Iniisip ni Freyja na hindi naman tanga ang boyfriend ni Shannon at mga kaibigan nito. Tulad ng inaasahan, masamang tumingin ang boyfriend ni Shannon sa kaniya. “Dinala mo ba siya dito sa villa ko para kami ang masisi pag may masamang nangyari sa kaniya?”Nanghingi ng tulong si Shannon sa kaniya para atakihin ang isang babae, at sumunod naman siya. Pero nang dalhin na nila ng babae, akala niya ay mauuwi lang sa puntong walang sasabihin na kahit ano ang biktima. Hindi niya alam na may matalinong asawa siya. Matapos niyang magsalita, kailangan niyang pag-isipan nang mabuti ang lahat.Hindi niya pwede sirain ang sarili niyang kinabukasan para sa isang babae. “Hindi, honey, makinig ka sa akin. Tinatakot niya lang tayo. Hindi niya—”“Hindi lahat ay kasing tanga mo. Sa tingin mo ba ay maniniwala sayo ang boyfriend mo? Pwede bang gumawa ka naman ng kahit anong siya ang makikinabang?” Sumagot naman si Freyja sa boyfriend ni Shannon. “Ako kaya ko ‘yon. Imbes na magkaroon ng girlfrie
Kung iisipin, laging pinagyayabang ni Shannon sa mga kaibigan niya kung paano siya tratuhin ng boyfriend niya at kung gaano kaganda ang buhay niya, pero lahat ng ‘yon ay pantapal sa sira niyang ego. Maririnig ang police siren mula sa bintana. Lumapit ang mga officer at agad pinakawalan ng dalawang lalaki si Freyja at sinira ang video camera.Biglang pasipa na binuksan ang pinto. Si Colton ‘yon.Nang makita niya na naka damit pa si Freyja at walang bakas ng injury, nakahinga siya nang maluwag.Ngumiti ang boyfriend ni Shannon at lumapit. “Misunderstanding lang. Wala kaming balak gawin sa asawa mo—”Bago pa siya matapos, tumama ang kamao ni Colton sa mukha nito at palipad siyang umatras.Niyakap ni Colton si Freyja at tinuro ang lalaki. “Kung hindi ‘to misunderstanding, mamamatay ka sa sakit.”Lumapit ang officer, may sinabi si Colton sa leader na nag utos sa mga tauhan niya na arestuhin ang lahat para sa katanungan.Nang makasakay sila sa sasakyan, hinubad ni Colton ang damit
Tinulungan ni Xyla si Daisie sa buhok nito sa harap ng vanity. Inimbita ng mga royal si Yorrick at kailangan dumalo ni Xyla dahil kapamilya niya ito.Hindi lahat ay pwedeng dumalo sa koronasyon. Hindi lang ito unang pagkakataon para kay Xyla kundi una rin ito ni Daisie.“Alright! Kumusta naman ang braiding skills ko?”Kinuha ni Xyla ang salamin at tumayo sa likod ni Daisie. Nakita ni Daisie ang buhok niya sa repleksyon at ngumiti. “Sobrang ganda.”“Syempre.” Binaba ni Xyla ang salamin. “Proud ako sa braiding skills ko.”Pagkatapos ni Daise magbihis, lumabas siya habang hawak ang dress niya. Pinahinto niya ang server sa corridor at tinanong, “Alam mo ba kung nasaan si Nollace?”Tinuro ng lalaki ang direksyon.Pumasok si Daisie sa kwarto kung nasaan si Nollace. Nakita niya na hindi nakasara ang pinto, kaya maingat niya itong itinulak at pumasok. Nakasuot ng suit si Nollace at nakatayo sa ilalim ng ilaw. Tinulungan siya ng server na isuot ang kaniyang cape. Mukha itong elegante at
Tiningnan siya ng ibang inmate na para siyang nababaliw.Ilang guard ang lumapit para hawakan siya. Hindi matanggap ni Sandy ang kapalaran niya at nagpumiglas. “Bakit ikaw ang nakakuha ng mga benepisyo? Nawala ang anak ko pero wala akong nakuha! Isinusumpa ko ang masakit niyong katapusan, Diana at ang mga Knowles!”Hinila siya palayo.Nagsimulang mag-usap ang mga inmate dahil isa lamang baliw si Sandy para sa kanila.Samantala, sa film college…Isa ng knight ang dad ni Freyja, ibig sabihin ay isa na siyang importanteng tao sa Yaramoor.Masaya si Leia at ang iba nilang kaibigan para kay Freyja. “Isang knighthood. Isa ka ng aristocrat ngayon.”“Wala ng maglalakas-loob na siraan ka.“Freyja, huwag mo kaming kalimutan.”Ngumiti si Freyja at sinara ang notebook niya. “Huwag kayong mag-alala, hindi ko ‘yon gagawin.”Ngumiti si Leia at sinabing, “Sa tingin ko rin ay hindi.”Samantala, isang lalaki ang gumawang kaguluhan sa paglalakad sa hall. Nagulat ang babae. “Hindi ba't si Norma
“Ms. Mills…”Pamilyar ang pangalan pero natagalan si Freyja bago niya ito naalala. Rooftop, suicide… Hindi ba't nasa script niya ang scene na ito?Patuloy na naglakad si Norman. “Naaalala mo na ba ngayon?”Biglang tumawa si Freyja at sinabing, “Hindi pinatay ni Ms. Mills ang sarili niya sa script ko. Sa lahat ng mystery case at detective fiction, lahat ng biktima ay lumalabas na pinatay ng ibang tao.”“Naisip mo na ba kung paano ipapakita ng pagkamatay niya?”Nagulat si Freyja at yumuko. Doon nahinto ang script niya. Paano maipapakita ng murderer na nagpakamatay si Ms. Mills, at paano siya makakatakas nang walang naiiwan na ebidensya?Pero, hindi niya inakala na interesado si Norman sa ganitong klase ng script.Nagtataka si Leia habang nakatayo sa gilid. Anong pinag-uusapan niyo? Anong ibig niyong sabihin sa script?”Tiningnan siya ni Norman.Lumapit si Freyja sa kaniya at bumulong, “Ipapaliwanag ko sa'yo mamaya.”Pagkatapos non, lumapit siya kay Norman at tinanong, “So, tuma
Lumapit si Colton sa mesa at humalukipkip. “Hindi ka ba kakain ng dinner?”Nang hindi inaangat ang ulo, sumagot si Freyja, “Hindi pa ako nagugutom.”“Kumain ka ba kanina?”“Oo. Kumain ako kaninang tanghali kasama si Leia.”Nakatuon ang atensyon niya sa kaniyang ginagawa, kaya hindi niya nakita ang pagbabago sa ekspresyon ni Colton. Wala siyang sinabi at umalis sa study room.Natagalan si Freyja bago niya natapos ang pagsagawa ng murderer sa kaniyang pagpatay Tiningnan niya ang kaniyang phone at napansin na 1:00 a.m. na.Bumaba siya at binuksan ang fridge.Pero, walang laman ang loob.Gutom na gutom na siya, kaya nagluto siya ng spaghetti.Ang totoo, hindi pa rin natutulog si Colton. Tahimik niyang pinapanood si Freyja mula sa taas bago bumalik sa kwarto nila.Pagkatapos kumain, bumalik siya sa kwarto nila.Nakahiga si Colton sa kama habang nakatalikod sa kaniya, kaya inakala niya na natutulog ito.Pumasok siya sa banyo para maligo. Mabagal ang galaw niya at marahan dahil
Naalala ni Freyja kung bakit nagalit sa kaniya si Colton kagabi. Mukhang umabot din sa kaniya ang usap-usapan.Biglang, lumapit ang isang estudyante at sinabing, “Freyja, hinahanap ka ng professor.”Pumunta si Freyja sa opisina ng professor. Nabasang professor ang draft na pinadala sa kaniya ni Freyja kagabi. “Perpekto itong MO. Naisip mo ba ito nang mag-isa?”Tapat na sumagot si Freyja, “Tinulungan ako ni Norman.*“I see. Kaya pama parang nakakita na ako nang ganito noon, pero maganda talaga ang ideya na ito. Nga pala, Freyja, may ipapagawa ako sa'yo.”“Anong task?” tanong niya.“Gusto kong ma-interview mo si Mr. Lancell. Ito ang magiging thesis mo.”Pagkatapos niya magsalita, inabot niya kay Freyja ang dokumento.Kinuha ni Freyja ang dokumento at sinabing, “Gagawin ko ang makakaya ko.”Nang paalis na siya, tumunog ulit ang boses ng professor. “Pero, hindi ka pwede humingi ng tulong kay Norman. Kailangan mong makuha mismo ang pagpayag ni Mr. Lancell gamit ng kakayahan mo.”N
Bumalik si Freyja sa reyalida at umiling. “Wala.”“Kailangan mong sabihin sa akin kapag may nangyari. Nag-aalala ako sa'yo.”May naalala si Brandon pagkatapos niya magsalita. “Katatawag lang sa akin ng kulungan ngayon.”Nagulat siya at inangat ang ulo niya.Nagpatuloy si Brandon. “Sinabi nila na mentally unstable ang mom mo at agresibo sya sa kulungan. Ilalabas siya sa kulungan pagkatapos ng dalawang araw para ma-judicially verify ang mental issues niya…”Natigil siya at nagtanong si Freyja, “Anong ibig mong sabihin?”Yumuko si Brandon at nagpatuloy. “Ibig sabihin ay kapag may mental illness ang mom mo, hindi na siya mananatili pa sa kulungan.”“Kailan nangyari ito?”“Noong coronation ceremony,” sagot niya.Kumunot si Freyja. Kung na-trigger ang mom niya sa kulungan noong coronation ceremony, dahil ba sa nakuha ng tita niya ang kapangyarihan na matagal niya nang balak makuha?Base sa batas ng Yaramoor, kapag ang tao na nasa kulungan ay may sakit sa utak, hindi na niya kailang