"Nasaan ang lolo ko?""Nasa higaan ngayon si Elder Master Goldmann para umidlip," sagot ni Mr. Cheshire."Eh si Maisie? Hindi ba't pinatawag siya ni lolo?"Nang makitang balisa si Nolan sa nangyayari, napangisi si Mr. Cheshire. "Pinatawag nga ni Elder Master Goldmann si Ms. Vanderbilt dito, pero huwag ka mag alala, hindi siya pinahirapan. Sa halip, umatras na ang lolo mo at pumayag na sa kasal ninyo."Makikita ang gulat sa mga mata ni Nolan. Bigla siyang may naisip at seryosong itinanong, "May sinabi ba siyang kondisyon?"'Kung iisipin ang pag-uugali ni lolo, paniguradong pumayag lang siya sa kasal namin matapos may magawang mga kapalit.'Tumango si Mr. Cheshire. "Pumayag lang si Elder Master Goldmann nang makitang desido si Ms. Vanderbilt para sa posisyon sa Goldmann. Natatakot siyang baka gamitin ng de Arma si Ms. Vanderbilt para kalabanin ka."Nangako si Ms. Vanderbilt na hindi niya hahayaang magawa iyon ng de Arma, kaya sinabihan siya ni Elder Master Goldmann na manga
Harap-harapang inamin ni Willow ang lahat ng ginawa niya, at makikita ang pangungutya sa mga mata nito. "Sabagay, ano pa bang magagawa mo ngayong alam mo na? Maisie, dahil hindi naman na maganda ang takbo ng buhay ko, paano ka nagkaroon ng mas magandang buhay kaysa sa akin?"'Ayaw ko nito! Bakit hindi na lang ako ang totoong anak ni Stephen Vanderbilt, at bakit hindi ko kapareho ng swerte at background si Maisie!?'"Kaya naman, sisiguraduhin kong mabubura ka na sa mundong 'to habambuhay. Wala ng kukuha ng para sa akin o kakalaban sa akin kapag nawala ka na!"'Kahit ano pa man, nasa kulungan na ang nanay ko, at nawala na sa akin ang lahat. Wala nga akong bahay ngayon, ano pang ikinatatakot ko?'Nang makita niya ang baliw at wala sa katinuan si Willow, hindi naawa si Maisie sa kaniya. Sa halips, iniisip niyang kalunos-lunos ito. "Willow Vanderbilt, hindi mo talaga naisip yung mga ginawa mo, huh?"Hindi ba't ikaw ang nagdala sa sarili mo sa ganito?" tinanong siya ulit ni Maisie.
Tiningnan ni Maisie si Willow at ngumiti. "Kung kailangan mo ng pera bakit 'di ka sa akin lumapit? Pera lang naman yan."Nagdalawang-isip ang mga lalaki. Nag-iba ang ekspresyon ni Willow. "Huwag kayo maniwala sa kaniya!""Willow, bakit nagsisimula ka pa ng away eh nasa gulo ka na nga?" Lumapit si Maisie sa tainga niya at nanunuya. "Pag tapos na ako sayo, wala na silang paraan para makuha ang pera na nasa 'yo."Sa oras na yon, natulak ang dalawang guard sa loob. Ilang bodyguards na naka-itim ang pumasok na may mga armas, at nang subukang tumakbo ng dalawang lalaki, pinadapa sila sa sahig at hinawakan.Dahan-dahang pumasok si Nolan sa pinto na parang anghel na nagmula sa langit. Napatigil ang buong paligid sa ipinakita niyang aura. Humupa lang ang lamig na dala niya nang makitang si Maisie ang may hawak sa mga hostage. "Nolan, tulungan mo ako! Galit na si Maisie, gusto niya ako patayin!" Nang makita ni Willow si Nolan nagsimula na siyang sumigaw. Hindi siya tiningnan o p
Sa loob ng sasakyan…Nilabas ni Nolan ang medical kit para gamutin ang sugat ni Maisie sa mukha. Kahit na maliit na sugat lang 'yon, baka mag-iwan ng peklat pag hindi nagamot agad.Hindi nagsalita o tumingin si Maisie kay Nolan."Sa tingin mo ba ang sama ko? Natakot ka ba?" Napakunot ng noo si Nolan. Alam niyang baka natakot si Maisie, pero hindi niya kayang makontrol ang sarili niya. Sobra ang galit niya at gusto na niyang patayin si Willow.Tumingin sa kaniya si Maisie at ginalaw ang kaniyang labi. "Okay lang."Malamig ang mata ni Nolan nang buksan niya ang kaniyang labi. "Anong okay lang?"Niyakap ni Maisie si Nolan, at nilapat niya ang mukha sa dibdib nito. Napatulala si Nolan dahil sa ginawa niya."Zee, ikaw—"Bumaba ang tingin ni Maisie, nagtago sa mga yakap nito at ngumiti. "Nolan, alam kong hindi mo ako sasaktan, kaya hindi ako matatakot sayo. Salamat kasi niligtas mo ako."Dahang-dahang nawala ang lamig sa mata ni Nolan. Tinaas niya ang kaniyang kamay, hiwaka
Hindi napigilang ngumiti ni Maisie nang marinig ang pangakong sinabi ng lalaking nasa likuran niya. "Ikaw ang nagsabi nun."Nang sumunod na araw…Pumunta si Rowena sa opisina at nadaanan ang mga empleyado na nagkukwentuhan sa front desk."Sobrang sweet nila Mr. Goldmann at Ms. Vanderbilt simula nung nag-register sila. Dati nililihim pa nila yun, pero ngayon hindi na nila tinatago.""Wala na silang dapat itago dahil kasal na sila ngayon.""Talagang inaalagaan siya ni Mr. Goldmann. Masaya akong sinuportahan ko silang dalawa!"Huminto si Rowena sa paglalakad habang nag-iinit ang kaniyang ulo.Nawalan na si Rowena ng contact kay Willow nung nakaraang araw kaya sa tingin niya ay pumalpak na ito. Buti na lang hindi niya ginamit ang sarili niyang phone para tumawag kay Willow. Kahit na imbestigahan yun ni Nolan, hindi niya malalaman na si Rowena yun.Bumukas ang pinto ng elevator, at nakita niya na lumabas si Maisie, nakahawak sa kamay ni Nolan. Talagang hindi na sila nagtatago
Gumalaw ang pilikmata ni Maisie at sinabing, "Nolan, anong ginagawa mo?""Hindi ba kanina ang saya mo at tinawag mo pa akong honey? Bakit nagbago na ngayon, hmm?" Hindi siya masaya.Nauutal na sagot ni Maisie, "Binu-bwisit ko lang siya kasi pinagnanasaan niya ang asawa ko."Pinagnanasaan, ang asawa niya?Sobrang saya ni Nolan sa sagot niya.Hinawakan niya ang bewang ni Maisie, lumapit siya, at ngumiti. "Anong klaseng excitement ba ang sinasabi mo?"Nanginginig si Maisie at binaba ang kamay niya. "Nolan, huwag ka gumawa ng kahit ano dito. Hindi ganitong excitement ang ibig kong sabihin!" Itong nakakatakot na lalaking 'to, hindi ba siya kinakabahan na baka maapektuhan ang kalusugan niya kung lagi niya itong iniisip? Ngumiti si Nolan pero wala siyang sinabi."Ang sabi mo ay sasamahan mo ako buong araw, kaya dapat pumayag ka sa kahit anong gusto kong gawin, tama ba?" Nakasimangot si Maisie. Tumaas ang kilay ni Nolan. "Sabihin mo sa akin anong nasa isip mo." Parang ma
Tinaas ni Rowena ang tingin niya at sinabing, "Alam naman ni Ms. Vanderbilt na may meeting sa hapon si Nolan pero pinilit pa rin niya na umalis sila. Hindi na siya nakikinig kahit anong subok ko."Iniisip ni Nolan na mali lahat ng ginagawa ko. Kapag nagpatuloy ito, baka umalis na sa kumpanya si Nolan."Tumalim ang mga mata ni Rowena nang huminto sa pagpa-polish si Titus.Nagpakita ng pahiwatig ang mga mata ni Rowena na nanlamig nang makitang napatigil sa pagpapakintab ng koleksyon si Titus.Sa simula pa lang, hindi na gusto ni Titus si Maisie, at ang sinabi pa ni Rowena ay talagang nagpapakita na si Maisie ang dahilan kaya pinapabayaan ni Nolan ang negosyo. Paano magiging parte ng Goldmann ang tusong babaeng tulad niya?Hindi niya inaasahan na hindi nagpakita ng kahit anong galit si Titus. Inabot niya ang china kay Mr. Cheshire at sinabing, "Rowena, kailangan mong intindihin na ang CEO ng Blackgold ay si Nolan. Bakit pa niya kailangan si Quincy bilang assistant niya kung ka
Nanginig sa takot ang female staff nang makita niya si Maisie pagkatapos niyang magsalita.“Ms… Ms. Vanderbilt…”"Anong pinag-uusapan niyo?" Tanong ni Maisie, malawak ang ngiti.Nilunok ng dalawang babae ang mga salita sa dulo ng mga dila nila habang mababakas ang hiya sa kanilang mga mukha."Ayos lang. Hindi ako magagalit sa inyo. Gusto ko lang malaman kung sino ang nagsabi sa inyo niyan," Marahang sabi ni Maisie.Pagkatapos mapagtanto na hindi galit si Maisie sa kanila, isa sa mga female staff members ang nauutal na nagsalita, "Narinig… namin galing sa administrative office sa taas. Sabi… sabi nila, hindi niyo raw pinayagan na dumalo si Mr. Goldmann sa meeting kahapon."Naningkit ang mga mata ni Maisie bago niya ulitin ang sinabi ng babae, "Galing sa mga tao ng administrative office?"Tumango ang female staff member. Mayroon siya biglang naalala at saka kinakabahang sinabi, "Parang may sinabi sa kanila si Ms. Summers, at saka…"Naintindihan agad ni Maisie ang nangyayar
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging