Kahit ganoon, nalulungkot pa rin si Maisie para kay Nolan.Hinaplos niya ang likod ng palad nito, binaba ang tingin at saka sinabi, "Nolan, kahit ano man ang mangyari sa future, hindi ako aalis sa tabi mo. Maliban na lang…"'Maliban na lang?'Hindi pa niya pinag-iisipan yun.Hindi niya alam kung bakit niya ito biglang sinasabi. Siguro dahil tinanggap ni Nolan ang lahat sa kaniya? Hindi niya masabi.Noon, akala niya ay pansamantala lang si Nolan sa buhay niya, at ginagawa lang nito ang mga bagay na ginagawa niya para sa kapakanan ng tatlong bata Gayunpaman, pagkatapos niya itong makasama nang matagal, napagtanto niyang si Nolan ang may pinakamalaking ambag sa relasyon nila.Mayroong ngiting lumitaw sa mga labi ni Nolan habang napupuno naman ng pagmamahal ang kaniyang mga mata."Ang dami kong hirap na pinagdaanan para makuha ka, kaya bakit kita itutulak palayo? Hindi mo ako pwedeng iwanan. Maliban na lang siyempre kung mamatay ako."Hindi niya hahayaan na malayo sa kan
Nilapitan ni Nolan si Maisie na nakaluhod pa rin sa harapan ng puntod ng kaniyang ina. Madilim ang ekspresyon nito. Hinawakan ni Nolan ang mga balikat nito at pinagmasdan ang puntod."Huwag kayong mag-alala, Mom. Simula ngayon, aalagaan ko si Zee habang buhay hanggang sa kamatayan."Inangat ni Maisie ang ulo at gulat na tiningnan si Nolan, pero tinaas lang ni Nolan ang mga kilay bilang sagot.Tinulungan ni Nolan na makatayo si Maise, at tumalikod naman si Maisie para harapin si Stephen. "Dad, mayroon ba kayong sasabihin kay Mom?"Sandaling natulala si Stephen. Ang nakababa niyang mukha ay puno ng peklat na iniwan ng mga karanasan niya. Tiningnan niya sandali ang puntod at mapait na ngumiti. "Wala na. Sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya sa puso ko."…Nang makarating si Maisie sa studio, nakita niya si Cherie na natatarantang naglalakad-lakad sa corridor. Lumapit siya rito at nagtanong, "Anong problema?"Nang makita siya ni Cherie, mas lalo itong kinabahan at
Sa Golden Lounge…Halos walang tao sa lounge nang araw na yun, ilang customers lang ang kumakain.Sinundan ni Maisie ang waiter at nagpunta sa mesa kung saan naghihintay si Erwin sa kaniya."Tito Erwin."Mayroong hawak na bote ng limited edition Conti si Erwin at sinusuri ang production date nito. Nang makita niya si Maisie, binalik niya sa gift box ang wine."Maisie, nandito ka na."Pagkaupo ni Maisie, tiningnan niya ang wine sa tabi ni Erwin at nagtanong, "Para sa iba ba yang regalo?"Tumawa si Erwin at sumagot, "Oo. Regalo ng matagal ko ng kaibigan, kababalik niya lang galing ibang bansa. Kaaalis niya lang din."Pagkatapos nito, lumingon siya kay Maisie. "Anong nagdala sa iyo dito?"Pinatong ni Maisie ang ulo sa kaniyang mga kamay, at sumagot, "Gusto ko lang magpasalamat sa inyo."Ngumisi si Erwin. Nag-order siya ng kape sa waiter at tinabi ang wine. "Sige na, huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo."Binaba ni Maisie ang mga kam
Kinagabihan sa Blue Bay Villa…Nagluluto ng hapunan si Maisie, malalim niyang iniisip ang naging usapan nila ni Erwin kaninang hapon. Hindi nagtagal ay bumalik siya sa sarili at napagtantong hindi pa niya nakikitang bumaba si Nolan. Kaya naman, nagpunta si Maisie sa study at narinig ang boses ni Nolan nang kakatok na sana siya sa pinto.“Engine failure ang dahilan? Sigurado ka?”Dahan-dahang binawi ni Maisie ang nakataas niyang kamay.‘Anong engine failure ang sinasabi niya?’“Hindi pa nagigising si Mr. Winters?“Sige. Naiintindihan ko.“Makipagtulungan ka muna sa imbestigasyon ng mga pulis para malaman natin kung mayroong kinausap ang mag-asawa bago ang aksidente o kung mayroong anumang trace ng money transfer sa bank account nila.”Binaba ni Nolan ang tawag, lumingon at nakita niyang pumasok si Maisie sa pinto. Nang makita ang ekspresyon ni Maisie, dahan-dahan niyang binuka ang mga labi. “Zee,---”“Narinig ko lahat,” Mahinahong pinutol ni Maisie ang sinasabi niya. “Naaksiden
”Wala sila ititirang buhay.” Tiningnan siya ni Nolan.”Gusto mo bang palitawin ang nasa likod ng lahat ng ‘to?”Dahan-dahang ngumiti si Maisie. “Kampante ka ba?”Naramdaman ni Maisie ang init ng palad ni Nolan sa kaniyang baywang habang tumatawa ito. “Wala naman masamang sumubok.”Sa administration department…Ilang mga empleyado na nag-order ng takeout ang nagtipon-tipon para mag-usap sa break room. “Nabalitaan niyo ba na namatay sa car accident yung mag-asawang nanggulo dito noong nakaraan kay Mrs. Goldmann?”“Oo naman, narinig ko sa mga empleyado sa 16th floor na ang kapal ng mukha ng mag-asawa na sisihin si Mr. Goldmann sa pagkamatay ng anak nila at nanghingi pa ng kabayaran kay Mrs. Goldmann.”“Oo, nalinaw na yun noong nakaraan. Pakiramdam ko ay maling-mali ang nangyari kay Mrs. Goldmann. Ano ulit ang pangalan nung babae, Wynona, tama?”Nagkataon naman na narinig ni Rowena ang usapan sa loob nang mapadaan siya sa breakroom, at natigilan sya nang marinig ang pangalang.
Pinatong ni Maisie ang kaniyang kamay sa balikat ni Nolan. "Handa na ba si Quincy ngayon?"Tumaas ang mga kilay ni Nolan. "Ano sa tingin mo?"Nang gabing yun…Walang nagbabantay sa labas ng ICU ward ng ospital.Habang nagra-rounds ang naka-duty na nurse, mayroon siyang nakasalubong na doktor at binati niya ito.Tinanguan siya ng doktor at nagpunta sa ICU ward.Nang dumating siya sa pinto ng ward at nakitang malayo na ang nurse, binuksan niya ang pinto at pumasok. Mula sa ilaw na nanggagaling sa labas ng ward, nakita niya ang taong nakahiga sa kama. Lumapit siya rito, at nilabas ang isang bote at syringe mula sa kaniyang bulsa.Tinusok niya ang karayom sa infusion bag, at nang ituturok na niya ang laman ng syringe sa bag, biglang bumukas ang ilaw sa ward. Napalingon siya kaagad, at doon siya sinuntok ni Cherie.Sinabihan ni Quincy ang mga bodyguards na hawakan siya at alisin ang kaniuang face mask.Masama ang itsura ng lalaki habang nakatingin nang masama sa kanila. "I
Tiningnan siya ni Maisie at bumulong, "Huwag mo ako alalahanin. Hindi ako ganon kahina para hindi kayanin 'to."Mayroong mga taong hindi kayang makakita ng dugo o karahasan, at kahindik-hindik para sa mga mahihina ang loob ang ganitong eksena. Hindi siguro siya masasanay sa ganito, pero kaya niya itong tiisin.Ngumiti na lang si Nolan.Tumikhim si Quincy, at doon na tumigil ang mga lalaking naka-itim.Ang lalaking puno ng pasa ang mukha at namamaga na dahil sa bugbog ay nagawa pa rin ngumiti. "Kahit anong gawin niyong torture sa akin…Ako ang gumawa nito. Patayin niyo ako kung gusto niyo."Lumapit kay Nolan ang lalaking naka-itim at magalang na sinabi, "Mr. Goldmann, matigas ang lalaking 'to. Kahit anong bugbog namin sa kaniya, wala siyang binibigay na pangalan."Bumaling ang malamig na tingin ni Nolan sa lalaki at saka walang emosyong sinabi, "Dahil gustong-gusto mo ng sakit, yun ang gagawin natin."Dinala ni Nolan si Maisie sa couch, naupo at mrahan at kalmadong kinuha a
Tumawa si Maisie. "Halatang nag-dilate ang mga mata mo nang tinanong kita kanina. Pinapatunayan lang nun na kinabahan ka sa tanong. Lalo na nang magdalawang-isip ka sa sagot mo.""Sinabi ko na sa yong, wala!"Biglag nairita ng lalaki at tila gusto nang sunggaban si Maisie gamit ang buo niyang lakas. Mabuti na lang ay hinawakan siya ng dalawang lalaking naka-itim.Nagulat si Maisie, pero kaagad siyang kumalma, dahan-dahan siyang tumayo at walang ekspresyon na pinagmasdan ang lalaki. "Kahit na hindi ko alam kung alin sa dalawang dahilan ang mayroon ka, pag-isipan mong mabuti kung mayroon kang maitataya para mapanatili silang ligtas. Nakita mo naman siguro ang sinapit ng mga Winters. Ikaw ang dahilan ng insidente na yun, alam mo na siguro kung alin ang magandang desisyon."Hindi gumalaw ang lalaki habang nakahiga sa sahig, malayo ang tanaw ng kaniyang blangkong mga mata. Walang nakakaalam kung nawalan na siya ng lakas para lumaban o nawalan na siya ng pag-asa.Lumapit si Nolan k