Napakunot si Maisie dahil sa pagdududa. "Kilala ba kita?"Tiningnan siya ng lalaki. "Ikaw ba si Ms. Vanderbilt?"Sumagot si Maisie, "Ako nga.""Isa ako sa mga tauhan ni Mr. Hernandez. Pumunta ako rito dahil narinig ko na nakatira si Ms. Vanderbilt sa Easton Estate. Nandito ako para kay Sir Hernandez!"Biglang napatayo si Maisie nang banggitin ang lalaki si Hernandez. “Nasaan ang lolo ko?”“Buhay pa siya, pero hawak siya ngayon ng iba,” sagot ng lalaki.Tumingin si Maisie kay Saydie, at agad niyang naintindihan ang ibig sabihin at lumapit siya sa lalaki. “Anong ebidensya mo para patunayan na tauhan ka ni Sir Hernandez?”“Nasa bulsa ko ang singsing niya!”Dinukot ng bodyguard sa likod niya ang kaniyang bulsa at nakita ang golden ring na may simbolo ng mga de Arma na nakaukit doon.Kinuha ni Saydie ang singsing sa bodyguard, tiningnan yun, at lumapit kay Maisie. “Tunay ito.”Kinuha ni Maisie ang singsing. Naalala niya na may suot nga na golden ring ang lolo niya.‘Im
Gumastos ng malaking halaga ng pera si Roger para makuha ang mga kailangan sa pag-develop ng vaccine, dahil gusto niya rin pigilan ang malaking gulo na ginawa ni Daniel. Kung tutuusin, naloko ng mga Kents ang publiko sa peke nilang bakuna, nagalit doon ang publiko.Dahil may nagpapanggap na Strix at gumawa ng vaccine, panigurado na bibili ang mga tao na naniniwala sa reputasyon ni Strix.Kahit ano pa ang maging epekto ng bakuna, kahit na peke yun, ang taong haharap sa galit ng publiko ay ang totoong Strix at hindi ang impostor. Pero, kung totoo ang vaccine, malaki ang kikitain ni Roger at malilinis niya ang pangalan niya mula sa pagkakaroon ng relasyon sa mga Kent, makukuha niya ang pagiging sikat at mayaman.Sa madaling salita, nakaplano ang pagbabalik ni Roger sa vaccine.Hindi makagalaw ang labi ni Nolan, at ang mga daliri niya ay tinatapik ang mesa. "Hindi makikisali ang mga tao sa Yaramoor nang walang dahilan. May rason kung bakit ganoon ang desisyon nila. Magpadala ka ng
Naningkit ang mata ni Nolan habang nakatitig sa dokumento sa kaniyang desk. "Pumunta ka sa lugar ko kung miss mo ako. Hihintayin kita sa villa."Matapos ang sampung minuto, lumabas si Maisie sa study door na naka-burgundy textile dress na may stand-up collar, maluwag, mahaba ang manggas na umabot sa kaniyang pupulsuhan, at antique silver-copper na kwintas na mayroong asul na diamond.Nakasuot din siya ng beret na pareho ng kulay, at mahaba niyang itim na kulot na buhok sa kaniyang kaliwang balikat, na nagpa-elegante sa kaniya at kaakit-akit.Malamig at sopistikada ang kaniyang pag-uugali, kasing puti ng snow ang balat niya, at ang mukha niya ay bagay sa kaniyang retro dress, lalo na ang kulay na burgundy, na bumabagay sa kaniyang ganda.Diretso lang ang tingin sa kaniya ni Nolan, at nag-aalangan siya na alisin ang kaniyang tingin. "Nakasuot ka ng napakaganda na dress. Inaakit mo ba ako?"Bahagyang ngumiti si Maisie, tumigil sa harapan niya, sumandal, at tumitig. "Kung ganoon,
"Zee, kilala mo ba si Sue Reynolds?" Diretso lang ang tingin ni Nolan sa kaniya na para bang naiintindihan niya ang ekspresyon niya.Matapos ang ilang sandali ay sumagot si Maisie, "Imposible 'to. Hindi siya si Sue."Nagulat si Quincy. Tumingin siya kay Nolan at agad na tinanong, "Ms. Vanderbilt, anong ibig mong sabihin?"'Hindi ba't siya si Sue Reynolds?'Mahigpit na napatikom ang labi ni Maisie. "Nakilala ko si Sue Reynolds nang nakatira pa ako sa Stoslo nine years ago. Halo ang lahi niya mula sa East Eurasia, ang tatay niya ay Caucasian galing sa Zlokova, at ang nanay niya ay mula sa Jakurari at may oriental origin. Naka-graduate siya sa Turner Institute of Art at nag internship sa Luxella Inc. Pero, hindi ganito ang itsura niya."'Sue Reynolds. Maiintindihan ko kung pareho lang ng pangalan at apelyido. Pero ang pagkatao, background, at impormasyon na nakalagay sa dokumento ay katulad talaga ng kay Sue. Ang pinagkaiba lang ay hindi ang kilala ko na Sue ang nasa litrato.
Nagulat si Maisie. "Kailan yun nangyari?""Tatlong araw na ang lumipas. Umalis ang original board of directors matapos magkaroon ng malalaking pagbabago."Bumaba ang tingin ni Maisie at nanatiling kalmado.'Mayroong malaking pagbabago sa Luxella Inc. internal structure three days ago?'Ang may-ari ng Luxella, si Eason Sachsen, ay malaking tao sa jewelry field sa loob ng 20 years, at nangunguna ang Luxella sa mga brand sa jewelry industry. Kaya bakit niya ibibigay sa iba ang Luxella?'"Hindi ba't ikaw si Ms. Zora?" Pamilyar na boses ang narinig niya sa kaniyang likuran, at ang tao na tatawag sa kaniya sa ganoong pangalan…Lumingon si Maisie, at sa pagkakataon, ang una niyang nakita ay ang malalim at well-defined na eye sockets."Mr. Smith?" Naningkit ang mata niya.'Kakaiba nga naman ang pagkakataon.'Hindi makapaniwala si Jones na siya yun nang una, pero napatunayan niya yun habang papalapit at nakita ang mukha niya. "Hindi kita nakita sa loob ng tatlong taon, at wala
"Si Jones," Tumingin si Maisie sa binta, kumikibot ang mata niya, "Sabi niya sa akin, assistant ng tito niya si Sue Reynolds."Tumawa si Nolan pero walang sinabi. Sinarili na lang niya ang kaniyang iniisip."Pero nang banggitin ko si Sue at Strix, iniwasan ni Jones ang usapan." ngumisi siya. "Sa tingin ko ay may alam siya." May alam siya tungkol sa 'impostor na Strix' na nagre-research sa antibody.Bumuga si Nolan ng hangin na para bang naninigarilyo siya na sinabi sa mahina at namamaos na boses, "Base sa nalalaman ko, wala sa pamilya ni Jones ang nag-aral ng medisina, pero may isang tao na umalis sa kanilang pamilya matagal na ang lumipas."Napatigil si Maisie. "Tito niya ba ang tinutukoy mo?""Oo." Tumigil si Nolan at kalmado na sinabing, "Pero huwag mo silang alalahanin. Tunay yung antibody. Gusto ni Roger na maayos ang reputasyon niya gamit ang antibody habang hindi ko naman ginamit, kaya panalo pa rin."Infected siya, kaya nakabantay sa kaniya ang media. Malaki ang epe
Imposible na magagawa yun ng isang taon maliban na lang kung may tutulong na may kakayahan.Sumandal si Maisie kay Nolan. Mabuti na at napatunayan nila na impostor si 'Sue'Ngumiti si Maisie. "Sa tingin ko may gusto sa'yo si Sue."Napakunot si Nolan. "Iniisip mo pa rin ba ang nangyari sa hospital?""Hindi."Nagtaas si Maisie ng kilay at hinaplos ang Adam's apple ni Nolan. "Interasado akong malaman ang intensyon niya."Lumapit siya kay Nolan at nagpanggap na kilala ang impostor na 'Strix'. Kung yun ang plano nila, magkakamali siya balang araw.Hinawakan ni Nolan ang kamay niya at ngumiti. "Magpapanggap ka nanaman ba?""Sayang naman at hindi ka naging actor kasama ni Helios gamit 'yang acting skills mo."Yumuko si Nolan at madiin siyang siniil ng halik dahil binanggit niya si Helios. Nang nagkaroon na siya ng pagkakataon huminga, namumula ang mukha niya at basa ang mata, mukhang naiinis."Mayroong nakakainis na tao na gusto ako ibigay sa kaniya noon. Hindi ko na siya
Saglit na tumingin si Nolan kay Sue. "Akala niya ay may nangyari sa amin ni Ms. Reynolds."Nagulat si Sue, pero agad nawala yun, at tumawa siya, "Oh, yung babae ba na yun ang tinutukoy mo? Pasensya na, hindi ko alam na magkakaroon ng problema dahil sa nangyari.""Sobra naman 'yan. Niligtas ni Ms. Reynolds si Nolan. Nasaan siya nang malala ang sakit ni Nolan?" Mukhang hindi masaya si Titus."Dahil divorce na kayo, dapat wala na kayong ugnayan. Kung nag-aalala siya sayo, nasaan siya nang may sakit ka?"Nang mahospital si Nolan, hindi nagpakita si Maisie. Kung hindi dahil kay Sue at sa tinatawag na Strix's vaccine, paano siya gagaling kaagad?Kahit na inosente si Maisie sa insidente three years ago, totoo si Nolan sa kaniya. Naawa si Titus sa kaniya dahil nawalan siya ng anak, tatay, at si Cherie, pero hindi niya gusto na madamay ang apo niya sa aksidente. Dapat ay pinutol na niya ang ugnayan nila.Nakikinig ng maigi si Sue.Alam niya ang tungkol sa divorce ng taon na yun at
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio
“Salamat man, ang bait mo.”Nang sabihin niya ‘yon, nang makita ni Yvonne na sapat lang para sipsipin ang sabaw sa tasa niya, nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Hindi niya mapigilan na umirap.‘Nang sinabi niyang bibigyan niya ako nang kaunti, ganoon talaga ang ibig niyang sabihin, huh?’Nang makita ang ekspresyon niya, hindi mapigilan ng aktor na gumanap bilang pulis na tumawa at mahiwatig na sinabing, “Evie, sinabi niya lang na galing sa pamilya niya ang sabaw pero baka hindi ito galing sa mom niya.”Agad na naintindihan ni Yvonne ang ibig niyang sabihin. “Pfft, kaya pala. Kaya pala ang damot niya…”Pabulong na lang ang huli niyang sinabi.Pagkatapos uminom ni James ng sabaw, kumunot niya nang kakaiba ang titig sa kaniya ng dalawa. “Anong problema?”“Wala, ayos lang ang lahat. I-enjoy mo ang sabaw mo, hindi ka na namin guguluhin ni Evie.”Nagpalitan ng tingin ang aktor at si Yvonne, at bumalik silang dalawa sa ginagawa nila.Sa kabilang banda ng siyudad…Nang makabalik si
Sa Kong Ports…Si James na nagsh-shoot ng sunod niyang scene sa police station ay bumahing ng tatlong beses at ang actor na gumaganap bilang pulis na nasa harap miya ay inangat ang kaniyang ulo. “Nagkaroon ka ba ng sipon ngayong mainit naman ang panahon?”“Mukhang may naninira sa akin.”Inasar siya ng actor. “Baka may nag-iisip sa'yo.”‘Iniisip ako?’Nagulat si James at nanginig habang naaalala ang mukha ng babae sa isip niya.‘Imposible ‘yon.’Pagkatapos magbiruan ng dalawa, nagsimula na ang filming ay sumigaw si Ronny, “Action!”Ang aktor na gumanap bilang police officer ay agad na nakahanda sa kaniyang role at hinampas ang notebook sa mesa. “Nagpapanggap ka pa rin na inosente? May fingerprint mo ang tasa na ginamit ng namatay! So ikaw ang naglagay ng sleeping pills sa inumin niya? Sabihin mo na sa akin ang totoo!”Dahil hindi inakala ni James na nakahanda na agad ito sa eksena, bigla siyang tumawa. Nasira ng tawa ni James ang eksena pero nang mapansin niya na hindi tinapos