Nagulat si Strix. Makalipas ang mahabang sandali, yumuko siya at sinabi, "Oo, tama ka. Ginamit niya ang panganganak mo para masabi niyang nagtagumpay ako."Huminto ang sasakyan sa labas ng research building. Isang lalaki at babae ang nakatayo sa entrance. Pareho silang taga-Morwich, sila ay nasa 30s na. Nakasuot sila ng puting coat na susuotin lang kung nasa duty sila, may naka-pin din na id card sa harap ng kanilang dibdib. Nang makita ng lalaking naka-buzz cut si Strix, magiliw siyang ngumiti at sinabi, "Bumalik ka na rin!""Oo, pero huwag mo sabihin kahit kanino na bumalik na ako, kahit kay director." Sabi ni Strix. Tumango siya at sumagot, "Sige, at ito ay…"Hindi pa nagpapakita ng sarili si Maisie sa media nang nasa Morwich siya kaya hindi siya kilala. Tumingin si Strix kay Maisie at pinakilala siya. "Anak siya ni Marina. Alice ang pangalan niya."Nagulat ang lalaki at babae.Sa loob ng opisina…Kinuha ni Maisie ang tasa ng kape sa isang babae, ngumiti siya
Tumingin sa kanya si Marlo at sinabing, "Kung gagamitin mo ang dugo niya para makagawa ng bagong antibodies, ang porsyento na maka-survive ng antibodies sa non-living blood ay mababa pagkatapos makuha ng dugo at masira."Sa madaling salita, mayroon lang ilang segundo para magawa nila ang extraction process pagkatapos makuha ng dugo niya, at pag nagkamali sila, mag-uumpisa sila ulit.Sa gayon, ilang beses silang kukuha ng dugo? Kukunin ba nila lahat ng dugo niya? Paano kung hindi nila magawa kahit na ilang beses nilang sinubukan?Naintindihan ni Strix lahat ng sinabi niya.Noong una, ayaw din niyang gamitin ang paraan na 'to.Pero, pag naiisip niya ang sinabi ni Maisie na naniniwala siya sa kanya, naramdaman niyang hindi niya ito hahayaan.Ayaw ni Strix na biguin siya, pero natatakot siya na hindi kayanin ito.Dati ay hindi niya nagawa ang antibodies na makakaligtas kay Marina, magagawa niya kaya ngayon?Hindi niya alam.Namumuhay siyang nagsisisi sa lahat ng taon na d
Matapos ang ilang sandali, sinara ni Nolan ang libro at sinabing, "Tara at puntahan natin sila."Nasa eastern region ng Ambergate street ang Regent restaurant. Ito ang pinakamalaking restaurant sa Ambergate street, kilala bilang “The Pearl of Ambergate”.Dumadagdag sa dating itsura ng street ang vintage na mga gusali. Puno ng iba't ibang tindahan ang street, tulad ng mga sanglaan, themed restaurant, jewelry store, hotels, banko, cafes, at marami pang iba. Lokal ang karamihan sa mga tao, pero meron ding mga dayuhan.May dalawang grupo ng tao ang nakatayo sa loob ng Sky One, ang pinakamalaking private room sa Regent Restaurant.Nakatayo ang waiter sa tabi ng lamesa habang naglalagay ng tsaa.Kinuha ni Titus ang tasa ng tsaa at tinanong, "Ikaw si Ms. Reynolds? Pwede ka bang magkwento tungkol sa sarili mo?"Nakaupo sa kabilang dulo ng lamesa ang babaeng nakasuot ng puting blazer na may panloob na black shirt. Mukha siyang matalino at propesyonal Naglagay siya ng makeup at na
Habang pauwi na sila, nakatingin si Nolan sa bintana, malalim ang tingin niya.Tiningnan siya ni Quincy sa rear mirror at tinanong, "Mr. Goldmann, estudyante talaga ni Strix si Sue? Diba parang ang bata pa niya?"Binawi ni Nolan ang tingin niya at sinabing, "Malalaman natin yan pag nakita na natin di Hernandez.""Hernandez?" Nagulat si Quincy. "Sinasabi mo bang kilala ni Hernandez si Strix? Noong nagkaroon ng pagsiklab 30 years ago, gumawa si Strix ng pangalan niya pagkatapos niyang magpakita sa Stoslo. Pero, maliban sa alam ang pangalan niya, sabi nila konti lang ang nakakita sa kanya. Walang sinuman ang nakakita sa kaniya nang umalis siya sa medical world. Paano nakilala ni Hernandez si Strix?"Tinaas ni Nolan ang ulo niya at sinabi, "Dahil kay Marina.""Nanay ni Ms. Vanderbilt?" Nagulat si Quincy. "Hindi ba may koneksyon ang nanay ni Ms. Vanderbilt niya sa Metropolis? Killa niya rin si Strix? Posible kayang si Strix…""Ang isang bagay na alam natin tungkol kay Strix ay t
Pagkatapos ng physical examination, pumunta si Maisie naka-hospital gown sa operating room. Humiga siya, nakatingin sa mga operating lights, at iniisip paano niya nakayanan ipanganak ang mga bata. Pinuntahan siya ni Strix at sinabit ang blood bag sa tabi niya.Naglagay sila ng anesthesia sa balat ni Maisie nang umpisahan siyang kunan ng dugo, kaya hindi siya masyadong nakaramdam ng sakit. Pero, nang dumaloy na ang dugo niya sa kaniyang ugat, nakaramdam na siya ng sakit. Dahan-dahan na siyang nasaktan, pero pumipintig ito ng pigain nila ang dugo. Pakiramdam niya ay parang may patuloy na sumasaksak sa isang sugat gamit ang kutsilyo. Kumunot ang noo ni Maisie, pero kinagat niya ang labi nita at tiniis ang sakit. Nagsimula na siyang mahilo, paninikip ng dibdib, at nahirapan sa paghinga nang makarating sa partikular na bahagi. "Umpisahan na ang pagbuhos ng dugo," kalmado na utos ni Strix.Nauubusan na si Maisie ng dugo, kaya kailangan na nilang umpisahan agad ang pagsasalin
Huminto si Erwin sa tabi niya. "Ayos na ba pakiramdam mo?"Tumango si Maisie nang nakangiti. "Halos magaling na ako. Siya nga pala, tito Erwin, may nakuha bang kahit ano na balita ang mga tauhan mo tungkol kay lolo sa Stoslo?Bahagyang namangha si Erwin, at umiling ang kanyang ulo. "Wala pa rin."Binaba ni Maisie ang tingin niya nang marinig iyon. 'Wala pa rin akong naririnig na balita tungkol sa lolo ko, at natatakot ako na baka maging mas babala ang mga nangyayari kaysa maging mabuti.'Dahan-dahang tumayo si Maisie. "Gusto ko ng bumalik sa Stoslo.""Hindi ka makakabalik ngayon.""Bakit?" Sandaling nagulat si Maisie. At nagtanong siya nang makita ang bahagyang nandilim na mukha ni Erwin, "May nangyari ba?"Hindi nagtago si Erwin ng kahit ano sa kaniya. "May isang taong nakagawa ng bagong vaccine sa Stoslo na ginagamit ang pagkakakilanlan ni Strix, at naging malaking gulo yun sa bansa. Naganap lang ang pagbagsak ng Kents pagkatapos ng pagkawala ni Hernandez, pero sa pa
Kumalma si Titus at ngumiti nang marinig ang sagot. "Sige, mabuti yun."Halata sa ekspresyon ni Quincy ang pagkagulat.'Nasa kontrol na ang virus? Pero kung hindi si Strix ang taong yun, sino naman ang may ganung abilidad? Maaari kayang mali kami ng hinala ni Mr. Goldmann?'Umangat ang sulok ng mga labi ni Sue, at ngumiti siya. "Mr. Goldmann, nagtitiwala na ba kayo ngayon sa teacher ko?" Nakuha ni Titus ang magandang resulta na gusto niya, kaya natural lang na mas maniwala siya kay Sue. "Buong buhay kong maalala ang kabaitan na pinakita niyo sa mga Goldmann, kaya sabihin niyo lang sa akin kung may kakailanganin kayo sa hinaharap.""Hindi niyo na kailangan mangako nang ganyan, Mr. Goldmann. Buong buhay ng teacher ko ay nilaan niya para sa research na ito, at wala na siyang kailangan. Sapat na sa kanya na makatulong sa mga tao."Natuwa si Titus sa mababang-loob na sagot ni Sue. "Kung may maging kailangan man, magsabi lang kayo. Hindi niyo kailangan maging magalang sa aming m
Hindi nagsalita si Maisie.Walang nagawa si Nolan. "Sinabihan siya ng lolo ko na manatili dito para alagaan ako."'Kahit na hindi ko kailangan.'Ngumiti si Maisie. "Sobrang nag-aalala talaga ang lolo mo sa'yo. Nagawang kontrolin ni Strix na galing sa Stoslo ang virus sa katawan mo, at estudyante siya ni Strix. Dahil doon, malaki ang pag-asa niya. Panigurado na pinipilit ka ng lolo mo ngayon na makipag-divorce na sa'kin at pakasalanan siya, tama ba?"Bahagyang napakunot si Nolan habang pinipisil niya ang ilong niya. "Hindi ka ba natatakot masira ang ngipin mo kapag sobrang sour ng mga sinasabi mo?""Huwag mo ihawak sa'kin yang kamay mo na pinanghawak mo sa kaniya kanina!" Tinanggal ni Maisie ang pagkakahawak sa kaniya. Nainis siya sa nangyari na para bang may humawak sa bagay na pagmamay-ari niya. Nandidiri siya!Niyakap siya ni Nolan, at namamaos ang boses niya. "Wala ng lugar ang puso ko para sa ibang babae—sakop mo lahat. Puputulin ko ang kamay ko kung ayaw mo maniwala. A
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio
“Salamat man, ang bait mo.”Nang sabihin niya ‘yon, nang makita ni Yvonne na sapat lang para sipsipin ang sabaw sa tasa niya, nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Hindi niya mapigilan na umirap.‘Nang sinabi niyang bibigyan niya ako nang kaunti, ganoon talaga ang ibig niyang sabihin, huh?’Nang makita ang ekspresyon niya, hindi mapigilan ng aktor na gumanap bilang pulis na tumawa at mahiwatig na sinabing, “Evie, sinabi niya lang na galing sa pamilya niya ang sabaw pero baka hindi ito galing sa mom niya.”Agad na naintindihan ni Yvonne ang ibig niyang sabihin. “Pfft, kaya pala. Kaya pala ang damot niya…”Pabulong na lang ang huli niyang sinabi.Pagkatapos uminom ni James ng sabaw, kumunot niya nang kakaiba ang titig sa kaniya ng dalawa. “Anong problema?”“Wala, ayos lang ang lahat. I-enjoy mo ang sabaw mo, hindi ka na namin guguluhin ni Evie.”Nagpalitan ng tingin ang aktor at si Yvonne, at bumalik silang dalawa sa ginagawa nila.Sa kabilang banda ng siyudad…Nang makabalik si
Sa Kong Ports…Si James na nagsh-shoot ng sunod niyang scene sa police station ay bumahing ng tatlong beses at ang actor na gumaganap bilang pulis na nasa harap miya ay inangat ang kaniyang ulo. “Nagkaroon ka ba ng sipon ngayong mainit naman ang panahon?”“Mukhang may naninira sa akin.”Inasar siya ng actor. “Baka may nag-iisip sa'yo.”‘Iniisip ako?’Nagulat si James at nanginig habang naaalala ang mukha ng babae sa isip niya.‘Imposible ‘yon.’Pagkatapos magbiruan ng dalawa, nagsimula na ang filming ay sumigaw si Ronny, “Action!”Ang aktor na gumanap bilang police officer ay agad na nakahanda sa kaniyang role at hinampas ang notebook sa mesa. “Nagpapanggap ka pa rin na inosente? May fingerprint mo ang tasa na ginamit ng namatay! So ikaw ang naglagay ng sleeping pills sa inumin niya? Sabihin mo na sa akin ang totoo!”Dahil hindi inakala ni James na nakahanda na agad ito sa eksena, bigla siyang tumawa. Nasira ng tawa ni James ang eksena pero nang mapansin niya na hindi tinapos
Inangat ni Cameron ang ulo niya at kinagat ang kaniyang tinidor. “So, ako ba ang special?”Kinuhanan siya ni Waylon ng sabaw. “Matakaw ka lang din talaga. Kakain ka nang kahit ano kung walang pipigil sa'yo.”Kinagat niya ang kaniyang labi at walang sinabi.Tumawa si Nicholas. “Mabuti sa buntis na kumain nang marami. Nang buntis ang lola niyo sa dad niyo, mahilig din siya kumain tulad ni Cam. Kakainin niya ang lahat ng makikita niya. Nagtago pa nga siya ng ibang pagkain mula sa'kin.”Sa pagtatago ng pagkain, na-guilty bigla si Cameron.Napansin ni Waylob ang pagbabago sa ekspresyon niya at naningkit. “Sinasabi mo ba sa akin na nagtago ka rin?”Mabilis siyang tumanggi. “Hindi! Mukha ba akong magtatago ng pagkain? Imposible talaga ‘yon!”Tumawa ang lahat ng nasa dining table.…Sa isang iglap, nagsisimula na ang July. Nang summer break ni Deedee, dinala siya ni Brandon sa Yaramoor, at pumunta rin doon si Freyja para bisitahin si Leia at Norman.Naka-graduate na rin sila at inasi
Lumapit si Waylon sa ice cream cart at nang kukunin na niya ang wallet niya, ilang bata ang tumingin sa kaniya nang masama. “Sir, may pila dito. Hindi ka pwedeng sumingit.”Natigil siya sandali, lumapit siya at tiningnan ang mga bata. “Paano kung ganito? Bibilhan ko pa kayo ng tig-iisang ice cream at ang kailangan niyo lang gawin ay pasingitin ako, okay?”Nagpalitan ng tingin ang mga bata.‘Mukhang magandang kasunduan ito!’Lahat sila ay pumayag sa sinabi ni Waylon sa huli.Bumili si Waylon ng ice cream at bumili pa ng tig-iisa sa mga bata habang nandoon. Pagkatapos magbayad sa lahat ng ice cream, kinuha niya ang isa at lumapit kay Cameron.Hindi mapigilan ni Cameron na matawa nang malakas. “Nakaisip ka talaga nang ganoong paraan para sumingit sa pila?”Inabot ni Waylon ang ice cream sa kaniya. “Ang problema na kayang ayusin ng ice cream ay hindi problema sa akin.”Binuksan ni Cameron ang ice cream at tinikman.Kapag nagsabay ang mainit na panahon at malamig na ice cream, naka