Hindi siya pinansin ni Maisie, nilabas niya ang isang itim na singsing mula sa kaniyang bulsa, sinuot ito sa kaniyang hintuturo, tumalikod at saka pumasok sa ring.Sumunod naman si Logan sa ring. Isa siyang babaeng maikli ang buhok at matikas ang katawan. Halata sa kaniyang mga mata ang pangmamaliit kay Maisie.'Gusto nila akong lumaban sa ganiyang kahinhing babae. Baka hindi niya makayanan ang isang suntok ko.'Sigurado namang matatalo siya.'Nang magsimulang dumaloy ang buhangin sa hourglass, gusto lang tapusin agad ni Logan ang laban dahil wala siyang balak magsayang ng oras sa isang baguhan.Sumugod siya kay Maisie, inakalang matatalo niya ito sa isang kilos lang.Ikinagulat niya ang pag-ilag ni Maisie sa kaniyang atake, hinawakan nito ang kamay niya nang mabilis at hinila siya.Si Logan na minaliit ang kaniyang kalaban ay sandaling nawalan ng balanse, habang kinuha naman ni Maisie ang pagkakataon na ito para pabagsakin siya.Natulala ang lahat ng nasa audience.'
Nagulat ang lahat sa protesta ni Logan."Nagdala siya ng patalim. Pandaraya yun.""Tama, nagtataka ako kung bakit niya natalo si Sis Low."Sumigaw si Wynona sa instructor, "Nanakit si Maisie at nandaya. Hindi dapat si Sis Low ang talo. Hindi ito patas!""Oo nga!"Nagawang sulsulan ni Wynona ang mga tao sa paligid niya. Kahit na ang ilan sa kanila ay hindi alam ang nangyari, nandaya pa rin si Maisie para sa kanila.Nakakatakot ang dilim sa mukha ni Nolan na kahit ang instructor na nakatayo sa tabi niya ay napansin ito. Nang sasabihin na niya sana ang resulta ng laban, tiniis ni Maisie ang sakit at nagtanong, "Mayroon bang nakalagay sa rules ng assessment na bawal mo saktan ang kalaban mo?"Natulaka ang instructor at sumagot, "Walang sinasabi sa rules ng assessment na—""Kung wala naman sinasabi sa rules, bakit ko magiging kasalanan kung nasaktan ko siya, pero hindi niya kasalanan kung nasakan niya ako?" Maputla ang mukha ni Maisie. Hanggang ngayon ay namamanhid ang kaniy
Kinabahan si Raven matapos marinig 'yun. Tumingin siya kay Cherie at sinabing, "Cherie, bakit gusto makita ni Mr. Goldmann si Maisie? Tingin din ba niya nandaya si Maisie?"Nahihiyang ngumiti si Cherie. "Hindi 'no, huwag ka mag alala."Dinala ni Cherie si Maisie sa opisina, binuksan ang pinto, at nakita si Nolan na naka de kwatro sa couch kasama si Hans at Rowena.Nang makita si Maisie, inutusan ni Nolan ang dalawa, "Lumabas muna kayong dalawa."Naiinis na tumingin muna si Rowena kay Maisie bago ito umalis.Si Cherie na huling lumabas ang nagsara ng pinto. Dalawa na lang silang nandoon sa loob."Bakit ang layo mo naman sa akin?" naningkit ang mata ni Nolan at tinapik ang pwesto sa tabi niya. "Umupo ka rito.""Hindi na, training camp 'to, at maraming tao sa labas. Hindi magandang may makakita." pagtanggi ni Maisie.Napatikom ang labi ni Nolan, at nakatitig lang siya kay Maisie. "Lalapit ka ba rito o bubuhatin kita?"Napatahimik si Maisie.Nang palapit na siya sa sofa
Mabilis na tinanggal ni Nolan ang tights ni Maisie.Pero, biglang nagdilim ang mata ni Nolan. Ang dulo ng kaniyang dila ay nasa likod ng kaniyang mga bagang, at parang may iniisip ito.Napansin ni Maisie na nakakatakot ang sitwasyon, kaya sinubukan niyang tumakas mula dito.Sa kasamaang palad, umikot si Nolan at pinahiga siya sa couch.…Nagmamadaling bumalik si Maisie sa dormitory habang nakabalot ng coat pero nakasalubong niya si Rowena at Wynona.Napansin ni Rowena na namumula ang pisngi ni Maisie at medyo magulo ang buhok nito, pati na ang nakabalot na coat kay Maisie. Naiisip niya kung ano ang nangyari matapos makipagkita ni Maisie kay Nolan.Nawala agad ang galit na makikita sa mga mata niya.'Hindi pa 'to ang tamang oras. Hindi pa 'ko pwede kumilos.'Una pa lang ay hindi na gusto ni Wynona si Maisie, at mas lumala lang ang galit niya rito, lalo na nang manalo si Maisie sa assessment. Kaya, nang makita niya itong palihim na bumabalik, hindi niya mapigilang husgah
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Rowena.''Napakarumi talaga ng bunganga ng babaeng 'to. Matutuwa ako kung sasabihin niya 'yun kapag iba ang nasa harapan namin, pero mas mapapahiya lang ako kung sasabihin 'yun sa harapan ni Maisie.Hindi napansin ni Wynona ang pag iiba ng ekspresyon ni Rowena at patuloy na tumitig kay Maisie. "Binabalaan kita, nandito ngayon si Mr. Goldmann sa training camp, kaya kahit ano pang tapang mo, kung susubukan mo kong saktan ngayon, hindi—"Isa pang sampal ang nagpatulala pa lalo kay Wynona.'Ang kapal ng mukha niya!'Ngumiti ulit si Maisie. "Tinatakot mo ba ako? Gusto mo ba tawagin ni Ms. Summers si Mr. Goldmann para kampihan ka? Lilinawin ko lang sa'yo ngayon. Sasampalin pa rin kita kahit nakatayo rito ngayon si Mr. Goldmann. Gusto mo bang subukan?""Ikaw… Ikaw…" May gustong sabihin si Wynona pero para bang nakabaon ang lahat ng salita sa lalamunan niya.'Bakit ang lakas ng loob ni Maisie? Sino ang nasa likod niya?'"Hindi ka masasaktan k
Nagulat si Hans at tumingin kay Rowena.'Bakit kailangan niya pa banggitin ang insidente na 'yun?'Tumingin din si Rowena kay Hans para hindi ito maghinala. "Alam kong matatalo si Ms. Vanderbilt sa kalaban niya sa mano-manong laban, pero hindi ba’t ang match na 'yun ay para subukin ang lakas nila?"Para kay Hans ay tama naman ang sinasabi ni Rowena.Hinawakan ni Titus ang balbas niya at tumango.Kumunot ang noo ni Mr. Goldmann Sr. "Paano naman naging weapon ang isang singsing?"Maingat na paliwanag ni Rowena, "Ang singsing na suot ni Ms. Vanderbilt sa daliri niya ay hindi isang ordinaryong singsing. Kahawig ito ng mga ginagamit para sa self-defense. Parang may matulis na nakatago sa singsing, at nakakasugat."Kumunot ang noo ni Mr. Goldmann Sr. na para bang may iniisip ito.Nagulat ng kaunti si Hans. "Ibig sabihin 'yung singsing na 'yun ay hindi lang pang self-defense at pwede rin gamitin para manakit ng tao?"'Kaya pala sinabi ni Logan na sinaktan siya ni Maisie gami
'Naging legend lang siya dahil sa mga bagay na kaya niyang gamitin at gawin.'Kahit sino ay dapat alam kung paano kikilos sa iba't ibang laban na haharapin nila. Paano nila haharapin ang kalaban kung wala silang kakayahang manalo?'Ayaw na ito pag-usapan ni Titus at kinaway niya ang kaniyang kamay. "Gawin niyo kung anong gusto niyo. Gusto ko lang naman ang grades."Umalis si Nolan sa family estate at naglakad papunta sa sasakyan niya nang tinawag siya ni Rowena.Lumapit siya kay Nolan. "Nolan, wala akong kinakalaban sa mga sinabi ko kanina. Iniisip ko lang ang mga sinasabi ng iba—""Rowena, manahimik ka. Huwag mong hahayaang malaman ko lahat ng binabalak mo." pumasok na si Nolan sa kotse nang hindi lumilingon.Habang paalis ang sasakyan, natulala si Rowena roon. Iniisip niya ang mga sinabi ni Nolan, at nadurog ang puso niya.'Wala pa naman akong ginagawa kay Maisie, bukod sa jade ring. Alam niya na kaya?'Kinabukasan…Ang result ng physical assessment ay nakalagay na
At si Wynona naman…Oras na para harapin niya ito pagkatapos siya nitong pagplanuhan ng dalawang beses.Lumabas si Wynona sa kaniyang kwarto at biglang nakita si Maisie na nakahalukipkip at naghihintay sa kaniya sa hagdan.Nakatayo siya roon habang kinakabahan . "A-Anong ginagawa mo rito?"Dahil siguro ay mag-isa siya sa mga oras na 'to. Madalas ay iba naman ang inaakto niya kapag mayroong ibang tao.Nakangisi si Maisie habang papalapit kay Wynona.Patuloy sa pag atras si Wynona hanggang siya hilain siya ni Maisie sa kakahuyan sa likod ng dormitory."Maisie, subukan mong saktan ako, gagawin ko—""Anong gagawin mo?" Hinarangan siya ni Maisie. "Huwag ka mag alala. May ilang tanong lang ako sa'yo."Nanginig si Wynona. Natatakot talaga siya. "Anong gusto mong malaman?""Dinala mo ba 'ko sa restricted area dahil kay Francisco?" sabi ni Maisie.Hindi makatingin ng diretso si Wynona kay Maisie kasi natatakot siya masaktan, pero nanatili siyang nakatayo at sumagot, "Ano