Share

Kabanata 355

Suminghal si Hernandez at sinabing, "Bakit hindi ko siya pwedeng hanapin? Ako ang great-grandfather niya."

Umigting ang panga ni Louis at hindi nagsalita. Kahit na sinabi na ng nanay niya sa kanyang lolo na nahanap na nila ang anak ng tiyahin niya, lahat ng yun ay noong akala nila ay si Willow ang anak na yun.

Pero, nalaman din nila na ang anak ng tiyahin niya ay si Maisie, pero kasal na ito kay Nolan. At saka, hindi niya alam kung paano nalaman ng lolo niya na anak ni Maisie si Colton.

Kumurap si Colton at nagtanong, "Great-grandfather ko kayo?"

Tiningnan siya ni Hernandez at sumagot, "Ako ang lolo ng nanay mo, kaya siyempre, ako ang great-grandfather mo."

Kumunot ang noo ni Colton at sinabing, "Pero walang sinabi sa amin si mom tungkol sa inyo."

"Pasensya na, ma'am. Booked na ang restaurant ngayon, hindi kayo pwedeng—"

"Umalis ka sa daan ko."

Tinulak ni Maisie ang waiter. Nag-aalala siya kay Colton, kaya wala na siyang pakialam sa paligid niya.

Nang lalapitan na siy
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Beth Serrano
thanks author sa update ...
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status