Naiilang na ngumiti si Maisie.‘Ang simple lang mag-isip ng babaeng ‘to. Nakakatuwa tuloy siya.’Sa oras na yun, isang babaeng staff member ang natataranta na kumatok sa pinto, pumasok at nag-report, “Ms. Zora, mayroong mag-asawang gumagawa ng gulo sa labas, hinahanap ka nila!”“Hinahanap ako?” Nagulat si Masie, saka siya tumayo at lumabas para tingnan ang nangyayari, sumunod naman sa kanila si Cherie.“Papuntahin niyo dito ang in charge sa lugar na ‘to, naririnig niyo ba ako!?” Ang babae at lalaking nanggugulo sa labas ay parehong nasa 40s at 50s ang edad. Kahit na hindi sila mukhang sobrang yaman, mukha silang may pera.Lumapit si Maisie at nagtanong, “Hinahanap niyo ba akong dalawa?”Tiningnan siya ng babae at sumagot, “Mga magulang kami ni Wynona.”Pagkasabi niya nun, halatang nasurpresa ang mga ekspresyon nina Maisie at Cherie.Ngumiti si Maisie. “Kayo pala si Mr. at Mrs. Winter. Bakit hindi tayo pumasok sa loob para mag-usap?”“Hmph! Hindi na natin kailangan na
“Pangalawa, maraming ginawang paraan si Wynona para siraan ako sa training camp at sinubukan niya pa akong i-frame. Pinalampas ko na ang mga bagay na yun.”“At pangatlo, nakapagtataka nga talaga ang dahilan ng pagkamatay ni Wynona. Iniimbestigahan pa rin ng mga pulis kung suicide yun o homicide case.”“Pero kung gusto niyong ipasa lahat ng sisi sa akin, kumuha muna kayo ng abogado bago niyo ulit ako kausapin. Siyempre, baka hindi niyo makuha ang resultang gusto niyo kapag dinala niyo ‘to sa korte. Dahil walang kinalaman sa akin ang bagay na ‘to, isa akong biktima katulad ni Wynona. Kaya naman, kung pinipilit niyo sa akin ‘to, hindi ko ‘to tatanggapin nang hindi lumalaban.” Malakas na nagsalita si Maisie, malinaw siyang narinig ng lahat.‘Hindi naman siya magiging kampante kung mayroon nga talaga siyang kinalaman sa bagay na ‘to.’Halatang nagulat si Mrs. Winters at hindi alam ang sasabihin.Nahihiyang sinuyo ni Mr. Winter ang asawa niya, “Kailangan natin pag-usapan nang maayo
"Bakit hindi niyo ako bayaran para sa emotional damage, saka ko kayo babayaran ng sa inyo?""Ikaw—*Natigilan si Mrs. Winters. Bakit ang hirap pasunurin ng taong 'to?"Walang taong pinanganak ng may dalang pera. Pinaghirapan ng lahat ang pera nila. Sa tingin niyo ba ay makakakuha kayo ng pera sa akin gamit ang pagkamatay ng anak niyo?"Nagdilim ang mukha ni Maisie, at halatang nawalan na siya ng respeto. "Kung gusto mo ng problema, sige, hindi ako natatakot, pero hindi ko responsibilidad ang mga mangyayari. Ngayong pineperahan niyo ako, kapag nanatili pa din akong tahimik, iisipin ng mga tao na pwede nila akong tapak-tapakan. Hindi ako tanga."Lumingon siya kay Cherie at sinabing, "Samahan mo sila palabas."Tumango si Cherie. "Sure."Lumapit si Cherie sa dalawa at sinabing, "Pasensya na, umalis na kayo kung tapos na kayong gumawa ng eksena para hindi na kayo mapahiya."Inaalala niya ang dignidad ng dalawang 'to kapag napahiya pa sila.Hindi masaya ang mag-asawang Wint
Maraming mga netizens ang nagpunta sa Twitter para kwestyunin si Maisie tungkol dito, pero para sa kanila ay sinusubukan lang ng mag-asawa na makasakay sa kasikatan ni Maisie. Hindi pa humuhupa ang hype sa pagiging rehistrado nina Maisie at Nolan, kaya siguro lumabas ang mag-asawa at pinagbintangan si Maisie sa pagkamatay ng anak nila."Sa tingin mo ba ay naging dahilan talaga si Ms. Vanderbilt ng pagkamatay ng isang tao?""Hindi dapat tayo magsalita ng tapos. Hindi mo ba napansin na ilang araw lang ay mapapatunayan na hindi totoo ang anumang balita kay Ms. Vanderbilt?""Paano kung totoo na ngayon?"Ilang babaeng empleyado ang nagdi-diskusyon nang dumating si Maisie. Nabalitaan nilang sinampal ni Ms. Vanderbilt si Ms. Summers dahil 'nagpakalat siya ng tsismis' at hinayaan lang ni Mr. Goldmann na gawin yun ni Ms. Vanderbilt. Dahil doon, wala ng may lakas ng loob na magkamaling gawin yun.Nakasunod si Cherie kay Maisie at narinig diskusyon. "Huwag kang mag-alala, Maisie. Si Mr.
"May parating, bitawan mo muna ako, ngayon lang—"'Nagmakaawa' si Maisie sa kaniya, kabigha-bighani ang maganda niyang mukha at mga mata.Natunaw ang puso ni Nolan. Bakit nagsisimula ng apoy ang babaeng 'to at saka nagmamakaawa sa kaniyang tumigil? Huminga siya nang malalim at niyakap si Maisie. "Huwag kang gumalaw, yayakapin kita."Hindi gumalaw si Maisie dahil alam niyang pinipigilan ni Nolan ang sarili. Kapag gumalaw siya, baka mawala ito sa sarili."Tapos ka na ba?"Tahimik lang ang paligid."Nolan, pwede ba akong magsabi ng joke? Pangako na kakalma ka."Narinig niya ang 'OK' sa likuran niya na mayroong bahid ng pagtataka."Mayroong isang cube ng asukal na naglalakad papunta sa North Pole, nang makarating na siya doon, nilamig siya nang sobra at naging frozen, doon siya naging rock sugar."Hindi nakaimik si Nolan.Sabik na nagpatuloy ang babae. "Mayroon pa akong isa. May repolyong binabalatan habang naglalakad at pagkatapos ng ilang hakbang, naglaho na siya!"
Ngayon, wala na dito ang anak nila. Gusto nilang makapagtrabaho ito sa makapangyarihang mga tao para magkaroon ng trabahong malaki ang sweldo. Pero ngayon, mga pangarap na lang ang natira sa kanila."Ngumiti si Maisie. "Magkano ang gusto niyo bilang kabayaran?""At least $800,00."Halos mawalan na ng pasensya si Cherie nang makitang sinasamantala ni Mrs. Winters ang sitwasyon. $800,000? Para sa kaniya ay sobra-sobra na ang $800!Ngumiti si Maisie. "Plano niyo bang bumalik pa at manghingi pa ng dagdag kapag tapos niyo ng gastusin yan?"Natigilan si Mrs. Winters, para bang nakita ni Maisie ang plano niya. Pagalit niyang sinabi, "Anong sinasabi mo? Ibibigay mo ba o hindi?""Cherie, anong legal terms para dito?" Hindi sumagot si Maisie bagkus ay tinanong ang taong katabi niya.Agad na sumagot si Cherie. 'Extortion. Tatlong taon ang minimum sentence, pero sa halagang $800,000, mga 15 years."Halata ang takot sa mukha ng mag-asawa."Paano 'to naging extortion? Sinisiraan mo
Tiningnan ni Maisie si Cherie. "Kung mayroon talagang nanunulsol sa kanila, hindi sila maglalakas loob na lumabas sa linya nila."Kung walang nanunulsol sa kanila, hindi nila malalaman ang tungkol sa alitan nina Wynona at Maisie sa camp, at hindi rin nila maiisip na siya ang dahilan ng pagkamatay ni Wynona. Kaya naman, siguradong malapit kay Wynona ang taong sumusuporta sa kanila.Sa Blackgold…Mayroong kausap si Nolan sa telepono sa kaniyang office desk. Pinagmasdan niya ang file na hawak niya, nagdilim ang kaniyang mga mata."Bantayan mo sila. At saka, imbestigahan mo ang mga magulang ni Wynona. Tingnan mo kung sino ang mga nakausap nila nitong nakaraan."Mayroong sinabi ang tao sa kanilang linya at saka binaba ni Nolan ang tawag.Kasabay nito, nakatanggap siya ng text sa kaniyang phone.[Mr. Goldmann, naayos na ni Maisie!]Medyo nabawasan ang dilim sa kaniyang mga mata matapos mabasa ang text ni Maisie. Naayos na ng asawa niya ang isyu sa matandang mag-asawa, at oras
Isang pilyong ngiti ang binigay ni Nolan dahilan para hindi makapagsalita si Maisie.Pagkatapos nilang kumain, pumunta si Maisie sa kwarto at doon niya nakita si Nolan sa tabi ng bintana na nakaupo sa upuan at naka de kwatro, mayroon itong hawak na dokumento."Ano yung gusto mong ipakita sa akin?" Nilapitan siya ni Maisie at naupo sa tabi niya.Inabot ni Nolan sa kaniya ang dokumento at sumagot, "Ang gusto mong malaman."Nabigla si Maisie. Kinuha niya ang dokumento at binasa ito…Photocopied ang mga litrato sa dokumento. Kahit na itim ang kulay nito, malinaw niya itong nakikita. Pagkatapos, isang litrato galing sa security footage ng isang reflexology center ang kumuha ng atensyon niya.Ang babaeng mayroong makapal ng makeup ay walang iba kung hindi si Willow, at mayroon siyang kausap na tatlong tao sa litrato."Si Willow… 'to?""Oo. Mayroon akong pinapunta sa Underground Freeway para kunin ang security footage. Sila ang kumuha kay Willow," Mahinahong sagot ni Nolan.