang tanda sa akin ni Yale.”“Okay, gawin natin ang basic math. Apat na taon ang tanda sa'yo ni Mr. Quigg kaya 30 years old ka na at 11 na taon ang tanda mo sa akin, kaya hindi ba dapat sir ang tawag ko sa'yo?”‘Hindi pa nga ako pinapanganak nang 11 na taong gulang siya.’Tiningnan siya ni Zephir.‘Isa na talaga siyang young adult.’“Meow!” Hinila ni Kisses ang damit ni Zephir gamit ang paw nito at natusok pa nang bahagya ang braso ni Zephir.Nagulat si Ursule kaya a