Hindi napigilang ngumiti ni Maisie nang marinig ang pangakong sinabi ng lalaking nasa likuran niya. "Ikaw ang nagsabi nun."Nang sumunod na araw…Pumunta si Rowena sa opisina at nadaanan ang mga empleyado na nagkukwentuhan sa front desk."Sobrang sweet nila Mr. Goldmann at Ms. Vanderbilt simula nung nag-register sila. Dati nililihim pa nila yun, pero ngayon hindi na nila tinatago.""Wala na silang dapat itago dahil kasal na sila ngayon.""Talagang inaalagaan siya ni Mr. Goldmann. Masaya akong sinuportahan ko silang dalawa!"Huminto si Rowena sa paglalakad habang nag-iinit ang kaniyang ulo.Nawalan na si Rowena ng contact kay Willow nung nakaraang araw kaya sa tingin niya ay pumalpak na ito. Buti na lang hindi niya ginamit ang sarili niyang phone para tumawag kay Willow. Kahit na imbestigahan yun ni Nolan, hindi niya malalaman na si Rowena yun.Bumukas ang pinto ng elevator, at nakita niya na lumabas si Maisie, nakahawak sa kamay ni Nolan. Talagang hindi na sila nagtatago
Gumalaw ang pilikmata ni Maisie at sinabing, "Nolan, anong ginagawa mo?""Hindi ba kanina ang saya mo at tinawag mo pa akong honey? Bakit nagbago na ngayon, hmm?" Hindi siya masaya.Nauutal na sagot ni Maisie, "Binu-bwisit ko lang siya kasi pinagnanasaan niya ang asawa ko."Pinagnanasaan, ang asawa niya?Sobrang saya ni Nolan sa sagot niya.Hinawakan niya ang bewang ni Maisie, lumapit siya, at ngumiti. "Anong klaseng excitement ba ang sinasabi mo?"Nanginginig si Maisie at binaba ang kamay niya. "Nolan, huwag ka gumawa ng kahit ano dito. Hindi ganitong excitement ang ibig kong sabihin!" Itong nakakatakot na lalaking 'to, hindi ba siya kinakabahan na baka maapektuhan ang kalusugan niya kung lagi niya itong iniisip? Ngumiti si Nolan pero wala siyang sinabi."Ang sabi mo ay sasamahan mo ako buong araw, kaya dapat pumayag ka sa kahit anong gusto kong gawin, tama ba?" Nakasimangot si Maisie. Tumaas ang kilay ni Nolan. "Sabihin mo sa akin anong nasa isip mo." Parang ma
Tinaas ni Rowena ang tingin niya at sinabing, "Alam naman ni Ms. Vanderbilt na may meeting sa hapon si Nolan pero pinilit pa rin niya na umalis sila. Hindi na siya nakikinig kahit anong subok ko."Iniisip ni Nolan na mali lahat ng ginagawa ko. Kapag nagpatuloy ito, baka umalis na sa kumpanya si Nolan."Tumalim ang mga mata ni Rowena nang huminto sa pagpa-polish si Titus.Nagpakita ng pahiwatig ang mga mata ni Rowena na nanlamig nang makitang napatigil sa pagpapakintab ng koleksyon si Titus.Sa simula pa lang, hindi na gusto ni Titus si Maisie, at ang sinabi pa ni Rowena ay talagang nagpapakita na si Maisie ang dahilan kaya pinapabayaan ni Nolan ang negosyo. Paano magiging parte ng Goldmann ang tusong babaeng tulad niya?Hindi niya inaasahan na hindi nagpakita ng kahit anong galit si Titus. Inabot niya ang china kay Mr. Cheshire at sinabing, "Rowena, kailangan mong intindihin na ang CEO ng Blackgold ay si Nolan. Bakit pa niya kailangan si Quincy bilang assistant niya kung ka
Nanginig sa takot ang female staff nang makita niya si Maisie pagkatapos niyang magsalita.“Ms… Ms. Vanderbilt…”"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Maisie, malawak ang ngiti.Nilunok ng dalawang babae ang mga salita sa dulo ng mga dila nila habang mababakas ang hiya sa kanilang mga mukha."Ayos lang. Hindi ako magagalit sa inyo. Gusto ko lang malaman kung sino ang nagsabi sa inyo niyan," Marahang sabi ni Maisie.Pagkatapos mapagtanto na hindi galit si Maisie sa kanila, isa sa mga female staff members ang nauutal na nagsalita, "Narinig… namin galing sa administrative office sa taas. Sabi… sabi nila, hindi niyo raw pinayagan na dumalo si Mr. Goldmann sa meeting kahapon."Naningkit ang mga mata ni Maisie bago niya ulitin ang sinabi ng babae, "Galing sa mga tao ng administrative office?"Tumango ang female staff member. Mayroon siya biglang naalala at saka kinakabahang sinabi, "Parang may sinabi sa kanila si Ms. Summers, at saka…"Naintindihan agad ni Maisie ang nangyayar
"Ikaw…" Mahigpit na nakakuyom ang kamao ni Rowena habang nakatitig kay Maisie. Sobrang pula ng mga mata niya sa galit.Natahimik ang lahat ng tao sa opisina. Totoo naman talaga, si Quincy ang siyang nag-aayos ng karamihan ng gawain sa kumpanya, at marami ngang pinagkatiwalaang trabaho sa kaniya si Nolan.Pero, pagkatapos malipat ni Quincy sa ibang posisyon at pinalitan siya ni Rowena bilang secretary ni Nolan, hindi nila alam kung bakit mas naging busy si Nolan.Si Nolan ang employer nila, ibig sabihin ay binayaran sila para maging workers. Kapag hindi makaka-attend si Nolan sa isang meeting, kailangang tumayo ni Rowena bilang host sa meeting bilang secretary ni Nolan.Ngayon lang nila napagtanto na binola sila ni Rowena. Napagtanto din nila na hindi basta-basta si Maisie. Nakahinga sila nang maluwag dahil hindi sila ang nasaktan ni Maisie.Habang nakangiti pa din, sinabi ni Maisie, "Ms. Summers, kung sa tingin mo ay hindi mo kayang gawin nang maayos ang trabaho mo, baka pwed
Nakatikom ang mga labi ni Nolan. Si Rowena nga ang nagpakita sa kaniya ng litratong yun.'Si Wynona ang kumuha ng litratong yun?' Tanong niya sa sarili."Nolan," Tawag ni Maisie, hinila niya ito mula sa malalim nitong iniisip."Ano?""Anong nangyari?" Tanong niya, direkta niya itong tinititigan sa mga mata dahil nagulat siya nang ma-distract ito.Mayroon siyang naisip at nakasimangot na sinabing, "Wala ka naman inutusan para palihim akong bantayan, mayroon ba?"Hinaplos ni Nolan ang pisngi ni Maisie at sumagot, "Sinasabi sa akin nina Cherie at Hans ang mga nangyayari sa iyo sa camp. Pero, si Rowena ang nagsabi sa akin ng tungkol sa inyo ni Francisco."'Rowena?'Bumaba ang tingin ni Maisie.'Ibig sabihin ay si Wynona ang "spy" ni Rowena sa training camp?'Napagtanto na ni Maisie kung bakit sinuot ni Rowena ang singsing at hinanap siya. Balak pala ni Rowena na gumawa ng lamat sa relasyon nina Maisie at Nolan dahil sa mga nangyayari sa pagitan nila ni Francisco."Wal
Hinaplos ni Nolan ang mukha ni Maisie. Napatunayan na tama ang hinala niya dahil sa mga inamin ni Willow.Nalaman agad ng lolo niya ang relasyon ni Maisie at pamilya de Arma pagkauwi niya galing ng training camp. Ginawa nilang lahat ng tatay niya ang lahat para isikreto yun. Kahit si Stephen at ang iba pa ay walang alam tungkol doon, bukod kay Willow na nagpanggap na apo ng mga de Arma.Nang maisip yun, tiningnan siya ni Nolan at sinabing, "Simula bukas, makakasama mo na si Cherie. Pwede kang magpatulong sa kaniya sa kahit na anong bagay. Ligtas naman ang mga bata sa tatay at lolo ko. Ikaw lang ang tanging taong inaalala ko."Bumugso ang init sa puso ni Maisie. Nakikita niyang tunay na mag-aalala si Nolan para sa kaniya.Hinawakan niya ang kamau nito at nilapat ito sa kaniyang mukha. Nagulat naman si Nolan na siyang ikinatawa niya, "Basta kasama kita, hindi ako natatakot."Kinagabihan sa Royal Academy of Music…Dala ang maliit niyang backpack, lumabas si Colton sa main entr
Suminghal si Hernandez at sinabing, "Bakit hindi ko siya pwedeng hanapin? Ako ang great-grandfather niya."Umigting ang panga ni Louis at hindi nagsalita. Kahit na sinabi na ng nanay niya sa kanyang lolo na nahanap na nila ang anak ng tiyahin niya, lahat ng yun ay noong akala nila ay si Willow ang anak na yun.Pero, nalaman din nila na ang anak ng tiyahin niya ay si Maisie, pero kasal na ito kay Nolan. At saka, hindi niya alam kung paano nalaman ng lolo niya na anak ni Maisie si Colton.Kumurap si Colton at nagtanong, "Great-grandfather ko kayo?"Tiningnan siya ni Hernandez at sumagot, "Ako ang lolo ng nanay mo, kaya siyempre, ako ang great-grandfather mo."Kumunot ang noo ni Colton at sinabing, "Pero walang sinabi sa amin si mom tungkol sa inyo.""Pasensya na, ma'am. Booked na ang restaurant ngayon, hindi kayo pwedeng—""Umalis ka sa daan ko."Tinulak ni Maisie ang waiter. Nag-aalala siya kay Colton, kaya wala na siyang pakialam sa paligid niya.Nang lalapitan na siy