Share

Kabanata 357

Pinantayan ni Maisie ang nakangiting mga mata ni Nolan at sumakay sa arte nito. “Dahil gusto ng asawa ko na dito kumain ng dinner, ganoon na ang gawin natin.”

Hindi mapigilang magbigay ng reaksyon ng tatlong bata.

‘Eww, nakakadiri!’

Habang kumakain, mayroong kasambay sa gilid nila na naghahain ng mga pagkain.

Hindi pa ulit kumakain si Nolan dito simula nang lumipat siya, kaya ito ang unang beses niyang kakain ulit dito.

Tumabi ang tatlong bata sa kanilang mga magulang at ninamnam ang kanilang mga pagkain na akala mo’y isang chef galing sa isang three-Michelin restaurant ang naghanda ng diner.

Nakikita ni Titus na hindi gaanong kumakain nang maayos ang mga bata sa normal na mga araw.

‘Tuwang-tuwa silang nandito ang mga magulang nila.’

“Ahem, total ay nandito na rin naman kayo, lumipat na lang ulit kayo dito,” Mungkahi ni Titus.

Tinaas ni Nolan ang tingin at saka mahinahong sumagot, “Mahihirapan kami. Plano kasi naming magkaroon ng isa pang anak.”

Nanginig ang mga kam
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status