Kinabahan si Raven matapos marinig 'yun. Tumingin siya kay Cherie at sinabing, "Cherie, bakit gusto makita ni Mr. Goldmann si Maisie? Tingin din ba niya nandaya si Maisie?"Nahihiyang ngumiti si Cherie. "Hindi 'no, huwag ka mag alala."Dinala ni Cherie si Maisie sa opisina, binuksan ang pinto, at nakita si Nolan na naka de kwatro sa couch kasama si Hans at Rowena.Nang makita si Maisie, inutusan ni Nolan ang dalawa, "Lumabas muna kayong dalawa."Naiinis na tumingin muna si Rowena kay Maisie bago ito umalis.Si Cherie na huling lumabas ang nagsara ng pinto. Dalawa na lang silang nandoon sa loob."Bakit ang layo mo naman sa akin?" naningkit ang mata ni Nolan at tinapik ang pwesto sa tabi niya. "Umupo ka rito.""Hindi na, training camp 'to, at maraming tao sa labas. Hindi magandang may makakita." pagtanggi ni Maisie.Napatikom ang labi ni Nolan, at nakatitig lang siya kay Maisie. "Lalapit ka ba rito o bubuhatin kita?"Napatahimik si Maisie.Nang palapit na siya sa sofa
Mabilis na tinanggal ni Nolan ang tights ni Maisie.Pero, biglang nagdilim ang mata ni Nolan. Ang dulo ng kaniyang dila ay nasa likod ng kaniyang mga bagang, at parang may iniisip ito.Napansin ni Maisie na nakakatakot ang sitwasyon, kaya sinubukan niyang tumakas mula dito.Sa kasamaang palad, umikot si Nolan at pinahiga siya sa couch.…Nagmamadaling bumalik si Maisie sa dormitory habang nakabalot ng coat pero nakasalubong niya si Rowena at Wynona.Napansin ni Rowena na namumula ang pisngi ni Maisie at medyo magulo ang buhok nito, pati na ang nakabalot na coat kay Maisie. Naiisip niya kung ano ang nangyari matapos makipagkita ni Maisie kay Nolan.Nawala agad ang galit na makikita sa mga mata niya.'Hindi pa 'to ang tamang oras. Hindi pa 'ko pwede kumilos.'Una pa lang ay hindi na gusto ni Wynona si Maisie, at mas lumala lang ang galit niya rito, lalo na nang manalo si Maisie sa assessment. Kaya, nang makita niya itong palihim na bumabalik, hindi niya mapigilang husgah
Bahagyang nagbago ang ekspresyon ni Rowena.''Napakarumi talaga ng bunganga ng babaeng 'to. Matutuwa ako kung sasabihin niya 'yun kapag iba ang nasa harapan namin, pero mas mapapahiya lang ako kung sasabihin 'yun sa harapan ni Maisie.Hindi napansin ni Wynona ang pag iiba ng ekspresyon ni Rowena at patuloy na tumitig kay Maisie. "Binabalaan kita, nandito ngayon si Mr. Goldmann sa training camp, kaya kahit ano pang tapang mo, kung susubukan mo kong saktan ngayon, hindi—"Isa pang sampal ang nagpatulala pa lalo kay Wynona.'Ang kapal ng mukha niya!'Ngumiti ulit si Maisie. "Tinatakot mo ba ako? Gusto mo ba tawagin ni Ms. Summers si Mr. Goldmann para kampihan ka? Lilinawin ko lang sa'yo ngayon. Sasampalin pa rin kita kahit nakatayo rito ngayon si Mr. Goldmann. Gusto mo bang subukan?""Ikaw… Ikaw…" May gustong sabihin si Wynona pero para bang nakabaon ang lahat ng salita sa lalamunan niya.'Bakit ang lakas ng loob ni Maisie? Sino ang nasa likod niya?'"Hindi ka masasaktan k
Nagulat si Hans at tumingin kay Rowena.'Bakit kailangan niya pa banggitin ang insidente na 'yun?'Tumingin din si Rowena kay Hans para hindi ito maghinala. "Alam kong matatalo si Ms. Vanderbilt sa kalaban niya sa mano-manong laban, pero hindi ba’t ang match na 'yun ay para subukin ang lakas nila?"Para kay Hans ay tama naman ang sinasabi ni Rowena.Hinawakan ni Titus ang balbas niya at tumango.Kumunot ang noo ni Mr. Goldmann Sr. "Paano naman naging weapon ang isang singsing?"Maingat na paliwanag ni Rowena, "Ang singsing na suot ni Ms. Vanderbilt sa daliri niya ay hindi isang ordinaryong singsing. Kahawig ito ng mga ginagamit para sa self-defense. Parang may matulis na nakatago sa singsing, at nakakasugat."Kumunot ang noo ni Mr. Goldmann Sr. na para bang may iniisip ito.Nagulat ng kaunti si Hans. "Ibig sabihin 'yung singsing na 'yun ay hindi lang pang self-defense at pwede rin gamitin para manakit ng tao?"'Kaya pala sinabi ni Logan na sinaktan siya ni Maisie gami
'Naging legend lang siya dahil sa mga bagay na kaya niyang gamitin at gawin.'Kahit sino ay dapat alam kung paano kikilos sa iba't ibang laban na haharapin nila. Paano nila haharapin ang kalaban kung wala silang kakayahang manalo?'Ayaw na ito pag-usapan ni Titus at kinaway niya ang kaniyang kamay. "Gawin niyo kung anong gusto niyo. Gusto ko lang naman ang grades."Umalis si Nolan sa family estate at naglakad papunta sa sasakyan niya nang tinawag siya ni Rowena.Lumapit siya kay Nolan. "Nolan, wala akong kinakalaban sa mga sinabi ko kanina. Iniisip ko lang ang mga sinasabi ng iba—""Rowena, manahimik ka. Huwag mong hahayaang malaman ko lahat ng binabalak mo." pumasok na si Nolan sa kotse nang hindi lumilingon.Habang paalis ang sasakyan, natulala si Rowena roon. Iniisip niya ang mga sinabi ni Nolan, at nadurog ang puso niya.'Wala pa naman akong ginagawa kay Maisie, bukod sa jade ring. Alam niya na kaya?'Kinabukasan…Ang result ng physical assessment ay nakalagay na
At si Wynona naman…Oras na para harapin niya ito pagkatapos siya nitong pagplanuhan ng dalawang beses.Lumabas si Wynona sa kaniyang kwarto at biglang nakita si Maisie na nakahalukipkip at naghihintay sa kaniya sa hagdan.Nakatayo siya roon habang kinakabahan . "A-Anong ginagawa mo rito?"Dahil siguro ay mag-isa siya sa mga oras na 'to. Madalas ay iba naman ang inaakto niya kapag mayroong ibang tao.Nakangisi si Maisie habang papalapit kay Wynona.Patuloy sa pag atras si Wynona hanggang siya hilain siya ni Maisie sa kakahuyan sa likod ng dormitory."Maisie, subukan mong saktan ako, gagawin ko—""Anong gagawin mo?" Hinarangan siya ni Maisie. "Huwag ka mag alala. May ilang tanong lang ako sa'yo."Nanginig si Wynona. Natatakot talaga siya. "Anong gusto mong malaman?""Dinala mo ba 'ko sa restricted area dahil kay Francisco?" sabi ni Maisie.Hindi makatingin ng diretso si Wynona kay Maisie kasi natatakot siya masaktan, pero nanatili siyang nakatayo at sumagot, "Ano
Walang pakialam si Maisie kahit makita siyang ganon ni Francisco. Ngumiti siya at naglakad palapit dito, tumingin kay Wynona, na nagtatago sa likod nito, at sinabing, "Totoo 'yun. Ganito talaga ako. Hindi ko hinahayaan na lang ang kung sino man ang bumangga sa akin.""Francisco, makinig ka—" hinila ni Wynona ang braso niya at nagpaawa.Nang bumalik sa realidad su Francisco, hinila niya ang braso niya kay Wynona, tumingin kay Maisie, at sinabing, "Little goddess, ginawa mo lang 'yun dahil tinakot ka ni Wynona—"Hindi ba?"Mukha ba akong takot?" Malamig ang mga mata ni Maisie at wala siyang ekspresyon. "Dahil sa'yo kaya target ako ni Wynona. Nakuha ko na ang kailangan ko sa kaniya. Kung hindi siya mananahimik, ilalabas ko 'tong recording."Tumingin si Francisco kay Maisie na parang hindi niya na ito kilala. Dahil siguro hindi niya naman talaga kinilala si Maisie, nung una pa lang.Dahil sa nangyari noong mga sumunod na araw, hindi siya kinausap ni Francisco kahit sa canteen.
Inilabas na ni Wynona lahat ng 'ebidensya' na mayroon siya laban kay Maisie. Nakita rin 'yun ni Francisco.Nadala si Raven sa mga sinabi ni Wynona. Kahit na hindi niya gustong paniwalaan si Wynona, hindi niya talaga kilala si Maisie, kahit tungkol dun sa parte na may mga anak na ito.At si Mr. Goldmann…Totoo ba talaga ang mga sinabi ni Wynona tungkol kay Maisie? Kaya ba umiwas si Francisco dahil doon?"Isipin mo nang mabuti, Rye. Nilihim niya 'yun sa'yo kasi hindi kaibigan ang turing niya sa iyo. Bakit kumakampi ka pa rin sa kaniya?"Dahil sa mga sinabi ni Wynona natauhan na ang naguguluhang si Raven.Kaibigan talaga ang tingin niya kay Maisie, pero walang sinabi na kahit ano si Maisie tungkol sa sarili niya. Bakit niya kailangang maglihim kung kaibigan talaga ang turing niya kay Raven?Sa private room…Napatitig si Maisie sa masustansyang pagkain na nakalatag sa lamesa at sa chef na nakatayo sa gilid ni Nolan. Kung hindi 'to campgrounds, iisipin niyang nasa high-end r
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio
“Salamat man, ang bait mo.”Nang sabihin niya ‘yon, nang makita ni Yvonne na sapat lang para sipsipin ang sabaw sa tasa niya, nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Hindi niya mapigilan na umirap.‘Nang sinabi niyang bibigyan niya ako nang kaunti, ganoon talaga ang ibig niyang sabihin, huh?’Nang makita ang ekspresyon niya, hindi mapigilan ng aktor na gumanap bilang pulis na tumawa at mahiwatig na sinabing, “Evie, sinabi niya lang na galing sa pamilya niya ang sabaw pero baka hindi ito galing sa mom niya.”Agad na naintindihan ni Yvonne ang ibig niyang sabihin. “Pfft, kaya pala. Kaya pala ang damot niya…”Pabulong na lang ang huli niyang sinabi.Pagkatapos uminom ni James ng sabaw, kumunot niya nang kakaiba ang titig sa kaniya ng dalawa. “Anong problema?”“Wala, ayos lang ang lahat. I-enjoy mo ang sabaw mo, hindi ka na namin guguluhin ni Evie.”Nagpalitan ng tingin ang aktor at si Yvonne, at bumalik silang dalawa sa ginagawa nila.Sa kabilang banda ng siyudad…Nang makabalik si
Sa Kong Ports…Si James na nagsh-shoot ng sunod niyang scene sa police station ay bumahing ng tatlong beses at ang actor na gumaganap bilang pulis na nasa harap miya ay inangat ang kaniyang ulo. “Nagkaroon ka ba ng sipon ngayong mainit naman ang panahon?”“Mukhang may naninira sa akin.”Inasar siya ng actor. “Baka may nag-iisip sa'yo.”‘Iniisip ako?’Nagulat si James at nanginig habang naaalala ang mukha ng babae sa isip niya.‘Imposible ‘yon.’Pagkatapos magbiruan ng dalawa, nagsimula na ang filming ay sumigaw si Ronny, “Action!”Ang aktor na gumanap bilang police officer ay agad na nakahanda sa kaniyang role at hinampas ang notebook sa mesa. “Nagpapanggap ka pa rin na inosente? May fingerprint mo ang tasa na ginamit ng namatay! So ikaw ang naglagay ng sleeping pills sa inumin niya? Sabihin mo na sa akin ang totoo!”Dahil hindi inakala ni James na nakahanda na agad ito sa eksena, bigla siyang tumawa. Nasira ng tawa ni James ang eksena pero nang mapansin niya na hindi tinapos