Huminto sa paglalakad si Nolan pero hindi lumingon. “Hindi ako natatakot mamatay. Natatakot lang akong mamatay sa harapan niya.”Lumingon siya kay Quincy. “Papuntahin mo si Waylon dito para samahan siya bukas.”Kinabukasan…Nakaupo si Maisie sa kama habang nagbabasa ng dyaryo.Patay na nga si Daniel at lumabas na ang katotohanan tungkol sa virus, lahat ng sisi ng mga taong yun ay nasa mga Kent.Hindi man lang nila binanggit ang ginawa nila sa mga Kent. Ginamit nila ang mga Kent para pag-aralan ang teknolohiya na yun hanggang sa bumagsak ang mag Kent at mamatay si Daniel.Hindi nila kailangan mag-alala na madamay sila dito.“Mommy!”Tumalikod si Maisie nang marinig ang boses na yun at nagulat nang mapatingin sa pinto.Agad na namula ang kaniyang mga mata. “Waylon!?”Tumakbo si Waylon papunta sa kama, at niyakap naman siya ni Maisie. “Waylon, ikaw na ba yan? Sobra kang namiss ni Mommy!”Walong taong gulang na ang mga bata ngayon, maliliit pa ang tatlo noon. Kahit na
Si Saydie lang ang nanatili sa ospital sa nagdaang dalawang araw. Wala si Nolan.Nakamasid si Maisie sa labas ng bintana ng sasakyan. Autumn na, kulay-ginto na ang mga punong tumutubo sa magkabilang gilid ng kalsada. Parang gintong carpet ang mga dahon sa lupa, nagdadagdag ito ng kulay sa nakapaligid na mga gusali.Sumasayaw ang mga dahon kapag nadadaanan ng mga sasakyan.Dinala ni Maisie si Waylon sa Easton Estate, pumasok sila sa villa, at nakita si Strix na hinihintay siya sa living room.“Dad.” Lumapit si Maisie sa kaniya habang hawak ang kamay ni Waylon.Tiningnan ni Strix si Waylon. “Sino ang batang ‘to?”“Anak ko.” Ngumiti si Maisie sabay akbay sa balikat ni Waylon. “Si Waylon Vanderbilt.”Binaba ni Strix ang kaniyang tasa at ngumiti. “May binatilyo ka ng anak.”Sumagot si Waylon, “Tatlo po kami. Mayroon akong isang kapatid na lalaki at isang babae.”Ngumiti si Maisie pero walang sinabi nang makita ang pagkagulat ni Strix.Hinayaan niya si Saydie na ilibot si
Mangyayari ang final stage sa loob lang ng maikling panahon pagkatapos ng ikatlong taon. Tuloy-tuloy na uubo ng dugo ang pasyente, hihina ang immune system, at lalagnatin nang malala. Mamamatay na lang siya bigla dahil hindi na kakayanin ng organs niya ang sakit.May naisip si Maisie at saka tumayo, “Oo nga pala, kung… kung walang incubation period ang sleeper virus at nagsimula agad lagnatin at umubo ng dugo ang pasyente, anong klaseng virus yun?”Tumalikod si Strix para harapin siya. “Mutated sleeper virus yun. Mabilis na magkakasakit ang mga tao. Tatlo hanggang apat na taon lang ang itatagal ng pasyente.”“Tatlo, apat na taon..”Namutla si Maisie. Paano yun nangyari? Nasa pangatlong taon na si Nolan!“Anong problema, Zee?” Nagtataka siyang pinagmasdan ni Strix.Bumalik sa realidad si Maisie at sinabi, “Dad, may gamot ba para sa mga infected?”Nagsalubong ang mga kilay ni Strix na para bang nag-iisip siya nang malalim, “Hindi sapat ang medical research ngayon para makah
Isang gwardiya ang dumating. “Mr. Goldmann, Quincy. Nandito si Ms. Vanderbilt.”Huminto si Nolan at kalmado na sumagot, “Papasukin mo siya.”Gusto ni Nolan na samahan ni Waylon si Maisie para hindi niya ito makita nang ilang araw, pero pinuntahan pa rin siya nito.Seryosong pumasok si Maisie pero kalmado siya.Umalis si Quincy at sinara ang pinto.Lumapit si Maisie sa study desk. “Iniiwasan mo ba ako?”Ngumiti lang si Nolan. “Talaga ba?”Itinabi ni Maisie ang mga dokumento sa harapan ni Nolan. “Oo, hindi mo ako pinuntahan nang lumabas ako sa ospital. Nagsisisi ka ba?”Ngumiti lang si Nolan pero hindi sumagot.Pinatong ni Maisie ang mga kamay sa mesa. “Nolan, kung magsisisi ka, hindi na ako magpapakita simula bukas.”Mayroong lihim sa mga mata ni Nolan habang tinititigan si Maisie.Naupo si Masie sa desk at lumapit kay Nolan. Bumagsak ang malambot niyang buhok, mas lalo siyang naging kaakit-akit.Dinuro niya ang pocket square ni Nolan. “Kung wala kang sasabihin,
Bumuntong-hininga si Maisie at hindi gumalaw sa mga bisig ni Nolan. “Pagod ako.”Tumalikod si Nolan. “Pagod?”Nanghihinang yumakap si Maisie sa leeg niya. “Sa iyo lang ako ngayon.”“You little minx.” Madiin siyang hinalikan ni Nolan. Isa na nanaman yung gabi na puno ng pagmamahal.Kinabukasan…Gumising si Maisie at naghanda ng almusal nang may marinig siyang ingay sa labas. Sumilip siya at nakita si Titus na paparating kasama ang dalawang bodyguard.Nagulat si Titus nang makita si Maisie, nakakunot ang kaniyang noo. “Bakit ka nandito?”Kasunod ni Quincy si Waylon pababa ng hagdan. Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Quincy at saka maingat na lumapit. “Nandito na pala kayo, sir.”“Nakalimutan mo na ba ang sinabi ko sa iyo o hindi mo lang pinapansin?”Ang ibig sabihin ni Titus ay ang paglapit ni Maisie kay Nolan.Malamig na nagsalita si Waylon bago pa makasagot si Quincy. “Bakit hindi pwedeng makita ni Mommy si Daddy?”“Sinusuway niyo akong lahat!” Sigaw ni Titus. S
Pinagsisisihan siguro yun ni Titus.“Mr. Goldmann?” Nagulat si Quincy nang makita si Nolan na nakatayo sa hagdanan.Narinig niya ba ang lahat?Dahan-dahang bumaba si Nolan at huminto sa harapan ni Maisie, nginitian niya ito. “Akala ko umalis ka na.”Nilapag ni Maisie ang mga kutsara’t tinidor sa mesa. “Kailangan ko pa rin maghanda ng almusal para sa anak ko at sa tatay ng anak ko bago ako umalis.”Masayang ngumiti si Nolan nang marinig ang mga salitang ‘tatay ng anak ko.’ “Mukhang hindi makakatulog at makakakain nang maayos ang lolo ko sa mga susunod na araw dahil sa iyo.”Nagsalin si Maisie ng sariwang orange juice sa baso para kay Waylon. “Sinasabi ko lang ang totoo, mali ba ako?”Ngumisi si Nolan, hindi niya pinansin ang iba at niyakap si Maisie at inamoy ang buhok nito. “Mm, mabuti.”Nakita ni Maisie na may ibang tao pa rin, tinulak niya si Nolan gamit ang siko habang namumula. “Tumigil ka na at mag-almusal. Kailangan kong bumalik mamaya.”“Mommy, aalis kayo ulit?
Nagulat si Strix. Makalipas ang mahabang sandali, yumuko siya at sinabi, "Oo, tama ka. Ginamit niya ang panganganak mo para masabi niyang nagtagumpay ako."Huminto ang sasakyan sa labas ng research building. Isang lalaki at babae ang nakatayo sa entrance. Pareho silang taga-Morwich, sila ay nasa 30s na. Nakasuot sila ng puting coat na susuotin lang kung nasa duty sila, may naka-pin din na id card sa harap ng kanilang dibdib. Nang makita ng lalaking naka-buzz cut si Strix, magiliw siyang ngumiti at sinabi, "Bumalik ka na rin!""Oo, pero huwag mo sabihin kahit kanino na bumalik na ako, kahit kay director." Sabi ni Strix. Tumango siya at sumagot, "Sige, at ito ay…"Hindi pa nagpapakita ng sarili si Maisie sa media nang nasa Morwich siya kaya hindi siya kilala. Tumingin si Strix kay Maisie at pinakilala siya. "Anak siya ni Marina. Alice ang pangalan niya."Nagulat ang lalaki at babae.Sa loob ng opisina…Kinuha ni Maisie ang tasa ng kape sa isang babae, ngumiti siya
Tumingin sa kanya si Marlo at sinabing, "Kung gagamitin mo ang dugo niya para makagawa ng bagong antibodies, ang porsyento na maka-survive ng antibodies sa non-living blood ay mababa pagkatapos makuha ng dugo at masira."Sa madaling salita, mayroon lang ilang segundo para magawa nila ang extraction process pagkatapos makuha ng dugo niya, at pag nagkamali sila, mag-uumpisa sila ulit.Sa gayon, ilang beses silang kukuha ng dugo? Kukunin ba nila lahat ng dugo niya? Paano kung hindi nila magawa kahit na ilang beses nilang sinubukan?Naintindihan ni Strix lahat ng sinabi niya.Noong una, ayaw din niyang gamitin ang paraan na 'to.Pero, pag naiisip niya ang sinabi ni Maisie na naniniwala siya sa kanya, naramdaman niyang hindi niya ito hahayaan.Ayaw ni Strix na biguin siya, pero natatakot siya na hindi kayanin ito.Dati ay hindi niya nagawa ang antibodies na makakaligtas kay Marina, magagawa niya kaya ngayon?Hindi niya alam.Namumuhay siyang nagsisisi sa lahat ng taon na d
Inangat ni Cameron ang mata niya at sinabing, “Hindi na masama. Hindi pa ganoon katagal pero gumagaling ka na sa pag-amin ng mali mo. Mukhang natuto ka na ng leksyon mo.”Ngumiti si Conroy at sinabing, “Syempre, natutuhan ko na ang leksyon ko.”Ibinaba ni Cameron ang baso ng juice at agad na tinanong ni Conroy ang mga tauhan niya na punuin yon para sa kaniya. “Lahat kayo ay magkakaroon ng reward kapag trinato niyo siya nang tama.”Umirap si Cameron at tiningnan si Conroy.Hindi alam ni Conroy kung bakit ganoon ang tingin sa kaniya ni Cameron kaya tinanong niya, “Anong problema, Cam?”Habang nakangisi, sinabi ni Cameron, “Pamilyar ka ba sa lokasyon ng martial arts center?”Walang pagda-dalawang isip siyang sumagot, “Syempre.”Tumayo si Cameron at naglakad palapit para hilahin si Conroy patayo sa sahig. Pagkatapos, tinapik niya ang kaniyang balikat at sinabing, “Mabuti. Mr. Selfridge, kailangan ko ng tulong mo sa isang bagay.”Nagulat si Conroy.…Tiningnan ng landlord ang kont
Tiningnan ni Harold ang lalaki sa likod ni Cameron. Mabagal na tumatayo ang lalaki mula sa sahig. Inilabas nila ang butterfly knife sa kaniyang bulsa at tumakbo papunta kay Cameron.Nag-side kick si Cameron, tinamaan niya ang leeg ng lalaki at lumipad ito sa kabilang parte ng kwarto bago tumama sa isang paso.Nagulat si Harold.Humarap si Cameron para tingnan siya. Gumalaw ang gilid ng labi ni Harold habang gusto niyang umiyak sa mismong oras na ‘yon.“I… I…”Ngumiti si Cameron at nagdilim ang mukha niya. Tinapakan niya ang hita nito dahilan para mapasigaw ito sa sakit. “Pasensya na!”Lumapit siya habang nakatingin kay Harold habang may mala demonyong ngiti. “Narinig ko na si Mr. Selfridge ang taga suporta niyo, hindi ba?”Samantala, sa private swimming pool…“Mr. Selfridge, dito. Lumapit ka at hulihin mo akooo!”“Mr. Selfridge, dito!”Maraming bagay na nangyayari sa pool.Nakasuot ng blindfold si Conroy habang naglalaro ng tagu-taguan kasama ang ilang magagandang Internet c
“Miss—”Nang may sasabihin na si Sapphire, hinaplos ni Cameron ang ulo niya at sinabing, “Pumunta ka muna sa klase mo. Mahuhuli ka na.”Kinagat ni Sapphire ang labi niya at palingon-lingon siya habang papasok sa paaralan.Nang makapasok siya sa campus, inangat ni Cameron ang kamay niya tinapik ang mukha ng babaeng pula ang buhok. Habang nakangiti, sinabi niya, “Dalhin mo ako sa kapatid mo.”Nagulat ang grupo ng mga babae. Ito ang unang pagkakataon na may nakaharap sila na may death wish pero ito ang gusto nila.Dinala nila si Cameron sa billiard center. Puno ng usok ang center at lahat ng lalaki ay napalingon nang makita sila. Nang makita ng middle-aged na lalaki na naglalaro ng billiard na dinala nila ang babae, inayos niya ang kaniyang tindig at ibinaba ang tako.Lumapit ang babaeng pula ang buhok at sinabing, “Harold, siya ‘yon.”Tiningnan ni Cameron ang paligid. Napansin niya na naka-cast ang ilan sa mga binti nila. Mukhang hindi naging maganda ang nangyari sa kanila nang pu
Pakiramdam ni Dylan na hindi pa ‘yon sapat nang matapos siya magsalita at nagpatuloy. “Syempre, hindi mo kailangan na mag-alala dahil mayroong Goldmann na tutulong sa'yo pero iba ang boss namin. Ang martial arts center na ito na lang ang mayroon siya. Ginastos niya ang lahat ng ipon niya para sa center na ito.”“Sinabi mo na ginastos ni Nick ang lahat ng ipon niya sa martial art center na ito?”Sa memorya niya, mayaman ang Wickam sa Southeast Eurasia. Posible kaya na pinutol niya ang koneksyon niya sa kaniyang pamilya pagkatapos niyang umalis?Tumalikod si Dylan at sinabing, “Syempre. Itinayo ng boss namin ang martial arts center na ito nang sampung taon. Dito siya kumakain at natutulog. Ang may-ari ng lugar na ito ay ayaw ipa-renta sa iba ang lugar dahil ayaw niya ng kahit anong gulo. Kinausap siya ng boss namin ng isang linggo, at pumayag lang siya na iparenta ang lugar dahil sa sinseridad niya. Pinapirma pa niya ang boss namin ng kasunduan. Kapag gumawa ng gulo ang boss habang
Inikot ni Nick ang bote at uminom. Pagkatapos, sinabi niya, “Hindi kailanman gagawa ng gulo ang mga tao na nasa martial arts center ko.”“Wala akong pakialam. Gusto ko siya ngayon. Kung hindi, hindi ko alam kung anong magagawa ko mamaya.”Lumapit ang middle-aged na lalaki kay Nick at tinapik ito sa balikat. “Hinahamon kita na pumunta sa East Street at itanong kung sino si Harold. Ano naman kung magaling kayo sa pakikipaglaban? Wala itong saysay kung mawawala na bukas ang martial arts center niyo, hindi ba?”Nagalit si Dylan at lumapit pero pinigilan siya ni Nick.Tiningnan niya sa mata ang middle-aged na lalaki at sinabing, “Sampung taon na kaming nandito. Sa tingin mo ba ay posible na mawala kami bukas?”Humarap ang middle-aged na lalaki at nakipagpalitan ng tingin sa mga tao na nasa likod niya. Nang matanggap nila ang signal niya, lahat sila ay sumugod kay Nick.Binuhos ni Nick ang mainit na tsaa na nasa kamay niya at hinawakan ang braso ng lalaki.Pinaikot niya ang braso ng l
Hinawakan ni Colton ang pisngi nito at tiningnan sa kaniyang mga mata. “Hindi mo kailangan na may matupad. Kaya kitang alagaan. Ayos lang kahit na wala kang matupad. Kaya kitang alagaan.”“Yan ang iniisip mo,” naiiyak na sinabi ni Freyja. “Hindi ko kailangan na alagaan mo ako. Ayaw ko na maliitin ako ng ibang tao.”Niyakap siya ni Colton. “Sinong may pakialam sa sinasabi ng iba? Sa tingin ko ay magaling ka.”Pinatong ni Freyja ang baba niya sa balikat ni Colton at masayang ngumiti. “Sa tingin ko ay lahat ng ginawa ko ay naging sulit.”Hindi na madilim ang mundo niya kasama si Colton at si Charm sa tabi niya.Hinalikan ni Colton ang ulo ni Freyja at mahinang sinabi. “Alright. Kailangan natin ibalita ito sa mga kaibigan mo. Sinusuportahan ka nila hanggang ngayon.”“Oo, dapat ko na sabihin sa kanila.”Ngumiti si Freyja at umakyat, iniwan niya si Colton doon.Hindi na kailangan sabihin ni Colton ‘yon basta masaya siya.Sa Bassburgh, sa martial arts center…“Itong lugar na ‘to. S
Natuwa si Sallu Hathaway nang marinig ‘yon. “Napakalambing mo lagi.”Masaya si Titus. “Well, ang anak mo ang nag-alaga sa kaniya. Syempre malambing siya.”Tiningnan nang masama ni Sally si Titus at gusto na huwag pansinin. Tumingin siya kay Diana at Nollace na nakatayo at ngumiti. “Mas lalong nagiging gwapo si Nollace. Kamukha na siya ng Kamahalan ngayon.”Hinawakan ni Diana ang kamay niya at yumuko dahil mas maliit si Sally. “Salamat. Kamukha nga ako ni Nollace.”Hindi masaya si Nolan at Colton tungkol doon. Si Nollace lang ang sinabihan niya ng gwapo. Siya lang ba ang gwapo?Mas hindi natutuwa si Titus. Dati siyang kaakit-akit at gwapo noong bata pa siya. Bakit hindi siya pinuri nito?Nagtinginan si Maisie at Freyja habang ang mga lalaki na nakatayo sa tabi nila ay ‘hindi patas’ ang pagtrato.Nakahanda na ang dinner nang sumapit ang gabi.Nasa 25 feet ang haba ng mesa at puno ng pagkain—western, oriental, fruits, at dessert.Ibinigay ni Diana ang upuan sa dulo kay Sally na m
"Hindi ko alam kung ano ang isusuot para sa unang pakikipagkita ko sa mga biyenan ko. Kung poporma ako masyado, masyadong pormal. Pero kung masyadong simple naman, baka isipin nilang wala akong respeto sa kanila."Mahigit sampung damit na ang sinukat ni Diana, at ngayon ay nakakalat na ang mga ito sa kama, binubusisi ang bawat isa.Si Rick, na matagal nang nakahanda, ay walang magawa kundi pagmasdan siya. "Basta kasya, okay na yan. Maganda na ‘yung nauna.""Talaga?" Kinuha niya ang lilang bestida at tumingin sa salamin. "Oo nga. Sige, ito na lang ang isusuot ko."Nang makapagbihis na si Diana, pumasok na siya sa palace hall habang nakahawak sa braso ni Rick. Bigla niyang naalala ang isang bagay. "Paano ang regalo?"Alam ni Rick na tatanungin niya iyon, kaya binuksan na nito ang pinto ng kotse. "Nasa kotse na. Kinuha ko na."...Sa Blue Valley Manor, masaya at masigla ang paligid. Nandoon sina Brandon at Freyja, at dumating na rin sina Diana at Rick.Wala silang kasama na mga ba
Ang isa pang tinutukoy ni Madam Hathaway ay si Titus.Tiningnan ni Titus si Nolan. “Ikaw ang tinutukoy niya, pumupunta ka kahit hindi ka imbitado.”Tumawa si Nolan at tumingin sa matandang babae. “Gran, alam ko na ngayon kung bakit hindi mo pinakasalan ang lolo ko. Hindi ka magkakaroon ng kapayapaan.”“Nolan!”Nanginig ang kamay ni Titus sa galit. Napakasama niyang apo!Lumapit siya kay Madam Hathaway at uupo na sana sa tabi nito pero tiningnan niya ito nang masama. “Sinabi ko ba na pwede kang umupo?”Nainis si Titus pero hindi niya masabi.Kailangan niyang tumayo at bumuntong hininga. “Sal, huwag kang makinig sa pilyo na ‘yan.”“Pilyo?” Tumawa si Madam Hathaway at nilagay ang kamay niya sa kaniyang tungkod. “Lahat ng Goldmann ay pilyo.” Ang anak mo, ang batang ito, at lalong lalo na ikaw.”Tinaas niya ang kaniyang boses. “Oo, pilyo ako. Pwede na ba ako umupo.”Nag-iwas ng tingin si Yorrick, nanginginig ang balikat niya.Sanay na si Nolan doon. Walang hiya ang mga Goldmann s