'Siguradong masakit yun, tama?'Nagulat si Maisie at hindi niya napigilan na mairita ang loob ng kaniyang ilong. Tumayo siya at nilunok ang kaniyang sama ng loob. "Hindi ako masaktan. Gusto ko lang kayong maging okay.""Mga baliw ang mga taong 'to. Nagpanggap talaga silang mga fans ni Mr. Helios at nagawa 'to sa mga bata." Alam ni Angela na hindi talaga mga fans ni Helios ang mga taong yun. Kahit na kilalang mga masasakit magsalita ang mga fans ni Helios, hindi sila kailanman nagbigay ng problema sa idolo nila.'Saan nakahanap ng lakas ng loob ang mga taong 'to na magpanggap at manggulo dito!?'Nginitian siya ni Maisie. "Salamat sa pag-aalaga sa kanila. Ako na ang bahala dito."Tumango si Angela.Sa Blue Bay Villa…Dahil siguro sa bagong paligid, tuwang-tuwa sina Waylon at Daisie na para bang walang epekto ang nangyari sa kanila kanina."Wow, nakikita ang dagat mula dito!"Ang beach villa na tinitirhan nila noon ay hindi naman malapit sa dagat. Kaya nang makita ni Mai
Tiningnan ni Nolan si Maisie at saka sumagot, "Totoo yun, pero ako dapat ang sisihin. Kung alam ko lang na nabuntis siya, hindi ko siya hahayaang umalis."Nagulat si Maisie.'Plano ba ni Nolan na akuin ang buong responsibilidad sa nangyari six years ago? Hindi niya nga alam kung sino ako nun…'Iba na ang tinanong ng babaeng reporter. "Kung ganoon, magkarelasyon ba kayo dati?"Hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie at ngumiti. "Hindi kami nagkaroon ng oras para pumasok sa relasyon pero unang kita ko pa lang kay Maisie ay napaibig na ako. Nag-iisa lang siya para sa akin."‘Ba-dump, ba-dump!’ Napakabilis ng tibok ng puso ni Maisie.Nagtanong ulit ang babaeng reporter, "Kung ganoon, sinasabi niyo bang bunga ng pagmamahalan niyo ang dalawang bata?"Tumango si Nolan, "Oo, pero nagkakamali ka. Hindi lang sila dalawa, tatlong bata ang isinilang ni Zee para sa akin."Ngumiti ang babaeng reporter. "Bakit hindi niyo agad ito pinaalam sa publiko?"Mahinahong sumagot si Nolan, "
Nagbago ang ekspresyon ni Tyler."Ako ang nanay ng dalawang batang hinaras ng mga miyembro ng hater group mo. Nahanap na din kita." Tumaas ang mga kilay ni Maisie.Gustong tumalikod ni Tyler at tumakbo, pero hinawakan agad ni Maisie ang braso niya. Kaunting lakas lang ang binigay ni Maisie, pero umiyak na sa sakit si Tyler. "Masakit, masakit, ahh…."Nanigas sa kinatatayuan niya ang isa pang binata. Hindi siya naglakas ng loob na gumalaw nang makita ang sitwasyon ni Tyler."M… mali ako, Miss. Ako lang ang may-ari ng group. Sila ang kumuha ng mga tao. Wala akong kinalaman dun." Namamanhid na si Tyler sa sakit ng kaniyang braso.Malamig at matalim ang ekspresyon ng mga mata ni Maisie. "Ikaw ang leader ng group, at dapat mong akuin ang responsibilidad. Naiintindihan mo ba?"Hindi makapagsalita si Tyler dahil sa sakit."Ngayon sabihin mo sa akin, sino ang nagbayad sa inyo? Pakakawalan kita basta sabihin mo sa akin.""H… hindi ko talaga alam, pero pwede akong magtanong kasi
Nasira ang lahat dahil kay Maisie. Hindi sana ako dumaan sa napakaraming mahirap na sitwasyon kung hindi siya bumalik sa Zlokova!'Madilim ang ekspresyon ni Maisie, para bang mayroong hamog sa harapan ng kaniyang mukha. "Huwag mong ipasa lahat ng sisi sa akin. Paano ka mapupunta sa impyerno kung wala kang ginawa? Kung may lakas ng loob kang manakit ng kapwa mo, magkaroon ka rin sana ng lakas ng loob na akuin ang responsibilidad ng ginawa mo."Willow, hayaan mong balaan kita. Kung hindi mo pahahalagahan ang mga bagay na nagpaparamdam sa iyong tao ka pa. Kaya kong palalain ang sitwasyon mo ngayon."Tinulak siya ni Maisie.Magulo ang buhok ni Willow. Nakakahiya ang itsura niya ngayon. Nakayukom ang mga kamao niya habang pinanlilisikan ng mga mata si Maisie. "Sa tingin mo ba talaga ay mabubuhay ka nang mapayapa sa oras na matuto ako? Hindi lang ako ang may gustong pahirapan ka!"Naningkit ang mga mata ni Maisie at tinikom ang mga labi, wala siyang sinabi.Tumawa si Willow. "May
Inakala ni Maisie na mananahimik si Willow matapos ng nangyari kay Leila pero mukhang hindi ganoon ang nangyari. Kalahating buwan pa lang ang lumilipas, nagsisimula nanaman si Willow.Kumunot ang noo ni Maisie at sinabing, "Sigurado akong hindi agad titigil si Willow. Tito Kennedy, pwede mo ba sabihin kay Angela na bantayang maigi ang mga bata?"Nag-aalala lang siya sa dalawang bata sa ngayon.Tumango si Kennedy.Naupo si Maisie sa office niya at nag-isip. Sinabi ni Willow na binenta siya ni Nolan sa Underground Freeway. Kung iyon nga ang nangyari, paano siya nakalabas doon?Naisip ni Maisie na kung gusto niya talagang malaman, kailangan niyang makita si Nolan.Pumunta si Maisie sa administrative office.Kumatok siya roon ng ilang beses, pero walang sumasagot. Nang papasok na sana siya sa loob, narinig niya ang boses ni Rowena sa likuran niya. "Kausap ni Nolan ang client niya sa baba tungkol sa project. Bakit mo siya hinahanap?"Nilingon ni Maisie si Rowena at ngumiti,
"Zee, hindi sang-ayon ang lolo ni Nolan sa inyong dalawa, tama ba?"Nagulat si Maisie at napayuko.Naintindihan ni Stephen ang lahat nang makita ang naging reaksyon nito. "Dahil isang de Arma ang nanay mo, at galit ang Goldmann sa mga de Arma, hindi ba?""Dad, sinong nagsabi sa'yo niyan?"Saglit na napatahimik si Stephen bago mabagal na sinabing, "Ang lolo ni Nolan. Sinabihan niya akong palayuin ka kay Nolan. Sinabi niya sa akin na masama ang mangyayari kay Nolan kapag nanatili ka sa tabi niya. Pagtapos non, nang pinaalis ko sila, binubog ako ng naka-mask na lalaki sa harap ng pinto. Pinagbantaan ako na kapag hindi mo iniwan si Mr. Goldmann, gagawin niya…"Huminto si Stephen na parang ayaw na niya ipagpatuloy pa 'yun. Ayaw niyang pilitin ang anak niyang iwan si Nolan dahil lang sa bagay na iyun.Nag-igting ang panga ni Maisie. Saglit siya nanahimik bago tumayo. "Dad, magpahinga ka na. Mamayang gabi na lang ulit."Pagkatapos nun, seryoso ang mukha niya habang paalis ng war
Napangiti si Maisie. Nang nasa training camp siya, dinadala ni Nolan ang tatlong bata para bumisita kay Stephen. Hindi niya inakalang magiging malapit agad mga ito, at mayroon pa silang alaga.Naglalaro ang tatlong bata sa gilid. Tumingin si Stephen kay Maisie, na tahimik na nakaupo na gilid ng higaan, at sinabing, "Zee, huwag mo ako masyadong alalahanin. Kung mahal niyo talaga ni Mr. Goldmann ang isa't isa, hindi ko kayo paghihiwalayin."Dinilaan ni Maisie ang labi niya, yumuko, at sinabing, "Huwag ka mag-alala sa akin, Dad. Oo nga pala, plano kong i-merge ang Soul Jewelry Studio at Vaenna Jewelry at gawing Soul Jewelry. Ano sa tingin mo?"Nagulat si Stephen nang tanungin ni Maisie ang opinyon niya. Natahimik siya sandali bago sinabing, "Ikaw na bahala mag desisyon. Galing sa nanay mo ang Vaenna. Ibinigay ko sa iyo, kaya pwede mong gawin ang gusto mo."Matapos manatali sa tabi ng tatay niya, ibinalik ni Maisie ang mga bata sa villa sa Blue Bay.Lumapit si Colton kay Maisie h
Nanigas si Nolan sa kinatatayuan niya, at nagdilim nang nagdilim ang mukha niya.Kinabukasan sa Goldmann mansion..Pumunta si Nolan sa living room. Nang makitang nasa couch si Titus habang nagbabasa ng diyaryo, lumapit siya rito at tinanong, "Nakipagkita ka ba sa Dad ni Zee?"Malamig na umismid si Titus nang mapagtanto na bumalik lang si Nolan dahil doon. "Kinausap ko lang siya. Bakit? Nagsumbong ba siya sa'yo?""May pinadala kang tao para saktan ang tatay ni Maisie?""Pinadalang tao para saktan ang tatay niya?" Ibinaba ni Titus ang diyaryo at tinanong, "Anong ibig mong sabihin?"Sinabi lang niya kay Stephen ang mangyayari kapag tumanggi ang anak nitong iwanan ang apo niya. Kung tutuusin, kailangan niya talagang sabihin ang mga posibleng mangyari.Pero wala siyang pinadalang tao para saktan siya!"Matapos mong kausapin si Stephen, mayroong nambugbog sa kaniya, at nasa ospital siya ngayon dahil doon. Hindi ikaw ang gumawa non?" tanong ni Nolan, madilim ang mukha niya.