"May parating, bitawan mo muna ako, ngayon lang—"'Nagmakaawa' si Maisie sa kaniya, kabigha-bighani ang maganda niyang mukha at mga mata.Natunaw ang puso ni Nolan. Bakit nagsisimula ng apoy ang babaeng 'to at saka nagmamakaawa sa kaniyang tumigil? Huminga siya nang malalim at niyakap si Maisie. "Huwag kang gumalaw, yayakapin kita."Hindi gumalaw si Maisie dahil alam niyang pinipigilan ni Nolan ang sarili. Kapag gumalaw siya, baka mawala ito sa sarili."Tapos ka na ba?"Tahimik lang ang paligid."Nolan, pwede ba akong magsabi ng joke? Pangako na kakalma ka."Narinig niya ang 'OK' sa likuran niya na mayroong bahid ng pagtataka."Mayroong isang cube ng asukal na naglalakad papunta sa North Pole, nang makarating na siya doon, nilamig siya nang sobra at naging frozen, doon siya naging rock sugar."Hindi nakaimik si Nolan.Sabik na nagpatuloy ang babae. "Mayroon pa akong isa. May repolyong binabalatan habang naglalakad at pagkatapos ng ilang hakbang, naglaho na siya!"
Ngayon, wala na dito ang anak nila. Gusto nilang makapagtrabaho ito sa makapangyarihang mga tao para magkaroon ng trabahong malaki ang sweldo. Pero ngayon, mga pangarap na lang ang natira sa kanila."Ngumiti si Maisie. "Magkano ang gusto niyo bilang kabayaran?""At least $800,00."Halos mawalan na ng pasensya si Cherie nang makitang sinasamantala ni Mrs. Winters ang sitwasyon. $800,000? Para sa kaniya ay sobra-sobra na ang $800!Ngumiti si Maisie. "Plano niyo bang bumalik pa at manghingi pa ng dagdag kapag tapos niyo ng gastusin yan?"Natigilan si Mrs. Winters, para bang nakita ni Maisie ang plano niya. Pagalit niyang sinabi, "Anong sinasabi mo? Ibibigay mo ba o hindi?""Cherie, anong legal terms para dito?" Hindi sumagot si Maisie bagkus ay tinanong ang taong katabi niya.Agad na sumagot si Cherie. 'Extortion. Tatlong taon ang minimum sentence, pero sa halagang $800,000, mga 15 years."Halata ang takot sa mukha ng mag-asawa."Paano 'to naging extortion? Sinisiraan mo
Tiningnan ni Maisie si Cherie. "Kung mayroon talagang nanunulsol sa kanila, hindi sila maglalakas loob na lumabas sa linya nila."Kung walang nanunulsol sa kanila, hindi nila malalaman ang tungkol sa alitan nina Wynona at Maisie sa camp, at hindi rin nila maiisip na siya ang dahilan ng pagkamatay ni Wynona. Kaya naman, siguradong malapit kay Wynona ang taong sumusuporta sa kanila.Sa Blackgold…Mayroong kausap si Nolan sa telepono sa kaniyang office desk. Pinagmasdan niya ang file na hawak niya, nagdilim ang kaniyang mga mata."Bantayan mo sila. At saka, imbestigahan mo ang mga magulang ni Wynona. Tingnan mo kung sino ang mga nakausap nila nitong nakaraan."Mayroong sinabi ang tao sa kanilang linya at saka binaba ni Nolan ang tawag.Kasabay nito, nakatanggap siya ng text sa kaniyang phone.[Mr. Goldmann, naayos na ni Maisie!]Medyo nabawasan ang dilim sa kaniyang mga mata matapos mabasa ang text ni Maisie. Naayos na ng asawa niya ang isyu sa matandang mag-asawa, at oras
Isang pilyong ngiti ang binigay ni Nolan dahilan para hindi makapagsalita si Maisie.Pagkatapos nilang kumain, pumunta si Maisie sa kwarto at doon niya nakita si Nolan sa tabi ng bintana na nakaupo sa upuan at naka de kwatro, mayroon itong hawak na dokumento."Ano yung gusto mong ipakita sa akin?" Nilapitan siya ni Maisie at naupo sa tabi niya.Inabot ni Nolan sa kaniya ang dokumento at sumagot, "Ang gusto mong malaman."Nabigla si Maisie. Kinuha niya ang dokumento at binasa ito…Photocopied ang mga litrato sa dokumento. Kahit na itim ang kulay nito, malinaw niya itong nakikita. Pagkatapos, isang litrato galing sa security footage ng isang reflexology center ang kumuha ng atensyon niya.Ang babaeng mayroong makapal ng makeup ay walang iba kung hindi si Willow, at mayroon siyang kausap na tatlong tao sa litrato."Si Willow… 'to?""Oo. Mayroon akong pinapunta sa Underground Freeway para kunin ang security footage. Sila ang kumuha kay Willow," Mahinahong sagot ni Nolan.
Sa sobrang pagod ni Maisie ay hindi niya na alam kung kailan o kung paano siya dinala ni Nolan sa washroom para mag-shower.Nang ibalik siya ni Nolan sa kama at kinumutan, nag-vibrate ang phone ni Nolan na nasa desk.Sinagot ni Nolan ang tawag at tumalim ang kaniyang tingin.[Hans: Naaksidente ang mga Winters. Namatay on the spot si Mrs. Winters dahil sa serious injuries habang si Mr. Winters naman ay dinala sa ICU. Sinusubukan ng mga doktor ang lahat para iligtas siya.][Nolan: Magpadala ka ng mga tao na magbabantay sa labas ng perimeter ng ospital kung sakaling mayroong mga taong gustong tumapos sa kaniya. At saka, huwag mo muna sabihin kay Cherie ang tungkol dito.]Binaba ni Nolan ang tawag at pinagmasdan si Maisie na mahimbing na ang tulog.Ayaw niyang isipin nito na siya ang nagdala ng kapahamakan sa mga Winters.Pagkatapos isuot ang kaniyang damit, tahimik siyang umalis sa kwarto.Sa ospital…"Mr. Goldmann, narito kayo." Mabilis na nilapitan ni Hans si Nolan nan
Kahit ganoon, nalulungkot pa rin si Maisie para kay Nolan.Hinaplos niya ang likod ng palad nito, binaba ang tingin at saka sinabi, "Nolan, kahit ano man ang mangyari sa future, hindi ako aalis sa tabi mo. Maliban na lang…"'Maliban na lang?'Hindi pa niya pinag-iisipan yun.Hindi niya alam kung bakit niya ito biglang sinasabi. Siguro dahil tinanggap ni Nolan ang lahat sa kaniya? Hindi niya masabi.Noon, akala niya ay pansamantala lang si Nolan sa buhay niya, at ginagawa lang nito ang mga bagay na ginagawa niya para sa kapakanan ng tatlong bata Gayunpaman, pagkatapos niya itong makasama nang matagal, napagtanto niyang si Nolan ang may pinakamalaking ambag sa relasyon nila.Mayroong ngiting lumitaw sa mga labi ni Nolan habang napupuno naman ng pagmamahal ang kaniyang mga mata."Ang dami kong hirap na pinagdaanan para makuha ka, kaya bakit kita itutulak palayo? Hindi mo ako pwedeng iwanan. Maliban na lang siyempre kung mamatay ako."Hindi niya hahayaan na malayo sa kan
Nilapitan ni Nolan si Maisie na nakaluhod pa rin sa harapan ng puntod ng kaniyang ina. Madilim ang ekspresyon nito. Hinawakan ni Nolan ang mga balikat nito at pinagmasdan ang puntod."Huwag kayong mag-alala, Mom. Simula ngayon, aalagaan ko si Zee habang buhay hanggang sa kamatayan."Inangat ni Maisie ang ulo at gulat na tiningnan si Nolan, pero tinaas lang ni Nolan ang mga kilay bilang sagot.Tinulungan ni Nolan na makatayo si Maise, at tumalikod naman si Maisie para harapin si Stephen. "Dad, mayroon ba kayong sasabihin kay Mom?"Sandaling natulala si Stephen. Ang nakababa niyang mukha ay puno ng peklat na iniwan ng mga karanasan niya. Tiningnan niya sandali ang puntod at mapait na ngumiti. "Wala na. Sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya sa puso ko."…Nang makarating si Maisie sa studio, nakita niya si Cherie na natatarantang naglalakad-lakad sa corridor. Lumapit siya rito at nagtanong, "Anong problema?"Nang makita siya ni Cherie, mas lalo itong kinabahan at
Sa Golden Lounge…Halos walang tao sa lounge nang araw na yun, ilang customers lang ang kumakain.Sinundan ni Maisie ang waiter at nagpunta sa mesa kung saan naghihintay si Erwin sa kaniya."Tito Erwin."Mayroong hawak na bote ng limited edition Conti si Erwin at sinusuri ang production date nito. Nang makita niya si Maisie, binalik niya sa gift box ang wine."Maisie, nandito ka na."Pagkaupo ni Maisie, tiningnan niya ang wine sa tabi ni Erwin at nagtanong, "Para sa iba ba yang regalo?"Tumawa si Erwin at sumagot, "Oo. Regalo ng matagal ko ng kaibigan, kababalik niya lang galing ibang bansa. Kaaalis niya lang din."Pagkatapos nito, lumingon siya kay Maisie. "Anong nagdala sa iyo dito?"Pinatong ni Maisie ang ulo sa kaniyang mga kamay, at sumagot, "Gusto ko lang magpasalamat sa inyo."Ngumisi si Erwin. Nag-order siya ng kape sa waiter at tinabi ang wine. "Sige na, huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo."Binaba ni Maisie ang mga kam