’Gusto ko talagang makita ang asawa ko. Unang araw pa lang na wala siya ay sobra na ang pagka-miss ko sa kaniya.’Napairap na lang si Quincy. “Mr. Goldmann, kalahating buwan lang doon si Ms. Vanderbilt, hindi ilang taon…”‘Hindi ba mababaliw si Mr. Goldmann kung kailangan manatili ni Ms. Vanderbilt ng ilang taon doon?’Mayroong katok sa pinto ng opisina, at pumasok si Rowena.Nakangiti siyang pumasok. “Nolan, babyahe si lolo pabalik sa Goldmann family estate, at wala din si Ms. Vanderbilt. Sa akin niya ipinagkatiwala ang pagsundo sa mga bata ngayong gabi.”Bahagyang kumunot ang noo ni Nolan.‘Hindi gusto ng tatlong bata si Rowena. Siguradong magrereklamo sila kung siya ang susundo sa kanila.’Sumagot siya, “Hindi na kailangan. Susunduin ko sila ngayong gabi at pupunta kami sa Vanderbilt manor.”Pinangako niya kay Maisie na dadalhin niya ang mga bata para bisitahin si Stephen kapag mayroon siyang oras.Hindi nagbago ang ekspresyon ni Rowena nang tanggihan ni Nolan ang
Sa baba ng hagdanan ay nakatayo si Rowena at nakahalukipkip. Pinapanood niyang pumasok si Maisie sa building, matalim ang kaniyang tingin.'Kung hindi dahil sa tatlong batang yun, magiging karapat-dapat ba siyang tumayo sa tabi ni Nolan?'"Sis Rowena, matagal ka bang naghintay?"Doon naman dumating si Wynona at naputol ang iniisip ni Rowena. Nakangiting nagsalita si Wynona, "Hindi ko inaasahang babalik ka talaga""Oo, kumusta naman ang training camp?" Nagbago ang ekspresyon ni Rowena na parang walang nangyari."Ayos naman ang lahat. Yung… baguhan lang na dumating dalawang araw na ang nakalilipas, hindi ko siya gusto." Masama ang ekspresyon ni Wynona nang banggitin niya ang baguhan.Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Rowena. "Sinong baguhan ang tinutukoy mo?""Vanderbilt ata ang apelyido niya.""Maisie Vanderbilt." Bakas ang pagkasurpresa sa mga mata ni Rowena. Hindi niya akalain na kilala na ni Wynona si Maisie dahil kararating lang nito noong nakaraang araw."Oo, siy
Tumango ang training instructor.Naglakad si Wynona papasok sa kabundukan kasama ni Maisie. Tiningnan niya ito. "Ikaw si Maisie, tama? Ako si Wynona. Isang taon na akong nasa camp. Nice to meet you."Magalang na ngumiti pabalik si Maisie.Nagtanong si Wynona, "Nag-volunteer ka bang pumunta sa training camp?"Hindi ito tinanggi ni Maisie at ngumiti na lang. "Nandito ako para sa isang test.""Oh!" Tumango si Wynona, tiningnan siya at hindi na nagsalita pa.Napapalibutan sila ng mga puno sa loob ng kakahuyan, at mahirap ng makita ang daan. Ang mga baguhan ay mayroon dapat kasamang veteran mula sa camp kaya naman kasama niya sa team si Wynona. Wala siyang anumang pagdududa."Gaano kalayo ang camp?" Nagpalunga-linga si Maisie. Hindi niya mapigilang maramdaman na mas lalo lang silang napapalayo.Nasa likod niya si Wynona at umiwas ito ng tingin nang magtanong siya. Sumagot ito, "Hindi na malayo, mga sampung minuto."Hindi na yun inisip pa ni Maisie.Pero pagkatapos ng samp
Samantala, matagal na naghanap si Maisie sa kagubatan, pero hindi niya alam ang eksaktong lokasyon ng camp kaya naiinis na siya.Hindi na ba siya makakalabas sa gubat na 'to?Kapag umikot nanaman siya, mahihirapan ang mga rescuers na hanapin siya. Hindi na dapat siya umalis sa kinatatayuan niya.Inalis ni Maisie ang kaniyang backpack at naupo, pero mayroon siya biglang narinig na mga kaluskos mula sa likuran niya.Dahan-dahan siyang tumayo, lumingon siya kung saan galing ang tunog at sumigaw, "Wynona?"Wala siyang natanggap na sagot, at natigil din ang kaluskos.Mayroon siyang nakitang anino, pero malinaw na hindi ito tao.Maingat na kinuha ni Maisie ang kaniyang bag at umatras. Kaagad na nagsimula ang mga kaluskos, at isang mabangis na baboy-ramo na mayroong matalim na mga sungay ang lumitaw.Nagsimulang pagpawisan si Maisie at nanigas siya sa kaniyang kinatatayuan. Ang unang pumasok sa isipan niya ay hindi tumakbo dahil alam niyang hindi niya ito mauungusan.Napag
"Mayroon akong nasalubong na mabangis na baboy-ramo at napilayan ako nang umakyat ako sa puno." Hindi napansin ni Maisie ang sakit dahil sa pagkataranta niya. Saka na lang niya napansin nang makaalis na ang baboy-ramo."Bakit ka nasa restricted area? Napaka-delikado dito.""Restricted zone ito?" Tanong ni Maisie.Tumango si Cherie, at nagsalita ang isang tao sa tabi niya. "Sinaunang gubat 'to na hindi pa nae-explore. Maraming mababangis na hayop dito. Maswerte ka na at baboy-ramo lang ang nakita mo."Kahit sila ay walang lakas ng loob na pumasok dito. Wala lang ang baboy-ramo. Kung isang taong walang experience ang makasalubong ng mga lobo, walang makapagliligtas sa kanila.Tahimik lang si Maisie. Tila mayroon siyang naalala at sumama ang kaniyang ekspresyon.Nang nakarating sila sa camp, gabing-gabi na. Nang makita ng training instructor na nakabalik na ang lahat, narelax na rin ang tensyunado niyang mukha.Pero dahil pumasok si Maisie sa restricted zone, dismayado pa ri
Ang ilang hibla ng buhok sa likod ng tainga ni Maisie ay bumagsak sa kaniyang mukha. Paulit-ulit niya itong binabalik sa likod ng tainga niya. Napaka-karaniwan ng kilos na ito, pero napakaganda nitong tingnan para may Francisco.Isang dahon ang bumagsak sa ulo niya, natigilan si Francisco, lumapit siya ngunit natapilok siya sa walis at bumagsak kay Maisie.Naligtas niya ang sarili dahil nakakapit siya sa bench, pero napatalon si Maisie dahil sa nangyari. Tumalikod siya at biglang nakita ang mukha ni Francisco na nasa harapan na ng mukha niya.Walang nagsalita sa kanila.Si Wynona na nagtatago sa gilid ay nakita yun at sinuntok ang pader sa inis. Nilabas niya ang kaniyang phone, kumuha ng litrato at hinanap ang chat ni Rowena para ipadala ang litrato.Sa Blackgold Group…Pumasok si Rowena sa opisina at kumatok.Sinara ni Nolan ang file na binabasa niya at lumingon. "Ano yun?"Lumapit si Riwena sa desk ni Nolan. "Nabalitaan ko na pumasok si Ms. Vanderbilt sa restricted ar
Kumunot ang noo ni Maisie at nilingon niya ito. "Anong ginawa ko?"Ngumiti si Wynona, akala niya ay alam na niya ang sikreto ni Maisie. "Tungkol sa pang-aagaw mo mga lalaki."Nagpapanggap pa rin ang babaeng 'to pero ang totoo ay pinadala siya sa camp dahil inaakit niya ang boyfriend ng iba. Kailangang ilantad ito ni Wynona para makita ni Francisco kung sino ba talaga ang babaeng 'to!Inalis ni Maisie ang kamay ni Wynona at naningkit ang mga mata. "Wala naman akong naaalalang nagkaroon tayo ng anumang alitan?"Hindi lang siya dinala nito sa restricted area at iniwanan siya, pero sinusubukan din ni Wynona na siraan siya dahil sa isang tsismis?Hindi magpapatalo si Wynona. "Binangga mo ako noong inakit mo si Francisco!"Francisco? Dahil itong lahat sa lalaking yun?Tumawa si Maisie, tumaas ang mga kilay at sinabing, "Hindi ko na problema kung mayroon kang crush kay Francisco. Bakit ako ang sinisisi mo dahil hindi mo makuha ang atensyon niya?""Alam kong isa kang vixen—"
"Sino nagsabing tayo mismo ang lalapit sa kaniya? Hindi ba't kasama niya sa iisang kwarto si Raven? Dahil malapit naman si Raven sa kaniya, si Raven ang lapitan natin."Walang training buong hapon, kaya nasa kwarto lang si Maisie at nagbabasa ng mga libro. Nagpaplano siya para sa assessments.'Pagkatapos ng dalawang araw ay makakapag-apply na ako para sa assessment. Mabilis lang lilipas ang kalahating buwan."Kanina pa hindi nakikita ni Maisie si Raven, kaya binaba niya ang libro nang marinig niyang bumukas ang pinto. "Raven, nakabalik ka na—"Tumalikod si Maisie at nakita niyang sinara ni Nolan ang pinto, kaagad siyang tumayo. "Nolan, bakit ka—-""Nagulat ka ba?" Nilock ni Nolan ang pinto mula sa loob.Natatakot si Maisie na baka makita ni Raven ang eksena pagbalik nito, pero nang bubuksan na sana niya ang pinto, hinawakan siya ni Nolan sa baywang at binuhat siya papunta sa kama.Nagpumiglas si Maisie. "Nolan, nababaliw ka na ba? Ladies' dormitory ito…"'Ano bang gusto