Si Saydie lang ang nanatili sa ospital sa nagdaang dalawang araw. Wala si Nolan.Nakamasid si Maisie sa labas ng bintana ng sasakyan. Autumn na, kulay-ginto na ang mga punong tumutubo sa magkabilang gilid ng kalsada. Parang gintong carpet ang mga dahon sa lupa, nagdadagdag ito ng kulay sa nakapaligid na mga gusali.Sumasayaw ang mga dahon kapag nadadaanan ng mga sasakyan.Dinala ni Maisie si Waylon sa Easton Estate, pumasok sila sa villa, at nakita si Strix na hinihintay siya sa living room.“Dad.” Lumapit si Maisie sa kaniya habang hawak ang kamay ni Waylon.Tiningnan ni Strix si Waylon. “Sino ang batang ‘to?”“Anak ko.” Ngumiti si Maisie sabay akbay sa balikat ni Waylon. “Si Waylon Vanderbilt.”Binaba ni Strix ang kaniyang tasa at ngumiti. “May binatilyo ka ng anak.”Sumagot si Waylon, “Tatlo po kami. Mayroon akong isang kapatid na lalaki at isang babae.”Ngumiti si Maisie pero walang sinabi nang makita ang pagkagulat ni Strix.Hinayaan niya si Saydie na ilibot si
Mangyayari ang final stage sa loob lang ng maikling panahon pagkatapos ng ikatlong taon. Tuloy-tuloy na uubo ng dugo ang pasyente, hihina ang immune system, at lalagnatin nang malala. Mamamatay na lang siya bigla dahil hindi na kakayanin ng organs niya ang sakit.May naisip si Maisie at saka tumayo, “Oo nga pala, kung… kung walang incubation period ang sleeper virus at nagsimula agad lagnatin at umubo ng dugo ang pasyente, anong klaseng virus yun?”Tumalikod si Strix para harapin siya. “Mutated sleeper virus yun. Mabilis na magkakasakit ang mga tao. Tatlo hanggang apat na taon lang ang itatagal ng pasyente.”“Tatlo, apat na taon..”Namutla si Maisie. Paano yun nangyari? Nasa pangatlong taon na si Nolan!“Anong problema, Zee?” Nagtataka siyang pinagmasdan ni Strix.Bumalik sa realidad si Maisie at sinabi, “Dad, may gamot ba para sa mga infected?”Nagsalubong ang mga kilay ni Strix na para bang nag-iisip siya nang malalim, “Hindi sapat ang medical research ngayon para makah
Isang gwardiya ang dumating. “Mr. Goldmann, Quincy. Nandito si Ms. Vanderbilt.”Huminto si Nolan at kalmado na sumagot, “Papasukin mo siya.”Gusto ni Nolan na samahan ni Waylon si Maisie para hindi niya ito makita nang ilang araw, pero pinuntahan pa rin siya nito.Seryosong pumasok si Maisie pero kalmado siya.Umalis si Quincy at sinara ang pinto.Lumapit si Maisie sa study desk. “Iniiwasan mo ba ako?”Ngumiti lang si Nolan. “Talaga ba?”Itinabi ni Maisie ang mga dokumento sa harapan ni Nolan. “Oo, hindi mo ako pinuntahan nang lumabas ako sa ospital. Nagsisisi ka ba?”Ngumiti lang si Nolan pero hindi sumagot.Pinatong ni Maisie ang mga kamay sa mesa. “Nolan, kung magsisisi ka, hindi na ako magpapakita simula bukas.”Mayroong lihim sa mga mata ni Nolan habang tinititigan si Maisie.Naupo si Masie sa desk at lumapit kay Nolan. Bumagsak ang malambot niyang buhok, mas lalo siyang naging kaakit-akit.Dinuro niya ang pocket square ni Nolan. “Kung wala kang sasabihin,
Bumuntong-hininga si Maisie at hindi gumalaw sa mga bisig ni Nolan. “Pagod ako.”Tumalikod si Nolan. “Pagod?”Nanghihinang yumakap si Maisie sa leeg niya. “Sa iyo lang ako ngayon.”“You little minx.” Madiin siyang hinalikan ni Nolan. Isa na nanaman yung gabi na puno ng pagmamahal.Kinabukasan…Gumising si Maisie at naghanda ng almusal nang may marinig siyang ingay sa labas. Sumilip siya at nakita si Titus na paparating kasama ang dalawang bodyguard.Nagulat si Titus nang makita si Maisie, nakakunot ang kaniyang noo. “Bakit ka nandito?”Kasunod ni Quincy si Waylon pababa ng hagdan. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Quincy at saka maingat na lumapit. “Nandito na pala kayo, sir.”“Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa iyo o hindi mo lang pinapansin?”Ang ibig sabihin ni Titus ay ang paglapit ni Maisie kay Nolan.Malamig na nagsalita si Waylon bago pa makasagot si Quincy. “Bakit hindi pwedeng makita ni Mommy si Daddy?”“Sinusuway niyo akong lahat!” Sigaw ni Titus. S
Pinagsisisihan siguro yun ni Titus.“Mr. Goldmann?” Nagulat si Quincy nang makita si Nolan na nakatayo sa hagdanan.Narinig niya ba ang lahat?Dahan-dahang bumaba si Nolan at huminto sa harapan ni Maisie, nginitian niya ito. “Akala ko umalis ka na.”Nilapag ni Maisie ang mga kutsara’t tinidor sa mesa. “Kailangan ko pa rin maghanda ng almusal para sa anak ko at sa tatay ng anak ko bago ako umalis.”Masayang ngumiti si Nolan nang marinig ang mga salitang ‘tatay ng anak ko.’ “Mukhang hindi makakatulog at makakakain nang maayos ang lolo ko sa mga susunod na araw dahil sa iyo.”Nagsalin si Maisie ng sariwang orange juice sa baso para kay Waylon. “Sinasabi ko lang ang totoo, mali ba ako?”Ngumisi si Nolan, hindi niya pinansin ang iba at niyakap si Maisie at inamoy ang buhok nito. “Mm, mabuti.”Nakita ni Maisie na may ibang tao pa rin, tinulak niya si Nolan gamit ang siko habang namumula. “Tumigil ka na at mag-almusal. Kailangan kong bumalik mamaya.”“Mommy, aalis kayo ulit?
Nagulat si Strix. Makalipas ang mahabang sandali, yumuko siya at sinabi, "Oo, tama ka. Ginamit niya ang panganganak mo para masabi niyang nagtagumpay ako."Huminto ang sasakyan sa labas ng research building. Isang lalaki at babae ang nakatayo sa entrance. Pareho silang taga-Morwich, sila ay nasa 30s na. Nakasuot sila ng puting coat na susuotin lang kung nasa duty sila, may naka-pin din na id card sa harap ng kanilang dibdib. Nang makita ng lalaking naka-buzz cut si Strix, magiliw siyang ngumiti at sinabi, "Bumalik ka na rin!""Oo, pero huwag mo sabihin kahit kanino na bumalik na ako, kahit kay director." Sabi ni Strix. Tumango siya at sumagot, "Sige, at ito ay…"Hindi pa nagpapakita ng sarili si Maisie sa media nang nasa Morwich siya kaya hindi siya kilala. Tumingin si Strix kay Maisie at pinakilala siya. "Anak siya ni Marina. Alice ang pangalan niya."Nagulat ang lalaki at babae.Sa loob ng opisina…Kinuha ni Maisie ang tasa ng kape sa isang babae, ngumiti siya
Tumingin sa kanya si Marlo at sinabing, "Kung gagamitin mo ang dugo niya para makagawa ng bagong antibodies, ang porsyento na maka-survive ng antibodies sa non-living blood ay mababa pagkatapos makuha ng dugo at masira."Sa madaling salita, mayroon lang ilang segundo para magawa nila ang extraction process pagkatapos makuha ng dugo niya, at pag nagkamali sila, mag-uumpisa sila ulit.Sa gayon, ilang beses silang kukuha ng dugo? Kukunin ba nila lahat ng dugo niya? Paano kung hindi nila magawa kahit na ilang beses nilang sinubukan?Naintindihan ni Strix lahat ng sinabi niya.Noong una, ayaw din niyang gamitin ang paraan na 'to.Pero, pag naiisip niya ang sinabi ni Maisie na naniniwala siya sa kanya, naramdaman niyang hindi niya ito hahayaan.Ayaw ni Strix na biguin siya, pero natatakot siya na hindi kayanin ito.Dati ay hindi niya nagawa ang antibodies na makakaligtas kay Marina, magagawa niya kaya ngayon?Hindi niya alam.Namumuhay siyang nagsisisi sa lahat ng taon na d
Matapos ang ilang sandali, sinara ni Nolan ang libro at sinabing, "Tara at puntahan natin sila."Nasa eastern region ng Ambergate street ang Regent restaurant. Ito ang pinakamalaking restaurant sa Ambergate street, kilala bilang “The Pearl of Ambergate”.Dumadagdag sa dating itsura ng street ang vintage na mga gusali. Puno ng iba't ibang tindahan ang street, tulad ng mga sanglaan, themed restaurant, jewelry store, hotels, banko, cafes, at marami pang iba. Lokal ang karamihan sa mga tao, pero meron ding mga dayuhan.May dalawang grupo ng tao ang nakatayo sa loob ng Sky One, ang pinakamalaking private room sa Regent Restaurant.Nakatayo ang waiter sa tabi ng lamesa habang naglalagay ng tsaa.Kinuha ni Titus ang tasa ng tsaa at tinanong, "Ikaw si Ms. Reynolds? Pwede ka bang magkwento tungkol sa sarili mo?"Nakaupo sa kabilang dulo ng lamesa ang babaeng nakasuot ng puting blazer na may panloob na black shirt. Mukha siyang matalino at propesyonal Naglagay siya ng makeup at na