Napaka-light ng makeup ni Rowena at ang elegante niya ngayon, magarbo rin ang kaniyang dress. "Wala bang sinabi sa iyo si Nolan?"Sandaling nag-isip si Maisie. "Anong dapat niyang sabihin sa akin?"Tiningnan siya ni Rowena at nagpaliwanag, "Ako na ang assistant ni Nolan ngayon. Hindi 'to sinabi sa iyo ni Nolan?"Tumawa si Maisie at humalukipkip. "Oh, yun lang pala. Akala ko ay mayroon kang sasabihing big deal."'Nagyayabang na siya agad na siya na ang assistant ni Nolan?'"Ms. Vanderbilt, huwag sanang mamali ang intindi niyo sa amin. Arrangement ito ni lolo. Gusto ni lolo na matuto ako kay Nolan. Sa tingin ko naman ay hindi kayo tutol dun, tama?" Binanggit niya ang matanda para linawin kay Maisie na siya ang taong pinapahalagahan ni Titus.'Hangga't kakampi ko si lolo, hindi ka makakapasok sa mga Goldmann!'Hindi niya alam kung anong inaasahan ni Rowena sa kaniya, ngumiti na lang si Maisie. "Bakit naman mamamali ng intindi ko sa inyo? Assistant ka lang naman niya, hindi b
'Magaling magpasikat ang dalawang paslit na iyon.'Biglang tumango si Kennedy. "Kung ganoon, talagang ginagalingan ni Mr. Boucher ang pagtulong na i-promote ang mga products natin. Kahit na kumikita tayo dahil sa association natin sa kaniya nang walang anumang kondisyon, hindi natin pwedeng samantalahin lang 'to nang hindi nagpapasalamat.""Oo, naiintindihan ko." Ngumiti si Maisie habang nakahalukipkip. "Titingnan ko kung maaaya kong kumain si Mr. Boucher kapag nagkaroon ako ng libreng oras."Hindi iisipin ng isang ordinaryong tao na yayaing kumain si Mr. Boucher, pero hindi niya pwedeng samantalahin si Mr. Boucher nang walang binibigay na kapalit. Kaya naman, ililibre na lang niya ito ng pagkain bilang appreciation niya dito.Tungkol naman sa pagbabalik ng pabor, sumagi din sa isipan niya si Francisco sa training camp.'Nakakalungkot na aminin 'to, pero bakit nagkaroon ako ng utang na loob sa mga tagapagmana ng mga Boucher?'Kinahapunan, lumabas ang lahat para mag-lunch, a
Puno ng apeksyon ang titig sa kaniya ni Nolan, masaya ang kalooban niya.''Na-train' ko nang maayos ang kuting ko 'Nilapit niya ang mga daliri ni Maisie sa kaniya at hinalikan ang mga ito. Mayroong bakas ng nakakatakot na pagnanasa ang kaniyang mga mata. "Pupunta ka pa rin ba sa bar sa susunod? Huh?""Hindi, hindi na ulit ako pupunta.""Talaga?"Tinabig ni Maisie ang kamay nito at galit na tumawa. "Oo, pwede na ba tayong kumain ngayon?"Mayroong katok sa pinto.Naningkit ang mga mata ni Nolan, at malamig ang tono ng kaniyang boses. "Pasok."Pumasok si Rowena dala ang ilang dokumento at mayroon sanang sasabihin ngunit makikita sa mga mata niya ang inis nang makita niya si Maisie na nakaupo sa tabi ni Nolan at nasa harap ng mesang puno ng masasarap na pagkain."Mayroon bang kailangan ng atensyon ko?" Napakalamig pa rin ng trato sa kaniya ni Nolan.Pinigil ni Rowena ang galit sa kaniyang puso at pinilit na ngumiti. "Pumunta ako rito para sabihin sa iyo na magsisimula
Kung noon ito nangyari, wala sigurong kwentang hari si Nolan! At walang silbi niyang anak, pareho lang ang mag-ama na yun. Mga rebelde!Mahinang nag-paalala si Rowena, "Huwag kayong magalit, lolo. Sa tingin ko ay si Ms. Vanderbilt ang problema at hindi si Nolan.""Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Titus.Sumimangot si Rowena. "Lolo, kapag sinabi ko sa inyo, baka sabihin ni Nolan na nagsusumbong ako sa inyo.""Huwag kang mag-alala, kakampi mo ako. Sabihin mo lang." Pinakita ni Titus na susuportahan niya si Rowena.Marahang sinabi ni Rowena, "Palaging inaabala ni Ms. Vanderbilt si Nolan at gusto niyang sumama sa meeting. Ang sama rin ng trato niya sa akin. Baka iniisip niyang banta ako para sa kanya."Bigla na lang niya akong tinarget sa camp. Noong araw ng assessment niya, biglang sumama sa akin si Nolan sa camp. Baka mayroon siyang sinabi kay Nolan kay hindi na siya nagtitiwala sa akin."Sinusubukan niyang ipinta si Maisie bilang problema, kung hindi dahil kay Maisie, h
Umiling si Cherie. "Wala. Sabi ng mga taong nakakita kay Wynona ay okay naman siya. Walang nakakaalam paano siya nagkaroon ng kutsilyo.""Wala bang nagbabantay?""Wala."Nakuha na ni Maisie ang sagot, kaya napaisip siya nang malalim. Mayroon sigurong nakapasok sa interrogation room noong walang bantay para puntahan si Wynona.Nang makita na inaalala pa rin ni Maisie ang tungkol kay Wynona, ngumiti si Cherie at sinabing, "Sige na, Maisie, hindi mo na kailangan mag-alala dun. Kami na ang bahala."Pagkaalis ni Cherie, sumandal si Maisie sa kaniyang upuan at saka kinuha ang nabasag na jade ring. Kahit na sa tingin niya ay 'binaboy' na ito ni Rowena, regalo pa rin ito ni Nolan para sa kaniya. Napag-desisyunan niyang ayusin ito.Kinagabihan, nagpunta si Maisie sa underground garage. Nang mapunta siya sa harapan ng sasakyan, isang tao ang biglang lumapit sa kaniya. Tinaas niya agad ang kamay pero kaagad siyang nahawakan sa baywang at napasandal sa harapan ng kotse. Ngumiti ang lalak
Namula ang mga mata ni Daisie, at hindi siya nagsalita.Niyakap siya ni Colton para pagaanin ang loob at saka tiningnan si Titus." Hindi namin tatanggapin ang pagkain galing sa babaeng yan."Para sa kanila, sinumang gustong agawin ang tatay nila sa kanilang nanay ay isang masamang babae.Kahit na dismayado si Rowena, nagpakumbaba pa rin siya. "Okay lang, lolo, huwag niyong sisihin ang mga bata."Makukuha rin ng batang babaeng yan ang dapat sa kaniya balang araw.Galit na hinampas ni Titus ang mesa, natakot ang lahat sa galit niya. "Hindi ako ang lolo o tatay niya. Kung spoiled kayo sa kanila noon, babaguhin ko ang masama niyong ugali. Humingi kayo ng tawad sa Tita Rowena niyo!"Halatang nagulat sina Colton at Daisy sa galit ni Titus, pero matigas pa rin ang ulo nila at tumangging humingi ng tawad.Galit na tiningnan ni Waylon si Titus "Hindi namin kailangang humingi ng tawad sa kaniya."Muntik ng atakihin sa puso si Mr. Cheshire nang marinig yun.Paano nakakayang sum
Paglaki ni Waylon ay magiging ekstra ordinaryo ito.Dumapo ang amoy ng spaghetti sa kaniyang ilong na nagpagutom naman sa matanda.Napansin yun ni Daisie at kumuha ng isang plato. Mamasa-masa ang inosente niyang mga mata habang sinasabi, "Great-grandpa, gusto nyo ba?"Napahinto si Titus. Sinigawan niya ang batang to kanina, pero ngayon ay binibigyan siya nito ng pagkain?Kailangan pa rin panatilihin ni Titus ang dignidad niya, kaya tumikhim siya at umiwas ng tingin nang sabihin, "Huwag niyong isipin na patatawarin ko kayo dahil lang dito."Yunuko si Daisie at binawi ang plato, dismayado siya. "Alam namin na hindi mo kami mahal."Nanlaki ang mga mata ng matanda. "Sinong nagsabi na hindi ko kayo mahal—""Mayroon pang natira sa kaserola kung gusto niyo. Kung hindi, ayos lang." Pinutol ni Waylon ang sinasabi niya.Natahimik si Titus. Masyado na ba siyang matanda? Bakit wala lang sa mga batang to ang pagiging istrikto niya?Hayaan mo na. Walang punto para makipag-away siya
Ngumiti siya at sinubukang lumapit kay Waylon. "Waylon, hindi mo ba kasamang lumabas ang kapatid mo ngayon?"Malamig siyang tiningnan ni Waylon, at nang lagpasan siya nito, iritable nitong sinabi, "Tumigil ka na. Kahit na anong ideya ang ilagay mo sa ulo ni Great-grandpa, hindi mo mapapalitan si Mommy."Nanigas si Rowena sa kinatatayuan niya. Pinanood niyang umakyat sa hagdan ang batang lalaki. Nagulat siya. Bukod sa matalim na tingin ng limang taong gulang na batang yun, paano nito nalaman na naglalagay siya ng mga ideya sa ulo ni Titus?Napayukom ang mga kamay niya. Galing nga talaga sila sa sinapupunan ng babaeng yun—sagabal din, katulad niya!Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng isang text galing sa isang unknown number.[Hindi ba't sabi mo ay ilalabas mo ako sa Underground Freeway? Sinabi ko na sa iyo ang lahat. Kailan mo gagawin ang pinangako mo?]Alm kaagad ni Rowena na galing kay Willow ang text. Oo, nakalimutan niya na isang 'kutsilyo' si Willow na pwede niyang ga
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging