Share

Kabanata 250

Tumaas ang kilay ni Nolan at ngumiti. "Ikaw lang ang kailangang makaalam kung mahina ba ako o hindi."

Gumalaw ang pilikmata ni Maisie. Kung noon niya ito sinabi, masasabi ni Maisie na walang hiya siya, pero ngayon…

"Susubukan kong maging mas mabait sayo, trying hard ka e." Nahihiya si Maisie habang sinasabi iyon.

"Paanong mas mabait?" Lumapit si Nolan sa kaniya at hininaan ang kaniyang boses, nakatingin sa maganda at masiglang mukha ni Maisie. Gumalaw ang adams apple niya.

Kusang-loob na hinalikan ni Maisie ang labi ni Nolan.

Natulala si Nolan. Parang natunaw ang puso niya, at ninamnam niya ito. Gustong-gusto niya kung paano siya hinalikan ni Maisie.

"Reward." Matapos halikan ni Maisie si Nolan, tumalikod siya upang ayusin ang first aid kit na nasa lamesa. Namumula ang kaniyang mga tainga.

Gusto ni Nolan na hayaan na siya pero hindi niya matiis na makita si Maisie na sobrang namumula sa hiya. Kaya niyakap niya si Maisie mula sa likuran, dinala niya ito sa couch at pinahi
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status