Lumingon si Nolan kay Maisie at nakita itong diretsong nakatayo na parang nasa military training. Hindi niya mapigilang matawa.Pero nakunan ang pangyayaring iyon, at sinumang may matalas na paniningin ay makikitang punong puno ang mga ngiti nila ng pagmamahal.Matapos makunan ng ilang litrato, pinili pa rin ni Nolan ang unang litrato na kaniyang itatago.Nang umalis na sila sa city hall, natawa sa inis si Maisie nang makita ang piniling litrato ni Nolan. "Ito talaga pinili mo? Ang pangit ko diyan!"Hinaplos ni Nolan ang ulo niya. "Hindi ka naman pangit diyan, ang cute mo nga."Hindi naman talaga pangit tingnan si Maisie. Kung hindi, hindi niya sana nagulat si Nolan sa itsura niya nang una silang magkita. Pero, matapos makasama si Maisie nang matagal, napagtanto niyang kahit ang pinaka magandang babaeng tulad niya ay may malambing din na ugali.'Minsan ay makulit siya na talagang kaibig-ibig.'Ngumuso si Maisie.'Wala talagang papantay sa itsura ng lalaking ito! Ang gwa
Napalunok ng laway si Meryl nang marinig niya ang mga salitang "promotion" at "dagdag na sahod". Na-excite siya. "Talaga… Talaga po?""Hindi ako magsisinungaling sa'yo. Makukuha mo yun hangga't gusto mo." mukhang totoo ang tingin ni Rowena, at may ngiti pa ito sa kaniyang mukha.Kinakabaha na tumango si Meryl. "Huwag po kayong mag-alala. Wala akong pagsasabihang kahit sino."Malaki na rin naman ang benepisyo at sahod niya habang nagtatrabaho siya sa malaking kumpanya tulad ng Blackgold group. Ang promosyon at dagdag na sahod ay isa lamang sa pinapangarap ni Meryl!Nang makaalis si Meryl, nawala agad ang ngiti sa mukha ni Rowena at napalitan ito ng pagiging walang awa.Walang ekspresyon niyang kinuha ang cell phone niya at nagpadala ng message.[Stone, may ipapapatay ako sa'yo. Ibibigay ko ang detalye mamaya. Mas maaga, mas maganda.]Sa Soul Jewelry Studio…"Zee, mukhang matitigil muna ang renovation sa Vaenna ng isa pang linggo," sinabi ni Kennedy kay Maisie ang andar n
'Isama mo pa ang alitan sa pagitan ng de Arma at Goldmann, mas imposible para sa akin na kilalanin ang de Arma.'Gulat ang ekspresyon ni Titus nang makitang desido si Maisie. Pero, nawala rin ito agad.Matapos ang ilang sandali, seryoso niyang sinabi, "Alalahanin mo ang sinabi mo ngayong araw. Kung hindi, hindi kita hahayaan kahit na magalit pa sa akin buong buhay ang apo ko."Nagulat su Maisie.'Sinasabi ba niyang nagbago na ang isip niya?'Ngumiti si Maisie and sumagot, "Hindi ko po makakalimutan."Hinatid ni Mr. Cheshire si Maisie sa pinto. Masaya siya para kay Maisie at Nolan nang marinig niyang tinanggap na ni Titus ang kasal nila."Kumusta naman ang mga bata?" tanong ni Mr. Cheshire.Ngumiti si Maisie. "Maayos naman sila."Masiglang paliwanag ni Mr. Cheshire, "Sa totoo lang, gustong gusto ni Elder Master Goldmann ang mga bata. Hindi niya lang talaga alam paano mapalapit sa kanila."Kung tutuusin, masyadong abala si Elder Master Goldmann noong bata pa siya. Hin
"Nasaan ang lolo ko?""Nasa higaan ngayon si Elder Master Goldmann para umidlip," sagot ni Mr. Cheshire."Eh si Maisie? Hindi ba't pinatawag siya ni lolo?"Nang makitang balisa si Nolan sa nangyayari, napangisi si Mr. Cheshire. "Pinatawag nga ni Elder Master Goldmann si Ms. Vanderbilt dito, pero huwag ka mag alala, hindi siya pinahirapan. Sa halip, umatras na ang lolo mo at pumayag na sa kasal ninyo."Makikita ang gulat sa mga mata ni Nolan. Bigla siyang may naisip at seryosong itinanong, "May sinabi ba siyang kondisyon?"'Kung iisipin ang pag-uugali ni lolo, paniguradong pumayag lang siya sa kasal namin matapos may magawang mga kapalit.'Tumango si Mr. Cheshire. "Pumayag lang si Elder Master Goldmann nang makitang desido si Ms. Vanderbilt para sa posisyon sa Goldmann. Natatakot siyang baka gamitin ng de Arma si Ms. Vanderbilt para kalabanin ka."Nangako si Ms. Vanderbilt na hindi niya hahayaang magawa iyon ng de Arma, kaya sinabihan siya ni Elder Master Goldmann na manga
Harap-harapang inamin ni Willow ang lahat ng ginawa niya, at makikita ang pangungutya sa mga mata nito. "Sabagay, ano pa bang magagawa mo ngayong alam mo na? Maisie, dahil hindi naman na maganda ang takbo ng buhay ko, paano ka nagkaroon ng mas magandang buhay kaysa sa akin?"'Ayaw ko nito! Bakit hindi na lang ako ang totoong anak ni Stephen Vanderbilt, at bakit hindi ko kapareho ng swerte at background si Maisie!?'"Kaya naman, sisiguraduhin kong mabubura ka na sa mundong 'to habambuhay. Wala ng kukuha ng para sa akin o kakalaban sa akin kapag nawala ka na!"'Kahit ano pa man, nasa kulungan na ang nanay ko, at nawala na sa akin ang lahat. Wala nga akong bahay ngayon, ano pang ikinatatakot ko?'Nang makita niya ang baliw at wala sa katinuan si Willow, hindi naawa si Maisie sa kaniya. Sa halips, iniisip niyang kalunos-lunos ito. "Willow Vanderbilt, hindi mo talaga naisip yung mga ginawa mo, huh?"Hindi ba't ikaw ang nagdala sa sarili mo sa ganito?" tinanong siya ulit ni Maisie.
Tiningnan ni Maisie si Willow at ngumiti. "Kung kailangan mo ng pera bakit 'di ka sa akin lumapit? Pera lang naman yan."Nagdalawang-isip ang mga lalaki. Nag-iba ang ekspresyon ni Willow. "Huwag kayo maniwala sa kaniya!""Willow, bakit nagsisimula ka pa ng away eh nasa gulo ka na nga?" Lumapit si Maisie sa tainga niya at nanunuya. "Pag tapos na ako sayo, wala na silang paraan para makuha ang pera na nasa 'yo."Sa oras na yon, natulak ang dalawang guard sa loob. Ilang bodyguards na naka-itim ang pumasok na may mga armas, at nang subukang tumakbo ng dalawang lalaki, pinadapa sila sa sahig at hinawakan.Dahan-dahang pumasok si Nolan sa pinto na parang anghel na nagmula sa langit. Napatigil ang buong paligid sa ipinakita niyang aura. Humupa lang ang lamig na dala niya nang makitang si Maisie ang may hawak sa mga hostage. "Nolan, tulungan mo ako! Galit na si Maisie, gusto niya ako patayin!" Nang makita ni Willow si Nolan nagsimula na siyang sumigaw. Hindi siya tiningnan o p
Sa loob ng sasakyan…Nilabas ni Nolan ang medical kit para gamutin ang sugat ni Maisie sa mukha. Kahit na maliit na sugat lang 'yon, baka mag-iwan ng peklat pag hindi nagamot agad.Hindi nagsalita o tumingin si Maisie kay Nolan."Sa tingin mo ba ang sama ko? Natakot ka ba?" Napakunot ng noo si Nolan. Alam niyang baka natakot si Maisie, pero hindi niya kayang makontrol ang sarili niya. Sobra ang galit niya at gusto na niyang patayin si Willow.Tumingin sa kaniya si Maisie at ginalaw ang kaniyang labi. "Okay lang."Malamig ang mata ni Nolan nang buksan niya ang kaniyang labi. "Anong okay lang?"Niyakap ni Maisie si Nolan, at nilapat niya ang mukha sa dibdib nito. Napatulala si Nolan dahil sa ginawa niya."Zee, ikaw—"Bumaba ang tingin ni Maisie, nagtago sa mga yakap nito at ngumiti. "Nolan, alam kong hindi mo ako sasaktan, kaya hindi ako matatakot sayo. Salamat kasi niligtas mo ako."Dahang-dahang nawala ang lamig sa mata ni Nolan. Tinaas niya ang kaniyang kamay, hiwaka
Hindi napigilang ngumiti ni Maisie nang marinig ang pangakong sinabi ng lalaking nasa likuran niya. "Ikaw ang nagsabi nun."Nang sumunod na araw…Pumunta si Rowena sa opisina at nadaanan ang mga empleyado na nagkukwentuhan sa front desk."Sobrang sweet nila Mr. Goldmann at Ms. Vanderbilt simula nung nag-register sila. Dati nililihim pa nila yun, pero ngayon hindi na nila tinatago.""Wala na silang dapat itago dahil kasal na sila ngayon.""Talagang inaalagaan siya ni Mr. Goldmann. Masaya akong sinuportahan ko silang dalawa!"Huminto si Rowena sa paglalakad habang nag-iinit ang kaniyang ulo.Nawalan na si Rowena ng contact kay Willow nung nakaraang araw kaya sa tingin niya ay pumalpak na ito. Buti na lang hindi niya ginamit ang sarili niyang phone para tumawag kay Willow. Kahit na imbestigahan yun ni Nolan, hindi niya malalaman na si Rowena yun.Bumukas ang pinto ng elevator, at nakita niya na lumabas si Maisie, nakahawak sa kamay ni Nolan. Talagang hindi na sila nagtatago