“Pero gusto ba talaga nila umalis sa kompanya? Pakiramdam lang siguro nila ay masyado silang maraming ginagawa kaya nagrereklamo sila. Kung ganun ay bibigyan na lang natin sila ng opportunity na umalis sa kompanya. Doon lang tatahimik ang bibig nila, habang ang iba naman na hindi gustong umalis ay makakaramdam ng pros and cons at gagawa sila ng desisyon base sa kalagayan nila ngayon. At pag nangyayari iyon, kailangan lang natin damihan ang benefits at itaas ng sweldo nila. Kung ganun, ano na sa tingin mo ang nasa isip nila?”Inisip iyon nang mabuti ni Hedeon. “I see. Iisipin nila na pang-akim lang ang notice na nagsasabi sa kanilang mag-resign.” Nagbukas ang pinto ng elevator, at pumasok sa loob si Nollace. “Iisipin nila na isang kalokohan lang iyon, matutuwa pa sila na pinili nilang manatili, at yung mga umalis naman ng kumpanya ay hindi na mararanasan ang ilang benepisyo pati ang taas ng sweldo. Kung ganun, natural lang na hihinto na ang mga reklamo.” Hindi nakapagsalita si Hede
Samantala, paisa-isang hinatid ni Freyja palabas ng villa ang mga coursemate niya.Pumunta si Leia sa sasakyan, biglang tumigil, at humarap para tumingin kay Freyja. “Salamat sa pagtanggap, at kailangan ko humingi sa'yo ng tawad.”Bahagyang nagulat si Freyja.Yumuko si Leia. “Itinuturing ko na kaibigan si Shannon. Sinisi ka niya nang sinisiraan ka niya noon. Kahit na wala naman akong pakialam doon, dapat pinigilan ko siya. Pasensya na doon.”Bahagyang tinikom ni Freyja ang labi niya. Lagi siyang nag-iisa at ayaw niyang magkaroon ng malapit na koneksyon sa iba, kaya wala siyang pakialam sa iniisip ng iba sa kaniya.Mukha lang na wala siyang pakialam doon sa kaniyang panlabas, pero sa loob niya ay may pakialam siya.Bahagya siyang nagulat na humingi si Leia ng tawad sa kaniya pero nakaramdam din siya ng init sa kaniyang dibdib. “Ayos lang.”“Freyja, totoong totoo ka kapag kasama mo ang asawa mo. Kahit na palakaibigan ka naman kapag kasama ka namin, nakikita ko na peke lang ang ngi
Kahit na hindi malaki at magarbo ang Pruitt manor, matagal na itong itinayo at isang antique na bahay.Nasa bahagyang abala na parte ng siyudad ito at kung maibebenta ito sa mababang halaga, malaking kawalan ‘yon.Patuloy na tumataas ang halaga ng mga ari-arian sa lugar na ‘yon at mahal na naibebenta. Walang rason para ibenta ito.Tiningnan ni Brandon ang kwarto na ilang dekada niyang tinirahan. Puno iyon ng alaala at hindi niya ‘yon ibebenta.Ilang kahon ang nilagay sa sasakyan habang nakatayo si Brandon sa hardin, nakatingin siya sa lumang bahay. Sumakay siya sa sasakyan pagkatapos ng ilang sandali.Kinabukasan…Bumalik si Freyja sa college para magpasa ng application sa shoot. Nakasalubong niya si Leia at ilang tao nang lumabas siya sa opisina.Nang maalala ang nangyari kahapon, kinagat niya ang kaniyang labi at lumapit. “Good morning.”Natigil ang magkakaibigan dahil nagulat sila. Hindi sila binabati ni Freyja noon.Tiningnan siya ni Leia. “Morning, Freyja.”Ngumiti ang i
“Anong ibig sabihin nito?”Kumunot si Freyja, pero lumapit si Shannon at hinawakan ang kwelyo nito bago siya magsalita. “Inilayo nila ako dahil sa'yo. Ito ang gusto mo, hindi ba?”Ginalaw ni Freyja ang kamay nito at tinulak. “Anong kinalaman ko diyan?”“Matagal ka nang nagsisinungaling sa akin. Plano niyo ito ng asawa mo, hindi ba? Bakit siya dumating pagkatapos mong sabihin na hindi siya darating? Kung hindi dahil sa'yo, hindi sana sila umalis. Kasalanan mo ito lahat!”Tinuon ni Shannon ang lahat ng galit niya kay Freyja dahil pinahiya siya nito sa harap ng lahat at naging dahilan kung bakit siya nilalayuan.Hindi siya pinansin ni Freyja at aalis na sana.Hinawakan siya ni Shannon at hindi hinayaan na makaalis si Freyja. “Hindi kita hahayaan na makaalis hanggang sa maayos natin ito.”Sa oras na ‘yon, dumating si Leia. “Shannon, anong ginagawa mo?”Lumapit siya para hilain si Shannon. “Baliw ka ba?”Tinulak siya palayo ni Shannon. “Ano? Walang taon na tayong magkaibigan, nakal
Tumingin si Leia kay Freyja. “Huwag mo na siyang pansinin. Nasanay siya na napapalibutan ng tao, kaya masama loob non ngayong mag-isa na lang siya. Magiging ayos din siya kapag natanggap niya na.”Ngumiti si Freyja at tumango.Samantala, sa Knowles mansion…Nakaparada ang sasakyan sa labas. Lumabas si Colton na may regalo at pumunta sa hardin. Lumabas si Peter sa bahay. “Ikaw ba si Mr. Goldmann?”Tumango si Colton.“Dito po.” Tumabi si Peter at inilahad ang braso niya.Pumasok si Colton sa mansion habang si Diana at ang asawa nito ay nakaupo sa living room. Nang malaman nila na bibisita ang kapatid ni Daisie, naghanda sila.Hinatid ni Peter si Colton sa living room nang tumayo si Diana habang nakangiti. “Ikaw siguro ang kapatid ni Daise. Maupo ka.”Umupo si Colton at nilagay ang box ng regalo sa mesa. “Wala pang oras ang mom ko para pumunta at bumisita, kaya sinabihan nila ako na pumunta. Ito ang maliit na regalo na hinanda ko para sa'yo.”“Masaya ako na nandito ka.” May naala
“Ang dami mong sinasabi.”Sumandal si Colton sa likod ng upuan. “Kung hindi sinabi sa akin ni Mom na buntis ka, hindi dapat ako pupunta.”Bigla siyang tumingin kay Nollace. “Mahal na mahal siya ng mom at dad ko. Ngayong buntis siya, kapag sinaktan mo siya, kahit na kaunti, magkakaroon tayo ng problema.”Ngumiti si Nollace. “Huwag kang mag-alala. Kapag nagpakita ka ng magandang halimbawa, susunod ako.”Walang masabi si Colton.Ano itong passive-aggressive na ugali?Nanatili si Colton para mag lunch. Mula nang dumating si Daisie, inutusan ni Diana ang cook na baguhin ang pagkain nila para sa panlasa ni Daisie.Mayroong steak, soup, fried food, grilled food, at marami pa.Tiningnan ni Colton ang pagkain sa mesa at hindi nagsalita. Nakikita niya na maayos ang trato ng Knowles sa kapatid niya.Malambing si Diana tulad nang lagi. “Ayos lang ba ito? May gusto ka bang idagdag?”Bago pa magsalita si Colton, sinabi ni Daisie, “Mom, ayos lang siya. Hindi mapili ang kapatid ko.”Tiningn
“Mabubuhat ko pa kaya siya pag-uwi ko?”Pinisil ni Colron ang pisngi niya. “Iniisip mo na magiging sobrang bigat ng baby mo?”Inalis ni Freyja ang kamay ni Colton at yumuko. “Natatakot ako na baka hindi niya na ako makilala. Sa tingin mo ba makasarili ako?”Hinawakan ni Colton ang kamay nito. “Ilalaan natin lahat ng oras natin sa kaniya pagbalik natin at panunoorin natin siyang lumaki.”Ngumiti si Freyja at tumango.Nang makabalik sila, nakita nila si Brandon at ang katulong na naglalagay ng dekorasyon sa bahay. Naging masigla doon.Tumingin si Brandon sa kanila at ngumiti. “Nakabalik na pala kayo.”“Dad, anong ginagawa mo?”“Well, wala akong ginagawa kaya inisip ko na subukan tumulong.” Sinabit ni Brandon ang maliit na regalo sa Christmas tree. “Ayaw ng mom mo ng mga dekorasyon at handaan, kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na maglagay.”Ngumiti si Freyja.Totoo ‘yon. Isang pasko, kahit na ayaw ng mom niya ng mga ganoon, gusto pa rin ni Brandon na magsaya sila ni Ken, k
Inangat ni Nick ang mata niya para tingnan si Cameron at tumalikod. “Walang kinalaman ang insidente doon.”Alam niya na prank ni Cameron ang mga ‘mangkukulam’ na ‘yon.Siguro nga ay mayabang si Cameron pero hindi siya ganoon kasama para gumawa ng ganoong prank para sirain ang reputasyon ni Nick. Kahit na si Cameron at ang mga ‘mangkukulam' na ‘yon ay naging ginamit ng ibang tao laban sa kaniya.May sumantala sa prank ni Cameron, dahilan para mailabas ang insidente at pinagkamalan siyang “babaero”.Pero, ilang taon na ang lumipas at nakalimutan niya na ‘yon. Nawala na rin ang “galit” na mayroon siya kay Cameron.Nang hindi narinig ni Nick ang boses ni Cameron nang ilang sandali, lumingon siya para tingnan ito.Nakatulog na si Cameron sa mesa. Mahimbing ang tulog niya na kahit ang ingay sa paligid sy hindi siya kayang gisingin. Tiningnan siya ni Nick at inobserbahan ang mukha nito. Naalala niya nang makita niya ang pinag-uusapan na batang tagapagmana ng Southern sa East Island, i