Sa Golden Lounge…Halos walang tao sa lounge nang araw na yun, ilang customers lang ang kumakain.Sinundan ni Maisie ang waiter at nagpunta sa mesa kung saan naghihintay si Erwin sa kaniya."Tito Erwin."Mayroong hawak na bote ng limited edition Conti si Erwin at sinusuri ang production date nito. Nang makita niya si Maisie, binalik niya sa gift box ang wine."Maisie, nandito ka na."Pagkaupo ni Maisie, tiningnan niya ang wine sa tabi ni Erwin at nagtanong, "Para sa iba ba yang regalo?"Tumawa si Erwin at sumagot, "Oo. Regalo ng matagal ko ng kaibigan, kababalik niya lang galing ibang bansa. Kaaalis niya lang din."Pagkatapos nito, lumingon siya kay Maisie. "Anong nagdala sa iyo dito?"Pinatong ni Maisie ang ulo sa kaniyang mga kamay, at sumagot, "Gusto ko lang magpasalamat sa inyo."Ngumisi si Erwin. Nag-order siya ng kape sa waiter at tinabi ang wine. "Sige na, huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo."Binaba ni Maisie ang mga kam
Kinagabihan sa Blue Bay Villa…Nagluluto ng hapunan si Maisie, malalim niyang iniisip ang naging usapan nila ni Erwin kaninang hapon. Hindi nagtagal ay bumalik siya sa sarili at napagtantong hindi pa niya nakikitang bumaba si Nolan. Kaya naman, nagpunta si Maisie sa study at narinig ang boses ni Nolan nang kakatok na sana siya sa pinto.“Engine failure ang dahilan? Sigurado ka?”Dahan-dahang binawi ni Maisie ang nakataas niyang kamay.‘Anong engine failure ang sinasabi niya?’“Hindi pa nagigising si Mr. Winters?“Sige. Naiintindihan ko.“Makipagtulungan ka muna sa imbestigasyon ng mga pulis para malaman natin kung mayroong kinausap ang mag-asawa bago ang aksidente o kung mayroong anumang trace ng money transfer sa bank account nila.”Binaba ni Nolan ang tawag, lumingon at nakita niyang pumasok si Maisie sa pinto. Nang makita ang ekspresyon ni Maisie, dahan-dahan niyang binuka ang mga labi. “Zee,---”“Narinig ko lahat,” Mahinahong pinutol ni Maisie ang sinasabi niya. “Naaksiden
”Wala sila ititirang buhay.” Tiningnan siya ni Nolan.”Gusto mo bang palitawin ang nasa likod ng lahat ng ‘to?”Dahan-dahang ngumiti si Maisie. “Kampante ka ba?”Naramdaman ni Maisie ang init ng palad ni Nolan sa kaniyang baywang habang tumatawa ito. “Wala naman masamang sumubok.”Sa administration department…Ilang mga empleyado na nag-order ng takeout ang nagtipon-tipon para mag-usap sa break room. “Nabalitaan niyo ba na namatay sa car accident yung mag-asawang nanggulo dito noong nakaraan kay Mrs. Goldmann?”“Oo naman, narinig ko sa mga empleyado sa 16th floor na ang kapal ng mukha ng mag-asawa na sisihin si Mr. Goldmann sa pagkamatay ng anak nila at nanghingi pa ng kabayaran kay Mrs. Goldmann.”“Oo, nalinaw na yun noong nakaraan. Pakiramdam ko ay maling-mali ang nangyari kay Mrs. Goldmann. Ano ulit ang pangalan nung babae, Wynona, tama?”Nagkataon naman na narinig ni Rowena ang usapan sa loob nang mapadaan siya sa breakroom, at natigilan sya nang marinig ang pangalang.
Pinatong ni Maisie ang kaniyang kamay sa balikat ni Nolan. "Handa na ba si Quincy ngayon?"Tumaas ang mga kilay ni Nolan. "Ano sa tingin mo?"Nang gabing yun…Walang nagbabantay sa labas ng ICU ward ng ospital.Habang nagra-rounds ang naka-duty na nurse, mayroon siyang nakasalubong na doktor at binati niya ito.Tinanguan siya ng doktor at nagpunta sa ICU ward.Nang dumating siya sa pinto ng ward at nakitang malayo na ang nurse, binuksan niya ang pinto at pumasok. Mula sa ilaw na nanggagaling sa labas ng ward, nakita niya ang taong nakahiga sa kama. Lumapit siya rito, at nilabas ang isang bote at syringe mula sa kaniyang bulsa.Tinusok niya ang karayom sa infusion bag, at nang ituturok na niya ang laman ng syringe sa bag, biglang bumukas ang ilaw sa ward. Napalingon siya kaagad, at doon siya sinuntok ni Cherie.Sinabihan ni Quincy ang mga bodyguards na hawakan siya at alisin ang kaniuang face mask.Masama ang itsura ng lalaki habang nakatingin nang masama sa kanila. "I
Tiningnan siya ni Maisie at bumulong, "Huwag mo ako alalahanin. Hindi ako ganon kahina para hindi kayanin 'to."Mayroong mga taong hindi kayang makakita ng dugo o karahasan, at kahindik-hindik para sa mga mahihina ang loob ang ganitong eksena. Hindi siguro siya masasanay sa ganito, pero kaya niya itong tiisin.Ngumiti na lang si Nolan.Tumikhim si Quincy, at doon na tumigil ang mga lalaking naka-itim.Ang lalaking puno ng pasa ang mukha at namamaga na dahil sa bugbog ay nagawa pa rin ngumiti. "Kahit anong gawin niyong torture sa akin…Ako ang gumawa nito. Patayin niyo ako kung gusto niyo."Lumapit kay Nolan ang lalaking naka-itim at magalang na sinabi, "Mr. Goldmann, matigas ang lalaking 'to. Kahit anong bugbog namin sa kaniya, wala siyang binibigay na pangalan."Bumaling ang malamig na tingin ni Nolan sa lalaki at saka walang emosyong sinabi, "Dahil gustong-gusto mo ng sakit, yun ang gagawin natin."Dinala ni Nolan si Maisie sa couch, naupo at mrahan at kalmadong kinuha a
Tumawa si Maisie. "Halatang nag-dilate ang mga mata mo nang tinanong kita kanina. Pinapatunayan lang nun na kinabahan ka sa tanong. Lalo na nang magdalawang-isip ka sa sagot mo.""Sinabi ko na sa yong, wala!"Biglag nairita ng lalaki at tila gusto nang sunggaban si Maisie gamit ang buo niyang lakas. Mabuti na lang ay hinawakan siya ng dalawang lalaking naka-itim.Nagulat si Maisie, pero kaagad siyang kumalma, dahan-dahan siyang tumayo at walang ekspresyon na pinagmasdan ang lalaki. "Kahit na hindi ko alam kung alin sa dalawang dahilan ang mayroon ka, pag-isipan mong mabuti kung mayroon kang maitataya para mapanatili silang ligtas. Nakita mo naman siguro ang sinapit ng mga Winters. Ikaw ang dahilan ng insidente na yun, alam mo na siguro kung alin ang magandang desisyon."Hindi gumalaw ang lalaki habang nakahiga sa sahig, malayo ang tanaw ng kaniyang blangkong mga mata. Walang nakakaalam kung nawalan na siya ng lakas para lumaban o nawalan na siya ng pag-asa.Lumapit si Nolan k
May napagtanto si Rowena, at may bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon. "Maisie, huwag mo akong i-frame nang walang ebidensya!""Hindi kita pine-frame." Sinalubong siya ni Maisie ng matamis na ngiti. "Paano mo naisip na pini-frame kita, kilala ka daw ng lalaking iyon, kaya tinanong ko lang.”Gustong pumasok ni Maisie ngunit nagkunwaring may iniisip, pagkatapos ay sinabing, “Nga pala, naaalala mo ba ang lalaking may mga taghiyawat sa mukha?”Imposbile ‘yun—"Biglang nanginig si Rowena at namutla ang kanyang mukha.Pumasok si Maisie sa opisina, at sinugod siya ni Rowena. "Kailangan mong maintindihan-“Nang makita ni Rowena si Nolan na nakaupo sa opisina, bigla siyang naliwanagan. “Nolan, ako’y—”"Mukhang talagang nagtatrabaho siya para sa iyo."Namutla si Rowena sa kanyang narinig. Napagtanto niya na ang lahat ng iyon ay isang bitag na naghihintay para mahulog siya. Alam niya na nahulog siya sa kanilang bitag.Paano niya hinayaan na makuha siya ng mga ito! Nagdial siya ng number sa k
“Rowena, kilala mo ako, pero ginawa mo pa rin. Gusto mo pa rin ang tiwala ko?"Hindi makapagsalita si Rowena.Hindi siya binigyan ni Nolan ng pagkakataong magpaliwanag. "Maaari kitang paalisin dahil sa pag-uudyok sa amin ni Zee, ngunit kapag ginawa mo iyon kay Lolo at niloko mo kami, sa palagay ko ay hindi mo na kailangan magpaliwanag." Namutla si Rowena at nangamba. Hinawakan niya ang kanyang mga kamao at nagtanong, "Bakit hindi mo ako tinawag sa harap ni Lolo?"Napangisi si Nolan. “Wala bang tiwala sa iyo si Lolo? Gusto kong malaman ang dahilan mo.Nawalan ng lakas si Rowena.Nilingon siya ni Maisie. "Kasali ka rin ba sa kaso ni Wynona?"Galit na tinitigan ni Rowena si Maisie, "Paano nauugnay sa akin ang kaso ni Wynona?"Mahinahong sinabi ni Maisie, “Hindi mo ba alam ang agawan namin ni Wynona sa kampo? Kung mamatay ako, si Wynona ang magiging pinakamalaking suspek dahil sa magulo naming relasyon. “Gayunpaman, naging madali para sa akin na sabihin kay Wynona ang kanyang ginawa. Ngu