May kumatok sa pinto, at tumingin si Zephir sa pagitan ng kaniyang mga daliri. “Come in.”Binuksan ni Leah ang pinto at pumasok sa loob, bahagyang nagulat si Zephir sa pagdating ni Leah. “Bakit ka nandito?” Tinaas ni Leah ang bag na hawak niya na may laman na snacks at beer. “Dahil lagi kang nandito sa bahay, natatakot ako na baka bored ka na kaya pumunta ako oara bisitahin ka.”Nilagay ni Leag ang beer sa mesa at nilabas ang ilang snacks. “Sa oras na ito, kailangan mo talaga ng maiinom, ‘di ba?”Walang ekspresyon na ngumisi si Zephir. “Nabasa mo na ang balita?”“Basta hindi bulag ang isang tao, sigurado akong makikita iyon ng kahitna sino.”Binuksan ni Leah ang can ng beer at inabot kay Zephir. Kinuha ito ni Zephir at uminom siya.Umupo si Leah sa harap niya. “Siguro magaling naman na ang injury mo, ‘di ba?”Isang mahinang hum ang sinagot ni Zephir.Tinaas ni Leah ang kaniyang ulo at matagal na tinitigan si Zephir. “Hindi naman sa gusto kitang diktahan pero sa tingin ko or
Walang sinabi na kahit ano si Leah pero ilang milyong mga bagay ang nasa isip niya. Sa kabilang banda, pumunta si Nollace sa Blue Valley Manor, at lumabas si Daisie ng kotse.Habang nakatingin sa maganda at classical-looking na manor, bahagyang nagulat si Daisie. “Ito ba ang isa sa mga bagay na iniwan ni Grandpa sayo?”Tumango si Nollace. “Dito nakatira ang grandmother ko dati. Nang namatay siya, napunta na ng property na ito sa grandpa ko. Hindi niya gusto na ibenta ito kaya bakante lang ito nitong mga nakaraang taon.”Matapos ipaliwanag ang ilang backstory ng manor kay Daisie, inunat ni Nollace ang kamay niya palapit kay Daisie. “Libutin natin ang manor.” Hinawakan ni Daisie ang kamay ni Nollace habang nakangiti at naglakad sila pupunta sa malaking garden.Malapit ang manor na ito sa imperial palace–makikita rin ang clock tower sa palace–at nakapwesto iyon sa pinakamayaman na lugar sa city.May ilang man-made pools at bridges ang garden at may ilang pavilions din.Ang snow
Lumapit si Nollace at hinila si Daisie para yakapin ito. “Hindi ka talaga takot sa akin?”Sumandal si Daisie kay Nollace. “Hindi mo pa naman ako sinasaktan dati.”Pinatong ni Nollace ang baba niya sa malambot na buhok ni Daisie at ngumiti siya. “Makulit kang bata at ipapahamak mo pa ang sarili mo para sumama sa akin mag-adventure. Paano ko naman maiisip na saktan ka? Daisie, may tanong ako na gusto kong malaman ang sagot. Noong na-kidnap ako at dinala sa Octavia, at sumama ka sa akin, hindi ka ba natakot?” Tumingin si Daisie kay Nollace at may masaya siyang ngiti. “Hindi, kasi sigurado akong pupunta naman ang dad ko para iligtas tayo, at poprotektahan mo rin ako.” Ilang sandaling huminto si Nollace at tumingin kay Daisie. “Prinotektahan ba kita? Halata naman na ikaw ang nagpoprotekta sa akin?”Nakangiti na nagpaliwanag si Daisie, “Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit ako naging matapang ara sumama sayo pero ang alam ko lang ay wala akong pinagsisisihan.” Mahigpit siyang niy
‘Bagong tayong kompanya ko nga ang Yanis Tech. Pag nakuha na namin ang support ng royal family, hindi na kailangan maghanap lagi ng business partners ng kompanya. Siguradong ilang business ang pupunta sa kanila at gagawa ng proposal collaboration sa kanilang kompanya.’Nagulat si Hedeon. “Edi…”Binaba ni Nollace ang teacup niya. “Hindi tayo nagmamadali na makahanap ng business partner ngayon. Technical personnel ang kailangan natin ngayon. Sa mga kumpanya naman na gusto makisama sa atin, gumawa na lang kayo ng mga excuse para i-decline ng proposal nila.”Ilang sandaling nagulat si Hedeon pero tumango na lang siya sa huli. “Okay.”Sa parehong oras, ilang news channels, newspaper, at magazines ang nag-report ng preparation ni Diana para sa coronation.Pinag-uusapan ng mga estudyante sa film college ang tungkol sa royal family. Sa oras na iyon, dumaan si Freyja sa corridor, at ilang estudyante ang tumingin sa kaniya habang nagbubulungan. “Kung hindi ako nagkakamali, may relasyon da
Iilang tao lang ang tatanggi sa kayamanan at kapangyarihan.Sa oras na iyon, nakatayo si Shannon sa hindi kalayuan. Nang mapansin na unti-unting nagiging close sila Leia at Freyja, nairita si Shannon.Dati ay laging masunurin si Leia kay Shannon. Lagi niyang iniisip na kahit anong gawin niya, hinding-hindi lalayo si Leia sa kaniya.‘Lahat ito ay dahil sa b*tch na ito. Maghintay ka lang Freyja Pruitt. Personal kong ipaparamdam anv impyerno sayo pagdating ng panahon.’Noong tanghali, nang paalis na si Freyja sa college, bigla siyang pinahinto ni Shannon at kinakabahan na pumunta kay Freyja. “Freya, may nangyari kay Leia!”Kumunot ang noo ni Freyja. “Anong nangyari?” Hinihingal si Shannon at nagpaliwanag siya, “Hinahanap ko siya kanina pero noong nakita ko siya ay ilang lalaki ang nambabastos sa kaniya.”Kahit nagdadalawang-isip si Freyja, nasa panganib si Leia kaya summa si Shannon. Pero walang tao sa parking lot.Nang tumalikod si Freyja, na-spray ng can ng aesorol ang mata n
Malawak ang ngiti ng kaniyang boyfriend pagkatapos ay sinabi sa dalawang lalaki, “Narinig niyo ba ‘yon? Regalo ng darling ko ang babae na ito.”Nagpatuloy si Shannon. “Alalahanin mo na i-record ang magandang parte.”Sabik ang dalawang lalaki at nilapitan si Freyja na may masamang intensyon.Sinubukan ni Freyja na tumakas pero masyadong mahigpit ang mga lubid. Nag-igting ang panga niya at kumalma para mag-isip ng plano.Nang sinubukan siyang hawakan ng dalawang lalaki, biglang tumawa si Freyja. Mas magiging masaya sana sila kung umiyak sa takot ito.Pero nagulat sila sa pagtawa nito.Tiningnan siya nang masama ni Shannon. “Nasa kamay ka na namin ngayon. Bakit ka tumatawa?”“Hinawakan mo ang phone ko, hindi ba?”Nagtinginan ang dalawang lalaki at kay Shannon. “Ano naman kung ginawa namin?”“Sana hindi niyo pinatay.”“Sabihin mo na!”Pinigilan ni Freyja ang takot niya at patuloy na ngumiti. “Sayang naman. May oras pa sana kayo kung hindi niyo pinatay. Naka-link ang phone ko sa
Iniisip ni Freyja na hindi naman tanga ang boyfriend ni Shannon at mga kaibigan nito. Tulad ng inaasahan, masamang tumingin ang boyfriend ni Shannon sa kaniya. “Dinala mo ba siya dito sa villa ko para kami ang masisi pag may masamang nangyari sa kaniya?”Nanghingi ng tulong si Shannon sa kaniya para atakihin ang isang babae, at sumunod naman siya. Pero nang dalhin na nila ng babae, akala niya ay mauuwi lang sa puntong walang sasabihin na kahit ano ang biktima. Hindi niya alam na may matalinong asawa siya. Matapos niyang magsalita, kailangan niyang pag-isipan nang mabuti ang lahat.Hindi niya pwede sirain ang sarili niyang kinabukasan para sa isang babae. “Hindi, honey, makinig ka sa akin. Tinatakot niya lang tayo. Hindi niya—”“Hindi lahat ay kasing tanga mo. Sa tingin mo ba ay maniniwala sayo ang boyfriend mo? Pwede bang gumawa ka naman ng kahit anong siya ang makikinabang?” Sumagot naman si Freyja sa boyfriend ni Shannon. “Ako kaya ko ‘yon. Imbes na magkaroon ng girlfrie
Kung iisipin, laging pinagyayabang ni Shannon sa mga kaibigan niya kung paano siya tratuhin ng boyfriend niya at kung gaano kaganda ang buhay niya, pero lahat ng ‘yon ay pantapal sa sira niyang ego. Maririnig ang police siren mula sa bintana. Lumapit ang mga officer at agad pinakawalan ng dalawang lalaki si Freyja at sinira ang video camera.Biglang pasipa na binuksan ang pinto. Si Colton ‘yon.Nang makita niya na naka damit pa si Freyja at walang bakas ng injury, nakahinga siya nang maluwag.Ngumiti ang boyfriend ni Shannon at lumapit. “Misunderstanding lang. Wala kaming balak gawin sa asawa mo—”Bago pa siya matapos, tumama ang kamao ni Colton sa mukha nito at palipad siyang umatras.Niyakap ni Colton si Freyja at tinuro ang lalaki. “Kung hindi ‘to misunderstanding, mamamatay ka sa sakit.”Lumapit ang officer, may sinabi si Colton sa leader na nag utos sa mga tauhan niya na arestuhin ang lahat para sa katanungan.Nang makasakay sila sa sasakyan, hinubad ni Colton ang damit