Nilapitan ni Nolan si Maisie na nakaluhod pa rin sa harapan ng puntod ng kaniyang ina. Madilim ang ekspresyon nito. Hinawakan ni Nolan ang mga balikat nito at pinagmasdan ang puntod."Huwag kayong mag-alala, Mom. Simula ngayon, aalagaan ko si Zee habang buhay hanggang sa kamatayan."Inangat ni Maisie ang ulo at gulat na tiningnan si Nolan, pero tinaas lang ni Nolan ang mga kilay bilang sagot.Tinulungan ni Nolan na makatayo si Maise, at tumalikod naman si Maisie para harapin si Stephen. "Dad, mayroon ba kayong sasabihin kay Mom?"Sandaling natulala si Stephen. Ang nakababa niyang mukha ay puno ng peklat na iniwan ng mga karanasan niya. Tiningnan niya sandali ang puntod at mapait na ngumiti. "Wala na. Sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya sa puso ko."…Nang makarating si Maisie sa studio, nakita niya si Cherie na natatarantang naglalakad-lakad sa corridor. Lumapit siya rito at nagtanong, "Anong problema?"Nang makita siya ni Cherie, mas lalo itong kinabahan at
Sa Golden Lounge…Halos walang tao sa lounge nang araw na yun, ilang customers lang ang kumakain.Sinundan ni Maisie ang waiter at nagpunta sa mesa kung saan naghihintay si Erwin sa kaniya."Tito Erwin."Mayroong hawak na bote ng limited edition Conti si Erwin at sinusuri ang production date nito. Nang makita niya si Maisie, binalik niya sa gift box ang wine."Maisie, nandito ka na."Pagkaupo ni Maisie, tiningnan niya ang wine sa tabi ni Erwin at nagtanong, "Para sa iba ba yang regalo?"Tumawa si Erwin at sumagot, "Oo. Regalo ng matagal ko ng kaibigan, kababalik niya lang galing ibang bansa. Kaaalis niya lang din."Pagkatapos nito, lumingon siya kay Maisie. "Anong nagdala sa iyo dito?"Pinatong ni Maisie ang ulo sa kaniyang mga kamay, at sumagot, "Gusto ko lang magpasalamat sa inyo."Ngumisi si Erwin. Nag-order siya ng kape sa waiter at tinabi ang wine. "Sige na, huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo."Binaba ni Maisie ang mga kam
Kinagabihan sa Blue Bay Villa…Nagluluto ng hapunan si Maisie, malalim niyang iniisip ang naging usapan nila ni Erwin kaninang hapon. Hindi nagtagal ay bumalik siya sa sarili at napagtantong hindi pa niya nakikitang bumaba si Nolan. Kaya naman, nagpunta si Maisie sa study at narinig ang boses ni Nolan nang kakatok na sana siya sa pinto.“Engine failure ang dahilan? Sigurado ka?”Dahan-dahang binawi ni Maisie ang nakataas niyang kamay.‘Anong engine failure ang sinasabi niya?’“Hindi pa nagigising si Mr. Winters?“Sige. Naiintindihan ko.“Makipagtulungan ka muna sa imbestigasyon ng mga pulis para malaman natin kung mayroong kinausap ang mag-asawa bago ang aksidente o kung mayroong anumang trace ng money transfer sa bank account nila.”Binaba ni Nolan ang tawag, lumingon at nakita niyang pumasok si Maisie sa pinto. Nang makita ang ekspresyon ni Maisie, dahan-dahan niyang binuka ang mga labi. “Zee,---”“Narinig ko lahat,” Mahinahong pinutol ni Maisie ang sinasabi niya. “Naaksiden
”Wala sila ititirang buhay.” Tiningnan siya ni Nolan.”Gusto mo bang palitawin ang nasa likod ng lahat ng ‘to?”Dahan-dahang ngumiti si Maisie. “Kampante ka ba?”Naramdaman ni Maisie ang init ng palad ni Nolan sa kaniyang baywang habang tumatawa ito. “Wala naman masamang sumubok.”Sa administration department…Ilang mga empleyado na nag-order ng takeout ang nagtipon-tipon para mag-usap sa break room. “Nabalitaan niyo ba na namatay sa car accident yung mag-asawang nanggulo dito noong nakaraan kay Mrs. Goldmann?”“Oo naman, narinig ko sa mga empleyado sa 16th floor na ang kapal ng mukha ng mag-asawa na sisihin si Mr. Goldmann sa pagkamatay ng anak nila at nanghingi pa ng kabayaran kay Mrs. Goldmann.”“Oo, nalinaw na yun noong nakaraan. Pakiramdam ko ay maling-mali ang nangyari kay Mrs. Goldmann. Ano ulit ang pangalan nung babae, Wynona, tama?”Nagkataon naman na narinig ni Rowena ang usapan sa loob nang mapadaan siya sa breakroom, at natigilan sya nang marinig ang pangalang.
Pinatong ni Maisie ang kaniyang kamay sa balikat ni Nolan. "Handa na ba si Quincy ngayon?"Tumaas ang mga kilay ni Nolan. "Ano sa tingin mo?"Nang gabing yun…Walang nagbabantay sa labas ng ICU ward ng ospital.Habang nagra-rounds ang naka-duty na nurse, mayroon siyang nakasalubong na doktor at binati niya ito.Tinanguan siya ng doktor at nagpunta sa ICU ward.Nang dumating siya sa pinto ng ward at nakitang malayo na ang nurse, binuksan niya ang pinto at pumasok. Mula sa ilaw na nanggagaling sa labas ng ward, nakita niya ang taong nakahiga sa kama. Lumapit siya rito, at nilabas ang isang bote at syringe mula sa kaniyang bulsa.Tinusok niya ang karayom sa infusion bag, at nang ituturok na niya ang laman ng syringe sa bag, biglang bumukas ang ilaw sa ward. Napalingon siya kaagad, at doon siya sinuntok ni Cherie.Sinabihan ni Quincy ang mga bodyguards na hawakan siya at alisin ang kaniuang face mask.Masama ang itsura ng lalaki habang nakatingin nang masama sa kanila. "I
Tiningnan siya ni Maisie at bumulong, "Huwag mo ako alalahanin. Hindi ako ganon kahina para hindi kayanin 'to."Mayroong mga taong hindi kayang makakita ng dugo o karahasan, at kahindik-hindik para sa mga mahihina ang loob ang ganitong eksena. Hindi siguro siya masasanay sa ganito, pero kaya niya itong tiisin.Ngumiti na lang si Nolan.Tumikhim si Quincy, at doon na tumigil ang mga lalaking naka-itim.Ang lalaking puno ng pasa ang mukha at namamaga na dahil sa bugbog ay nagawa pa rin ngumiti. "Kahit anong gawin niyong torture sa akin…Ako ang gumawa nito. Patayin niyo ako kung gusto niyo."Lumapit kay Nolan ang lalaking naka-itim at magalang na sinabi, "Mr. Goldmann, matigas ang lalaking 'to. Kahit anong bugbog namin sa kaniya, wala siyang binibigay na pangalan."Bumaling ang malamig na tingin ni Nolan sa lalaki at saka walang emosyong sinabi, "Dahil gustong-gusto mo ng sakit, yun ang gagawin natin."Dinala ni Nolan si Maisie sa couch, naupo at mrahan at kalmadong kinuha a
Tumawa si Maisie. "Halatang nag-dilate ang mga mata mo nang tinanong kita kanina. Pinapatunayan lang nun na kinabahan ka sa tanong. Lalo na nang magdalawang-isip ka sa sagot mo.""Sinabi ko na sa yong, wala!"Biglag nairita ng lalaki at tila gusto nang sunggaban si Maisie gamit ang buo niyang lakas. Mabuti na lang ay hinawakan siya ng dalawang lalaking naka-itim.Nagulat si Maisie, pero kaagad siyang kumalma, dahan-dahan siyang tumayo at walang ekspresyon na pinagmasdan ang lalaki. "Kahit na hindi ko alam kung alin sa dalawang dahilan ang mayroon ka, pag-isipan mong mabuti kung mayroon kang maitataya para mapanatili silang ligtas. Nakita mo naman siguro ang sinapit ng mga Winters. Ikaw ang dahilan ng insidente na yun, alam mo na siguro kung alin ang magandang desisyon."Hindi gumalaw ang lalaki habang nakahiga sa sahig, malayo ang tanaw ng kaniyang blangkong mga mata. Walang nakakaalam kung nawalan na siya ng lakas para lumaban o nawalan na siya ng pag-asa.Lumapit si Nolan k
May napagtanto si Rowena, at may bahagyang pagbabago sa kanyang ekspresyon. "Maisie, huwag mo akong i-frame nang walang ebidensya!""Hindi kita pine-frame." Sinalubong siya ni Maisie ng matamis na ngiti. "Paano mo naisip na pini-frame kita, kilala ka daw ng lalaking iyon, kaya tinanong ko lang.”Gustong pumasok ni Maisie ngunit nagkunwaring may iniisip, pagkatapos ay sinabing, “Nga pala, naaalala mo ba ang lalaking may mga taghiyawat sa mukha?”Imposbile ‘yun—"Biglang nanginig si Rowena at namutla ang kanyang mukha.Pumasok si Maisie sa opisina, at sinugod siya ni Rowena. "Kailangan mong maintindihan-“Nang makita ni Rowena si Nolan na nakaupo sa opisina, bigla siyang naliwanagan. “Nolan, ako’y—”"Mukhang talagang nagtatrabaho siya para sa iyo."Namutla si Rowena sa kanyang narinig. Napagtanto niya na ang lahat ng iyon ay isang bitag na naghihintay para mahulog siya. Alam niya na nahulog siya sa kanilang bitag.Paano niya hinayaan na makuha siya ng mga ito! Nagdial siya ng number sa k
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging