“Ouch, sinasaktan mo ako, Nolan. Hindi mo ba kayang maging gentle!?”“I’m sorry. Mag-iingat na ako.”Nagdilim ang mukha ni Rowena.‘Ang kapal… ang kapal ng mukha nila na gawin ang ganiyang bagay sa opisina? Maisie, isa ka talagang malanding babae!’Dala ng kaniyang galit, tinulak niya pabukas ang pinto at natulala siya. Nakaupo si Maisie sa couch habang naka-squat naman si Nolan sa harapan nito at minamasahe ang kaniyang paa.Lumingon si Nolan para tingnan nang malamig si Rowena at sinabing, “Hindi ka ba marunong kumatok?”Nagbago ang ekspresyon ni Rowena, at nauutal siyang sumagot, “I’m sorry. Akala… akala ko ay mayroong nangyayari dito.”Namula ang mukha ni Maisie sa hiya.‘Salamat at hindi siya nagtagal ngayon. Kung hindi, baka naghukay na ako at nilibing ang sarili ko.’“Kahit na mayroong nangyari dito, anong kinalaman nun sa iyo?” Tanong ni Nolan, malamig ang boses niya. “Kung wala ng iba pa, lumabas ka na.”Hindi inakala ni Rowena na itataboy na na naman siya
Kumunot ang noo ni Nolan. Alam niyang darating ngayon ang Elder Master Goldmann. Iyon ang dahilan kung bakit sinabihan niya ang receptionist na sabihin kay Titus na wala siya sa opisina. Hindi niya inaasahang didiretso ito sa kaniyang opisina.Binuksan ni Titus ang pinto ng opisina. Nang makita niya si Nolan, kaagad siyang nagalit. “Hmph! Ano na ngayon? Puputulin mo na ba ang ugnayan mo sa lolo mo?”Binaba ni Nolan ang mga binti mula sa mesa, nilapag ang kaniyang phone at bahagyang sumandal sa kaniyang upuan. Walang ekspresyon ang kaniyang mukha habang sinasabi, “Alam niyong hindi ko yun gagawin.”“Hindi mo yun gagawin?” Madilim ang mukha ni Titus, “Ayaw mong umuwi dahil sa babaeng yun, at ngayon sinasabi mo sa akin na hindi mo yun gagawin?”Malamig na suminghal si Nolan. “Kung tama ang pagkakaalala ko, kayo ang nagpalayas sa akin sa bahay. Dahil ayaw niyo naman akong makita, ano pang dahilan para bumalik ako?”“Nolan, ginayuma ka siguro ng babaeng yun. Nakita mo ba ang ginaw
Tensyunado pa rin ang hangin sa loob ng opisina kahit umalis na si Elder Master Goldmann. Naglabas si Nolan ng isang pakete ng sigarilyo sa kaniyang drawer. Matagal na simula nang huli siyang nanigarilyo, pero hindi niya alam kung bakit gusto niya ulit itong gawin ngayon. Sinindihan niya ang isa.Tumayo siya at lumapit sa floor-to-ceiling window. Hinithit niya ang hawak na sigarilyo.Hindi na kailangang sabihin ang matindi niyang poot sa mga taong pumatay sa nanay niya. Pero, kung hindi dahil sa great-grandfather niya, hindi sana madadamay ang nanay niya.Kahit na ang pamilya de Arma ang salarin, alam niyang walang kaugnayan si Maisie sa kanila.Hinayaan niya ang sarili na malunod sa sarili niyang mga alaala habang patuloy na nagbabaga ang sigarilyo sa gitna ng kaniyang mga daliri. Pinitik niya ang abo sa ashtray at naalala niyang dapat niyang ilihim ang bagay na ito kay Maisie.…Naghihilamos ng malamig na tubig si Rowena sa loob ng restroom.Walang nakakaalam sa nangyari
Nabalitaan kong isang malandi ang nanay ng dalawang bata, isang malandi na nagkaroon ng anak sa pagkadalaga, at gustong makasama ni Mr. Goldmann ang ganiyang klase ng babae?##Ginamit niya ang mga anak niya para makalapit sa best actor para sumikat siya. Blaargh, umalis ka sa Zlokova! Hindi ka karapat-dapat kay Mr. Boucher at Mr. Goldmann!#Kaagad na nagdilim ang mukha ni Maisie nang mabasa ang masasamang komento sa mga anak niya sa comment section.Napansin ni Kennedy na mayroong mali at sinabing, “Zee, galing siguro sa mga bayarang keyboard warriors ang mga masasamang comments na yun. Tingnan mo ‘to. Lahat ay galing sa mga anonymous accounts.”“Kaya mo bang i-track ang IP address ng mga taong ‘to?” Mababa ang tono ng boses ni Maisie.Tumango si Kennedy. “Susubukan ko ang lahat.”Pagkatapos lumabas ni Kennedy, hindi mapigilan ni Maisie na mapakuyom ang mga kamao sa ilalim ng kaniyang desk.‘Hahanapin ko ang nasa likod nito!’Samantala, sa isang internet cafe…Ilang d
'Siguradong masakit yun, tama?'Nagulat si Maisie at hindi niya napigilan na mairita ang loob ng kaniyang ilong. Tumayo siya at nilunok ang kaniyang sama ng loob. "Hindi ako masaktan. Gusto ko lang kayong maging okay.""Mga baliw ang mga taong 'to. Nagpanggap talaga silang mga fans ni Mr. Helios at nagawa 'to sa mga bata." Alam ni Angela na hindi talaga mga fans ni Helios ang mga taong yun. Kahit na kilalang mga masasakit magsalita ang mga fans ni Helios, hindi sila kailanman nagbigay ng problema sa idolo nila.'Saan nakahanap ng lakas ng loob ang mga taong 'to na magpanggap at manggulo dito!?'Nginitian siya ni Maisie. "Salamat sa pag-aalaga sa kanila. Ako na ang bahala dito."Tumango si Angela.Sa Blue Bay Villa…Dahil siguro sa bagong paligid, tuwang-tuwa sina Waylon at Daisie na para bang walang epekto ang nangyari sa kanila kanina."Wow, nakikita ang dagat mula dito!"Ang beach villa na tinitirhan nila noon ay hindi naman malapit sa dagat. Kaya nang makita ni Mai
Tiningnan ni Nolan si Maisie at saka sumagot, "Totoo yun, pero ako dapat ang sisihin. Kung alam ko lang na nabuntis siya, hindi ko siya hahayaang umalis."Nagulat si Maisie.'Plano ba ni Nolan na akuin ang buong responsibilidad sa nangyari six years ago? Hindi niya nga alam kung sino ako nun…'Iba na ang tinanong ng babaeng reporter. "Kung ganoon, magkarelasyon ba kayo dati?"Hinawakan ni Nolan ang kamay ni Maisie at ngumiti. "Hindi kami nagkaroon ng oras para pumasok sa relasyon pero unang kita ko pa lang kay Maisie ay napaibig na ako. Nag-iisa lang siya para sa akin."‘Ba-dump, ba-dump!’ Napakabilis ng tibok ng puso ni Maisie.Nagtanong ulit ang babaeng reporter, "Kung ganoon, sinasabi niyo bang bunga ng pagmamahalan niyo ang dalawang bata?"Tumango si Nolan, "Oo, pero nagkakamali ka. Hindi lang sila dalawa, tatlong bata ang isinilang ni Zee para sa akin."Ngumiti ang babaeng reporter. "Bakit hindi niyo agad ito pinaalam sa publiko?"Mahinahong sumagot si Nolan, "
Nagbago ang ekspresyon ni Tyler."Ako ang nanay ng dalawang batang hinaras ng mga miyembro ng hater group mo. Nahanap na din kita." Tumaas ang mga kilay ni Maisie.Gustong tumalikod ni Tyler at tumakbo, pero hinawakan agad ni Maisie ang braso niya. Kaunting lakas lang ang binigay ni Maisie, pero umiyak na sa sakit si Tyler. "Masakit, masakit, ahh…."Nanigas sa kinatatayuan niya ang isa pang binata. Hindi siya naglakas ng loob na gumalaw nang makita ang sitwasyon ni Tyler."M… mali ako, Miss. Ako lang ang may-ari ng group. Sila ang kumuha ng mga tao. Wala akong kinalaman dun." Namamanhid na si Tyler sa sakit ng kaniyang braso.Malamig at matalim ang ekspresyon ng mga mata ni Maisie. "Ikaw ang leader ng group, at dapat mong akuin ang responsibilidad. Naiintindihan mo ba?"Hindi makapagsalita si Tyler dahil sa sakit."Ngayon sabihin mo sa akin, sino ang nagbayad sa inyo? Pakakawalan kita basta sabihin mo sa akin.""H… hindi ko talaga alam, pero pwede akong magtanong kasi
Nasira ang lahat dahil kay Maisie. Hindi sana ako dumaan sa napakaraming mahirap na sitwasyon kung hindi siya bumalik sa Zlokova!'Madilim ang ekspresyon ni Maisie, para bang mayroong hamog sa harapan ng kaniyang mukha. "Huwag mong ipasa lahat ng sisi sa akin. Paano ka mapupunta sa impyerno kung wala kang ginawa? Kung may lakas ng loob kang manakit ng kapwa mo, magkaroon ka rin sana ng lakas ng loob na akuin ang responsibilidad ng ginawa mo."Willow, hayaan mong balaan kita. Kung hindi mo pahahalagahan ang mga bagay na nagpaparamdam sa iyong tao ka pa. Kaya kong palalain ang sitwasyon mo ngayon."Tinulak siya ni Maisie.Magulo ang buhok ni Willow. Nakakahiya ang itsura niya ngayon. Nakayukom ang mga kamao niya habang pinanlilisikan ng mga mata si Maisie. "Sa tingin mo ba talaga ay mabubuhay ka nang mapayapa sa oras na matuto ako? Hindi lang ako ang may gustong pahirapan ka!"Naningkit ang mga mata ni Maisie at tinikom ang mga labi, wala siyang sinabi.Tumawa si Willow. "May
Natigilan si Zephir at tinaas niya ang kaniyang tingin. “Bakit mo ako tinatanong ng ganito?” Kinamot ni Ursule ang pisngi niya. “Matagal ka ng nandito sa homestay, at naging pamilyar ka na sa mga taong nagtatrabaho dito. Kung aalis ka lang agad, sa tingin ko lahat naman sila ay malulungkot sa pag-alis mo.”Biglang ngumiti si Zephir. “Babalik pa rin ako dito paminsan-minsan para bisitahin kayo.” “Ah… talaga ba?” Nahihiyang tumawa si Ursule.Tumitig si Zephir sa pusa. “Sa akin muna si Kisses ngayong gabi.”Tumango si Ursule. “Okay, sa tingin ko iiwan muna kita mag-isa para makapagpahinga ka na.” Tumalikod si Ursule, umalis siya, at mabilis na naglakad pababa sa hagdan. Pero bigla niyang nakasalubong si Yale at nagulat siya. “Mr. Quigg?” Nang makita na hindi kasama ni Ursule si Kisses, alam na agad ni Yale ano ang ginawa niya at hindi niya napigilan na tumawa. “Bakit ka kinakabahan? Siguro ayaw mo lang siyang umalis, tama ba?” “Hindi ah!” “Okay, little girl, sa tingin mo
Mas maraming tao na ang pumunta sa bakod. Ilan sa kanila ang tumawag ng mga pulisMabilis na lumapit si Ursule kay Zephir. Nag-CPR si Zephir sa lalaki, at dahan-dahan siyang bumalik sa kaniyang kamalayan matapos ibuga ang tubig na nainom niya.Napa-buntong hininga si Ursule.Samantala, dumating na rin ang pulis xa senaryo. Matapos nilang tanungin ang mga tao sa paligid anong nangyari, lumapit sila kay Zephir at sinabi, “Hi, sir, pwede ba kayo sumama sa amin sa police station? Kailangan lang namin makuha ang statement niyo.” Tumango si Zephir. Sa police station…Hinihintay ni Ursule si Zephir sa corridor. Nang lumabas na si Zephir matapos sabihin ang statement niya, lumapit si Ursule sa kaniya. “Ayos ka lang ba? Tara na at para makapagpalit ka ng damit mo.” “Okay,” sagot ni Zephir. Nang bumalik na sila sa homestay, sinabi ni Ursule kay Yale na may lalaking sinubukang magpakamatay sa pamamagitan ng pagtalon sa ilog at sinagip iyon ni Zephir. Matapos makinig sa istorya, nagt
Hindi naman sa ayaw niyang hawakan ang anak niya. Sadyang hindi pumapayag ang dad niya pati si Waylon na kargahin ang mga baby niya. Natatakot ang dad niya na baka aksidente niyang masaktan ang mga baby.Tumawa si Freyja. “Well, naiintindihan ko naman ang dad mo. Pero kahit na ganon, hindi mo dapat masyadong kinakarga ang mga baby mo sa first three months nila. Maliban sa pagbibigay sa kanila ng milk o kung gusto nila ng yakap, hayaan mo lang silang matulog sa mga crib nila.” Kumurap si Cameron. “Parang ang dami mo pa lang alam. Tulad ng inaasahan sa isang babaeng mom na.” Nag-stay muna sila Colton at Freyja nang ilang sandali sa Emperon bago sila umalis. Umupo si Cameron sa tabi ng crib at tinitingnan ang dalawang baby. Mahinahon niyang tinusok ang kanilang pisngi gamit ang daliri niya. ‘Oh my gosh, sobrang lambot nila at sobrang cute. Parang mga doll lang sila,’ naisip ni Cameron. “Bakit hindi ka nagsuot ng sapatos mo?” narinig niya ang boses ni Waylon mula sa kaniyang likod
Nagsalita si Mahina at sinabi, “Totoo ‘yon, miss. Hinihintay ka naming lahat sa labas.” Tiningnan ni Cameron si Waylon. Hinawi ni Waylon ang buhok ni Cameron sa likod ng kaniyang tainga at sinabi, “Magaling ang ginawa mo, Cam.” …Nang marinig nila Daisie at Nollace na nanganak ng twins si Cameron, agad silang tumawag kay Waylon para batiin sila. Nang ibaba nila ang tawag, dinala ni Waylon si Cameron sa kanilang mga anak na nasa nursery room.Sumandal si Cameron sa bintana at tumingin sa dalawang baby. Hindi niya kayang pigilan ang tawa niya. “Sobrang liit nila. Sigurado akong kamukha mo sila pag lumaki na sila.Kung magiging kamukha nila si Waylon, sobrang magiging gwapo sila. Tumawa si Waylon at binalot niya ang kaniyang kamay sa balikat ni Cameron. “Gusto mo bang bumalik para magpahinga ka muna?” “Hindi. Gusto ko tumingin sa kanila.” “Oh sige.”Matapos nilang tingnan nang matagal ang mga baby, bumalik na silang dalawa sa ward. At nakita nila sila Colton at Freyja na n
“James?” tinawag ni Giselle si James. Nang hindi siya sumagot, tinulak niya ito para magising pero wala siyang nagawa. Natutulog siya na parang bato. ‘Ang galing. Ngayon hindi na ako makakatulog.’Ayun ang unang bagay na pumasok sa isip niya. Dahil hindi niya kayang magising si James, wala na siyang ibang pagpipilian kundi manatiling gising hanggang umaga. Nang umaga na, nawala ang dilim sa kwarto dahil sa liwanag. Binukas ni James ang mga mata niya at nagulat siya nang makita ang mukha na nasa harap niya. Naningkit ang mata niya, napatigil sa pagtibok ang kaniyang puso. Dahan-dahan niyang inalis ang kamay niya nang hindi nagigising si Giselle. “Alam mo ba na ang pangit ng sleeping position mo?” Kagigising lang ni Giselle at nakatitig siya kay James. Tumayo si James. Umupo siya sa gilid ng kama at nilagay niya ang kamay niya sa kaniyang noo. “Hindi mo ako masisisi. Sanay… sanay akong matulog mag-isa.”Tumayo na rin si Giselle. Dahil isang pwesto lang siya buong gabi,
Binuksan ni James ang pinto. Nang makita niya si Giselle na hawak ang photo album, mabilis siyang lumapit at pinigilan siya. “Huwag! Bawal kang tumingin dyan!”Naningkit ang mata ni Giselle nang makita niya na kinabahan si James. “Bakit naman? May mga picture ba dito na hindi magandang tingnan?” “Huwag mo ‘yan pakialaman. Sinabi sayo ng Dad ko na matulog ka sa kwarto ko pero hindi ibig sabihin nun ay pwede mo na pakialaman ang mga bagay na nandito!” “Talaga? Anong gagawin mo kung nagpumilit ako na tumingin?” Hinawakan ni James ang kamay ni Giselle nang sinusubukan niyang kunin ang photo album sa kaniyang kamay. “Bakit kailangan mo tingnan ang photo album ko? Crush mo ba ako?” Hindi nakapagsalita si Giselle. Matapos ang ilang sandali, binitawan ni James ang kamay ni Giselle at umatras siya. Mahigpit niyang hinawakan ang photo album at sinabi, “Pwede mong galawin ang lahat ng gusto mo dito sa kwarto pero hindi ko hahayaan na hawakan mo itong photo album.” Nang tumalikod siya
Tanong ni Giselle, “Pwede ko ba siyang i-pet?”Tumango si Jefferson. “Syempre naman. Edamame, come here.”Nang marinig ang boses niya, tumalon si Edamame sa couch at naglakad palapit kay Jefferson. Hinaplos niya ang ulo nito. Inunat ni Giselle ang kamay niya, at sinimulan iyon amuyin ni Edamame at hinayaan niya na haplusin siya. Nang hinawakan siya, nilabas ni Edamame ang dila niya at pumikit dahil sa saya. Sabi ni Jefferson, “‘Di ba mabait na baby siya?”Ngumiti si Giselle. “Yes.”Tumikhim si James at tinawag si Edamame para bumalik sa kaniya, pero tumalikod lang ito at hindi gumalaw. Kumunot ang noo ni James. “Bad dog ka na ba ngayon? Come.”Yumuko si Edamame at naging malungkot.Masamang tiningnan ni Jefferson si James, at tinanong, “Giselle, kung hindi ka pa kumakain, sumabay ka na sa amin.”Napahinto si Giselle, binawi niya ang kaniyang kamay, at tumayo. “I—”“Daughter-in-law mo siya kaya natural lang na sumabay siya sa dinner, ‘di ba?” Tumingin si James kay Gisell
Naningkit ang mata ni James. “Yung mga lalaking pinipili mo ay yung mga magagaling?”Hindi sumagot si Giselle.Pinatunog ni James ang dila niya at umiling. “Hindi naman ‘yon mali, pero ang importante, dapat piliin mo yung taong mahal ka. Kung hindi ka niya mahal, hindi siya mapupunta sayo, kahit na gaano siya kagaling. Isang commodity ba ang tingin mo sa isang relasyon?”Huminga nang malalim si Giselle at tumingin siya kay James. “Pinangangaralan mo ba ako?”“Sinasabi ko lang ang totoo. Masyado kang self-centered at gusto mong ikaw lagi ang nasusunod. Gusto mo kontrol mo ang lahat. Na-realize ko ito nang pinirmahan natin ang kontrata. “Hindi mo gusto ng blind dates pero hindi mo naman gusto na i-reject sila, kaya gusto mo ng tulong ko at gusto mo na mag-set ako ng rules. Kailangan ko magpanggap na isa akong perfect boyfriend nang makipagkita ako sa magulang mo. Hindi mo naman sinusubukan na magpanggap na girlfriend ko. Baka isipin ng mga tao na boss kita.”Nainis si Giselle. “Ik
Bumalik si Giselle sa sarili niya at natawa. “Sa tingin mo ba kailangan mo akong turuan niyan?”“Hindi. So, dapat mas maging self-aware ka pag nagpapanggap ka na girlfriend ko?” “Anong ibig mong sabihin?” “Halimbawa…” Biglang naglakad si James, kaya napaatras si Giselle. Ngumiti siya. “Tulungan mo akong ayusin ang gamit ko.” Walang masabi si Giselle. Umupo si James sa tabi ng luggage at nagpatuloy na mag-ayos. “Bakit nakatayo ka pa rin diyan? ‘Di ba dapat tumutulong ang girlfriend?”Hindi alam ni Giselle ang sasabihin niya.Matapos maayos ang mga bag ni James, tinulungan siya ni Giselle sa isang bag. Inabot niya iyon sa assistant nang makita niya ito. “Hawakan mo.”Huminto ang assistant at tiningnan si James na naglalakad palapit.Naningkit ang mata ni James. “Ms. Peterson, sa tingin mo ba mabigat ang mga bag ko para sayo?”“Lalabas tayo? Hindi ka ba natatakot—”“Alam na ng media na may relasyon tayo. Hindi na natin kailangan magtago kaya bakit hindi na lang tayo maging