Inayos na ni Maisie ang bag niya at umalis na ng training camp. Hinihintay naman siya ni Nolan sa sasakyan.Hinatid naman siya ni Cherie. "Maisie, pwede ba kita puntahan kapag off ko?" sabi niya habang hawak si Maisie.Ngumiti si Maisie. "Oo naman! Welcome ka palagi."Nang makaalis sa camp, tumingin muna siya sa paligid ng training field bago tumalikod papunta sa sasakyan.Nang mapansin ni Nolan na nakatingin lang si Maisie sa labas, nilaro nito ang buhok ni Maisie. "Ayaw mo pa umalis?"Dahan-dahang lumingon sa kaniya si Maisie. "Nolan, pwede mo ba ko tulungan?"Napatigil si Nolan. Ito ang unang beses na humingi ng tulong si Maisie sa kaniya. "Oo naman. Sabihin mo sa'kin.""Si Logan ay all-rounded talent, at hindi niya tinuloy 'yung assessment dahil sa'kin. Pwede mo bang gawan ng paraan—""Gusto mo bang i-promore ko siya?" Naningkit ang mata ni Nolan. Laging iniisip ni Maisie ang iba. Nakalimutan na ba niya 'yung nangyari sa braso niya?Humalukipkip si Maisie at umiw
Walang nasabi si Maisie.'Si Ninong Helios nila?'Magaling talagang magsalita ang dalawang batang ‘to.Lumapit si Nolan kay Mr. Cheshire, na tumango sa kaniya at sinabing, "Mr. Goldmann, kanina pa po kayo hinihintay ni Elder Master Goldmann sa study.""Sige." Tumango si Nolan at sinabing, "Dalhin mo ang mga bata sa baba."Dahan-dahang tumayo si Maisie at hinayaang umalis ang mga bata para maglaro. Hinawakan ni Nolan ang kamay niya at naglakad na sa villa.Nang makarating silang dalawa sa study, kasama ni Titus si Rowena.Nakaupo si Titus sa likod ng desk. Hindi alam ni Maisie kung bakit nanlamig ang mga mata niya."Lolo, tapos na ang assessment ni Maisie at nakapasa siya. Tungkol sa kasal namin—""Hindi pa rin ako payag sa pagpapakasal niyo!"Nanlamig ang mukha ni Nolan. "Umaatras ka na?""Oo, umaatras ako. Hindi ka pwedeng ikasal sa babaeng 'yan!" nagbago agad ang pakikitungo ni Titus kay Maisie. Mas masungit ito ngayon kumpara nung papunta sa camp si Maisie.H
Nagulat si Rowena. Ang lakas ng loob niyang sumagot kay Titus!Hah, mas lalo niya tuloy 'tong nagalit. Talagang katapusan niya na!"Ikaw!" Madilim ang mukha ni Titus. Galit na galit siya. "Lumayas ka, ngayon din!"Hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie, tumalikod, at malamig na sinabing, "Si Maisie lang ang babaeng pakakasalan ko."Nang makitang umalis ito nang hindi lumilingon, naalala ni Titus kung gaano katigas ang ulo ng anak niyang si Nicholas para lang mapakasalan si Natasha. Nagdilim ang mata niyaKahit na kinasal ang anak niya kay Natasha, pumayag siya room kahit na hindi siya masaya sa naging daughter-in-law niya.Iba 'to ngayon. Kahit na Vanderbilt si Maisie, may dugo ng de Arma na dumadaloy sa ugat niya! Ang babaeng 'yun ang magiging kamatayan niya!Nanigas ang puso no Rowena.Akala niya na kapag sinabi niya ang impormasyon na 'yun kay Titus, mapapatigil nito si Nolan na mapunta kay Maisie, pero…Handa si Nolan sumuway sa Lolo niya imbes na sumuko sa baba
Blue Bay, isang villa sa isang silk stocking district…Pinagmasdan ni Maisie ang hilera ng mga pulang maples sa gilid ng kalsada. Nakasilip siya sa bintana. Binibigyang buhay ng mga pulang dahon ang mga building sa kalsada.Pinapalibutan ng mga bundok at tubig ang mayamang district sa Bassburgh. Malapit ito sa dalampasigan at mayroong komportableng kapaligiran. Hindi lang yun, mayroon din itong magandang public transport network, maraming mayayamang negosyante at celebrities ang pinipiling tumira dito.Nagtanong siya, "Nolan, bakit mo ako dinala dito?"Gayunpaman, hindi sumagot si Nolan. Patuloy niyang minaneho ang kotse hanggang sa makarating sila sa isang 3,700 square-feet detached villa.Puno ng mga halamang namumulaklak ang courtyard at marami din damo dito. Mayroong malinaw na pond na mayroong stone path at isang sheltered pavilion sa tabi nito.Ang two-storey villa ay mayroong warm yellow color. Simple lang ang disenyo nito, kaya naman classy at maganda ang vibe nito
Lumingon si Nolan para tumingin sa kaniya, at natulala siya.Suot ni Maisie ang puting shirt ni Nolan na hindi natatakpan ang kaniyang mga hita. Nakalapat sa kaniyang likod ang nakalugay niyang buhok, at natatakpan naman ng manggas ang mga kamay niya. Iniwan niyang bukas ng kaniyang kwelyo, kaya nasusulyapan ni Nolan ang view sa loob nito.Alam ni Nolan na mapanukso si Maisie, pero hindi niya akalain na magiging isang parusa sa kaniya ang simpleng pagsusuot nito ng damit niya."Dinner na ba, Nolan? Gutom na ako," Sabi ni Maisie. Mahina niyang hinawi ang manggas habang naglalakad papunta sa mesa para kumuha ng tubig.Pinatunog ni Nolan ang kanyang dila at hininaan ang apoy. Nilapitan niya si Maisie at niyakap ito. Tumaas ang mga kilay niya nang magtanong, "Gutom ka nanaman?"Nanginig ang kamay ni Maisie na nakahawak sa baso.Saka lang tumawa si Nolan nang tumunog ang tiyan niya. Ginulo nito ang kaniyang buhok. "Binibiro lang kita. Handa na ang dinner."Hinain ni Nolan
"Dahil wala naman ibang gusto si Nolan kung hindi ikaw, sana kahit na ano man ang mangyari, hindi ka aalis sa tabi niya."Natulala si Maisie. Hindi alam ni Maisie kung bakit parang ipinagkakatiwala sa kaniya ni Mr. Goldmann Sr. ang kinabukasan ng anak nito.Pinilit niyang ngumiti at sumagot, "Huwag kayong mag-alala, Mr. Goldmann, I…" Tiningnan niya si Nolan na tahimik lang na nakaupo sa tabi niya bago nagpatuloy, "Hindi ko siya iiwanan nang mag-isa."Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Nolan. Naisip niyang masiyadong nag-aalala ang tatay niya sa sitwasyon nila ni Maisie, naisipan niyang tratuhin ito nang mas mabuti sa susunod na magkita sila.Natutuwang tumango si Nicholas at sumagot, "Mabuti, mabuti, mabuti. Ako na ang bahala sa lolo niya. Kayo namang dalawa, enjoyin niyo ang buhay niyo. Sigurado akong matatanggap din kayo balang araw ng lolo niya."Pagkatapos nilang mag-usap, binalik ni Maisie ang phone kay Nolan.Habang nakangisi na parang Chesire cat, hinila siya ni Nolan
Nakita na rin ni Maisie ang liwanag ngayon. Hindi na nakapagtataka kung bakit kahit gaano pa kalaki ang kitain niya, hindi daw sapat yun sabi ng mga anak niya.Mahirap pa rin siya kung ikukumpara sa isang kapitalista!Bigla naman nag-ring ang phone ni Nolan. Nilabas niya ito at ang taong tumatawag ay walang iba kung hindi ang lolo niya.Hindi siya lumayo para sagutin ang tawag. Bagkus, sinagot niya ito sa harapan ni Maisie, "Yes?"Tila mayroon sinabi si Titus, at nagdilim ang mukha niya dahil dun. Suminghal si Nolan at sumagit, "Hah, pinapakialaman niyo na rin ang mga tao sa paligid ko ngayon? Nasaan si Quincy?"Sumagot si Titus, "Pinadala ko sa isang field trip si Quincy. Anong problema? Hindi ba kayang gampanan ni Rowena ang gawain niya?"Bahagyang kumunot ang noo ni Nolan matapos marinig ang sinabi ni Titus.Nilayo ni Titus si Quincy mula sa kaniya at ginawang assistant niya si Rowena. Mukhang gustong bigyan ni Titus ng pagkakataon si Rowena, at hindi niya yun nagustuh
Naupo sa couch si Larissa. Tiningnan niya si Maisie at sinabing, "Maupo ka. Gusto mong magtanong tungkol sa nanay mo, tama?"Naupo si Maisie sa harapan ni Larissa matapos niyang makuha ang permiso nito. Gusto nga niyang mas makilala pa ang nanay niya kaya tumango siya."Tunay kong kapatid si Marina, at totoo nga, kamukha mo siya," Sabi ni Larissa at saka tinawanan ang sarili. Kung nakita niya agad si Maisie, siguro ay hindi siya maniniwala kay Willow at iisipin na ganoong klaseng tao si Maisie.Tila mayroon siyang naisip, kaya nagtanong siya ulit, "Sinabi ba ng nanay mo sa iyo kung bakit siya nagpunta sa Zlokova?"Umiling si Maisie.Naguluhan si Larissa nang makita niyang umiling si Maisie. "Hindi niya rin sinabi sa akin. Ang totoo, kung hindi dahil sa bracelet ni Willow, hindi ko malalaman na nagpunta siya ng Zlokova.*"Hindi niyo rin alam?" Nagulat si Maisie. 'Kahit si Larissa ay hindi alam kung bakit nagpunta ang nanay ko sa Zlokova para takasan ang pamilya de Arma?'"