Nakatikom ang mga labi ni Nolan. Si Rowena nga ang nagpakita sa kaniya ng litratong yun.'Si Wynona ang kumuha ng litratong yun?' Tanong niya sa sarili."Nolan," Tawag ni Maisie, hinila niya ito mula sa malalim nitong iniisip."Ano?""Anong nangyari?" Tanong niya, direkta niya itong tinititigan sa mga mata dahil nagulat siya nang ma-distract ito.Mayroon siyang naisip at nakasimangot na sinabing, "Wala ka naman inutusan para palihim akong bantayan, mayroon ba?"Hinaplos ni Nolan ang pisngi ni Maisie at sumagot, "Sinasabi sa akin nina Cherie at Hans ang mga nangyayari sa iyo sa camp. Pero, si Rowena ang nagsabi sa akin ng tungkol sa inyo ni Francisco."'Rowena?'Bumaba ang tingin ni Maisie.'Ibig sabihin ay si Wynona ang "spy" ni Rowena sa training camp?'Napagtanto na ni Maisie kung bakit sinuot ni Rowena ang singsing at hinanap siya. Balak pala ni Rowena na gumawa ng lamat sa relasyon nina Maisie at Nolan dahil sa mga nangyayari sa pagitan nila ni Francisco."Wal
Hinaplos ni Nolan ang mukha ni Maisie. Napatunayan na tama ang hinala niya dahil sa mga inamin ni Willow.Nalaman agad ng lolo niya ang relasyon ni Maisie at pamilya de Arma pagkauwi niya galing ng training camp. Ginawa nilang lahat ng tatay niya ang lahat para isikreto yun. Kahit si Stephen at ang iba pa ay walang alam tungkol doon, bukod kay Willow na nagpanggap na apo ng mga de Arma.Nang maisip yun, tiningnan siya ni Nolan at sinabing, "Simula bukas, makakasama mo na si Cherie. Pwede kang magpatulong sa kaniya sa kahit na anong bagay. Ligtas naman ang mga bata sa tatay at lolo ko. Ikaw lang ang tanging taong inaalala ko."Bumugso ang init sa puso ni Maisie. Nakikita niyang tunay na mag-aalala si Nolan para sa kaniya.Hinawakan niya ang kamau nito at nilapat ito sa kaniyang mukha. Nagulat naman si Nolan na siyang ikinatawa niya, "Basta kasama kita, hindi ako natatakot."Kinagabihan sa Royal Academy of Music…Dala ang maliit niyang backpack, lumabas si Colton sa main entr
Suminghal si Hernandez at sinabing, "Bakit hindi ko siya pwedeng hanapin? Ako ang great-grandfather niya."Umigting ang panga ni Louis at hindi nagsalita. Kahit na sinabi na ng nanay niya sa kanyang lolo na nahanap na nila ang anak ng tiyahin niya, lahat ng yun ay noong akala nila ay si Willow ang anak na yun.Pero, nalaman din nila na ang anak ng tiyahin niya ay si Maisie, pero kasal na ito kay Nolan. At saka, hindi niya alam kung paano nalaman ng lolo niya na anak ni Maisie si Colton.Kumurap si Colton at nagtanong, "Great-grandfather ko kayo?"Tiningnan siya ni Hernandez at sumagot, "Ako ang lolo ng nanay mo, kaya siyempre, ako ang great-grandfather mo."Kumunot ang noo ni Colton at sinabing, "Pero walang sinabi sa amin si mom tungkol sa inyo.""Pasensya na, ma'am. Booked na ang restaurant ngayon, hindi kayo pwedeng—""Umalis ka sa daan ko."Tinulak ni Maisie ang waiter. Nag-aalala siya kay Colton, kaya wala na siyang pakialam sa paligid niya.Nang lalapitan na siy
Ni hindi nagdalawang-isip si Maisie. "Naniniwala ko kay Nolan."Habang paalis sina Maisie at Colton, mayroon siya biglang naisip, tumalikod siya at sinabing, "Alam ko ang tungkol sa nanay ni Nolan. Hindi ko mapapatawad ang mga de Arma kung talagang ginawa niyo ang bagay na yun."Umalis si Maisie kasama ni Colton pagkatapos sabihin yun.Habang nakaupo sa kaniyang upuan, walang ekspresyon si Louis. Habang nakatingin siya sa medyo nahihiyang mukha ni Hernandez, nagsalita siya. "Lolo, kung wala na kayong kailangan sa akin, mauuna na ako.""Tinext mo ba siya?" Malamig na tanong ni Hernandez.Tumango si Louis. "Oo, hindi ko alam ang intensyon niyo sa paghahanap niyo sa bata. Lalo na at sinabi na ni mom na dapat na nating kalimutan ang nakaraan. Bakit hindi niyo pa rin binibitawan yun?"Hinampas ni Hernandez ang mesa at galit na sinabing, "Hindi dapat ibaon sa limot ang mga Goldmann. Dapat silang mamatay lahat!"Nakikita ni Louis na hindi bibitawan ni Hernandez ang galit nito sa
Pinantayan ni Maisie ang nakangiting mga mata ni Nolan at sumakay sa arte nito. “Dahil gusto ng asawa ko na dito kumain ng dinner, ganoon na ang gawin natin.”Hindi mapigilang magbigay ng reaksyon ng tatlong bata.‘Eww, nakakadiri!’Habang kumakain, mayroong kasambay sa gilid nila na naghahain ng mga pagkain.Hindi pa ulit kumakain si Nolan dito simula nang lumipat siya, kaya ito ang unang beses niyang kakain ulit dito.Tumabi ang tatlong bata sa kanilang mga magulang at ninamnam ang kanilang mga pagkain na akala mo’y isang chef galing sa isang three-Michelin restaurant ang naghanda ng diner.Nakikita ni Titus na hindi gaanong kumakain nang maayos ang mga bata sa normal na mga araw.‘Tuwang-tuwa silang nandito ang mga magulang nila.’“Ahem, total ay nandito na rin naman kayo, lumipat na lang ulit kayo dito,” Mungkahi ni Titus.Tinaas ni Nolan ang tingin at saka mahinahong sumagot, “Mahihirapan kami. Plano kasi naming magkaroon ng isa pang anak.”Nanginig ang mga kam
“Yeah, naghuhukay sa putikan ng flowerbed ang tutang iyan araw-araw, kaya palagi siyang madumi. Kaya naman, tatlo o limang beses ko siyang pinapaliguan.”“Woof!” Nilabas ni Reddy ang dila at winagwag ang buntot, tinititigan nito si Maisie na para bang gustong-gusto niya ito.Binaba ni Stephen ang kaniyang teacup at sinabing, “Inabanduna ng unang may-ari ang tuta. Nakita ko siyang naglalakad sa kalsada, nakakaawa kaya dinala ko siya pauwi.“Dinala ko na siya sa veterinary hospital para sa checkup, malusog naman siya bukod sa kaunting gastrointestinal discomfort, wala din siyang skin diseases. Hindi na siguro siya kayang alagaan ng unang may-ari.”Hinimas ni Maisie ang balahibo ng ulo nito.‘Kaya siguro gustong-gusto ito ng mga bata. Nakakaadik ang mabalahibong cutie na ‘to.’“Zee, bakit bigla kang nagpunta dito?”Nilapag ni Maisie ang aso, lumakad papunta sa couch at umupo. “Halos tapos na ang renovation ng Vaenna, kaya nagpunta ako dito para tanungin kayo. Kung gusto ni
Naiilang na ngumiti si Maisie.‘Ang simple lang mag-isip ng babaeng ‘to. Nakakatuwa tuloy siya.’Sa oras na yun, isang babaeng staff member ang natataranta na kumatok sa pinto, pumasok at nag-report, “Ms. Zora, mayroong mag-asawang gumagawa ng gulo sa labas, hinahanap ka nila!”“Hinahanap ako?” Nagulat si Masie, saka siya tumayo at lumabas para tingnan ang nangyayari, sumunod naman sa kanila si Cherie.“Papuntahin niyo dito ang in charge sa lugar na ‘to, naririnig niyo ba ako!?” Ang babae at lalaking nanggugulo sa labas ay parehong nasa 40s at 50s ang edad. Kahit na hindi sila mukhang sobrang yaman, mukha silang may pera.Lumapit si Maisie at nagtanong, “Hinahanap niyo ba akong dalawa?”Tiningnan siya ng babae at sumagot, “Mga magulang kami ni Wynona.”Pagkasabi niya nun, halatang nasurpresa ang mga ekspresyon nina Maisie at Cherie.Ngumiti si Maisie. “Kayo pala si Mr. at Mrs. Winter. Bakit hindi tayo pumasok sa loob para mag-usap?”“Hmph! Hindi na natin kailangan na
“Pangalawa, maraming ginawang paraan si Wynona para siraan ako sa training camp at sinubukan niya pa akong i-frame. Pinalampas ko na ang mga bagay na yun.”“At pangatlo, nakapagtataka nga talaga ang dahilan ng pagkamatay ni Wynona. Iniimbestigahan pa rin ng mga pulis kung suicide yun o homicide case.”“Pero kung gusto niyong ipasa lahat ng sisi sa akin, kumuha muna kayo ng abogado bago niyo ulit ako kausapin. Siyempre, baka hindi niyo makuha ang resultang gusto niyo kapag dinala niyo ‘to sa korte. Dahil walang kinalaman sa akin ang bagay na ‘to, isa akong biktima katulad ni Wynona. Kaya naman, kung pinipilit niyo sa akin ‘to, hindi ko ‘to tatanggapin nang hindi lumalaban.” Malakas na nagsalita si Maisie, malinaw siyang narinig ng lahat.‘Hindi naman siya magiging kampante kung mayroon nga talaga siyang kinalaman sa bagay na ‘to.’Halatang nagulat si Mrs. Winters at hindi alam ang sasabihin.Nahihiyang sinuyo ni Mr. Winter ang asawa niya, “Kailangan natin pag-usapan nang maayo
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging