Share

Kabanata 284

Nagulat si Hans at tumingin kay Rowena.

'Bakit kailangan niya pa banggitin ang insidente na 'yun?'

Tumingin din si Rowena kay Hans para hindi ito maghinala. "Alam kong matatalo si Ms. Vanderbilt sa kalaban niya sa mano-manong laban, pero hindi ba’t ang match na 'yun ay para subukin ang lakas nila?"

Para kay Hans ay tama naman ang sinasabi ni Rowena.

Hinawakan ni Titus ang balbas niya at tumango.

Kumunot ang noo ni Mr. Goldmann Sr. "Paano naman naging weapon ang isang singsing?"

Maingat na paliwanag ni Rowena, "Ang singsing na suot ni Ms. Vanderbilt sa daliri niya ay hindi isang ordinaryong singsing. Kahawig ito ng mga ginagamit para sa self-defense. Parang may matulis na nakatago sa singsing, at nakakasugat."

Kumunot ang noo ni Mr. Goldmann Sr. na para bang may iniisip ito.

Nagulat ng kaunti si Hans. "Ibig sabihin 'yung singsing na 'yun ay hindi lang pang self-defense at pwede rin gamitin para manakit ng tao?"

'Kaya pala sinabi ni Logan na sinaktan siya ni Maisie gami
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status