Share

Kabanata 320

Ngumiti siya at sinubukang lumapit kay Waylon. "Waylon, hindi mo ba kasamang lumabas ang kapatid mo ngayon?"

Malamig siyang tiningnan ni Waylon, at nang lagpasan siya nito, iritable nitong sinabi, "Tumigil ka na. Kahit na anong ideya ang ilagay mo sa ulo ni Great-grandpa, hindi mo mapapalitan si Mommy."

Nanigas si Rowena sa kinatatayuan niya. Pinanood niyang umakyat sa hagdan ang batang lalaki. Nagulat siya. Bukod sa matalim na tingin ng limang taong gulang na batang yun, paano nito nalaman na naglalagay siya ng mga ideya sa ulo ni Titus?

Napayukom ang mga kamay niya. Galing nga talaga sila sa sinapupunan ng babaeng yun—sagabal din, katulad niya!

Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng isang text galing sa isang unknown number.

[Hindi ba't sabi mo ay ilalabas mo ako sa Underground Freeway? Sinabi ko na sa iyo ang lahat. Kailan mo gagawin ang pinangako mo?]

Alm kaagad ni Rowena na galing kay Willow ang text. Oo, nakalimutan niya na isang 'kutsilyo' si Willow na pwede niyang ga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status