Naintriga ang mga nanonood, at ang iba ay pinipilit na si Wynona na tanggapin ang pustahan.Namutla ng kaunti si Wynona. Iniisip niya bakit hindi natatakot ang malanding nasa harapan niya.Paano kung matalo siya sa pustahan?"Wynona, hindi ka ba naniniwala sa sinabi ni Rowena? Bakit ayaw mo tanggapin yung pustahan? Natatakot ka ba?" tanong ni Maisie, habang nakangiti."Sinong nagsabing natatakot ako?" ngalit ngiping sagot ni Wynona. "Hintayin mo lang, Maisie. Luluhod ka sa harapan ko at hihingi ng tawad"Pinili niyang maniwala kay Rowena sa huli, dahil malakas ang loob niyang hindi ito nagsinungaling sa kaniya.Kinuha niya ang phone niya at tumawag kay Rowena. Nilagay niya rin ito sa loudspeaker.Nang sagutin ni Rowena ang tawag, agad na tinanong ni Wynona, "Rowena, hindi ba't ikaw ang kasintahan ni Mr. Goldmann? Dali sabihin mo sa'kin!"Napansin ni Rowena na parang may kakaiba. Kumunot ang noo niya at tinanong, "Anong sinasabi mo, Wynona?""Rowena, I—"Kinuha ni M
Bumaliktad na ang mga pangyayari!Nung una ay iniisip nilang biktima si Wynona, peeo kabaligtaran pala. Ang ilang babae ay naawa kay Wynona nang sinabi nitong binubully siya at sinaktan ng newcomer noong nakaraang araw, pero ngayon pakiramdam nila na siya ang may kagagawan nun sa sarili niya.Dahil malakas ang loob niyang gawin 'yun, paniguradong kayang kaya niya talagang gumawa ng kwento tungkol sa newcomer.Nawala ang kulay sa mukha ni Wynona, at napaatras siya ng ilang hakbang. Hindi na naaawa sa kaniya mga tao. Ngayon, dinuduro na siya ng mga ito, at binabato ng kung ano anong salita."Maisie, paano… paano mo nagawa sa'kin 'to?" nagwawala niyang sigaw, malakas ang boses niya na may hagulgol. "Paano mo nagawa sa'kin 'to!?"'Eh ikaw?" pabalik na tanong ni Maisie, seryoso ang mukha niya, "Paano mo nagawa sa'kin 'to? Ilang beses kitang pinatawad pero tingnan mo ang sarili mo. Ikaw ang may kagagawan niyan."Hindi ba't sinabihan na kita? Kailangan may managot sa mga kagagawan
Tiningnan muna ni Maisie ang kaniyang rifle at magazine bago siya pumunta sa field. Nang malaman niyang wala namang sira sa mga gamit ay pumunta na siya sa field. "Mukhang maliit talaga ang mundo. Magkasama ulit tayo sa isang grupo."Ang taong tinutukoy niya ay walang iba kundi si Logan. Ang instructor ang nag desisyon ng pag-grupo. Random lang niyang nilagay sila sa grupo kahit na iba-iba ang kanilang seniority, kaya tadhana talagang nag kasama sila sa isang grupo.Mapait na tumawa si Maisie at sinabing. "Mukhang ayaw talaga ng langit mapadali itong sitwasyon ko." Umubo si Logan at sumagot, "Hindi na ako matatalo ngayon."Umalingawngaw ang putok ng baril sa kapaligiran. Lumipad ang bala at tumama sa target na para bang patak ng ulan. Sinulat ng instructor ang performance ng bawat miyembro ng grupo, si Logan ang may best performance. Ni-reload niya ang bala nang kalmado at praktisado.Dalawang taon na si Logan na nasa training camp, at talagang marami na siyang alam
"Ahas! Mayroong ahas!"Nagmamadaling tumakbo si Francisco at pinuntahan si Maisie. Pero hinarangan siya ng instructor at sinigaw ang order niya sa lahat, "Umalis muna kayong lahat dito sa site. Suspended muna ang assessment!""Sir, kumusta po siya?" Kinakabahang tanong ni Francisco."Natuklaw siya ng ahas at kailangan niya na ng medical attention ngayon."'Natuklaw ng ahas? Bakit may ahas sa training camp?"Maisie!" Patakbong pinuntahan siya ni Cherie habang ginagamot ni Hans ang sugat niya. "Nagsisimula na mamaga ang sugat sa kamay niya. Kailangan muna nating matanggal ang lason sa kaniya.""Pasensya na, Ms. Vanderbilt. Please tiisin niyo muna 'yung sakit,'Hiniwa ni Hans ang sugat nang mas malaki gamit ang kutsilyo ni Maisie. Piniga niya ang sugat para lumabas ang lason doon at inulit-ulit ito.Tiniis ni Maisie ang sakit sa buong proseso. Sobrang namumutla ang mukha niya, at ang pawis ay tumutulo sa kaniyang pisngi."Dali! Kumuha ka ng stretcher" Sigaw ni Hans kay C
Nang nakarating na si Nolan sa clinic, nakita niya sa loob si Helios at ang isang matandang lalaki.Kilala ni Nolan kung sino ang matandang lalaki na iyon at alam din niya kung bakit nandun si Helios. Kung tutuusin, ang mga Boucher lang ang may kakayahang palabasin si Professor Leonhardt sa seklusyon nito.Si Professor Leonhardt ay isang serum specialist. Tahimik siya at may kakaibang pag-uugali. Wala lang sa kaniya ang pera at kasikatan, at ang tanging rason bakit siya naroon ay dahil sa mga Boucher. Dahan-dahang lumingon si Helios para tingnan ang paparating na si Nolan at saka ngumiti. “May utang ka sa akin.”Striktong sagot ni Nolan, “Oo, alam ko. Ibabalik ko rin ang pabor ko sayo balang araw. Nakaramdam ng saya ang doktor sa training camp na maging assistant helper ni Professor Leonhardt. Tumutulong siya habang inaaral at ginagamot ni Professor Leonhardt si Maisie. Kinuhaan ng dugo ni Professor Leonhardt si Maisie at binigay sa katabi niyang doktor. “Dali at i-test
Naglakad palabas si Cherie sa bakal na pinto at tumingin kay Wynona, na hindi mapakaling nakaupo sa likod ng pintuan. “Nahuli na ang salarin, at inamin niyang ikaw ang taong nag-utos sa kaniya. Sinasabi mo ba sa akin na hindi ka pa rin aamin?”Naguluhan si Wynona at umiling. “Hindi ko siya kilala, hindi ko talaga siya kilala!”‘Paano nangyari ito? Hindi ko naman talaga ginawa yun! Bakit walang naniniwala sa akin!’May naalala si Cherie at naawa kay Wynona. “Dapat ipagdasal mo ng ayos lang si Maisie kasi sa ngayon, ang kinalaban mo ay ang isang taong wala kang kahit anong laban. Asawa lang naman ni Mr. Goldmann si Maisie.”‘Asawa ni Mr. Goldmann!?’Biglang napahinto si Wynona.‘Asawa ni Mr. Goldmann si Maisie? Paanong nangyari 'yun!?’‘At sa lahat ng ginawa ko noon, binigyan ko lang ba ng sakit ang sarili ko nang hindi ko nalalaman? Pero hindi talaga ako ang naglagay ng ahas na iyon!’Huminga ng malalim si Cherie. “Sige, maghintay ka na lang dito sa magiging desisyon ni
Gusto ni Maisie umupo pero nagmamadali si Nolan na tulungan siya. Bakas sa ekspresyon nito ang pag-aalala. "Zee, anong pakiramdam mo ngayon?"Tiningnan ni Maisie si Nolan. Dalawang araw nang hindi nakakatulog si Nolan, kaya ang mukha niya ay halatang pagod at mayroon na rin tumutubong mga buhok sa kanyang mukha. Kahit hindi na siya nakaayos, hindi nito naapektuhan ang kanyang itsura."Mas okay na ako. Hindi na ako nakakaramdam ng sakit." Binawi ni Maisie ang tingin niya. Parang nakatulog lang talaga siya.May naalala siya at tinanong, "Sya nga pala, yung resulta ng assessment ko…""Iniisip mo pa rin ang results mo?" Nakasimangot na sabi ni Nolan. Mahina ang boses niya na para bang pinagsasabihan ang isang bata. "Mas importante pa ba ang grades mo kaysa sa buhay mo?""Mukhang kailangan kong parusahan yung mga nag-organize ng assessment. Hindi nila napatupad nang maayos ang mga dapat na proteksyon."Nang makita si Nolan na tumayo sa upuan, inabot ni Maisie ang laylayan ng
Hindi maka-isip si Maisie ng matinong rason sa nangyari, pero may hinala siyang na-frame lang si Wynona sa nangyari. Alam ng taong gumawa nun ang mga personal na alitan nila Wynona…Sa lalim ng kaniyang iniisip, hindi niya napansin ang taong nasa labas ng pinto. “Maisie.”Unti-unting bumalik sa katinuan si Maisie at nakitang si Raven yon. Hindi mapakaling pumasok sa kwarto si Raven, hawak ang likod ng kanyang kanang kamay gamit ang kaliwang palad. “Maisie, masaya akong malamang gising ka na. At sorry sa mga nangyari bago pa man ang lahat ng ito. Alam kong wala ng paraan para mapatawad mo ‘ko at hindi rin ako umaasang mapatawad mo. Pero gusto ko lang manghingi ng tawad sayo… “Alam ko, mas pinili kong paniwalaan ang mga sinabi ni Wynona kaysa sayo. Kaya mali ang pagka intindi ko sayo. Inakala ko talagang hindi mo ako tinuring na kaibigan mo. Pero kasalanan ko lahat, sorry talaga. Siguro sobrang nadismaya ka nung araw na yun, tama ba?”‘Hindi ko kinampihan si Maisie at hindi k
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging
Nagpadala ang lahat sa online ng mga pagbati nila, pero iba pa rin ang ginagawa ng mga fans ni James.Hindi lang sa inaasar nila ang kanilang idol na hindi ito magaling sa lahat ng bagay—kaya hindi magiging madali sa kaniya ang magkaroon ng career-driven na girlfriend—pero sinabi rin nila na siguradong si James ang magiging sunod-sunuran.#Sa totoo lang, gustong-gusto kong makita siyang pinapalo ng asawa niya.##Binabayaran ba siya para i-date yung babae?##Narinig ko na sobrang mayaman ang mga Peterson. Kakaiba ang mga gusto niya.#…Ilang araw matapos lumabas ang balita, wala kala James o Giselle ang sumagot at mukhang tahimik na lang nila itong tinanggap.Ilang reporters ang pumunta sa Hewston Resort para makisapaw sa nangyayari at makausap si Giselle, pero hindi niya tinanggap ang kahit anong request ng mga ito. Ilan sa mga reporter ang binalik ang dating usap-usapan na sinubukan ni Giselle dati na paghiwalayin sila Colton at Freyja. Nagkaroon iyon ng malawakang usapan sa
Tiningnan ni Giselle si James. “Hindi ba't magaling ka umarte? Gawin mo ang lahat para magtago.”“Hindi ‘yan nakabase sa akin. Tingnan mo kung paano mo ako tinatrato. Normal ba ‘yon sa mga couple? Sa tingin ko ikaw ang magiging dahilan para mahuli tayo.”Natigil si Giselle nang sandali. “Sige, tatandaan ko ‘yan.”Tiningnan siya ni James. “Gagawin mo ba ang lahat ng sasabihin ko sa'yo?”“Huwag kang mag-alala. Makikisama ako.”Trinato ‘yon ni Giselle bilang trabaho. Ginawa niya yon nang maayos at binigay niya ang lahat.Tiningnan siya ni James habang nag-iisip.Pagdating sa acting, mas professional siya doon pero wala siya sa character. Sumusunod lang siya sa mga rule pero mas magaling pa ang ibang aktres na nakatrabaho niya noon.Pero ayos lang dahil ilang taon lang naman ito.Mas maganda kung wala siya gaano sa character dahil kapag nahulog siya, mahihirapan siyang tanggalin ito kalaunan.Nang 9:30 p.m., hinatis ni Giselle si James sa hotel malapit sa kaniyang filming locatio
“Salamat man, ang bait mo.”Nang sabihin niya ‘yon, nang makita ni Yvonne na sapat lang para sipsipin ang sabaw sa tasa niya, nawala ang ngiti sa kaniyang mukha. Hindi niya mapigilan na umirap.‘Nang sinabi niyang bibigyan niya ako nang kaunti, ganoon talaga ang ibig niyang sabihin, huh?’Nang makita ang ekspresyon niya, hindi mapigilan ng aktor na gumanap bilang pulis na tumawa at mahiwatig na sinabing, “Evie, sinabi niya lang na galing sa pamilya niya ang sabaw pero baka hindi ito galing sa mom niya.”Agad na naintindihan ni Yvonne ang ibig niyang sabihin. “Pfft, kaya pala. Kaya pala ang damot niya…”Pabulong na lang ang huli niyang sinabi.Pagkatapos uminom ni James ng sabaw, kumunot niya nang kakaiba ang titig sa kaniya ng dalawa. “Anong problema?”“Wala, ayos lang ang lahat. I-enjoy mo ang sabaw mo, hindi ka na namin guguluhin ni Evie.”Nagpalitan ng tingin ang aktor at si Yvonne, at bumalik silang dalawa sa ginagawa nila.Sa kabilang banda ng siyudad…Nang makabalik si
Sa Kong Ports…Si James na nagsh-shoot ng sunod niyang scene sa police station ay bumahing ng tatlong beses at ang actor na gumaganap bilang pulis na nasa harap miya ay inangat ang kaniyang ulo. “Nagkaroon ka ba ng sipon ngayong mainit naman ang panahon?”“Mukhang may naninira sa akin.”Inasar siya ng actor. “Baka may nag-iisip sa'yo.”‘Iniisip ako?’Nagulat si James at nanginig habang naaalala ang mukha ng babae sa isip niya.‘Imposible ‘yon.’Pagkatapos magbiruan ng dalawa, nagsimula na ang filming ay sumigaw si Ronny, “Action!”Ang aktor na gumanap bilang police officer ay agad na nakahanda sa kaniyang role at hinampas ang notebook sa mesa. “Nagpapanggap ka pa rin na inosente? May fingerprint mo ang tasa na ginamit ng namatay! So ikaw ang naglagay ng sleeping pills sa inumin niya? Sabihin mo na sa akin ang totoo!”Dahil hindi inakala ni James na nakahanda na agad ito sa eksena, bigla siyang tumawa. Nasira ng tawa ni James ang eksena pero nang mapansin niya na hindi tinapos