Isang pilyong ngiti ang binigay ni Nolan dahilan para hindi makapagsalita si Maisie.Pagkatapos nilang kumain, pumunta si Maisie sa kwarto at doon niya nakita si Nolan sa tabi ng bintana na nakaupo sa upuan at naka de kwatro, mayroon itong hawak na dokumento."Ano yung gusto mong ipakita sa akin?" Nilapitan siya ni Maisie at naupo sa tabi niya.Inabot ni Nolan sa kaniya ang dokumento at sumagot, "Ang gusto mong malaman."Nabigla si Maisie. Kinuha niya ang dokumento at binasa ito…Photocopied ang mga litrato sa dokumento. Kahit na itim ang kulay nito, malinaw niya itong nakikita. Pagkatapos, isang litrato galing sa security footage ng isang reflexology center ang kumuha ng atensyon niya.Ang babaeng mayroong makapal ng makeup ay walang iba kung hindi si Willow, at mayroon siyang kausap na tatlong tao sa litrato."Si Willow… 'to?""Oo. Mayroon akong pinapunta sa Underground Freeway para kunin ang security footage. Sila ang kumuha kay Willow," Mahinahong sagot ni Nolan.
Sa sobrang pagod ni Maisie ay hindi niya na alam kung kailan o kung paano siya dinala ni Nolan sa washroom para mag-shower.Nang ibalik siya ni Nolan sa kama at kinumutan, nag-vibrate ang phone ni Nolan na nasa desk.Sinagot ni Nolan ang tawag at tumalim ang kaniyang tingin.[Hans: Naaksidente ang mga Winters. Namatay on the spot si Mrs. Winters dahil sa serious injuries habang si Mr. Winters naman ay dinala sa ICU. Sinusubukan ng mga doktor ang lahat para iligtas siya.][Nolan: Magpadala ka ng mga tao na magbabantay sa labas ng perimeter ng ospital kung sakaling mayroong mga taong gustong tumapos sa kaniya. At saka, huwag mo muna sabihin kay Cherie ang tungkol dito.]Binaba ni Nolan ang tawag at pinagmasdan si Maisie na mahimbing na ang tulog.Ayaw niyang isipin nito na siya ang nagdala ng kapahamakan sa mga Winters.Pagkatapos isuot ang kaniyang damit, tahimik siyang umalis sa kwarto.Sa ospital…"Mr. Goldmann, narito kayo." Mabilis na nilapitan ni Hans si Nolan nan
Kahit ganoon, nalulungkot pa rin si Maisie para kay Nolan.Hinaplos niya ang likod ng palad nito, binaba ang tingin at saka sinabi, "Nolan, kahit ano man ang mangyari sa future, hindi ako aalis sa tabi mo. Maliban na lang…"'Maliban na lang?'Hindi pa niya pinag-iisipan yun.Hindi niya alam kung bakit niya ito biglang sinasabi. Siguro dahil tinanggap ni Nolan ang lahat sa kaniya? Hindi niya masabi.Noon, akala niya ay pansamantala lang si Nolan sa buhay niya, at ginagawa lang nito ang mga bagay na ginagawa niya para sa kapakanan ng tatlong bata Gayunpaman, pagkatapos niya itong makasama nang matagal, napagtanto niyang si Nolan ang may pinakamalaking ambag sa relasyon nila.Mayroong ngiting lumitaw sa mga labi ni Nolan habang napupuno naman ng pagmamahal ang kaniyang mga mata."Ang dami kong hirap na pinagdaanan para makuha ka, kaya bakit kita itutulak palayo? Hindi mo ako pwedeng iwanan. Maliban na lang siyempre kung mamatay ako."Hindi niya hahayaan na malayo sa kan
Nilapitan ni Nolan si Maisie na nakaluhod pa rin sa harapan ng puntod ng kaniyang ina. Madilim ang ekspresyon nito. Hinawakan ni Nolan ang mga balikat nito at pinagmasdan ang puntod."Huwag kayong mag-alala, Mom. Simula ngayon, aalagaan ko si Zee habang buhay hanggang sa kamatayan."Inangat ni Maisie ang ulo at gulat na tiningnan si Nolan, pero tinaas lang ni Nolan ang mga kilay bilang sagot.Tinulungan ni Nolan na makatayo si Maise, at tumalikod naman si Maisie para harapin si Stephen. "Dad, mayroon ba kayong sasabihin kay Mom?"Sandaling natulala si Stephen. Ang nakababa niyang mukha ay puno ng peklat na iniwan ng mga karanasan niya. Tiningnan niya sandali ang puntod at mapait na ngumiti. "Wala na. Sinabi ko na lahat ng gusto kong sabihin sa kaniya sa puso ko."…Nang makarating si Maisie sa studio, nakita niya si Cherie na natatarantang naglalakad-lakad sa corridor. Lumapit siya rito at nagtanong, "Anong problema?"Nang makita siya ni Cherie, mas lalo itong kinabahan at
Sa Golden Lounge…Halos walang tao sa lounge nang araw na yun, ilang customers lang ang kumakain.Sinundan ni Maisie ang waiter at nagpunta sa mesa kung saan naghihintay si Erwin sa kaniya."Tito Erwin."Mayroong hawak na bote ng limited edition Conti si Erwin at sinusuri ang production date nito. Nang makita niya si Maisie, binalik niya sa gift box ang wine."Maisie, nandito ka na."Pagkaupo ni Maisie, tiningnan niya ang wine sa tabi ni Erwin at nagtanong, "Para sa iba ba yang regalo?"Tumawa si Erwin at sumagot, "Oo. Regalo ng matagal ko ng kaibigan, kababalik niya lang galing ibang bansa. Kaaalis niya lang din."Pagkatapos nito, lumingon siya kay Maisie. "Anong nagdala sa iyo dito?"Pinatong ni Maisie ang ulo sa kaniyang mga kamay, at sumagot, "Gusto ko lang magpasalamat sa inyo."Ngumisi si Erwin. Nag-order siya ng kape sa waiter at tinabi ang wine. "Sige na, huwag ka ng magpaligoy-ligoy pa. Sabihin mo sa akin kung anong gusto mo."Binaba ni Maisie ang mga kam
Kinagabihan sa Blue Bay Villa…Nagluluto ng hapunan si Maisie, malalim niyang iniisip ang naging usapan nila ni Erwin kaninang hapon. Hindi nagtagal ay bumalik siya sa sarili at napagtantong hindi pa niya nakikitang bumaba si Nolan. Kaya naman, nagpunta si Maisie sa study at narinig ang boses ni Nolan nang kakatok na sana siya sa pinto.“Engine failure ang dahilan? Sigurado ka?”Dahan-dahang binawi ni Maisie ang nakataas niyang kamay.‘Anong engine failure ang sinasabi niya?’“Hindi pa nagigising si Mr. Winters?“Sige. Naiintindihan ko.“Makipagtulungan ka muna sa imbestigasyon ng mga pulis para malaman natin kung mayroong kinausap ang mag-asawa bago ang aksidente o kung mayroong anumang trace ng money transfer sa bank account nila.”Binaba ni Nolan ang tawag, lumingon at nakita niyang pumasok si Maisie sa pinto. Nang makita ang ekspresyon ni Maisie, dahan-dahan niyang binuka ang mga labi. “Zee,---”“Narinig ko lahat,” Mahinahong pinutol ni Maisie ang sinasabi niya. “Naaksiden
”Wala sila ititirang buhay.” Tiningnan siya ni Nolan.”Gusto mo bang palitawin ang nasa likod ng lahat ng ‘to?”Dahan-dahang ngumiti si Maisie. “Kampante ka ba?”Naramdaman ni Maisie ang init ng palad ni Nolan sa kaniyang baywang habang tumatawa ito. “Wala naman masamang sumubok.”Sa administration department…Ilang mga empleyado na nag-order ng takeout ang nagtipon-tipon para mag-usap sa break room. “Nabalitaan niyo ba na namatay sa car accident yung mag-asawang nanggulo dito noong nakaraan kay Mrs. Goldmann?”“Oo naman, narinig ko sa mga empleyado sa 16th floor na ang kapal ng mukha ng mag-asawa na sisihin si Mr. Goldmann sa pagkamatay ng anak nila at nanghingi pa ng kabayaran kay Mrs. Goldmann.”“Oo, nalinaw na yun noong nakaraan. Pakiramdam ko ay maling-mali ang nangyari kay Mrs. Goldmann. Ano ulit ang pangalan nung babae, Wynona, tama?”Nagkataon naman na narinig ni Rowena ang usapan sa loob nang mapadaan siya sa breakroom, at natigilan sya nang marinig ang pangalang.
Pinatong ni Maisie ang kaniyang kamay sa balikat ni Nolan. "Handa na ba si Quincy ngayon?"Tumaas ang mga kilay ni Nolan. "Ano sa tingin mo?"Nang gabing yun…Walang nagbabantay sa labas ng ICU ward ng ospital.Habang nagra-rounds ang naka-duty na nurse, mayroon siyang nakasalubong na doktor at binati niya ito.Tinanguan siya ng doktor at nagpunta sa ICU ward.Nang dumating siya sa pinto ng ward at nakitang malayo na ang nurse, binuksan niya ang pinto at pumasok. Mula sa ilaw na nanggagaling sa labas ng ward, nakita niya ang taong nakahiga sa kama. Lumapit siya rito, at nilabas ang isang bote at syringe mula sa kaniyang bulsa.Tinusok niya ang karayom sa infusion bag, at nang ituturok na niya ang laman ng syringe sa bag, biglang bumukas ang ilaw sa ward. Napalingon siya kaagad, at doon siya sinuntok ni Cherie.Sinabihan ni Quincy ang mga bodyguards na hawakan siya at alisin ang kaniuang face mask.Masama ang itsura ng lalaki habang nakatingin nang masama sa kanila. "I