Share

Kabanata 360

“Pangalawa, maraming ginawang paraan si Wynona para siraan ako sa training camp at sinubukan niya pa akong i-frame. Pinalampas ko na ang mga bagay na yun.”

“At pangatlo, nakapagtataka nga talaga ang dahilan ng pagkamatay ni Wynona. Iniimbestigahan pa rin ng mga pulis kung suicide yun o homicide case.”

“Pero kung gusto niyong ipasa lahat ng sisi sa akin, kumuha muna kayo ng abogado bago niyo ulit ako kausapin. Siyempre, baka hindi niyo makuha ang resultang gusto niyo kapag dinala niyo ‘to sa korte. Dahil walang kinalaman sa akin ang bagay na ‘to, isa akong biktima katulad ni Wynona. Kaya naman, kung pinipilit niyo sa akin ‘to, hindi ko ‘to tatanggapin nang hindi lumalaban.” Malakas na nagsalita si Maisie, malinaw siyang narinig ng lahat.

‘Hindi naman siya magiging kampante kung mayroon nga talaga siyang kinalaman sa bagay na ‘to.’

Halatang nagulat si Mrs. Winters at hindi alam ang sasabihin.

Nahihiyang sinuyo ni Mr. Winter ang asawa niya, “Kailangan natin pag-usapan nang maayo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status