Nagulat si Cameron at sinabing, “Sino sa tingin mo ang kukuha sa akin bukod sa'yo?”Naglagay ng itlog si Waylon sa plato ni Cameron at tinanong, “Paano kung hindi ako?”Tinikom ni Cameron ang labi niya at sinabing, “Sige, sige. Nangangako ako na hindi na ako iinom nang marami ulit.”Dahil alam niya na may ginawa siyang mali, tumawa si Waylon at sinabing, “Pinapatawad na kita kung ganoon. Sa sobrang totoo mo ngayon.”Habang nagbabalat siya ng itlog, tinanong niya, “Habang lasing ako kagabi, wala naman akong sinabing kakaiba, hindi ba?“Well, may sinabi ka nga,” sagot niya.Nagulat siya at inalog ang kaniyang ulo. “Anong sinabi ko?”Hindi sinagot ni Waylon ang tanong. Tumingin siya kay Cameron at sinabing, “Subukan mong alamin nang mag-isa.”Natahimik si Cameron at nag-isip. Alam niya na may sinabi siya kagabi pero hindi niya maalala.‘Gustong gusto kita, Wayne.’Nagulat si Cameron at tinakpan ang pisngi niya.‘Oh my gosh. Umamin ba ako kagabi?’Inangat din ni Waylon ang kila
Natahimik si Cameron.Hindi niya alam kung paano sumagot kay Chadwick, at nag-alaal siya na hindi siya magkaroon ng girlfriend sa future sa ganitong ugali niya.Nag-squat siya sa harap ni Chadwick at tiningnan sa mata. “Walang patakaran na kailangan gusto mo para hindi mo tanggihan. Pero kahit na gusto mo o hindi, kailangan mo magpasalamat sa kabaitan ng ibang tao.“Kahit na hindi mo gusto, pwede mo sabihin na hindi mo kailangan at magsabi ka ng salamat para sa kabaitan niya. Dapat lang ‘yon, naiintindihan mo ba?”Tiningnan siya ni Chadwick at sinabing, “Ang ingay niyo.”Nang may sasabihin na si Cameron, umiyak nang malakas ang batang babae, kaya wala siyang nagawa kundi iwan si Chadwick para pakalmahin ang batang babae.Narinig ni Nick ang kaguluhan at lumapit. Binuhat niya ang batang babae at tinanong, “Bakit ka umiiyak? Hindi mo ba gusto ang regalo mo?”Umiyak ang babae at umiling. May luha sa gilid ng mata niya habang humihikbi. “Hindi niya ako gusto…”Tumingin si Nick kay
Sa Blackgold Group…Pinag-usapan ng mga department staff ang kanilang evening activities kapag may libre silang oras. Nang dumaan si Leonardo sa kanila na may dalang regalo sa kamay niya, isa sa kanila ang nagtanong, “Mr. Prichard, regalo ba yan para sa girlfriend mo?”Saglit na nagulat si Leonardo. Pagkatapos, ngumiti siya at sinabing, “Hindi. Wala akong girlfriend. Para ‘to kay Mr. Goldmann.”Lahat sila ay pumalibot kay Leonardo. “Ano ‘to? Alahas ba ito?”“Regalo ba ito ni Mr. Goldmann para sa asawa niya?”“Ang romantic naman niya. Bakit walang nagbigay sa akin ng regalo para sa pasko?”Sa totoo lang, hindi alam ni Leonardo kung ano ‘yon. Pero siguro ay alahas ‘yon dahil sa brand.Walang nakakaalam na nakatayo si Waylon sa likod nila. Tumawa siya at sinabing, “Mukhang walang may gusto sa inyo na maagang umalis sa trabaho, paano kaya kung bigyan ko pa kayo ng trabaho?”“Hindi, hindi, hindi, gusto naming maaga makauwi. May mga date pa kami ngayong gabi.”Agad silang bumalik s
Lumabas si Waylon at tinanong, “Hindi ka pa nakapunta sa hot spring noon?”“Wala kaming winter sa East Islands, kaya syempre, wala kaming mga hot spring,” Sinabi ni Cameron habang humaharap siya. Pero, nang makita niya na may nakabalot lang na towel si Waylon sa bewang nito, agad niyang binaling ang tingin sa iba.Lumapit si Waylon sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. “Hindi ka ba pupunta sa hot spring?”Bumuntong hininga siya at sinabing, “Oo, gusto kong masubukan ang hot spring pero hayaan mo muna akong mauna.”Tumawa siya at sinabing, “Sige. Kung tutuusin, marami tayong oras.”Pagkatapos niyang magsalita, binuhat niya si Cameron mula sa sahig.Agad na binalot ni Cameron ang braso niya sa leeg ni Waylon at pumikit. “Binabalaan ka! Huwag mo ako ibagsak sa hot spring!”Binuhat siya ni Waylon papunta sa hot spring.Tumalsik ang tubig. Umahon si Cameron mula sa tubig, nakalugay ang basa niyang mahabang buhok.Pinunasan niya ang tubig sa kaniyang mukha at sumigaw, “S*raulo
Ngumiti si Nollace. “Salamat sa pag-alala. Ayos lang sila. Kumusta ka, Tito Brandon?”Tumango si Brandon at kinuha ang teacup. “Ayos lang ako.”Bumaba si Colton sa hagdan at nakita si Nollace. “Alam talaga niya kung kailan dapat bumisita para makalibre sa pagkain.”Sa oras na ‘yon, sinilip ni Daisie ang ulo niya sa kusina. “Huwag mo subukang bully-hin ang asawa ko!”Natahimik si Colton.Tumawa si Brandon at binago ang usapan. “Gusto niyo ba ng roast turkey ngayong gabi?”Agad na sumagot si Daisie, “Gusto ko ng Roast turkey!”Sabi ni Nollace, “Doon ako sa gusto ng misis ko.”Nang magsasalita na sana si Brandon, si Colton lang ang mukhang may ayaw sa ideya. “Roast turkey? Ayaw—”Tumikhim si Freyja.Nagpanggap siya na nagda-dalawang isip at nag-iwas ng tingin. “Okay, mag roast turkey tayo.”Lumaki ang ngiti ni Daisie.Nang 5:00 p.m., puno ng pagkain ang mesa. Mayroong roast turkey, mashed potatoes, potatoes, maple glazed ham, green bean casserole, gravy, cranberry sauce, at ma
Inakbayan ni Nollace si Daisie at kinagatan ang taco kung saan mismo kumagat si Daisie kanina. “Syempre. Sobrang tamis ng lasa, tulad mo.”Namula ang pisngi ni Daisie. “Ikaw… sabi ko kumagat ka lang tapos kung anu-ano na sinasabi mo.”Lumawak ang ngiti ni Nollace. “Katatapos lang natin kumain kala Colton at ngayon kumakain ka na agad ng taco.”“Anak mo naman ang gutom, hindi ako.”“Ibig sabihin mahilig kumain ang anak natin. Sigurado akong magiging chubby boy siya sa susunod.”Tinakpan ni Daisie ng palad niya ang kaniyang tiyan at tumawa. “Bakit naman chubby boy? Baka naman maging chubby girl.”Hinawi ni Nollace ang buhok ni Daisie gamit ang daliri niya, hindi niya napigilan na tumawa nang alakas. “Walang problema. Gusto ko naman kahit ano.”Sa oras na iyon, nag-ring ang phone ni Daisie. Kinuha niya iyon at tiningnan ang caller ID.Si Diana iyon.“Mom?”Ngumiti si Diana, “Daisie, nandito kami ng dad mo sa palace at hindi kami uuwi ngayong gabi kaya pasabi na lang kay Nollace.
Tinitigan ni Nollace si King William. “Kumusta ang pakiramdam mo?”Ngumiti si King William at nagpaliwanag, “Ayos lang. Lahat naman nagkakasakit pag matanda na. Inalay ko buong buhay ko sa politika sa bansang ito, at talagang tumutok ako sa state affairs. Hindi ko kinalimutan ang mga kababayan ko, at dahil doon, nakakalimutan ko kayong mga nasa bahay.”Tinikom ni Nollace ang labi niya at hindi na siya nagsalita.Tumingin si King William sa labas ng bintana, nagdilim ang paningin niya. “Nagkamali ako sa grandmother mo dati, ang mom mo, ikaw, at huwag natin kalimutan si Freyja.”Sobrang nalungkot siya sa ginawa ng mom ni Freyja. Lalo na't, anak niya rin iyon.At inosente naman talaga si Freyja.Kumunot ang kilay ni Daisie. “Grandpa, dapat ingatan mo ang kalusugan mo. May panahon ka pa sa susunod para makabawi sa mga bagay na sinabi ko, at naniniwala akong hindi ka rin naman sisisihin ni Freyja.”Nang marinig ang sinabi ni Daisie, ngumiti si King William. “Sana nga.”Bigla siyang
Pumunta si Leia sa gilid ni Freyja. “Freyja, ayos ka lang ba?”Umiling si Freyja at halos hindi siya makapagsalita sa oras na iyon.Nanatili si Leia sa tabi niya at pinakalma siya hanggang sa dumating na si Colton. Alam niyang baka narinig na ni Freyja ang balita kaya pumunta siya agad sa college para hanapin si Freyja. Hinawakan ni Colton si Freyja. “Salamat Leia. Pasensya ka na at naabala ka pa. Kahit iwan mo na siya sa akin ngayon.”Tumango si Leia.Pumasok si Colton sa kotse habang nasa tabi niya si Freyja, umalis na ang kotse sa college.Dinala niya si Freyja sa palace, at nang nakatulala siya, lumabas na sila Nollace at Daisie sa malaking building. “Freyja, pumasok ka at tingnan mo muna si Grandpa ngayong huling pagkakataon.”Kinuyom ni Freyja ang kamay niya ay mabilis na pumasok sa pinto. Lahat ng mga taong pumunta sa main hall para makiramay ay may mga kilalang pangalan ay politicians.Nakalagay sa glass coffin ang katawan ni King William, sobrang mapayapa ang ekspre