Matapos ang ilang sandali, sinara ni Nolan ang libro at sinabing, "Tara at puntahan natin sila."Nasa eastern region ng Ambergate street ang Regent restaurant. Ito ang pinakamalaking restaurant sa Ambergate street, kilala bilang “The Pearl of Ambergate”.Dumadagdag sa dating itsura ng street ang vintage na mga gusali. Puno ng iba't ibang tindahan ang street, tulad ng mga sanglaan, themed restaurant, jewelry store, hotels, banko, cafes, at marami pang iba. Lokal ang karamihan sa mga tao, pero meron ding mga dayuhan.May dalawang grupo ng tao ang nakatayo sa loob ng Sky One, ang pinakamalaking private room sa Regent Restaurant.Nakatayo ang waiter sa tabi ng lamesa habang naglalagay ng tsaa.Kinuha ni Titus ang tasa ng tsaa at tinanong, "Ikaw si Ms. Reynolds? Pwede ka bang magkwento tungkol sa sarili mo?"Nakaupo sa kabilang dulo ng lamesa ang babaeng nakasuot ng puting blazer na may panloob na black shirt. Mukha siyang matalino at propesyonal Naglagay siya ng makeup at na
Habang pauwi na sila, nakatingin si Nolan sa bintana, malalim ang tingin niya.Tiningnan siya ni Quincy sa rear mirror at tinanong, "Mr. Goldmann, estudyante talaga ni Strix si Sue? Diba parang ang bata pa niya?"Binawi ni Nolan ang tingin niya at sinabing, "Malalaman natin yan pag nakita na natin di Hernandez.""Hernandez?" Nagulat si Quincy. "Sinasabi mo bang kilala ni Hernandez si Strix? Noong nagkaroon ng pagsiklab 30 years ago, gumawa si Strix ng pangalan niya pagkatapos niyang magpakita sa Stoslo. Pero, maliban sa alam ang pangalan niya, sabi nila konti lang ang nakakita sa kanya. Walang sinuman ang nakakita sa kaniya nang umalis siya sa medical world. Paano nakilala ni Hernandez si Strix?"Tinaas ni Nolan ang ulo niya at sinabi, "Dahil kay Marina.""Nanay ni Ms. Vanderbilt?" Nagulat si Quincy. "Hindi ba may koneksyon ang nanay ni Ms. Vanderbilt niya sa Metropolis? Killa niya rin si Strix? Posible kayang si Strix…""Ang isang bagay na alam natin tungkol kay Strix ay t
Pagkatapos ng physical examination, pumunta si Maisie naka-hospital gown sa operating room. Humiga siya, nakatingin sa mga operating lights, at iniisip paano niya nakayanan ipanganak ang mga bata. Pinuntahan siya ni Strix at sinabit ang blood bag sa tabi niya.Naglagay sila ng anesthesia sa balat ni Maisie nang umpisahan siyang kunan ng dugo, kaya hindi siya masyadong nakaramdam ng sakit. Pero, nang dumaloy na ang dugo niya sa kaniyang ugat, nakaramdam na siya ng sakit. Dahan-dahan na siyang nasaktan, pero pumipintig ito ng pigain nila ang dugo. Pakiramdam niya ay parang may patuloy na sumasaksak sa isang sugat gamit ang kutsilyo. Kumunot ang noo ni Maisie, pero kinagat niya ang labi nita at tiniis ang sakit. Nagsimula na siyang mahilo, paninikip ng dibdib, at nahirapan sa paghinga nang makarating sa partikular na bahagi. "Umpisahan na ang pagbuhos ng dugo," kalmado na utos ni Strix.Nauubusan na si Maisie ng dugo, kaya kailangan na nilang umpisahan agad ang pagsasalin
Huminto si Erwin sa tabi niya. "Ayos na ba pakiramdam mo?"Tumango si Maisie nang nakangiti. "Halos magaling na ako. Siya nga pala, tito Erwin, may nakuha bang kahit ano na balita ang mga tauhan mo tungkol kay lolo sa Stoslo?Bahagyang namangha si Erwin, at umiling ang kanyang ulo. "Wala pa rin."Binaba ni Maisie ang tingin niya nang marinig iyon. 'Wala pa rin akong naririnig na balita tungkol sa lolo ko, at natatakot ako na baka maging mas babala ang mga nangyayari kaysa maging mabuti.'Dahan-dahang tumayo si Maisie. "Gusto ko ng bumalik sa Stoslo.""Hindi ka makakabalik ngayon.""Bakit?" Sandaling nagulat si Maisie. At nagtanong siya nang makita ang bahagyang nandilim na mukha ni Erwin, "May nangyari ba?"Hindi nagtago si Erwin ng kahit ano sa kaniya. "May isang taong nakagawa ng bagong vaccine sa Stoslo na ginagamit ang pagkakakilanlan ni Strix, at naging malaking gulo yun sa bansa. Naganap lang ang pagbagsak ng Kents pagkatapos ng pagkawala ni Hernandez, pero sa pa
Kumalma si Titus at ngumiti nang marinig ang sagot. "Sige, mabuti yun."Halata sa ekspresyon ni Quincy ang pagkagulat.'Nasa kontrol na ang virus? Pero kung hindi si Strix ang taong yun, sino naman ang may ganung abilidad? Maaari kayang mali kami ng hinala ni Mr. Goldmann?'Umangat ang sulok ng mga labi ni Sue, at ngumiti siya. "Mr. Goldmann, nagtitiwala na ba kayo ngayon sa teacher ko?" Nakuha ni Titus ang magandang resulta na gusto niya, kaya natural lang na mas maniwala siya kay Sue. "Buong buhay kong maalala ang kabaitan na pinakita niyo sa mga Goldmann, kaya sabihin niyo lang sa akin kung may kakailanganin kayo sa hinaharap.""Hindi niyo na kailangan mangako nang ganyan, Mr. Goldmann. Buong buhay ng teacher ko ay nilaan niya para sa research na ito, at wala na siyang kailangan. Sapat na sa kanya na makatulong sa mga tao."Natuwa si Titus sa mababang-loob na sagot ni Sue. "Kung may maging kailangan man, magsabi lang kayo. Hindi niyo kailangan maging magalang sa aming m
Hindi nagsalita si Maisie.Walang nagawa si Nolan. "Sinabihan siya ng lolo ko na manatili dito para alagaan ako."'Kahit na hindi ko kailangan.'Ngumiti si Maisie. "Sobrang nag-aalala talaga ang lolo mo sa'yo. Nagawang kontrolin ni Strix na galing sa Stoslo ang virus sa katawan mo, at estudyante siya ni Strix. Dahil doon, malaki ang pag-asa niya. Panigurado na pinipilit ka ng lolo mo ngayon na makipag-divorce na sa'kin at pakasalanan siya, tama ba?"Bahagyang napakunot si Nolan habang pinipisil niya ang ilong niya. "Hindi ka ba natatakot masira ang ngipin mo kapag sobrang sour ng mga sinasabi mo?""Huwag mo ihawak sa'kin yang kamay mo na pinanghawak mo sa kaniya kanina!" Tinanggal ni Maisie ang pagkakahawak sa kaniya. Nainis siya sa nangyari na para bang may humawak sa bagay na pagmamay-ari niya. Nandidiri siya!Niyakap siya ni Nolan, at namamaos ang boses niya. "Wala ng lugar ang puso ko para sa ibang babae—sakop mo lahat. Puputulin ko ang kamay ko kung ayaw mo maniwala. A
'Iniisip ng mga kalaban niya na nakuha nila si Nolan, pero ang totoo, sila ang pinaglaruan niya.'Pinisil ni Nolan ang baba niya, at ang manipis niyang labi ay bahagyang nakasara. "Sinabi mo sa akin na ilang araw ka lang mawawala. Pero, ang tagal mo kaya naisip ko na hindi ka na babalik."Kumurap si Maisie. "Paano kung hindi talaga ako bumalik?"Hindi sumagot si Nolan.Hinawakan ni Maisie ang malamig na kamay na nakahawak sa baba niya. "Nolan, maghintay ka muna. Ililigtas kita."Napatigil si Nolan, hinalikan niya ang tuktok ng ulo ni Maisie at noo. "Pumunta ka ba sa Morwich para iligtas ako ni Strix?""Oo." Pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ni Nolan. "May solusyon na si Strix, pero kailangan pa natin maghintay."…Sumakay si Sue sa elevator papunta sa top floor ng hotel habang ang ekspresyon niya ay naiinis.'Nagtago ako sa Stoslo ng tatlong taon at nalaman na patay na si Daniel. Pero hindi ko inakala na buhay pa ang malandi na yun!'Sa simula, gusto ko umasa s
Nakinig si Maisie sa sagot niya. "Pareho kami ng kwento, pero aayusin ko 'to nang mag-isa. Ipapadala ko kay Erwin yung vaccine sa'yo kapag lumabas na ang resulta."Tungkol sa kwento na mayroon sila nang impostor, hindi sinabi ni Strix sa kaniya. Kaya, naisip niya na baka malaki yun.'Nagpanggap siya na si Strix, pero tunay ang vaccine na ginawa niya. Wala lang talaga yung magagawa kay Nolan. Ibig sabihin na hindi masama ang intensyon niya, at hindi niya niloko ang iba na gawing vaccine ang virus, katulad ng ginawa ng mga Kents noon.'Pero kung wala siyang masamang intensyon, bakit niya 'to ginagawa? Pinipilit niya ba na lumabas si Strix?'Nagmadali si Maisie na makasakay sa plane, at hindi pa lubos na magaling ang katawan niya, kaya hindi siya kumain ng dinner at maagang humiga matapos uminom ng gamot.Ang ilaw mula sa lamp at ang anino ng halaman sa courtyard ay sumabay sa ilaw ng buwan, at lahat ng yun ay makikita sa bintana.Biglang gumalaw ang handle ng bintana, at guma
Inangat ni Cameron ang mata niya at sinabing, “Hindi na masama. Hindi pa ganoon katagal pero gumagaling ka na sa pag-amin ng mali mo. Mukhang natuto ka na ng leksyon mo.”Ngumiti si Conroy at sinabing, “Syempre, natutuhan ko na ang leksyon ko.”Ibinaba ni Cameron ang baso ng juice at agad na tinanong ni Conroy ang mga tauhan niya na punuin yon para sa kaniya. “Lahat kayo ay magkakaroon ng reward kapag trinato niyo siya nang tama.”Umirap si Cameron at tiningnan si Conroy.Hindi alam ni Conroy kung bakit ganoon ang tingin sa kaniya ni Cameron kaya tinanong niya, “Anong problema, Cam?”Habang nakangisi, sinabi ni Cameron, “Pamilyar ka ba sa lokasyon ng martial arts center?”Walang pagda-dalawang isip siyang sumagot, “Syempre.”Tumayo si Cameron at naglakad palapit para hilahin si Conroy patayo sa sahig. Pagkatapos, tinapik niya ang kaniyang balikat at sinabing, “Mabuti. Mr. Selfridge, kailangan ko ng tulong mo sa isang bagay.”Nagulat si Conroy.…Tiningnan ng landlord ang kont
Tiningnan ni Harold ang lalaki sa likod ni Cameron. Mabagal na tumatayo ang lalaki mula sa sahig. Inilabas nila ang butterfly knife sa kaniyang bulsa at tumakbo papunta kay Cameron.Nag-side kick si Cameron, tinamaan niya ang leeg ng lalaki at lumipad ito sa kabilang parte ng kwarto bago tumama sa isang paso.Nagulat si Harold.Humarap si Cameron para tingnan siya. Gumalaw ang gilid ng labi ni Harold habang gusto niyang umiyak sa mismong oras na ‘yon.“I… I…”Ngumiti si Cameron at nagdilim ang mukha niya. Tinapakan niya ang hita nito dahilan para mapasigaw ito sa sakit. “Pasensya na!”Lumapit siya habang nakatingin kay Harold habang may mala demonyong ngiti. “Narinig ko na si Mr. Selfridge ang taga suporta niyo, hindi ba?”Samantala, sa private swimming pool…“Mr. Selfridge, dito. Lumapit ka at hulihin mo akooo!”“Mr. Selfridge, dito!”Maraming bagay na nangyayari sa pool.Nakasuot ng blindfold si Conroy habang naglalaro ng tagu-taguan kasama ang ilang magagandang Internet c
“Miss—”Nang may sasabihin na si Sapphire, hinaplos ni Cameron ang ulo niya at sinabing, “Pumunta ka muna sa klase mo. Mahuhuli ka na.”Kinagat ni Sapphire ang labi niya at palingon-lingon siya habang papasok sa paaralan.Nang makapasok siya sa campus, inangat ni Cameron ang kamay niya tinapik ang mukha ng babaeng pula ang buhok. Habang nakangiti, sinabi niya, “Dalhin mo ako sa kapatid mo.”Nagulat ang grupo ng mga babae. Ito ang unang pagkakataon na may nakaharap sila na may death wish pero ito ang gusto nila.Dinala nila si Cameron sa billiard center. Puno ng usok ang center at lahat ng lalaki ay napalingon nang makita sila. Nang makita ng middle-aged na lalaki na naglalaro ng billiard na dinala nila ang babae, inayos niya ang kaniyang tindig at ibinaba ang tako.Lumapit ang babaeng pula ang buhok at sinabing, “Harold, siya ‘yon.”Tiningnan ni Cameron ang paligid. Napansin niya na naka-cast ang ilan sa mga binti nila. Mukhang hindi naging maganda ang nangyari sa kanila nang pu
Pakiramdam ni Dylan na hindi pa ‘yon sapat nang matapos siya magsalita at nagpatuloy. “Syempre, hindi mo kailangan na mag-alala dahil mayroong Goldmann na tutulong sa'yo pero iba ang boss namin. Ang martial arts center na ito na lang ang mayroon siya. Ginastos niya ang lahat ng ipon niya para sa center na ito.”“Sinabi mo na ginastos ni Nick ang lahat ng ipon niya sa martial art center na ito?”Sa memorya niya, mayaman ang Wickam sa Southeast Eurasia. Posible kaya na pinutol niya ang koneksyon niya sa kaniyang pamilya pagkatapos niyang umalis?Tumalikod si Dylan at sinabing, “Syempre. Itinayo ng boss namin ang martial arts center na ito nang sampung taon. Dito siya kumakain at natutulog. Ang may-ari ng lugar na ito ay ayaw ipa-renta sa iba ang lugar dahil ayaw niya ng kahit anong gulo. Kinausap siya ng boss namin ng isang linggo, at pumayag lang siya na iparenta ang lugar dahil sa sinseridad niya. Pinapirma pa niya ang boss namin ng kasunduan. Kapag gumawa ng gulo ang boss habang
Inikot ni Nick ang bote at uminom. Pagkatapos, sinabi niya, “Hindi kailanman gagawa ng gulo ang mga tao na nasa martial arts center ko.”“Wala akong pakialam. Gusto ko siya ngayon. Kung hindi, hindi ko alam kung anong magagawa ko mamaya.”Lumapit ang middle-aged na lalaki kay Nick at tinapik ito sa balikat. “Hinahamon kita na pumunta sa East Street at itanong kung sino si Harold. Ano naman kung magaling kayo sa pakikipaglaban? Wala itong saysay kung mawawala na bukas ang martial arts center niyo, hindi ba?”Nagalit si Dylan at lumapit pero pinigilan siya ni Nick.Tiningnan niya sa mata ang middle-aged na lalaki at sinabing, “Sampung taon na kaming nandito. Sa tingin mo ba ay posible na mawala kami bukas?”Humarap ang middle-aged na lalaki at nakipagpalitan ng tingin sa mga tao na nasa likod niya. Nang matanggap nila ang signal niya, lahat sila ay sumugod kay Nick.Binuhos ni Nick ang mainit na tsaa na nasa kamay niya at hinawakan ang braso ng lalaki.Pinaikot niya ang braso ng l
Hinawakan ni Colton ang pisngi nito at tiningnan sa kaniyang mga mata. “Hindi mo kailangan na may matupad. Kaya kitang alagaan. Ayos lang kahit na wala kang matupad. Kaya kitang alagaan.”“Yan ang iniisip mo,” naiiyak na sinabi ni Freyja. “Hindi ko kailangan na alagaan mo ako. Ayaw ko na maliitin ako ng ibang tao.”Niyakap siya ni Colton. “Sinong may pakialam sa sinasabi ng iba? Sa tingin ko ay magaling ka.”Pinatong ni Freyja ang baba niya sa balikat ni Colton at masayang ngumiti. “Sa tingin ko ay lahat ng ginawa ko ay naging sulit.”Hindi na madilim ang mundo niya kasama si Colton at si Charm sa tabi niya.Hinalikan ni Colton ang ulo ni Freyja at mahinang sinabi. “Alright. Kailangan natin ibalita ito sa mga kaibigan mo. Sinusuportahan ka nila hanggang ngayon.”“Oo, dapat ko na sabihin sa kanila.”Ngumiti si Freyja at umakyat, iniwan niya si Colton doon.Hindi na kailangan sabihin ni Colton ‘yon basta masaya siya.Sa Bassburgh, sa martial arts center…“Itong lugar na ‘to. S
Natuwa si Sallu Hathaway nang marinig ‘yon. “Napakalambing mo lagi.”Masaya si Titus. “Well, ang anak mo ang nag-alaga sa kaniya. Syempre malambing siya.”Tiningnan nang masama ni Sally si Titus at gusto na huwag pansinin. Tumingin siya kay Diana at Nollace na nakatayo at ngumiti. “Mas lalong nagiging gwapo si Nollace. Kamukha na siya ng Kamahalan ngayon.”Hinawakan ni Diana ang kamay niya at yumuko dahil mas maliit si Sally. “Salamat. Kamukha nga ako ni Nollace.”Hindi masaya si Nolan at Colton tungkol doon. Si Nollace lang ang sinabihan niya ng gwapo. Siya lang ba ang gwapo?Mas hindi natutuwa si Titus. Dati siyang kaakit-akit at gwapo noong bata pa siya. Bakit hindi siya pinuri nito?Nagtinginan si Maisie at Freyja habang ang mga lalaki na nakatayo sa tabi nila ay ‘hindi patas’ ang pagtrato.Nakahanda na ang dinner nang sumapit ang gabi.Nasa 25 feet ang haba ng mesa at puno ng pagkain—western, oriental, fruits, at dessert.Ibinigay ni Diana ang upuan sa dulo kay Sally na m
"Hindi ko alam kung ano ang isusuot para sa unang pakikipagkita ko sa mga biyenan ko. Kung poporma ako masyado, masyadong pormal. Pero kung masyadong simple naman, baka isipin nilang wala akong respeto sa kanila."Mahigit sampung damit na ang sinukat ni Diana, at ngayon ay nakakalat na ang mga ito sa kama, binubusisi ang bawat isa.Si Rick, na matagal nang nakahanda, ay walang magawa kundi pagmasdan siya. "Basta kasya, okay na yan. Maganda na ‘yung nauna.""Talaga?" Kinuha niya ang lilang bestida at tumingin sa salamin. "Oo nga. Sige, ito na lang ang isusuot ko."Nang makapagbihis na si Diana, pumasok na siya sa palace hall habang nakahawak sa braso ni Rick. Bigla niyang naalala ang isang bagay. "Paano ang regalo?"Alam ni Rick na tatanungin niya iyon, kaya binuksan na nito ang pinto ng kotse. "Nasa kotse na. Kinuha ko na."...Sa Blue Valley Manor, masaya at masigla ang paligid. Nandoon sina Brandon at Freyja, at dumating na rin sina Diana at Rick.Wala silang kasama na mga ba
Ang isa pang tinutukoy ni Madam Hathaway ay si Titus.Tiningnan ni Titus si Nolan. “Ikaw ang tinutukoy niya, pumupunta ka kahit hindi ka imbitado.”Tumawa si Nolan at tumingin sa matandang babae. “Gran, alam ko na ngayon kung bakit hindi mo pinakasalan ang lolo ko. Hindi ka magkakaroon ng kapayapaan.”“Nolan!”Nanginig ang kamay ni Titus sa galit. Napakasama niyang apo!Lumapit siya kay Madam Hathaway at uupo na sana sa tabi nito pero tiningnan niya ito nang masama. “Sinabi ko ba na pwede kang umupo?”Nainis si Titus pero hindi niya masabi.Kailangan niyang tumayo at bumuntong hininga. “Sal, huwag kang makinig sa pilyo na ‘yan.”“Pilyo?” Tumawa si Madam Hathaway at nilagay ang kamay niya sa kaniyang tungkod. “Lahat ng Goldmann ay pilyo.” Ang anak mo, ang batang ito, at lalong lalo na ikaw.”Tinaas niya ang kaniyang boses. “Oo, pilyo ako. Pwede na ba ako umupo.”Nag-iwas ng tingin si Yorrick, nanginginig ang balikat niya.Sanay na si Nolan doon. Walang hiya ang mga Goldmann s