Share

Kabanata 245

Tumayo si Yanis at kinuhanan ng litrato ang nakakahiyang kalagayan ni Leila. "Maghintay ka lang, ipapakita ko 'to kay Stephen!"

Narinig ito ni Leila at agad naisip ang mga haharapin niya, kaya agad siyang tumayo at yumakap sa binti ni Yanis. "Yanis, alam kong mali ako! Pakiusap huwag mo sabihin kay Steph! Pakiusap, ayaw mo naman siguro na mag away 'yung magkapatid dahil lang sa alitan nating dalawa, hindi ba?"

"Tanungin mo ang sarili mo. Kapag nalaman ni Stephen 'yang kawalang hiyaan mo at nilandi mo ang kapatid niya, tingnan natin kung mananatili ka pa sa pamilya!"

Hindi nakinig si Yanis at isi-send na sana ang litrato.

Sinunggaban siya ni Leila at sinubukang kunin ang phone niya pagkatayo nito. Nahulog ang phone ni Yanis sa sahig malapit sa pinto, at natumba sila ni Leila.

Tumama ang ulo ni Yanis sa kanto ng lamesa.

"Yanis, parang awa mo na. Nagmamakaawa ako. Hindi ko 'to kasalanan. Si—" napansin ni Leila na nakatitig lang sa kawalan sa kalagitnaan ng pagmamakaawa niya.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status