Share

Kabanata 2475

“Mabubuhat ko pa kaya siya pag-uwi ko?”

Pinisil ni Colron ang pisngi niya. “Iniisip mo na magiging sobrang bigat ng baby mo?”

Inalis ni Freyja ang kamay ni Colton at yumuko. “Natatakot ako na baka hindi niya na ako makilala. Sa tingin mo ba makasarili ako?”

Hinawakan ni Colton ang kamay nito. “Ilalaan natin lahat ng oras natin sa kaniya pagbalik natin at panunoorin natin siyang lumaki.”

Ngumiti si Freyja at tumango.

Nang makabalik sila, nakita nila si Brandon at ang katulong na naglalagay ng dekorasyon sa bahay. Naging masigla doon.

Tumingin si Brandon sa kanila at ngumiti. “Nakabalik na pala kayo.”

“Dad, anong ginagawa mo?”

“Well, wala akong ginagawa kaya inisip ko na subukan tumulong.” Sinabit ni Brandon ang maliit na regalo sa Christmas tree. “Ayaw ng mom mo ng mga dekorasyon at handaan, kaya hindi ako nagkaroon ng pagkakataon na maglagay.”

Ngumiti si Freyja.

Totoo ‘yon. Isang pasko, kahit na ayaw ng mom niya ng mga ganoon, gusto pa rin ni Brandon na magsaya sila ni Ken, k
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status