Hindi nagsalita si Maisie.Mayroong naisip si Nolan, nilabas niya ang isang puting jade ring sa kaniyang bulsa, kinuha ang kamay ni Maisie, at marahan itong sinuot sa kamay niya. "Gusto lang kitang bigyan ng regalo ngayon, tingnan mo. Nagustuhan mo ba?"Kaagad nagbago ang ekspresyon ni Maisie nang makita niya ang puting jade ring sa kaniyang hinlalaki.'Nagustuhan ko ba? Hehe!'Umupo si Maisie, hinubad ang singsing at binato ito sa sahig. Nagdilim kaagad ang ekspresyon ni Nolan nang mabasag ang jade ring.Hinawakan niya ang kamay ni Maisie, katakot-takot ang nag-aalab na galit sa kaniyang mga mata. "Maisie Vanderbilt, huwag mong sagarin ang pasensya ko sa iyo!""Anong tingin mo sa akin?" Ang mapupulang mga mata ni Maisie ay diretsong nakatitig sa puno ng galit na mga mata ni Nolan. Mayroong halong panlilibak na sinabi niya, "Nolan, huwag mo akong gawing tanga! Hindi ba't nagpunta kayo ni Rowena sa The Jade Store para lang bilhin ang singsing na ito para sa kaniya?"Hindi l
Natigilan ang dalawang babae."Nasaan si Raven?" Malamig na nakatitig sa kanila si Maisie.Maingat na sumagot ang isa sa mga babae, “Kanina… Nakita namin si Wynona at mga kasama niya, sinama nila si Raven, pero hindi namin alam kung saan siya dinala.”‘Si Wynona nanaman!’Mas tumalim ang mga mata ni Maisie.Nasa dormitory sina Wynona at mga kaibigan niya. Biro lang sa kanila ang pambu-bully kay Raven, at masaya nila itong pinag-uusapan.Mayroong sumipa sa pinto ng dormitory at kaagad itong bumukas, natakot ang mga tao sa loob.Tumayo si Wynona nang makita niyang pumasok si Maisie. “Hey, nasaan ang respeto mo—”Nagulat ang tatlong babaeng nakaupo sa kama.Tinakpan ni Wynona ang kaniyang pisngi matapos siyang sampalin ni Maisie. Hindi siya makapaniwala. “Ikaw…Ang kapal ng mukha mong sampalin ako!?”Sinampal siya ulit ni Maisie at bumagsak siya sa sahig. “Nasaan si Raven?”Nang makita na si Raven ang pinunta nito, si Wynona na dalawang beses ng nasampal ay biglang tu
Inabot ni Maisie ang isang baso ng maligamgam na tubig kay Raven. “Nagugutom ka siguro, mayroon pa akong instant cup noodles sa bag ko. Binigay mo sa akin yun noong nakaraang araw, lulutuin ko para sa iyo.”Tumango si Raven, yumuko, at uminom ng maligamgam na tubig.Lumingon si Maisie at tiningnan si Raven. “Pasensya ka na, ako ang dahilan kung bakit ka nadamay.”Hindi niya inakalang idadamay ni Wynona si Raven.‘Kung hinayaan ko lang ito, magdamag bang makukulong doon si Raven?’Pinilit na ngumiti ni Raven. “Hindi kita sinisisi. Ang totoo, mahina din kasi ako. Tatlong buwan na ako rito pero hindi pa rin ako natututo nang maayos. Paano magiging secret agent ang isang tulad ko?”Hindi malabanan ni Raven ang mga babaeng yun dahil mahina niyang pangangatawan. Nilock siya sa toilet at sinabuyan ng tubig. Nakakahiyang isipin ang pinagdaanan niya.Nilagyan ni Maisie ng mainit na tubig ang instant noodles, tinabi niya ito, nilapitan si Raven, at naupo. “Kasasali mo pa lang sa pro
"Yes, sir, binantaan niya kami nang walang dahilan. Sinaktan niya pa si Wynona. Wala kaming ginawang mali."Mas marami sila at pwede nilang ipagtanggol ang isa't -isa, kaya hindi sila natatakot sa paliwanag ni Maisie.Magsasalita na sana si Maisie nang hampasin ng instructor ang mesa. "Okay, hindi ko na kailangan pa ng paliwanag. Hindi para sa iyo ang training camp. Mag-impake ka na at umalis."Tinago nina Wynona ang kanilang tuwa.'Kahit gaano pa siya kalakas, siya pa rin naman ang papaalisin sa huli.'Nakatayo lang doon si Maisie at hindi gumalaw. Tiningnan siya ng instructor at sandali itong nagtaka. "Sinabi ko nang umalis ka, hindi ba?""Hindi ako pwedeng umalis." Kalmado ang tono ni Maisie. "At saka, sila ang unang lumabag sa batas. Bakit ako ang kailangang umalis?"Hindi pa kailanman nakakita ang instructor ng taong kasintigas ni Maisie, kaya pagalit siyang tumayo. "Maisie, huwag mong sagarin ang swerte mo! Training camp 'to, at mayroon akong karapatan na paalisin k
"Wala ka bang mabuting natutunan sa training camp? Paninira at pambu-bully lang ba ng teammates mo ang natutunan mo dito? Mr. Leach, ikaw na ang bahala sa dapat na parusa sa kanila. Hindi na dapat ito mangyari sa susunod."Nang makita ng instructor na pinakialaman na ni Cherie ang isyu, hirap na siyang magsalita pa, kaya sinabi na lamang niya sa kanila, "Girls, pumunta kayo sa field at bigyan niyo ako ng ten laps!"Kahit na ano pang reklamo nina Wynona, tinanggap na lang nila ang kanilang kapalaran at galit na umalis sa opisina.Sumunod si Maisie kay Cherie sa labas ng opisina. "Salamat sa pagtulong sa akin."Alam niyang pinagtatanggol siya ni Cherie, kaya nagpapasalamat siya."Maisie, hindi mo kailangan maging magalang sa akin. Oo nga pala, pumunta dito kahapon si Mr. Goldmann. Nasabi mo ba sa kaniya na pumasok ka sa restricted area?"Balak naman ni Cherie na i-report yun, pero nalaman naman agad ito ni Nolan.Lumingon sa kaniya si Maisie. "Hindi ba ikaw ang nagsabi nun
'Aalis? Isang linggo na lang?'Hindi makapaniwala si Francisco. "Aalis ka na agad?""Oo, kalahating buwan lang ako dito, at aalis na ako agad kapag nakuha ko na ang results ng assessment," Mahinahong sagot ni Maisie.Hindi naman niya talaga planong makipag-interaksyon sa mga tao dito sa training camp. Pwede na siyang umuwi basta makumpleto niya ang kaniyang task.Nadismaya nang bahagya si Francisco dahil aalis na pala ang little goddess niya.Pero anong magagawa niya? Ang tanging magagawa niya lang ay panoorin itong umalis."Mr. Boucher, hindi mo kailangan na sayangin ang oras mo sa akin."Medyo nahiya si Francisco dahil nabasa ni Maisie ang nasa isip niya. Pero seryoso niyang sinabi, "Bakit mo naman nasabing sayang 'to? Kusa ko naman 'tong ginagawa.""Kung ganoon, didiretsahin na kita, k..kasal ako at mayroon na akong tatlong anak, kaya hindi mo talaga dapat sayangin ang oras at enerhiya mo sa akin."Nagulat si Francisco, at ilang segundo siyang natulala bago siya nag
"Sis Maisie, gusto mo ba talaga ma-assess?" Mahinang tanong ni Raven."Huwag kang mag-alala, kampante ako." Tinapik ni Maisie ang balikat niya.Sa sandaling yun, pumasok ang instructor at ang magkapatid na Lawson sa assessment hall. At siyempre, kasama nila si Rowena.Tiningnan ni Maisie si Rowena, at naningkit ang kaniyang mga mata.'Bakit siya nandito?'Naupo si Rowena sa upuan ng deputy examiner, tumaas nang bahagya ang kaniyang mga kilay at nginitian si Maisie nang magpalitan sila ng tingin."Siya si Ms. Summers. Siya ang deputy examiner ngayong araw.""Ang ganda ni Ms. Summers."Karamihan sa mga tao sa audience ay pinupuri si Rowena. Maaga itong pumasok sa training camp at ka-batch niya sina Hans at Cherie, kaya hindi maling tawagin siya bilang senior ng mga baguhan.Gayunpaman, nagdulot naman ng maingay na diskusyon ang pagdating ni Nolan."Oh my God, hindi ba't si Mr. Goldmann yun?""Pumunta talaga si Mr. Goldmann sa training camp para lang panoorin ang ass
Hindi siya pinansin ni Maisie, nilabas niya ang isang itim na singsing mula sa kaniyang bulsa, sinuot ito sa kaniyang hintuturo, tumalikod at saka pumasok sa ring.Sumunod naman si Logan sa ring. Isa siyang babaeng maikli ang buhok at matikas ang katawan. Halata sa kaniyang mga mata ang pangmamaliit kay Maisie.'Gusto nila akong lumaban sa ganiyang kahinhing babae. Baka hindi niya makayanan ang isang suntok ko.'Sigurado namang matatalo siya.'Nang magsimulang dumaloy ang buhangin sa hourglass, gusto lang tapusin agad ni Logan ang laban dahil wala siyang balak magsayang ng oras sa isang baguhan.Sumugod siya kay Maisie, inakalang matatalo niya ito sa isang kilos lang.Ikinagulat niya ang pag-ilag ni Maisie sa kaniyang atake, hinawakan nito ang kamay niya nang mabilis at hinila siya.Si Logan na minaliit ang kaniyang kalaban ay sandaling nawalan ng balanse, habang kinuha naman ni Maisie ang pagkakataon na ito para pabagsakin siya.Natulala ang lahat ng nasa audience.'
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio
“Salamat man, ang bait mo.”Nang sabihin niya ‘yon, nang makita ni Yvonne na sapat lang para sipsipin ang sabaw sa tasa niya, nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Hindi niya mapigilan na umirap.‘Nang sinabi niyang bibigyan niya ako nang kaunti, ganoon talaga ang ibig niyang sabihin, huh?’Nang makita ang ekspresyon niya, hindi mapigilan ng aktor na gumanap bilang pulis na tumawa at mahiwatig na sinabing, “Evie, sinabi niya lang na galing sa pamilya niya ang sabaw pero baka hindi ito galing sa mom niya.”Agad na naintindihan ni Yvonne ang ibig niyang sabihin. “Pfft, kaya pala. Kaya pala ang damot niya…”Pabulong na lang ang huli niyang sinabi.Pagkatapos uminom ni James ng sabaw, kumunot niya nang kakaiba ang titig sa kaniya ng dalawa. “Anong problema?”“Wala, ayos lang ang lahat. I-enjoy mo ang sabaw mo, hindi ka na namin guguluhin ni Evie.”Nagpalitan ng tingin ang aktor at si Yvonne, at bumalik silang dalawa sa ginagawa nila.Sa kabilang banda ng siyudad…Nang makabalik si
Sa Kong Ports…Si James na nagsh-shoot ng sunod niyang scene sa police station ay bumahing ng tatlong beses at ang actor na gumaganap bilang pulis na nasa harap miya ay inangat ang kaniyang ulo. “Nagkaroon ka ba ng sipon ngayong mainit naman ang panahon?”“Mukhang may naninira sa akin.”Inasar siya ng actor. “Baka may nag-iisip sa'yo.”‘Iniisip ako?’Nagulat si James at nanginig habang naaalala ang mukha ng babae sa isip niya.‘Imposible ‘yon.’Pagkatapos magbiruan ng dalawa, nagsimula na ang filming ay sumigaw si Ronny, “Action!”Ang aktor na gumanap bilang police officer ay agad na nakahanda sa kaniyang role at hinampas ang notebook sa mesa. “Nagpapanggap ka pa rin na inosente? May fingerprint mo ang tasa na ginamit ng namatay! So ikaw ang naglagay ng sleeping pills sa inumin niya? Sabihin mo na sa akin ang totoo!”Dahil hindi inakala ni James na nakahanda na agad ito sa eksena, bigla siyang tumawa. Nasira ng tawa ni James ang eksena pero nang mapansin niya na hindi tinapos
Inangat ni Cameron ang ulo niya at kinagat ang kaniyang tinidor. “So, ako ba ang special?”Kinuhanan siya ni Waylon ng sabaw. “Matakaw ka lang din talaga. Kakain ka nang kahit ano kung walang pipigil sa'yo.”Kinagat niya ang kaniyang labi at walang sinabi.Tumawa si Nicholas. “Mabuti sa buntis na kumain nang marami. Nang buntis ang lola niyo sa dad niyo, mahilig din siya kumain tulad ni Cam. Kakainin niya ang lahat ng makikita niya. Nagtago pa nga siya ng ibang pagkain mula sa'kin.”Sa pagtatago ng pagkain, na-guilty bigla si Cameron.Napansin ni Waylob ang pagbabago sa ekspresyon niya at naningkit. “Sinasabi mo ba sa akin na nagtago ka rin?”Mabilis siyang tumanggi. “Hindi! Mukha ba akong magtatago ng pagkain? Imposible talaga ‘yon!”Tumawa ang lahat ng nasa dining table.…Sa isang iglap, nagsisimula na ang July. Nang summer break ni Deedee, dinala siya ni Brandon sa Yaramoor, at pumunta rin doon si Freyja para bisitahin si Leia at Norman.Naka-graduate na rin sila at inasi
Lumapit si Waylon sa ice cream cart at nang kukunin na niya ang wallet niya, ilang bata ang tumingin sa kaniya nang masama. “Sir, may pila dito. Hindi ka pwedeng sumingit.”Natigil siya sandali, lumapit siya at tiningnan ang mga bata. “Paano kung ganito? Bibilhan ko pa kayo ng tig-iisang ice cream at ang kailangan niyo lang gawin ay pasingitin ako, okay?”Nagpalitan ng tingin ang mga bata.‘Mukhang magandang kasunduan ito!’Lahat sila ay pumayag sa sinabi ni Waylon sa huli.Bumili si Waylon ng ice cream at bumili pa ng tig-iisa sa mga bata habang nandoon. Pagkatapos magbayad sa lahat ng ice cream, kinuha niya ang isa at lumapit kay Cameron.Hindi mapigilan ni Cameron na matawa nang malakas. “Nakaisip ka talaga nang ganoong paraan para sumingit sa pila?”Inabot ni Waylon ang ice cream sa kaniya. “Ang problema na kayang ayusin ng ice cream ay hindi problema sa akin.”Binuksan ni Cameron ang ice cream at tinikman.Kapag nagsabay ang mainit na panahon at malamig na ice cream, naka