Natahimik si Cameron.Hindi niya alam kung paano sumagot kay Chadwick, at nag-alaal siya na hindi siya magkaroon ng girlfriend sa future sa ganitong ugali niya.Nag-squat siya sa harap ni Chadwick at tiningnan sa mata. “Walang patakaran na kailangan gusto mo para hindi mo tanggihan. Pero kahit na gusto mo o hindi, kailangan mo magpasalamat sa kabaitan ng ibang tao.“Kahit na hindi mo gusto, pwede mo sabihin na hindi mo kailangan at magsabi ka ng salamat para sa kabaitan niya. Dapat lang ‘yon, naiintindihan mo ba?”Tiningnan siya ni Chadwick at sinabing, “Ang ingay niyo.”Nang may sasabihin na si Cameron, umiyak nang malakas ang batang babae, kaya wala siyang nagawa kundi iwan si Chadwick para pakalmahin ang batang babae.Narinig ni Nick ang kaguluhan at lumapit. Binuhat niya ang batang babae at tinanong, “Bakit ka umiiyak? Hindi mo ba gusto ang regalo mo?”Umiyak ang babae at umiling. May luha sa gilid ng mata niya habang humihikbi. “Hindi niya ako gusto…”Tumingin si Nick kay
Sa Blackgold Group…Pinag-usapan ng mga department staff ang kanilang evening activities kapag may libre silang oras. Nang dumaan si Leonardo sa kanila na may dalang regalo sa kamay niya, isa sa kanila ang nagtanong, “Mr. Prichard, regalo ba yan para sa girlfriend mo?”Saglit na nagulat si Leonardo. Pagkatapos, ngumiti siya at sinabing, “Hindi. Wala akong girlfriend. Para ‘to kay Mr. Goldmann.”Lahat sila ay pumalibot kay Leonardo. “Ano ‘to? Alahas ba ito?”“Regalo ba ito ni Mr. Goldmann para sa asawa niya?”“Ang romantic naman niya. Bakit walang nagbigay sa akin ng regalo para sa pasko?”Sa totoo lang, hindi alam ni Leonardo kung ano ‘yon. Pero siguro ay alahas ‘yon dahil sa brand.Walang nakakaalam na nakatayo si Waylon sa likod nila. Tumawa siya at sinabing, “Mukhang walang may gusto sa inyo na maagang umalis sa trabaho, paano kaya kung bigyan ko pa kayo ng trabaho?”“Hindi, hindi, hindi, gusto naming maaga makauwi. May mga date pa kami ngayong gabi.”Agad silang bumalik s
Lumabas si Waylon at tinanong, “Hindi ka pa nakapunta sa hot spring noon?”“Wala kaming winter sa East Islands, kaya syempre, wala kaming mga hot spring,” Sinabi ni Cameron habang humaharap siya. Pero, nang makita niya na may nakabalot lang na towel si Waylon sa bewang nito, agad niyang binaling ang tingin sa iba.Lumapit si Waylon sa kaniya at niyakap siya mula sa likod. “Hindi ka ba pupunta sa hot spring?”Bumuntong hininga siya at sinabing, “Oo, gusto kong masubukan ang hot spring pero hayaan mo muna akong mauna.”Tumawa siya at sinabing, “Sige. Kung tutuusin, marami tayong oras.”Pagkatapos niyang magsalita, binuhat niya si Cameron mula sa sahig.Agad na binalot ni Cameron ang braso niya sa leeg ni Waylon at pumikit. “Binabalaan ka! Huwag mo ako ibagsak sa hot spring!”Binuhat siya ni Waylon papunta sa hot spring.Tumalsik ang tubig. Umahon si Cameron mula sa tubig, nakalugay ang basa niyang mahabang buhok.Pinunasan niya ang tubig sa kaniyang mukha at sumigaw, “S*raulo
Ngumiti si Nollace. “Salamat sa pag-alala. Ayos lang sila. Kumusta ka, Tito Brandon?”Tumango si Brandon at kinuha ang teacup. “Ayos lang ako.”Bumaba si Colton sa hagdan at nakita si Nollace. “Alam talaga niya kung kailan dapat bumisita para makalibre sa pagkain.”Sa oras na ‘yon, sinilip ni Daisie ang ulo niya sa kusina. “Huwag mo subukang bully-hin ang asawa ko!”Natahimik si Colton.Tumawa si Brandon at binago ang usapan. “Gusto niyo ba ng roast turkey ngayong gabi?”Agad na sumagot si Daisie, “Gusto ko ng Roast turkey!”Sabi ni Nollace, “Doon ako sa gusto ng misis ko.”Nang magsasalita na sana si Brandon, si Colton lang ang mukhang may ayaw sa ideya. “Roast turkey? Ayaw—”Tumikhim si Freyja.Nagpanggap siya na nagda-dalawang isip at nag-iwas ng tingin. “Okay, mag roast turkey tayo.”Lumaki ang ngiti ni Daisie.Nang 5:00 p.m., puno ng pagkain ang mesa. Mayroong roast turkey, mashed potatoes, potatoes, maple glazed ham, green bean casserole, gravy, cranberry sauce, at ma
Inakbayan ni Nollace si Daisie at kinagatan ang taco kung saan mismo kumagat si Daisie kanina. “Syempre. Sobrang tamis ng lasa, tulad mo.”Namula ang pisngi ni Daisie. “Ikaw… sabi ko kumagat ka lang tapos kung anu-ano na sinasabi mo.”Lumawak ang ngiti ni Nollace. “Katatapos lang natin kumain kala Colton at ngayon kumakain ka na agad ng taco.”“Anak mo naman ang gutom, hindi ako.”“Ibig sabihin mahilig kumain ang anak natin. Sigurado akong magiging chubby boy siya sa susunod.”Tinakpan ni Daisie ng palad niya ang kaniyang tiyan at tumawa. “Bakit naman chubby boy? Baka naman maging chubby girl.”Hinawi ni Nollace ang buhok ni Daisie gamit ang daliri niya, hindi niya napigilan na tumawa nang alakas. “Walang problema. Gusto ko naman kahit ano.”Sa oras na iyon, nag-ring ang phone ni Daisie. Kinuha niya iyon at tiningnan ang caller ID.Si Diana iyon.“Mom?”Ngumiti si Diana, “Daisie, nandito kami ng dad mo sa palace at hindi kami uuwi ngayong gabi kaya pasabi na lang kay Nollace.
Tinitigan ni Nollace si King William. “Kumusta ang pakiramdam mo?”Ngumiti si King William at nagpaliwanag, “Ayos lang. Lahat naman nagkakasakit pag matanda na. Inalay ko buong buhay ko sa politika sa bansang ito, at talagang tumutok ako sa state affairs. Hindi ko kinalimutan ang mga kababayan ko, at dahil doon, nakakalimutan ko kayong mga nasa bahay.”Tinikom ni Nollace ang labi niya at hindi na siya nagsalita.Tumingin si King William sa labas ng bintana, nagdilim ang paningin niya. “Nagkamali ako sa grandmother mo dati, ang mom mo, ikaw, at huwag natin kalimutan si Freyja.”Sobrang nalungkot siya sa ginawa ng mom ni Freyja. Lalo na't, anak niya rin iyon.At inosente naman talaga si Freyja.Kumunot ang kilay ni Daisie. “Grandpa, dapat ingatan mo ang kalusugan mo. May panahon ka pa sa susunod para makabawi sa mga bagay na sinabi ko, at naniniwala akong hindi ka rin naman sisisihin ni Freyja.”Nang marinig ang sinabi ni Daisie, ngumiti si King William. “Sana nga.”Bigla siyang
Pumunta si Leia sa gilid ni Freyja. “Freyja, ayos ka lang ba?”Umiling si Freyja at halos hindi siya makapagsalita sa oras na iyon.Nanatili si Leia sa tabi niya at pinakalma siya hanggang sa dumating na si Colton. Alam niyang baka narinig na ni Freyja ang balita kaya pumunta siya agad sa college para hanapin si Freyja. Hinawakan ni Colton si Freyja. “Salamat Leia. Pasensya ka na at naabala ka pa. Kahit iwan mo na siya sa akin ngayon.”Tumango si Leia.Pumasok si Colton sa kotse habang nasa tabi niya si Freyja, umalis na ang kotse sa college.Dinala niya si Freyja sa palace, at nang nakatulala siya, lumabas na sila Nollace at Daisie sa malaking building. “Freyja, pumasok ka at tingnan mo muna si Grandpa ngayong huling pagkakataon.”Kinuyom ni Freyja ang kamay niya ay mabilis na pumasok sa pinto. Lahat ng mga taong pumunta sa main hall para makiramay ay may mga kilalang pangalan ay politicians.Nakalagay sa glass coffin ang katawan ni King William, sobrang mapayapa ang ekspre
“Hindi naman siguro. Baka alam na niya na malapit na siyang mamatay at ayaw na niyang abalahin ang iba na malungkot pa. Kahit na makita mo siya sa deathbed niya, wala ka ng magagawa. Ang makukuha mo lang ay lungkot at baka hindi mo na lang matanggap ang sitwasyon. Kung makikita ka lang niya sa ganitong malungkot na kalagayan, baka mas makaramdam siya ng pagsisisi lalo. “Yumuko si Freyja at wala siyang sinabi na kahit ano. Matapos ang ilang sandali, pinilit niyang ngumiti. “Salamat sa pagpapagaan ng loob ko.”Sa villa…Nakita ni Brandon na papasok na sila Colton, dahan-dahan siyang tumayo at nakita na namumula ang mata ni Freyja.‘Kahit ako ay alam ang tungkol sa pagkamatay ni King William. Sigurado na alam na rin niya iyon.’“Fey.”“Dad, huwag ka mag-alala, ayos lang ako.”Matapos iyon sabihin, tumalikod si Freyja at umakyat sa taas. Nag-aalala ang ekspresyon ni Brandon na nakatingin habang umaakyat si Freyja. “Pumunta siya sa memorial service. Sabihin na lang natin na naka
Katulad ito ng sinasabi ng ibang mga tao, “Kailangan mo na magbigay kung gusto mo na may makuha.” Kumikita ang pier na ‘yon sa mga barko ng mga Dragoneers na dumadaong doon.Nabali ni Noel ang hita ng anak ni Python pero walang ginawa ang mga Wickam para ipakita na humihingi sila ng tawad, kaya nagalit si Python.Ititigil nila ang negosyo nila rito at magiging kalaban ng dragoneers ang Wickam mula ngayon. Kahit na hindi sila dumaong sa pier nito, makakahanap pa rin sila ng ibang routa. Nagawa lang nitong paliitin ang client base ng Wickam.Humarap si Nick kay Mahina. “Umalis na tayo.”“Nick, anong ibig sabihin nito? Tutulong ka ba?” sumigaw sa kaniya si Martha.Hindi lumingon si Nick. “Malalaman mo na lang.” At umalis na siya.Hindi inakala ni Arthur na ito ang huling pagkakataon na magpapakita si Nick sa bahay nila.Pinalaya ni Python si Noel pagkatapos ng tatlong araw pero matindi ang natamo ako at dinala sa hospital.Pumunta si Martha at Arthur at nakita ang anak nila na na
Sa oras na ‘yon, biglang pumasok ang butler sa loob bahay. “Sir, may nagsabi na nakita nila si Master Nick sa bayan.”Tumayo si Arthur. “Sigurado ka ba?” Nakabalik na si Nick.“Oo, nasa Winslet Manor.”Galit na hinaplos ni Arthur ang mesa nang marinig na pumunta si Nick sa Winslet Manor. “Pumunta siya doon pagbalik niya mismo. Hindi ba niya kinikilala bilang Wickam ang sarili niya?”Kinakabahan si Martha at gusto lang na makauwi ang anak niya. “Honey, dahil nakabalik na siya, gagamitin natin siya para ipalit kay Noel. Siya ang pinakamatanda sa pamilya, hindi ba? Importante ang buhay Noel!”Kumunot si Arthur at nagkuyom ang kamao.Hindi nagtagal pagkatapos non, dumating si Nick at Mahina sa garden. Nang makita ni Arthur na nakabalik na sila, nagulat siya. “Akala ko wala kang plano na bumalik?”Mukhang kalmado si Nick. “Kung hindi ako babalik, sisisihin mo ako kapag walang naiwan na tagapagmana ang Wickam. Hindi ko pwedeng akuin ang responsibilidad na ‘yon.”Natigil si Arthur at
Hindi masaya si Cooper sa ideya na ‘yon.Ngumiti si Sunny. “Sino ang nagsabi sa'yo na dapat natin ipalit ang binti ni Nick kay Noel? Sa halip si Python ang babali sa binti ni Python, bakit hindi si Nick ang gumawa non?”Nagulat si Cooper. “Gagawin mismo ‘yon ni Nick?”Lumapit si Sunny at seryosong minungkahi, “"Nabali ang binti ni Travis, ngunit ligtas siya. Bukod pa doon ay makakabangon pa siya sa kama at makakalakad pagkatapos nang kalahating taon ng pagpapagaling. Nabalitaan kong malupit na tao si Python, pero hinuli lang niya si Noel para pilitin ang mga Wickam na makipagkompromiso. Kaya bakit nila pinapatagal nila ang plano nila na saktan si Noel?”Nagulat si Cooper. “Sinasabi niyo ba na may ibang plano si Python?”Uminom si Sunny ng tsaa mula sa tasa. “Si Python ang pinuno ng isang lokal na mafia sa Madripur. Lahat ng negosyong kinasasangkutan niya ay ilegal at hindi alam ang pinanggalingan. Bukod dito, ang kanilang mga produkto ay kadalasang naglalakbay sa pamamagitan ng da
Masyadong makapangyarihan at agresibo ang pamilya ni Amelia na pinipigilan si Arthur na itaas ang kanyang ulo sa harap ng iba. Kaya naman nag-asawa siyang muli isang taon pagkatapos ng kamatayan ni Amelia at tiniis pa niya ang lahat ng mga pagsaway na ibinato sa kanya ng mga Winslet dahil sa pagiging walang utang na loob na asawa. Iyon ay hanggang sa pinilit siya ni Cooper na hayaan si Nick na mamana nang buo ang Wickam, at habang mas pinipilit siya ng mga Winslet, mas ayaw niyang pumayag.‘Gusto ko lang patunayan kay Cooper na kahit walang tulong mula sa pamilya niya at kay Nick, kaya pa rin tumayo ng Wickam.‘Pero malaki talaga ang nagawang gulo ni Noel ngayon. Bakit ako pupunta kay Nick kung hindi dahil sa kaniya?’Hinawakan ni Martha ang braso niya. “Kung ganoon, pumayag ba si Nick sa plano mo? Anak mo rin siya, kaya kahit anong mangyari, hindi siya tatanggi na tulungan ka, hindi ba? Ipabalik mo lang kay Nick si Noel.”“Pumayag ba siya?” Pinalayo siya ni Arthur at galit na suma
Bumaba ang tingin ni Nick. “Napakabuti ng pagtrato at mataas ang tingin niyo sa akin. Gagawin ko ang lahat ng makakaya ko para tapatan ang inaasahan niyo. Kung hindi, ako si Nick Wickam ay magkakaroon ng mapait na pagkamatay.”Umatras siya at lumuhod sa sahig. Nang pababa na siya sa sahig, huminto si Sunny at inalalayan siya. “Tumayo ka. Hindi mo kailangan na lumuhod.”Tiningnan siya ni Nick. “Master.”Tinulungan siya ni Sunny na tumayo. “Tawagin mo na ako na ninong ngayon.”Ngumiti si Nick. “Ninong.”“Mabuti.”to.” Tumango si Sunny sa saya at tiningnan si Nick. “Babalik kami ni Mahina bukas sa Southeast Eurasia kasama ka.”“Hindi niyo kailangan na gawin ‘yon. Babalik ako nang mag-isa.”“Hindi. Kapag hindi ako pumunta doon kasama ka, baka kalabanin ka ng mga matatanda sa Wickam gamit ang kanilang edad. Inaanak na kita kaya dapat nandoon ako para suportahan ka.”Malakas na tumawa si Dylan at ang iba pa, masaya sila para sa kanilang boss.Pagkalipas ng ilang araw, sa residence ng
Tumawa si Nick. “Hindi sapat na salita ang galit para gamitin.”“Kung gusto mong sumama sa amin o hindi, hindi ikaw ang magde-desisyon, Nick. Basta isa ka sa mga tagapagmana ng mga Wickam, kailangan mo bumalik sa akin!”Inilinaw ni Arthur ang sarili niya. Kahit na kailangan niyang itali ang anak niya at hilain pauwi, hindi siya tatanggap nang pagtanggi sa ganitong panahon.Kinabahan si Dylan at nagsimulang kabahan, natatakot siya na baka pilit na kunin si Nick ng mga lalaki na ‘yon.Sa oras na ‘yon, pumasok si Sunny sa training center gamit ang tungkod niya at sa suporta mi Mahina habang nakalagay ang kamay sa likod. “Yo, nag-iisip ako kung bakit maingay ang training center nang ganito kaaga. Nandito ka pala, Mr. Wickam.”Mukhang naiinis si Arthur. “Mr. Southern, bakit nasa Bassburgh ka rin?”“Nandito si Cam sa Bassburgh kaya natural lang para sa akin na pumunta dito. Ngayon, nag desisyon ako na pumunta at bisitahin ang estudyante ko. Hindi ko inaasahan na makikita kita.”Habang
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod