Bumaliktad na ang mga pangyayari!Nung una ay iniisip nilang biktima si Wynona, peeo kabaligtaran pala. Ang ilang babae ay naawa kay Wynona nang sinabi nitong binubully siya at sinaktan ng newcomer noong nakaraang araw, pero ngayon pakiramdam nila na siya ang may kagagawan nun sa sarili niya.Dahil malakas ang loob niyang gawin 'yun, paniguradong kayang kaya niya talagang gumawa ng kwento tungkol sa newcomer.Nawala ang kulay sa mukha ni Wynona, at napaatras siya ng ilang hakbang. Hindi na naaawa sa kaniya mga tao. Ngayon, dinuduro na siya ng mga ito, at binabato ng kung ano anong salita."Maisie, paano… paano mo nagawa sa'kin 'to?" nagwawala niyang sigaw, malakas ang boses niya na may hagulgol. "Paano mo nagawa sa'kin 'to!?"'Eh ikaw?" pabalik na tanong ni Maisie, seryoso ang mukha niya, "Paano mo nagawa sa'kin 'to? Ilang beses kitang pinatawad pero tingnan mo ang sarili mo. Ikaw ang may kagagawan niyan."Hindi ba't sinabihan na kita? Kailangan may managot sa mga kagagawan
Tiningnan muna ni Maisie ang kaniyang rifle at magazine bago siya pumunta sa field. Nang malaman niyang wala namang sira sa mga gamit ay pumunta na siya sa field. "Mukhang maliit talaga ang mundo. Magkasama ulit tayo sa isang grupo."Ang taong tinutukoy niya ay walang iba kundi si Logan. Ang instructor ang nag desisyon ng pag-grupo. Random lang niyang nilagay sila sa grupo kahit na iba-iba ang kanilang seniority, kaya tadhana talagang nag kasama sila sa isang grupo.Mapait na tumawa si Maisie at sinabing. "Mukhang ayaw talaga ng langit mapadali itong sitwasyon ko." Umubo si Logan at sumagot, "Hindi na ako matatalo ngayon."Umalingawngaw ang putok ng baril sa kapaligiran. Lumipad ang bala at tumama sa target na para bang patak ng ulan. Sinulat ng instructor ang performance ng bawat miyembro ng grupo, si Logan ang may best performance. Ni-reload niya ang bala nang kalmado at praktisado.Dalawang taon na si Logan na nasa training camp, at talagang marami na siyang alam
"Ahas! Mayroong ahas!"Nagmamadaling tumakbo si Francisco at pinuntahan si Maisie. Pero hinarangan siya ng instructor at sinigaw ang order niya sa lahat, "Umalis muna kayong lahat dito sa site. Suspended muna ang assessment!""Sir, kumusta po siya?" Kinakabahang tanong ni Francisco."Natuklaw siya ng ahas at kailangan niya na ng medical attention ngayon."'Natuklaw ng ahas? Bakit may ahas sa training camp?"Maisie!" Patakbong pinuntahan siya ni Cherie habang ginagamot ni Hans ang sugat niya. "Nagsisimula na mamaga ang sugat sa kamay niya. Kailangan muna nating matanggal ang lason sa kaniya.""Pasensya na, Ms. Vanderbilt. Please tiisin niyo muna 'yung sakit,'Hiniwa ni Hans ang sugat nang mas malaki gamit ang kutsilyo ni Maisie. Piniga niya ang sugat para lumabas ang lason doon at inulit-ulit ito.Tiniis ni Maisie ang sakit sa buong proseso. Sobrang namumutla ang mukha niya, at ang pawis ay tumutulo sa kaniyang pisngi."Dali! Kumuha ka ng stretcher" Sigaw ni Hans kay C
Nang nakarating na si Nolan sa clinic, nakita niya sa loob si Helios at ang isang matandang lalaki.Kilala ni Nolan kung sino ang matandang lalaki na iyon at alam din niya kung bakit nandun si Helios. Kung tutuusin, ang mga Boucher lang ang may kakayahang palabasin si Professor Leonhardt sa seklusyon nito.Si Professor Leonhardt ay isang serum specialist. Tahimik siya at may kakaibang pag-uugali. Wala lang sa kaniya ang pera at kasikatan, at ang tanging rason bakit siya naroon ay dahil sa mga Boucher. Dahan-dahang lumingon si Helios para tingnan ang paparating na si Nolan at saka ngumiti. “May utang ka sa akin.”Striktong sagot ni Nolan, “Oo, alam ko. Ibabalik ko rin ang pabor ko sayo balang araw. Nakaramdam ng saya ang doktor sa training camp na maging assistant helper ni Professor Leonhardt. Tumutulong siya habang inaaral at ginagamot ni Professor Leonhardt si Maisie. Kinuhaan ng dugo ni Professor Leonhardt si Maisie at binigay sa katabi niyang doktor. “Dali at i-test
Naglakad palabas si Cherie sa bakal na pinto at tumingin kay Wynona, na hindi mapakaling nakaupo sa likod ng pintuan. “Nahuli na ang salarin, at inamin niyang ikaw ang taong nag-utos sa kaniya. Sinasabi mo ba sa akin na hindi ka pa rin aamin?”Naguluhan si Wynona at umiling. “Hindi ko siya kilala, hindi ko talaga siya kilala!”‘Paano nangyari ito? Hindi ko naman talaga ginawa yun! Bakit walang naniniwala sa akin!’May naalala si Cherie at naawa kay Wynona. “Dapat ipagdasal mo ng ayos lang si Maisie kasi sa ngayon, ang kinalaban mo ay ang isang taong wala kang kahit anong laban. Asawa lang naman ni Mr. Goldmann si Maisie.”‘Asawa ni Mr. Goldmann!?’Biglang napahinto si Wynona.‘Asawa ni Mr. Goldmann si Maisie? Paanong nangyari 'yun!?’‘At sa lahat ng ginawa ko noon, binigyan ko lang ba ng sakit ang sarili ko nang hindi ko nalalaman? Pero hindi talaga ako ang naglagay ng ahas na iyon!’Huminga ng malalim si Cherie. “Sige, maghintay ka na lang dito sa magiging desisyon ni
Gusto ni Maisie umupo pero nagmamadali si Nolan na tulungan siya. Bakas sa ekspresyon nito ang pag-aalala. "Zee, anong pakiramdam mo ngayon?"Tiningnan ni Maisie si Nolan. Dalawang araw nang hindi nakakatulog si Nolan, kaya ang mukha niya ay halatang pagod at mayroon na rin tumutubong mga buhok sa kanyang mukha. Kahit hindi na siya nakaayos, hindi nito naapektuhan ang kanyang itsura."Mas okay na ako. Hindi na ako nakakaramdam ng sakit." Binawi ni Maisie ang tingin niya. Parang nakatulog lang talaga siya.May naalala siya at tinanong, "Sya nga pala, yung resulta ng assessment ko…""Iniisip mo pa rin ang results mo?" Nakasimangot na sabi ni Nolan. Mahina ang boses niya na para bang pinagsasabihan ang isang bata. "Mas importante pa ba ang grades mo kaysa sa buhay mo?""Mukhang kailangan kong parusahan yung mga nag-organize ng assessment. Hindi nila napatupad nang maayos ang mga dapat na proteksyon."Nang makita si Nolan na tumayo sa upuan, inabot ni Maisie ang laylayan ng
Hindi maka-isip si Maisie ng matinong rason sa nangyari, pero may hinala siyang na-frame lang si Wynona sa nangyari. Alam ng taong gumawa nun ang mga personal na alitan nila Wynona…Sa lalim ng kaniyang iniisip, hindi niya napansin ang taong nasa labas ng pinto. “Maisie.”Unti-unting bumalik sa katinuan si Maisie at nakitang si Raven yon. Hindi mapakaling pumasok sa kwarto si Raven, hawak ang likod ng kanyang kanang kamay gamit ang kaliwang palad. “Maisie, masaya akong malamang gising ka na. At sorry sa mga nangyari bago pa man ang lahat ng ito. Alam kong wala ng paraan para mapatawad mo ‘ko at hindi rin ako umaasang mapatawad mo. Pero gusto ko lang manghingi ng tawad sayo… “Alam ko, mas pinili kong paniwalaan ang mga sinabi ni Wynona kaysa sayo. Kaya mali ang pagka intindi ko sayo. Inakala ko talagang hindi mo ako tinuring na kaibigan mo. Pero kasalanan ko lahat, sorry talaga. Siguro sobrang nadismaya ka nung araw na yun, tama ba?”‘Hindi ko kinampihan si Maisie at hindi k
”Anong iniisip mo?” binaba ni Maisie ang tingin niya. Makikita ang pagmamahal sa mata ni Nolan at bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi. “Iniisip ko na kapag gumising ka na, itatali kita at hihilain papunta sa town hall para pakasalan kaagad, kahit na umabot man o hindi ang grades mo sa requirement ng lolo ko."Ayaw niya ng maghintay pa nang matagal. Gusto na niyang maging asawa si Maisie,, gusto na niyang isulat ang pangalan ni Maisie sa kahit anong column na hinihingi ang pangalan ng kaniyang asawa simula ngayon.Hindi inaasahan ni Maisie na sasabihin ito ni Nolan sa kaniya, pero alam niyang si Nolan ang nag-alaga at nag alala sa kaniya ng sobra sa nakalipas na dalawang araw.‘Kung papakasalan ko nga siya…‘Hindi naman sa hindi ako papayag.’Pero may naalala si Maisie, at dahan-dahan niyang tinulak palayo si Nolan.Nang makitang bumaba ang tingin ni Maisie at tumahimik, nagtatakang tanong ni Nolan, “Ayaw mo ba?”“Hindi ko sinabing ayaw ko…”“Sinasabi mo ba na g