Nagulat si Maisie. "Kailan yun nangyari?""Tatlong araw na ang lumipas. Umalis ang original board of directors matapos magkaroon ng malalaking pagbabago."Bumaba ang tingin ni Maisie at nanatiling kalmado.'Mayroong malaking pagbabago sa Luxella Inc. internal structure three days ago?'Ang may-ari ng Luxella, si Eason Sachsen, ay malaking tao sa jewelry field sa loob ng 20 years, at nangunguna ang Luxella sa mga brand sa jewelry industry. Kaya bakit niya ibibigay sa iba ang Luxella?'"Hindi ba't ikaw si Ms. Zora?" Pamilyar na boses ang narinig niya sa kaniyang likuran, at ang tao na tatawag sa kaniya sa ganoong pangalan…Lumingon si Maisie, at sa pagkakataon, ang una niyang nakita ay ang malalim at well-defined na eye sockets."Mr. Smith?" Naningkit ang mata niya.'Kakaiba nga naman ang pagkakataon.'Hindi makapaniwala si Jones na siya yun nang una, pero napatunayan niya yun habang papalapit at nakita ang mukha niya. "Hindi kita nakita sa loob ng tatlong taon, at wala
"Si Jones," Tumingin si Maisie sa binta, kumikibot ang mata niya, "Sabi niya sa akin, assistant ng tito niya si Sue Reynolds."Tumawa si Nolan pero walang sinabi. Sinarili na lang niya ang kaniyang iniisip."Pero nang banggitin ko si Sue at Strix, iniwasan ni Jones ang usapan." ngumisi siya. "Sa tingin ko ay may alam siya." May alam siya tungkol sa 'impostor na Strix' na nagre-research sa antibody.Bumuga si Nolan ng hangin na para bang naninigarilyo siya na sinabi sa mahina at namamaos na boses, "Base sa nalalaman ko, wala sa pamilya ni Jones ang nag-aral ng medisina, pero may isang tao na umalis sa kanilang pamilya matagal na ang lumipas."Napatigil si Maisie. "Tito niya ba ang tinutukoy mo?""Oo." Tumigil si Nolan at kalmado na sinabing, "Pero huwag mo silang alalahanin. Tunay yung antibody. Gusto ni Roger na maayos ang reputasyon niya gamit ang antibody habang hindi ko naman ginamit, kaya panalo pa rin."Infected siya, kaya nakabantay sa kaniya ang media. Malaki ang epe
Imposible na magagawa yun ng isang taon maliban na lang kung may tutulong na may kakayahan.Sumandal si Maisie kay Nolan. Mabuti na at napatunayan nila na impostor si 'Sue'Ngumiti si Maisie. "Sa tingin ko may gusto sa'yo si Sue."Napakunot si Nolan. "Iniisip mo pa rin ba ang nangyari sa hospital?""Hindi."Nagtaas si Maisie ng kilay at hinaplos ang Adam's apple ni Nolan. "Interasado akong malaman ang intensyon niya."Lumapit siya kay Nolan at nagpanggap na kilala ang impostor na 'Strix'. Kung yun ang plano nila, magkakamali siya balang araw.Hinawakan ni Nolan ang kamay niya at ngumiti. "Magpapanggap ka nanaman ba?""Sayang naman at hindi ka naging actor kasama ni Helios gamit 'yang acting skills mo."Yumuko si Nolan at madiin siyang siniil ng halik dahil binanggit niya si Helios. Nang nagkaroon na siya ng pagkakataon huminga, namumula ang mukha niya at basa ang mata, mukhang naiinis."Mayroong nakakainis na tao na gusto ako ibigay sa kaniya noon. Hindi ko na siya
Saglit na tumingin si Nolan kay Sue. "Akala niya ay may nangyari sa amin ni Ms. Reynolds."Nagulat si Sue, pero agad nawala yun, at tumawa siya, "Oh, yung babae ba na yun ang tinutukoy mo? Pasensya na, hindi ko alam na magkakaroon ng problema dahil sa nangyari.""Sobra naman 'yan. Niligtas ni Ms. Reynolds si Nolan. Nasaan siya nang malala ang sakit ni Nolan?" Mukhang hindi masaya si Titus."Dahil divorce na kayo, dapat wala na kayong ugnayan. Kung nag-aalala siya sayo, nasaan siya nang may sakit ka?"Nang mahospital si Nolan, hindi nagpakita si Maisie. Kung hindi dahil kay Sue at sa tinatawag na Strix's vaccine, paano siya gagaling kaagad?Kahit na inosente si Maisie sa insidente three years ago, totoo si Nolan sa kaniya. Naawa si Titus sa kaniya dahil nawalan siya ng anak, tatay, at si Cherie, pero hindi niya gusto na madamay ang apo niya sa aksidente. Dapat ay pinutol na niya ang ugnayan nila.Nakikinig ng maigi si Sue.Alam niya ang tungkol sa divorce ng taon na yun at
"Nasaan ang mom ko?" Naiinip si Nolan at sinubukan tumayo matapos tanggalin ang kumot niya.Pinahiga siya ni Quincy. "Mr. Goldmann, hindi ka pa magaling."Naglakad si Maisie sa ward. Tiningnan siya ni Nolan at bahagyang nagulat.Tumingin si Quincy sa kaniya. "Ms. Vanderbilt. Nakikita mo naman na baka si Mr. Goldmann—""Alam ko." Lumapit si Maisie sa higaan niya at nakangiting tumingin kay Nolan."Sino ka?" Tanong ni Nolan habang hindi nagiiba ang ekspresyon."Ako?" ngumiti si Maisie. "Ako ang asawa na pinakasalan ng 32-year-old mong sarili."Gulat siyang tiningnan ni Quincy pero walang sinabi. Nakahinto ang memorya ni Nolan sa pagiging 17. Kahit na hindi sila sigurado kung gagaling si Nolan, ito ang kailangan nilang harapin ngayon.Tiningnan siya ni Nolan. Ang kalmado niyang mukha ay hindi nagpakita ng kahit anong senyales ng pandidiri o pagtanggi habang hinahayaan niya siyang lumapit.Nang makalapit si Maisie, tumigil sa pagtibok ang puso ni Nolan.Walang malay na
"Hah!" Madilim ang tingin ni Adrian sa labas ng bintana. "Mutated version ang virus na mayroon siya, at nasa late stage na siya."Namutla si Sue at napakuyom ang kamay niya.Sinabi lang sa kaniya ni Daniel na sleeper virus yun pero wala ng sinabing iba. Ang babae ang gusto niyang ma-infect.Hindi sana masisira ang mukha niya kung hindi dahil sa babae na yun, at hindi rin siya tatratuhin ng ganoon ni Daniel.Alam niya na hindi magiging maganda para sa kaniya na manatili kay Daniel. Kaya naman, napagdesisyunan niyang umalis matapos gawin ang utos sa kaniya sa Zlokova.Nakilala niya si Sue at nalaman niya na si Sue ay estudyante ni Adrian nang wala na siyang mapuntahan. Kahit na lecturer siya sa Turner Institute of Art, tito rin siya ni Jones at maraming alam tungkol sa medisina at mga virus.Nasa pareho pa silang klase ni Strix.Kaya, nagsimula siya ng apoy para nakawin ang pagkatao ni Sue.Matapos isakripisyo si Sue sa apoy, nagpanggap siyang miyembro ng pamilya at kinuh
Tumango si Titus. "Pero matatagalan pa yun. Wala na masiyadong oras si Nolan, kaya sana mahimok mo si Mr. Salazar na magmadali, Ms. Reynolds."Ngumiti si Sue at sinabing,, "Huwag kayong mag-alala. Gagawin ko ang lahat para mailigtas si Mr. Goldmann."Naglakad si Sue papunta sa ward. Nakaupo si Nolan sa kama habang nagbabasa ng magazine. Kahit maputla ang itsura niya, hindi pa rin nawawala ang kaniyang kagwapuhan.Habang binabasa ni Nolan ang mga pahina ng magazine, nagsalita siya nang hindi inaangat ang ulo. "Mukhang hindi na ako maililigtas pa.""Huwag mong sabihin yan, Mr. Goldmann," Sabi ni Sue habang lumalapit kay Nolan. Nang dumating siya sa kama nito, kinagat niya ang mga labi at saka nagpatuloy. "Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para mailigtas ka, pangako."Mamamatay ba talaga si Nolan?Hindi. Hindi niya gustong barilin si Nolan noon. Sa sandaling tinutok niya ang baril kay Nolan, pinagsisisihan niya yun agad. Kaya naman, si Maisie na lang ang pinuntirya niya.'
Habang nakangiti, sumagot si Sue, “Oo, tama ka.”“Oo nga pala, nalaman ko na sa Luxella ka nagtatrabaho dati?”Nanigas ang ngiti sa mga labi ni Sue nang marinig niya ang sinabi ni Maisie. “Oo. Anong problema?”Pagkatapos marinig ang sagot ni Sue, seryosong sinabi ni Maisie. “Well, ang weird kasi. Nine years ago nasa Luxella ako, pero hindi mo ako kilala?”Mahigpit na napahawak si Sue sa kaniyang purse at sinubukan na hindi mag-mukhang kinakabahan. “May nangyaring aksidente, at marami na akong hindi natatandaang mga nangyari at mga tao.”Yumuko siya para tingnan ang kaniyang relo at dinagdag, “Kailangan ko nang bumalik at makipag-usap kay Mr. Salazar, mauuna na ako.”Pagkatapos niyang magsalita, nilagpasan niya na si Maisie.Pinagmasdan ni Maisie si Sue habang naglalakad ito palayo at malalim na nag-isip.Nang dumating si Maisie sa ward, narinig niyang nakikipag-usap si Nolan kay Quincy.Mukhang mayroon sinasabi si Quincy kay Nolan. Sabi nito ay nakikipagkita si Roger
Inangat ni Cameron ang mata niya at sinabing, “Hindi na masama. Hindi pa ganoon katagal pero gumagaling ka na sa pag-amin ng mali mo. Mukhang natuto ka na ng leksyon mo.”Ngumiti si Conroy at sinabing, “Syempre, natutuhan ko na ang leksyon ko.”Ibinaba ni Cameron ang baso ng juice at agad na tinanong ni Conroy ang mga tauhan niya na punuin yon para sa kaniya. “Lahat kayo ay magkakaroon ng reward kapag trinato niyo siya nang tama.”Umirap si Cameron at tiningnan si Conroy.Hindi alam ni Conroy kung bakit ganoon ang tingin sa kaniya ni Cameron kaya tinanong niya, “Anong problema, Cam?”Habang nakangisi, sinabi ni Cameron, “Pamilyar ka ba sa lokasyon ng martial arts center?”Walang pagda-dalawang isip siyang sumagot, “Syempre.”Tumayo si Cameron at naglakad palapit para hilahin si Conroy patayo sa sahig. Pagkatapos, tinapik niya ang kaniyang balikat at sinabing, “Mabuti. Mr. Selfridge, kailangan ko ng tulong mo sa isang bagay.”Nagulat si Conroy.…Tiningnan ng landlord ang kont
Tiningnan ni Harold ang lalaki sa likod ni Cameron. Mabagal na tumatayo ang lalaki mula sa sahig. Inilabas nila ang butterfly knife sa kaniyang bulsa at tumakbo papunta kay Cameron.Nag-side kick si Cameron, tinamaan niya ang leeg ng lalaki at lumipad ito sa kabilang parte ng kwarto bago tumama sa isang paso.Nagulat si Harold.Humarap si Cameron para tingnan siya. Gumalaw ang gilid ng labi ni Harold habang gusto niyang umiyak sa mismong oras na ‘yon.“I… I…”Ngumiti si Cameron at nagdilim ang mukha niya. Tinapakan niya ang hita nito dahilan para mapasigaw ito sa sakit. “Pasensya na!”Lumapit siya habang nakatingin kay Harold habang may mala demonyong ngiti. “Narinig ko na si Mr. Selfridge ang taga suporta niyo, hindi ba?”Samantala, sa private swimming pool…“Mr. Selfridge, dito. Lumapit ka at hulihin mo akooo!”“Mr. Selfridge, dito!”Maraming bagay na nangyayari sa pool.Nakasuot ng blindfold si Conroy habang naglalaro ng tagu-taguan kasama ang ilang magagandang Internet c
“Miss—”Nang may sasabihin na si Sapphire, hinaplos ni Cameron ang ulo niya at sinabing, “Pumunta ka muna sa klase mo. Mahuhuli ka na.”Kinagat ni Sapphire ang labi niya at palingon-lingon siya habang papasok sa paaralan.Nang makapasok siya sa campus, inangat ni Cameron ang kamay niya tinapik ang mukha ng babaeng pula ang buhok. Habang nakangiti, sinabi niya, “Dalhin mo ako sa kapatid mo.”Nagulat ang grupo ng mga babae. Ito ang unang pagkakataon na may nakaharap sila na may death wish pero ito ang gusto nila.Dinala nila si Cameron sa billiard center. Puno ng usok ang center at lahat ng lalaki ay napalingon nang makita sila. Nang makita ng middle-aged na lalaki na naglalaro ng billiard na dinala nila ang babae, inayos niya ang kaniyang tindig at ibinaba ang tako.Lumapit ang babaeng pula ang buhok at sinabing, “Harold, siya ‘yon.”Tiningnan ni Cameron ang paligid. Napansin niya na naka-cast ang ilan sa mga binti nila. Mukhang hindi naging maganda ang nangyari sa kanila nang pu
Pakiramdam ni Dylan na hindi pa ‘yon sapat nang matapos siya magsalita at nagpatuloy. “Syempre, hindi mo kailangan na mag-alala dahil mayroong Goldmann na tutulong sa'yo pero iba ang boss namin. Ang martial arts center na ito na lang ang mayroon siya. Ginastos niya ang lahat ng ipon niya para sa center na ito.”“Sinabi mo na ginastos ni Nick ang lahat ng ipon niya sa martial art center na ito?”Sa memorya niya, mayaman ang Wickam sa Southeast Eurasia. Posible kaya na pinutol niya ang koneksyon niya sa kaniyang pamilya pagkatapos niyang umalis?Tumalikod si Dylan at sinabing, “Syempre. Itinayo ng boss namin ang martial arts center na ito nang sampung taon. Dito siya kumakain at natutulog. Ang may-ari ng lugar na ito ay ayaw ipa-renta sa iba ang lugar dahil ayaw niya ng kahit anong gulo. Kinausap siya ng boss namin ng isang linggo, at pumayag lang siya na iparenta ang lugar dahil sa sinseridad niya. Pinapirma pa niya ang boss namin ng kasunduan. Kapag gumawa ng gulo ang boss habang
Inikot ni Nick ang bote at uminom. Pagkatapos, sinabi niya, “Hindi kailanman gagawa ng gulo ang mga tao na nasa martial arts center ko.”“Wala akong pakialam. Gusto ko siya ngayon. Kung hindi, hindi ko alam kung anong magagawa ko mamaya.”Lumapit ang middle-aged na lalaki kay Nick at tinapik ito sa balikat. “Hinahamon kita na pumunta sa East Street at itanong kung sino si Harold. Ano naman kung magaling kayo sa pakikipaglaban? Wala itong saysay kung mawawala na bukas ang martial arts center niyo, hindi ba?”Nagalit si Dylan at lumapit pero pinigilan siya ni Nick.Tiningnan niya sa mata ang middle-aged na lalaki at sinabing, “Sampung taon na kaming nandito. Sa tingin mo ba ay posible na mawala kami bukas?”Humarap ang middle-aged na lalaki at nakipagpalitan ng tingin sa mga tao na nasa likod niya. Nang matanggap nila ang signal niya, lahat sila ay sumugod kay Nick.Binuhos ni Nick ang mainit na tsaa na nasa kamay niya at hinawakan ang braso ng lalaki.Pinaikot niya ang braso ng l
Hinawakan ni Colton ang pisngi nito at tiningnan sa kaniyang mga mata. “Hindi mo kailangan na may matupad. Kaya kitang alagaan. Ayos lang kahit na wala kang matupad. Kaya kitang alagaan.”“Yan ang iniisip mo,” naiiyak na sinabi ni Freyja. “Hindi ko kailangan na alagaan mo ako. Ayaw ko na maliitin ako ng ibang tao.”Niyakap siya ni Colton. “Sinong may pakialam sa sinasabi ng iba? Sa tingin ko ay magaling ka.”Pinatong ni Freyja ang baba niya sa balikat ni Colton at masayang ngumiti. “Sa tingin ko ay lahat ng ginawa ko ay naging sulit.”Hindi na madilim ang mundo niya kasama si Colton at si Charm sa tabi niya.Hinalikan ni Colton ang ulo ni Freyja at mahinang sinabi. “Alright. Kailangan natin ibalita ito sa mga kaibigan mo. Sinusuportahan ka nila hanggang ngayon.”“Oo, dapat ko na sabihin sa kanila.”Ngumiti si Freyja at umakyat, iniwan niya si Colton doon.Hindi na kailangan sabihin ni Colton ‘yon basta masaya siya.Sa Bassburgh, sa martial arts center…“Itong lugar na ‘to. S
Natuwa si Sallu Hathaway nang marinig ‘yon. “Napakalambing mo lagi.”Masaya si Titus. “Well, ang anak mo ang nag-alaga sa kaniya. Syempre malambing siya.”Tiningnan nang masama ni Sally si Titus at gusto na huwag pansinin. Tumingin siya kay Diana at Nollace na nakatayo at ngumiti. “Mas lalong nagiging gwapo si Nollace. Kamukha na siya ng Kamahalan ngayon.”Hinawakan ni Diana ang kamay niya at yumuko dahil mas maliit si Sally. “Salamat. Kamukha nga ako ni Nollace.”Hindi masaya si Nolan at Colton tungkol doon. Si Nollace lang ang sinabihan niya ng gwapo. Siya lang ba ang gwapo?Mas hindi natutuwa si Titus. Dati siyang kaakit-akit at gwapo noong bata pa siya. Bakit hindi siya pinuri nito?Nagtinginan si Maisie at Freyja habang ang mga lalaki na nakatayo sa tabi nila ay ‘hindi patas’ ang pagtrato.Nakahanda na ang dinner nang sumapit ang gabi.Nasa 25 feet ang haba ng mesa at puno ng pagkain—western, oriental, fruits, at dessert.Ibinigay ni Diana ang upuan sa dulo kay Sally na m
"Hindi ko alam kung ano ang isusuot para sa unang pakikipagkita ko sa mga biyenan ko. Kung poporma ako masyado, masyadong pormal. Pero kung masyadong simple naman, baka isipin nilang wala akong respeto sa kanila."Mahigit sampung damit na ang sinukat ni Diana, at ngayon ay nakakalat na ang mga ito sa kama, binubusisi ang bawat isa.Si Rick, na matagal nang nakahanda, ay walang magawa kundi pagmasdan siya. "Basta kasya, okay na yan. Maganda na ‘yung nauna.""Talaga?" Kinuha niya ang lilang bestida at tumingin sa salamin. "Oo nga. Sige, ito na lang ang isusuot ko."Nang makapagbihis na si Diana, pumasok na siya sa palace hall habang nakahawak sa braso ni Rick. Bigla niyang naalala ang isang bagay. "Paano ang regalo?"Alam ni Rick na tatanungin niya iyon, kaya binuksan na nito ang pinto ng kotse. "Nasa kotse na. Kinuha ko na."...Sa Blue Valley Manor, masaya at masigla ang paligid. Nandoon sina Brandon at Freyja, at dumating na rin sina Diana at Rick.Wala silang kasama na mga ba
Ang isa pang tinutukoy ni Madam Hathaway ay si Titus.Tiningnan ni Titus si Nolan. “Ikaw ang tinutukoy niya, pumupunta ka kahit hindi ka imbitado.”Tumawa si Nolan at tumingin sa matandang babae. “Gran, alam ko na ngayon kung bakit hindi mo pinakasalan ang lolo ko. Hindi ka magkakaroon ng kapayapaan.”“Nolan!”Nanginig ang kamay ni Titus sa galit. Napakasama niyang apo!Lumapit siya kay Madam Hathaway at uupo na sana sa tabi nito pero tiningnan niya ito nang masama. “Sinabi ko ba na pwede kang umupo?”Nainis si Titus pero hindi niya masabi.Kailangan niyang tumayo at bumuntong hininga. “Sal, huwag kang makinig sa pilyo na ‘yan.”“Pilyo?” Tumawa si Madam Hathaway at nilagay ang kamay niya sa kaniyang tungkod. “Lahat ng Goldmann ay pilyo.” Ang anak mo, ang batang ito, at lalong lalo na ikaw.”Tinaas niya ang kaniyang boses. “Oo, pilyo ako. Pwede na ba ako umupo.”Nag-iwas ng tingin si Yorrick, nanginginig ang balikat niya.Sanay na si Nolan doon. Walang hiya ang mga Goldmann s