Naglakad palabas si Cherie sa bakal na pinto at tumingin kay Wynona, na hindi mapakaling nakaupo sa likod ng pintuan. “Nahuli na ang salarin, at inamin niyang ikaw ang taong nag-utos sa kaniya. Sinasabi mo ba sa akin na hindi ka pa rin aamin?”Naguluhan si Wynona at umiling. “Hindi ko siya kilala, hindi ko talaga siya kilala!”‘Paano nangyari ito? Hindi ko naman talaga ginawa yun! Bakit walang naniniwala sa akin!’May naalala si Cherie at naawa kay Wynona. “Dapat ipagdasal mo ng ayos lang si Maisie kasi sa ngayon, ang kinalaban mo ay ang isang taong wala kang kahit anong laban. Asawa lang naman ni Mr. Goldmann si Maisie.”‘Asawa ni Mr. Goldmann!?’Biglang napahinto si Wynona.‘Asawa ni Mr. Goldmann si Maisie? Paanong nangyari 'yun!?’‘At sa lahat ng ginawa ko noon, binigyan ko lang ba ng sakit ang sarili ko nang hindi ko nalalaman? Pero hindi talaga ako ang naglagay ng ahas na iyon!’Huminga ng malalim si Cherie. “Sige, maghintay ka na lang dito sa magiging desisyon ni
Gusto ni Maisie umupo pero nagmamadali si Nolan na tulungan siya. Bakas sa ekspresyon nito ang pag-aalala. "Zee, anong pakiramdam mo ngayon?"Tiningnan ni Maisie si Nolan. Dalawang araw nang hindi nakakatulog si Nolan, kaya ang mukha niya ay halatang pagod at mayroon na rin tumutubong mga buhok sa kanyang mukha. Kahit hindi na siya nakaayos, hindi nito naapektuhan ang kanyang itsura."Mas okay na ako. Hindi na ako nakakaramdam ng sakit." Binawi ni Maisie ang tingin niya. Parang nakatulog lang talaga siya.May naalala siya at tinanong, "Sya nga pala, yung resulta ng assessment ko…""Iniisip mo pa rin ang results mo?" Nakasimangot na sabi ni Nolan. Mahina ang boses niya na para bang pinagsasabihan ang isang bata. "Mas importante pa ba ang grades mo kaysa sa buhay mo?""Mukhang kailangan kong parusahan yung mga nag-organize ng assessment. Hindi nila napatupad nang maayos ang mga dapat na proteksyon."Nang makita si Nolan na tumayo sa upuan, inabot ni Maisie ang laylayan ng
Hindi maka-isip si Maisie ng matinong rason sa nangyari, pero may hinala siyang na-frame lang si Wynona sa nangyari. Alam ng taong gumawa nun ang mga personal na alitan nila Wynona…Sa lalim ng kaniyang iniisip, hindi niya napansin ang taong nasa labas ng pinto. “Maisie.”Unti-unting bumalik sa katinuan si Maisie at nakitang si Raven yon. Hindi mapakaling pumasok sa kwarto si Raven, hawak ang likod ng kanyang kanang kamay gamit ang kaliwang palad. “Maisie, masaya akong malamang gising ka na. At sorry sa mga nangyari bago pa man ang lahat ng ito. Alam kong wala ng paraan para mapatawad mo ‘ko at hindi rin ako umaasang mapatawad mo. Pero gusto ko lang manghingi ng tawad sayo… “Alam ko, mas pinili kong paniwalaan ang mga sinabi ni Wynona kaysa sayo. Kaya mali ang pagka intindi ko sayo. Inakala ko talagang hindi mo ako tinuring na kaibigan mo. Pero kasalanan ko lahat, sorry talaga. Siguro sobrang nadismaya ka nung araw na yun, tama ba?”‘Hindi ko kinampihan si Maisie at hindi k
”Anong iniisip mo?” binaba ni Maisie ang tingin niya. Makikita ang pagmamahal sa mata ni Nolan at bahagyang tumaas ang sulok ng kanyang labi. “Iniisip ko na kapag gumising ka na, itatali kita at hihilain papunta sa town hall para pakasalan kaagad, kahit na umabot man o hindi ang grades mo sa requirement ng lolo ko."Ayaw niya ng maghintay pa nang matagal. Gusto na niyang maging asawa si Maisie,, gusto na niyang isulat ang pangalan ni Maisie sa kahit anong column na hinihingi ang pangalan ng kaniyang asawa simula ngayon.Hindi inaasahan ni Maisie na sasabihin ito ni Nolan sa kaniya, pero alam niyang si Nolan ang nag-alaga at nag alala sa kaniya ng sobra sa nakalipas na dalawang araw.‘Kung papakasalan ko nga siya…‘Hindi naman sa hindi ako papayag.’Pero may naalala si Maisie, at dahan-dahan niyang tinulak palayo si Nolan.Nang makitang bumaba ang tingin ni Maisie at tumahimik, nagtatakang tanong ni Nolan, “Ayaw mo ba?”“Hindi ko sinabing ayaw ko…”“Sinasabi mo ba na g
Matapos marinig ang mga sinabi ni Nolan tungkol sa history ng mga Goldmann. Hindi mapigilan ni Maisie ang magulat at matulala na para bang sobrang kakaiba ang sinabi sa kaniya.Binuhat siya ni Nolan at ikinandong sa kaniya. "Zee, sinabi ko na lahat sa'yo, kaya alam mo na rin kung bakit laging kasama at mahalaga para kay Lolo si Rowena. Dahil ang mga grandparents ni Rowena ang nag alaga kay Lolo."Nakatikom lang ang mga labi ni Maisie at walang anumang sinabi.Hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie at inilagay ito sa kanyang dibdib. "Maniwala ka sa akin, hangga't buhay ako, hindi ko hahayaan na makaramdam ka ng kahit anong sama ng loob, kahit kay Lolo, kay Rowena, o kahit kanino pa. Ako ang kakalabanin ng lahat ng magpapahirap sa'yo. "Kahit ikamatay ko."Mas mabuti pang mamatay ako kaysa hindi ko magawa 'yung mga sinabi ko at mawala ka sa akin."Namamanghang nakatitig si Maisie kay Nolan, na seryosong nangangako sa kaniya at binirong, "Kahit si Hades hindi ka tatanggapin sa
Bahagyang umihip ang hangin habang ang mga sinabi ni Maisie ay nanatili sa hangin. Nanigas ang ekspresyon ni Rowena. Mahusay ang senses ng mga babae. Naintindihan niya ang ibig-sabihin ni Maisie—hindi talaga niya bibitawan si Nolan. Pinakita ni Maisie na siya ang may awtoridad at may karapatan.“Ms. Summers, mukhang hindi ka okay. Ayos ka lang ba?” Nagpapanggap na inosente si Maisie.Ngumiti si Rowena na para bang wala lang iyon. “Kung importante talaga sayo ang relasyon nyo ni Nolan, pahalagahan mo.“Huwag ka mag-alala, Ms. Summers. Hindi ko hahayaang maagaw siya ng ibang babae.”Kahit sino mang babae kasama na si Rowena.Nilagpasan siya ni Maisie. Natuwa siya sa naging ekspresyon nito.Mas lumamig at sumama ang mukha ni Rowena.Napakaswerte ng babaeng ito na kahit ahas ay hindi siya kayang patayin. Kaya naman ang walang kwentang si Wynona ay walang laban sa kaniya. Sa tingin ba talaga ni Maisie ay mapipigilan siya nitong mahalin si Nolan?Nilabas ni Rowena ang k
Kaya hindi siya pinapansin ng little goddess niya dahil may mga anak na ito kay Mr. Goldmann.Nalungkot siya dahil huli na nang makilala niya si Maisie.Sa black market ng Underground Freeway…Ang babaeng may pulang buhok at fishnet stockings ang nakakapit sa lalaki palabas sa massage parlor. Hindi nito nakalimutang humalik sa lalaki bago sila maglayo. "Lenny, bumalik ka agad. Mamimiss kita."Papasok na sana ang red-haired na babae nang may nakita siyang babaeng may kakaibang suot at may may kasamang dalawang lalaki.Tumingin siya sa mask ng babae at suminghal. "Pasensya na, hindi kami tumatanggap ng babaeng customer. Pwede 'yung dalawang kasama mo."Tumingin ang babaeng naka mask sa dalawang lalaki, at nag abot ng makapal na pera ang isa roon sa babaeng red-haired at tinanong, "May babae bang Willow ang pangalan dito?"Masayang binilang ng red-haired na babae ang pera. $15,000 'yun. Gan'on ang kinikita niya sa kalahating taon.Nang mapansing nandito sila para kay Willo
Inayos na ni Maisie ang bag niya at umalis na ng training camp. Hinihintay naman siya ni Nolan sa sasakyan.Hinatid naman siya ni Cherie. "Maisie, pwede ba kita puntahan kapag off ko?" sabi niya habang hawak si Maisie.Ngumiti si Maisie. "Oo naman! Welcome ka palagi."Nang makaalis sa camp, tumingin muna siya sa paligid ng training field bago tumalikod papunta sa sasakyan.Nang mapansin ni Nolan na nakatingin lang si Maisie sa labas, nilaro nito ang buhok ni Maisie. "Ayaw mo pa umalis?"Dahan-dahang lumingon sa kaniya si Maisie. "Nolan, pwede mo ba ko tulungan?"Napatigil si Nolan. Ito ang unang beses na humingi ng tulong si Maisie sa kaniya. "Oo naman. Sabihin mo sa'kin.""Si Logan ay all-rounded talent, at hindi niya tinuloy 'yung assessment dahil sa'kin. Pwede mo bang gawan ng paraan—""Gusto mo bang i-promore ko siya?" Naningkit ang mata ni Nolan. Laging iniisip ni Maisie ang iba. Nakalimutan na ba niya 'yung nangyari sa braso niya?Humalukipkip si Maisie at umiw