"Kung ganoo, umuwi ka ngayong gabi." Hinila ni Maisie ang kamay niya at pilit na ngumiti bago itulak si Nolan palabas ng pinto.Nagsara ang pinto at ni-lock niya ito.Nakatayo si Maisie sa likod ng pinto. Paulit-ulit na lumilitaw sa isipan niya ang eksena kanina kung saan magkasama si Nolan atRowena sa The Jade Store, pero wala lang yun kay Nolan. Paano niya nagagawang magpanggap na inosente!?Bakit ba siya naaapektuhan nang sobra? Wala dapat siyang pakialam.Walang galaw mula sa kabilang parte ng pinto. Umikot siya at nagtaka kung nakaalis na ba si Nolan.Tinulak niya ito palabas. Kung matalino si Nola ay umalis na ito. Pero kung paano kung hindi ito umalis?Kinagat ni Maisie ang kaniyang labi at binuksan ang pinto sa utos na rin ng kaniyang isipan. Nakatayo pa rin si Nolan sa labas ng pinto, sa itsura nito ay para bang nasasaktan ito.Hindi.Hinila ni Maisie ang kwelyo nito, hinila niya ito papasok sa kwarto, sinara ang pinto, tinukak sa pader at sinimulan itong hali
Paanong nagkaroon ng koneksyon sa mga Goldmann ang malaki at saradong training camp na ito sa Swallow County?Dahan-dahang bumukas ang camp gates, at pumasok ang Patton sa loob.Lumabas sina Quincy at Maisie sa kotse. Makikita ang troops sa field.Isang lalaking malaki ang katawan ang lumapit kasama ni Cherie na nakasuot ng astig na uniform at mayroong beret sa maikli niyang buhok. Parang isa siyang pretty boy."Maisie!" Masaya si Cherie na makita si Maisie at patakbong lumapit. "Bakit ka nandito?"Tumikhim si Quincy at sinabing, "Nandito si Ms. Vanderbilt para mag-traning."Nagulat si Cherie at seryosong sinabi, "Nababaliw na ba si Mr. Goldmann? Bakit niya hahayaan na pumunta siya sa ganitong lugar—""Ideya ito ni Elder Master Goldmann." Pinutol na lang ni Quincy ang sinasabi ni Cherie.Bumukas ang bibig ni Cherie pero wala siyang sinabi. 'Ideya ito ni Elder Master Goldmann… masiyado siyang mahigpit sa kaniya. Napakahinhin ni Maisie. Paano siya makakalagpas dito?'"
Hindi aabalahin ni Maisie si Cherie sa anumang bagay, kaya ngiti na lang ang sinagot niya.Lumapit si Raven pagkaalis ni Cherie, gustong maki-chismis, “Ate Maisie, kamag-anak ka ba ni Ate Cherie?”“Hindi no.” Tumawa si Maiise at pinatong sa kama ang dala niyang backpack.Naupo si Raven sa kama, nakatagilid ang ulo, at kunot ang noong pinagmasdan si Maisie. “Kung ganoon, magkakilala kayo ni Ate Cherie.”Nilabas ni Maisie ang kaniyang mga toiletries at tiningnan si Raven, at sinabing, “Magkakilala lang kami. May problema ba dun?”Umiling si Raven at bigla ulit nagtanong, “Bakit ka nagpunta sa training camp? Gusto mo rin bang maging agent?”Napahinto si Maisie at saka nagtanong, bakas sa mukha niya ang pagkabigla, “Itong training camp ba ay nagte-train ng mga agent?”Hindi niya alam ang tungkol doon.“Oo, hindi mo ba alam?” Nagulat si Raven, pero hindi talaga alam ni Maisie.Nang makitang hindi naiintindihan ni Maisie ang kaniyang pinapasok, hindi na nasurpresa si Raven.
Pumikit ang mga mata ni Maisie.‘Mayroon palang tatlong assessment, at kalahating buwan lang ang mayroon ako, ibig sabihin ay kailangan kong mag-apply para sa assessment ngayong linggo.‘Kailangan kong makakuha ng magandang resulta sa loob ng kalahating buwan. 60 points ang pinakamataas na score sa isang assessment at kailangan ko lang makakuha ng standard score na 120 points para makapasa.’Kinagabihan, sinama ni Raven si Maisie sa dining hall para mag-hapunan. Public area ang dining hall at isang duplex. Sa unang tingin pa lang ay mas marami ng lalaki kaysa sa babae.“Mayroong oras ng kain. Kapag nahuli ka, wala ng matitira sa iyo.”“Mukhang mayroon kang alaala sa rule na yan.” Inasar siya ni Maisie.Napangiti na lang sa hiya si Raven.Lumapit sina Maisie at Raven sa pila para sa hapunan, pero mayroong nabanggang paa si Maisie habang dumadaan sa gilid ng isang mesa. Kung hindi siya nasuportahan ni Raven, matutumba sana siya.Muntik ng matumba ang lalaking nakasandal sa
’Huh? Kahit anong tingin niya rito, walang bakas ng galit sa mukha ng bastardo. Bagkus, nakangiti itong nakatitig kay Maisie.’Naningkit ang mala-fox na mga mata ni Francisco. “Sinusubukan mo bang makuha ang atensyon ko?”‘Madalas, kapag gustong makuha ng isang ordinaryong babae ang atensyon ko, iisipin kong mapagpanggap siya. Pero ayos lang kung gusto niyang gamitin ang method na ito para makuha ang atensyon ko!’Muntik nang mabuga ni Maisie ang sabaw sa bibig niya. Tumawa siya dahil sa galit at tiningnan si Francisco. “Lil’ brother, masiyado kang mayabang.”Tumango ito. “Alam ko.”Hindi nakapagsalita si Maisie.Mayroon biglang naisip si Francisco at nilabas ang isang chocolate bar sa kaniyang bulsa. “Brand iyan galing sa Ampleforth. Gusto mo bang subukan?”Marahil sa takot na tanggihan ni Maisie ang alok niya, dinagdag niya, “Maraming taong nakatingin. Sobrang nakakahiya na kapag tinanggihan mo ako ulit. Kunin mo na.”Kinuha ni Francisco ang kamay ni Maisie, nilagay a
’Gusto ko talagang makita ang asawa ko. Unang araw pa lang na wala siya ay sobra na ang pagka-miss ko sa kaniya.’Napairap na lang si Quincy. “Mr. Goldmann, kalahating buwan lang doon si Ms. Vanderbilt, hindi ilang taon…”‘Hindi ba mababaliw si Mr. Goldmann kung kailangan manatili ni Ms. Vanderbilt ng ilang taon doon?’Mayroong katok sa pinto ng opisina, at pumasok si Rowena.Nakangiti siyang pumasok. “Nolan, babyahe si lolo pabalik sa Goldmann family estate, at wala din si Ms. Vanderbilt. Sa akin niya ipinagkatiwala ang pagsundo sa mga bata ngayong gabi.”Bahagyang kumunot ang noo ni Nolan.‘Hindi gusto ng tatlong bata si Rowena. Siguradong magrereklamo sila kung siya ang susundo sa kanila.’Sumagot siya, “Hindi na kailangan. Susunduin ko sila ngayong gabi at pupunta kami sa Vanderbilt manor.”Pinangako niya kay Maisie na dadalhin niya ang mga bata para bisitahin si Stephen kapag mayroon siyang oras.Hindi nagbago ang ekspresyon ni Rowena nang tanggihan ni Nolan ang
Sa baba ng hagdanan ay nakatayo si Rowena at nakahalukipkip. Pinapanood niyang pumasok si Maisie sa building, matalim ang kaniyang tingin.'Kung hindi dahil sa tatlong batang yun, magiging karapat-dapat ba siyang tumayo sa tabi ni Nolan?'"Sis Rowena, matagal ka bang naghintay?"Doon naman dumating si Wynona at naputol ang iniisip ni Rowena. Nakangiting nagsalita si Wynona, "Hindi ko inaasahang babalik ka talaga""Oo, kumusta naman ang training camp?" Nagbago ang ekspresyon ni Rowena na parang walang nangyari."Ayos naman ang lahat. Yung… baguhan lang na dumating dalawang araw na ang nakalilipas, hindi ko siya gusto." Masama ang ekspresyon ni Wynona nang banggitin niya ang baguhan.Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Rowena. "Sinong baguhan ang tinutukoy mo?""Vanderbilt ata ang apelyido niya.""Maisie Vanderbilt." Bakas ang pagkasurpresa sa mga mata ni Rowena. Hindi niya akalain na kilala na ni Wynona si Maisie dahil kararating lang nito noong nakaraang araw."Oo, siy
Tumango ang training instructor.Naglakad si Wynona papasok sa kabundukan kasama ni Maisie. Tiningnan niya ito. "Ikaw si Maisie, tama? Ako si Wynona. Isang taon na akong nasa camp. Nice to meet you."Magalang na ngumiti pabalik si Maisie.Nagtanong si Wynona, "Nag-volunteer ka bang pumunta sa training camp?"Hindi ito tinanggi ni Maisie at ngumiti na lang. "Nandito ako para sa isang test.""Oh!" Tumango si Wynona, tiningnan siya at hindi na nagsalita pa.Napapalibutan sila ng mga puno sa loob ng kakahuyan, at mahirap ng makita ang daan. Ang mga baguhan ay mayroon dapat kasamang veteran mula sa camp kaya naman kasama niya sa team si Wynona. Wala siyang anumang pagdududa."Gaano kalayo ang camp?" Nagpalunga-linga si Maisie. Hindi niya mapigilang maramdaman na mas lalo lang silang napapalayo.Nasa likod niya si Wynona at umiwas ito ng tingin nang magtanong siya. Sumagot ito, "Hindi na malayo, mga sampung minuto."Hindi na yun inisip pa ni Maisie.Pero pagkatapos ng samp