Lumalim ang ngiti sa mga mata ni Nolan nang marinig niyang pinili nitong maniwala sa kaniya. Lumapit siya kay Maisie para sana halikan ito sa labi.Biglang may naisip si Maisie, kaya itinaas niya ang kamay niya para patigilin si Nolan.Naningkit ang mata ni Nolan nang hindi siya pinayagan ng asawa niyang makahalik."May kinalaman ka ba kung bakit nasa Underground Freeway si Willow?Nakakunot na hinawakan ni Nolan ang kamay niya at sumagot, "Ginusto niya iyun. Kung hindi, hindi ko siya ipapatapon sa Underground Freeway. Bakit mo natanong?"Napatikom ang labi ni Maisie at sinabing, "Naalala mo pa ba 'yung inatake sa internet si Waylon at Daisie? Siya may kagagawan nun.""Pumunta ka sa Underground Freeway?" nagulat si Nolan. 'Bakit siya pumunta roon mag-isa? Paano kung may nangyaring masama sa kaniya?'Inangat ni Maisie ang kilay niya at sinabing, "Wala na siya sa Underground Freeway."Bahagyang nagulat si Nolan, at tinanong, "Nakatakas siya?""Nanghingi ako ng tulong
Sinagot ni Morgan ang tawag mula sa Gemini Advertising Inc. at galit na sinabing, "Hanapin niyo kung sino ang in charge sa equipment na 'yun, kung hindi, huwag niyo kami sisihin."Ibinaba niya ang tawag. Naintindihan niya na ang nangyari.Na-injure si Angela at nasa ospital na. Mabuti na lang at ayos lang ang dalawang bata.Dumating si Helios sa labas ng opisina at mukhang narinig ang usapan. Nakakunot ang noo niya at binuksan ang mga labi. "Eh 'yung dalawang bata?""Nandoon kay Angela sa ospital."Tumalikod na si Helios at umalis matapos masabi 'yun ni Morgan.Sa ospital…Nanatili ang dalawang bata sa tabi ni Angela.Natatakot pa rin si Daisie at tumingin kay Waylon. "Waylon, magiging ayos din ba si Angela?"Pinagaan naman ni Waylon ang loob niya, "Huwag ka mag-alala, magiging ayos din si Angela." Kumunot ang maliit niyang kilay matapos sabihin 'yun.'Base sa mga bakas sa scene, halata namang kami ang target.'Dumating si Helios sa labas ng ward na may kasaman
'Umiikot ang lahat ng nangyayari—kay Maisie. Parang naka direkta kay Maisie lahat ng nangyayari.Tinawagan ni Nolan si Quincy gamit ang kaniyang cell phone. "Bumalik ka na rito."Napatigil si Quincy. "Pero sabi ni Elder Master Goldmann—"Nagdilim ang paningin ni Nolan. "Hindi niya malalaman. Kailangan kitang bumalik dito para may imbestigahan."Nalaman lang ni Maisie na na-aksidente sina Waylon at Daisie sa kanilang commercial nang mabasa niya ang news update.Tinitingnan niya ang renovation sa Vaenna, kaya dali-dali siyang umalis doon at pumunta sa ospital.Nang makitang kasama ng dalawang bata di Helio, nakahinga siya ng maluwag."Mommy!" tumakbo si Daisie at niyakap siya.Nakita ni Maisie na namumula ang mata ni Daisie na parang katatapos lang nito umiyak. "Daisie, natakot ba kayo ni Waylon?""Niligtas ako ni Angela." ngumuso si Daisie matapos sabihin iyon. "Nasaktan ko po ba si Angela?"Napatigil sa pagsasalita si Maisie at tiningnan ang walang malay na taong na
Nang makitang malakas ang loob ng batang titigan si Rowena, kinuyom ni Rowena ang kamao niyang nasa likuran niya. Tiningnan ni Rowena ang matanda at umaasang kakampihan siya nito.Kahit na hindi mukhang natutuwa ang ekspresyon ni Titus, hindi siya nagpadala sa galit dahil lang sa sinagot siya ng bata.Nakita agad ni Helios na ayaw ni Titus kay Maisie sa loob lang ng ilang minuto.Bahagyang ngumiti si Helios. "Naiintindihan ko kung bakit ayaw ni Elder Master Goldmann sa entertainment industry, pero dahil desisyon naman 'yun ng dalawang bata, hindi mo naman yata pwedeng sabihin na ang desisyon nila ay dahil sa sulsol ng iba. May sarili namang pag-iisip ang mga bata, hindi ba?"Makikita ang pagiging tuso sa mga mata ni Rowena nang makitang pinagtatanggol ni Helios si Maisie.'Heh, kakaiba talaga ang babaeng 'to. Hindi lang sa nalandi niya si Nolan, mayroon din siyang magandang relasyon kay Helios!'Ngumisi si Rowena at nagtanong, "Mr. Boucher, kailan pa kayo naging malapit ni
Tiningnan ni Maisie si Nolan na mukhang nagtatampo at nagseselos. Kumuha siya ng piraso ng karne at inilagay ito sa plato ni Nolan. "Good boy, mahal ka pa rin namin."Napatahimik si Nolan.'Pamilyar ang mga salitang 'yun.'Kumuha si Daisie ng isang kutsarang mashed potatoes at tumingin kay Nolan gamit ang makinang niyang mga mata. "Daddy, sabi ni Tito Helios kanina na si lola raw po ay galing din sa entertainment industry. Bakit po hindi pa namin nakita si lola?"Katatapos lang magsalita ni Daisie, at bahagyang nag-iba ang ihip ng hangin sa hapag-kainan.Napapikit si Maisie.'Paniguradong ayaw niyang pag-usapan ang tungkol sa nanay niya.'Pero hindi niya inakalang sasagutin pa rin ni Nolan ang tanong ni Daisie, "Oo, pero wala na si lola ngayon dito."Nagulat ang tatlong bata.Dalawa lang ang ibig sabihin nun—una ay wala siya rito ngayon kasama sila, at ang isa naman ay wala na siya rito sa mundo.Naghuhugas si Maisie sa kusina matapos ang dinner.Wala siya sa sari
"Pero kung ikakasal tayo nang biglaan, baka yung lolo mo…"'Mamatay sa galit?Bago pa matapos magsalita si Maisie, itinulak siya sa higaan ni Nolan at ibinalot ang braso nito sa maliit niyang bewang.Maloko siyang ngumiti. "Edi, bigyan na natin siya agad ng pang apat na apo, o kaya tatlo pa, para maging abala siya at hindi ka niya mahanapan ng mali.""Umm—" Nang magiging sentimental na ang usapan, bigla niyang niyakap nang mahigpit si Nolan, at ang yakap na 'yon ang dahilan para mawala ito sa sarili.Kinaumagahan…Nang magising si Nolan, tiningnan niya si Maisie na mahimbing na natutulog sa mga braso niya at hindi niya napigilan kurutin ang maliit nitong ilong. "Baby, gising na."Malambing ang boses niya, at sa sinabi niyang "baby" ang bagong gising na si Maisie ay hindi makontrol ang sarili niya sa mga salita ni Nolan."Ayaw ko, gusto ko pa matulog…" bulong niya.Nawala ang lungkot sa mga mata ni Nolan nang makita ang paglalambing ni Maisie, at malisyoso siyang napan
Lumingon si Nolan kay Maisie at nakita itong diretsong nakatayo na parang nasa military training. Hindi niya mapigilang matawa.Pero nakunan ang pangyayaring iyon, at sinumang may matalas na paniningin ay makikitang punong puno ang mga ngiti nila ng pagmamahal.Matapos makunan ng ilang litrato, pinili pa rin ni Nolan ang unang litrato na kaniyang itatago.Nang umalis na sila sa city hall, natawa sa inis si Maisie nang makita ang piniling litrato ni Nolan. "Ito talaga pinili mo? Ang pangit ko diyan!"Hinaplos ni Nolan ang ulo niya. "Hindi ka naman pangit diyan, ang cute mo nga."Hindi naman talaga pangit tingnan si Maisie. Kung hindi, hindi niya sana nagulat si Nolan sa itsura niya nang una silang magkita. Pero, matapos makasama si Maisie nang matagal, napagtanto niyang kahit ang pinaka magandang babaeng tulad niya ay may malambing din na ugali.'Minsan ay makulit siya na talagang kaibig-ibig.'Ngumuso si Maisie.'Wala talagang papantay sa itsura ng lalaking ito! Ang gwa
Napalunok ng laway si Meryl nang marinig niya ang mga salitang "promotion" at "dagdag na sahod". Na-excite siya. "Talaga… Talaga po?""Hindi ako magsisinungaling sa'yo. Makukuha mo yun hangga't gusto mo." mukhang totoo ang tingin ni Rowena, at may ngiti pa ito sa kaniyang mukha.Kinakabaha na tumango si Meryl. "Huwag po kayong mag-alala. Wala akong pagsasabihang kahit sino."Malaki na rin naman ang benepisyo at sahod niya habang nagtatrabaho siya sa malaking kumpanya tulad ng Blackgold group. Ang promosyon at dagdag na sahod ay isa lamang sa pinapangarap ni Meryl!Nang makaalis si Meryl, nawala agad ang ngiti sa mukha ni Rowena at napalitan ito ng pagiging walang awa.Walang ekspresyon niyang kinuha ang cell phone niya at nagpadala ng message.[Stone, may ipapapatay ako sa'yo. Ibibigay ko ang detalye mamaya. Mas maaga, mas maganda.]Sa Soul Jewelry Studio…"Zee, mukhang matitigil muna ang renovation sa Vaenna ng isa pang linggo," sinabi ni Kennedy kay Maisie ang andar n