Paglaki ni Waylon ay magiging ekstra ordinaryo ito.Dumapo ang amoy ng spaghetti sa kaniyang ilong na nagpagutom naman sa matanda.Napansin yun ni Daisie at kumuha ng isang plato. Mamasa-masa ang inosente niyang mga mata habang sinasabi, "Great-grandpa, gusto nyo ba?"Napahinto si Titus. Sinigawan niya ang batang to kanina, pero ngayon ay binibigyan siya nito ng pagkain?Kailangan pa rin panatilihin ni Titus ang dignidad niya, kaya tumikhim siya at umiwas ng tingin nang sabihin, "Huwag niyong isipin na patatawarin ko kayo dahil lang dito."Yunuko si Daisie at binawi ang plato, dismayado siya. "Alam namin na hindi mo kami mahal."Nanlaki ang mga mata ng matanda. "Sinong nagsabi na hindi ko kayo mahal—""Mayroon pang natira sa kaserola kung gusto niyo. Kung hindi, ayos lang." Pinutol ni Waylon ang sinasabi niya.Natahimik si Titus. Masyado na ba siyang matanda? Bakit wala lang sa mga batang to ang pagiging istrikto niya?Hayaan mo na. Walang punto para makipag-away siya
Ngumiti siya at sinubukang lumapit kay Waylon. "Waylon, hindi mo ba kasamang lumabas ang kapatid mo ngayon?"Malamig siyang tiningnan ni Waylon, at nang lagpasan siya nito, iritable nitong sinabi, "Tumigil ka na. Kahit na anong ideya ang ilagay mo sa ulo ni Great-grandpa, hindi mo mapapalitan si Mommy."Nanigas si Rowena sa kinatatayuan niya. Pinanood niyang umakyat sa hagdan ang batang lalaki. Nagulat siya. Bukod sa matalim na tingin ng limang taong gulang na batang yun, paano nito nalaman na naglalagay siya ng mga ideya sa ulo ni Titus?Napayukom ang mga kamay niya. Galing nga talaga sila sa sinapupunan ng babaeng yun—sagabal din, katulad niya!Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng isang text galing sa isang unknown number.[Hindi ba't sabi mo ay ilalabas mo ako sa Underground Freeway? Sinabi ko na sa iyo ang lahat. Kailan mo gagawin ang pinangako mo?]Alm kaagad ni Rowena na galing kay Willow ang text. Oo, nakalimutan niya na isang 'kutsilyo' si Willow na pwede niyang ga
Alam ni Maisie na walang dahilan ang tatlong bata para magsinungaling, at alam niya rin naman na impokrita si Rowena. Dahil malaki ang tiwala ni Titus kay Rowena, madali lang para kay Rowena na gumawa ng dahilan para hindi siya lalong magustuhan ni Titus.Bago pa siya makapagtanong, dumating naman si Helios kasama ang dalawa nitong assistant.Mabilis na lumapit si Daisie kay Helios at hinawakan ang kamay nito. "Tito Helios. Ipapakilala ko kayo sa mommy ko!"Pero, matagal na siyang kilala ni Helios.Nginitian niya si Daisie at hinaplos ang ulo nito. Saka niya tiningnan si Maisie at nagtanong, "Pinaghintay ba kita?"Nakangiting sumagot si Maisie at sinabing, "Kararating lang din namin."Pagkatapos nilang maupo, umakyat naman si Daisie sa upuan sa tabi ni Maisie. Sa kaniya lang ang mommy niya ngayon, siya na ang kakain ng shares para sa mga kapatid niya."Nalaman ko kay Waylon na inaalagaan mo silang pareho sa set, Mr. Boucher. Sana hindi ka masyadong naaabala."Sumimangot
Sandaling natigilan si Maisie nang marinig ang sinabi ni Helios. Gayunpaman, kaagad niyang napagtanto kung ano ang sinasabi nito.Mayroong nagtatago sa dilim at kinukunan sila ng litrato.Kaya naman hindi siya lumingon. Sabay silang naglakad ni Kennedy papunta sa sasakyan, at katulad nga ng inaasahan nila, palihim na nakuhanan ng paparazzi ang paghihiwalay nila ni Helios.Tiningnan ng paparazzi ang ilang litrato sa kaniyang camera, dinilaan niya ang mga labi at malawak na ngumiti. Kampante siyang pag-uusapan ng lahat ng mga litrato na ito at pupurihin siya ng editor-in-chief.Nang makabalik sina Maisie at Kennedy sa Soul, mayroon biglang naisip si Maisie at sinabi kay Kennedy, “Tito Kennedy, bantayan niyo ang mga balita para sa akin sa mga susunod na araw.”“Balita? Para saan?”“Oo. Kanina nang maghiwa-hiwalay tayo nila Helios, binalaan niya ako na mayroong paparazzi. Nakuhanan siguro tayo ng litrato.”Ang totoo, hindi nag-aalala si Maisie sa kung anong isusulat nila tung
“Ouch, sinasaktan mo ako, Nolan. Hindi mo ba kayang maging gentle!?”“I’m sorry. Mag-iingat na ako.”Nagdilim ang mukha ni Rowena.‘Ang kapal… ang kapal ng mukha nila na gawin ang ganiyang bagay sa opisina? Maisie, isa ka talagang malanding babae!’Dala ng kaniyang galit, tinulak niya pabukas ang pinto at natulala siya. Nakaupo si Maisie sa couch habang naka-squat naman si Nolan sa harapan nito at minamasahe ang kaniyang paa.Lumingon si Nolan para tingnan nang malamig si Rowena at sinabing, “Hindi ka ba marunong kumatok?”Nagbago ang ekspresyon ni Rowena, at nauutal siyang sumagot, “I’m sorry. Akala… akala ko ay mayroong nangyayari dito.”Namula ang mukha ni Maisie sa hiya.‘Salamat at hindi siya nagtagal ngayon. Kung hindi, baka naghukay na ako at nilibing ang sarili ko.’“Kahit na mayroong nangyari dito, anong kinalaman nun sa iyo?” Tanong ni Nolan, malamig ang boses niya. “Kung wala ng iba pa, lumabas ka na.”Hindi inakala ni Rowena na itataboy na na naman siya
Kumunot ang noo ni Nolan. Alam niyang darating ngayon ang Elder Master Goldmann. Iyon ang dahilan kung bakit sinabihan niya ang receptionist na sabihin kay Titus na wala siya sa opisina. Hindi niya inaasahang didiretso ito sa kaniyang opisina.Binuksan ni Titus ang pinto ng opisina. Nang makita niya si Nolan, kaagad siyang nagalit. “Hmph! Ano na ngayon? Puputulin mo na ba ang ugnayan mo sa lolo mo?”Binaba ni Nolan ang mga binti mula sa mesa, nilapag ang kaniyang phone at bahagyang sumandal sa kaniyang upuan. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha habang sinasabi, “Alam niyong hindi ko yun gagawin.”“Hindi mo yun gagawin?” Madilim ang mukha ni Titus, “Ayaw mong umuwi dahil sa babaeng yun, at ngayon sinasabi mo sa akin na hindi mo yun gagawin?”Malamig na suminghal si Nolan. “Kung tama ang pagkakaalala ko, kayo ang nagpalayas sa akin sa bahay. Dahil ayaw niyo naman akong makita, ano pang dahilan para bumalik ako?”“Nolan, ginayuma ka siguro ng babaeng yun. Nakita mo ba ang ginaw
Tensyunado pa rin ang hangin sa loob ng opisina kahit umalis na si Elder Master Goldmann. Naglabas si Nolan ng isang pakete ng sigarilyo sa kaniyang drawer. Matagal na simula nang huli siyang nanigarilyo, pero hindi niya alam kung bakit gusto niya ulit itong gawin ngayon. Sinindihan niya ang isa.Tumayo siya at lumapit sa floor-to-ceiling window. Hinithit niya ang hawak na sigarilyo.Hindi na kailangang sabihin ang matindi niyang poot sa mga taong pumatay sa nanay niya. Pero, kung hindi dahil sa great-grandfather niya, hindi sana madadamay ang nanay niya.Kahit na ang pamilya de Arma ang salarin, alam niyang walang kaugnayan si Maisie sa kanila.Hinayaan niya ang sarili na malunod sa sarili niyang mga alaala habang patuloy na nagbabaga ang sigarilyo sa gitna ng kaniyang mga daliri. Pinitik niya ang abo sa ashtray at naalala niyang dapat niyang ilihim ang bagay na ito kay Maisie.…Naghihilamos ng malamig na tubig si Rowena sa loob ng restroom.Walang nakakaalam sa nangyari
Nabalitaan kong isang malandi ang nanay ng dalawang bata, isang malandi na nagkaroon ng anak sa pagkadalaga, at gustong makasama ni Mr. Goldmann ang ganiyang klase ng babae?##Ginamit niya ang mga anak niya para makalapit sa best actor para sumikat siya. Blaargh, umalis ka sa Zlokova! Hindi ka karapat-dapat kay Mr. Boucher at Mr. Goldmann!#Kaagad na nagdilim ang mukha ni Maisie nang mabasa ang masasamang komento sa mga anak niya sa comment section.Napansin ni Kennedy na mayroong mali at sinabing, “Zee, galing siguro sa mga bayarang keyboard warriors ang mga masasamang comments na yun. Tingnan mo ‘to. Lahat ay galing sa mga anonymous accounts.”“Kaya mo bang i-track ang IP address ng mga taong ‘to?” Mababa ang tono ng boses ni Maisie.Tumango si Kennedy. “Susubukan ko ang lahat.”Pagkatapos lumabas ni Kennedy, hindi mapigilan ni Maisie na mapakuyom ang mga kamao sa ilalim ng kaniyang desk.‘Hahanapin ko ang nasa likod nito!’Samantala, sa isang internet cafe…Ilang d