Share

Kabanata 346

Tiningnan ni Maisie si Willow at ngumiti. "Kung kailangan mo ng pera bakit 'di ka sa akin lumapit? Pera lang naman yan."

Nagdalawang-isip ang mga lalaki.

Nag-iba ang ekspresyon ni Willow. "Huwag kayo maniwala sa kaniya!"

"Willow, bakit nagsisimula ka pa ng away eh nasa gulo ka na nga?" Lumapit si Maisie sa tainga niya at nanunuya. "Pag tapos na ako sayo, wala na silang paraan para makuha ang pera na nasa 'yo."

Sa oras na yon, natulak ang dalawang guard sa loob. Ilang bodyguards na naka-itim ang pumasok na may mga armas, at nang subukang tumakbo ng dalawang lalaki, pinadapa sila sa sahig at hinawakan.

Dahan-dahang pumasok si Nolan sa pinto na parang anghel na nagmula sa langit. Napatigil ang buong paligid sa ipinakita niyang aura. Humupa lang ang lamig na dala niya nang makitang si Maisie ang may hawak sa mga hostage.

"Nolan, tulungan mo ako! Galit na si Maisie, gusto niya ako patayin!" Nang makita ni Willow si Nolan nagsimula na siyang sumigaw.

Hindi siya tiningnan o p
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
virgiezapanta55
timing lagi si Nolan, kawawang willow binulag ng sobrang inggit
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status