Share

Kabanata 308

"Dahil wala naman ibang gusto si Nolan kung hindi ikaw, sana kahit na ano man ang mangyari, hindi ka aalis sa tabi niya."

Natulala si Maisie. Hindi alam ni Maisie kung bakit parang ipinagkakatiwala sa kaniya ni Mr. Goldmann Sr. ang kinabukasan ng anak nito.

Pinilit niyang ngumiti at sumagot, "Huwag kayong mag-alala, Mr. Goldmann, I…" Tiningnan niya si Nolan na tahimik lang na nakaupo sa tabi niya bago nagpatuloy, "Hindi ko siya iiwanan nang mag-isa."

Bahagyang tumaas ang mga kilay ni Nolan. Naisip niyang masiyadong nag-aalala ang tatay niya sa sitwasyon nila ni Maisie, naisipan niyang tratuhin ito nang mas mabuti sa susunod na magkita sila.

Natutuwang tumango si Nicholas at sumagot, "Mabuti, mabuti, mabuti. Ako na ang bahala sa lolo niya. Kayo namang dalawa, enjoyin niyo ang buhay niyo. Sigurado akong matatanggap din kayo balang araw ng lolo niya."

Pagkatapos nilang mag-usap, binalik ni Maisie ang phone kay Nolan.

Habang nakangisi na parang Chesire cat, hinila siya ni Nolan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status