Kung noon ito nangyari, wala sigurong kwentang hari si Nolan! At walang silbi niyang anak, pareho lang ang mag-ama na yun. Mga rebelde!Mahinang nag-paalala si Rowena, "Huwag kayong magalit, lolo. Sa tingin ko ay si Ms. Vanderbilt ang problema at hindi si Nolan.""Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Titus.Sumimangot si Rowena. "Lolo, kapag sinabi ko sa inyo, baka sabihin ni Nolan na nagsusumbong ako sa inyo.""Huwag kang mag-alala, kakampi mo ako. Sabihin mo lang." Pinakita ni Titus na susuportahan niya si Rowena.Marahang sinabi ni Rowena, "Palaging inaabala ni Ms. Vanderbilt si Nolan at gusto niyang sumama sa meeting. Ang sama rin ng trato niya sa akin. Baka iniisip niyang banta ako para sa kanya."Bigla na lang niya akong tinarget sa camp. Noong araw ng assessment niya, biglang sumama sa akin si Nolan sa camp. Baka mayroon siyang sinabi kay Nolan kay hindi na siya nagtitiwala sa akin."Sinusubukan niyang ipinta si Maisie bilang problema, kung hindi dahil kay Maisie, h
Umiling si Cherie. "Wala. Sabi ng mga taong nakakita kay Wynona ay okay naman siya. Walang nakakaalam paano siya nagkaroon ng kutsilyo.""Wala bang nagbabantay?""Wala."Nakuha na ni Maisie ang sagot, kaya napaisip siya nang malalim. Mayroon sigurong nakapasok sa interrogation room noong walang bantay para puntahan si Wynona.Nang makita na inaalala pa rin ni Maisie ang tungkol kay Wynona, ngumiti si Cherie at sinabing, "Sige na, Maisie, hindi mo na kailangan mag-alala dun. Kami na ang bahala."Pagkaalis ni Cherie, sumandal si Maisie sa kaniyang upuan at saka kinuha ang nabasag na jade ring. Kahit na sa tingin niya ay 'binaboy' na ito ni Rowena, regalo pa rin ito ni Nolan para sa kaniya. Napag-desisyunan niyang ayusin ito.Kinagabihan, nagpunta si Maisie sa underground garage. Nang mapunta siya sa harapan ng sasakyan, isang tao ang biglang lumapit sa kaniya. Tinaas niya agad ang kamay pero kaagad siyang nahawakan sa baywang at napasandal sa harapan ng kotse. Ngumiti ang lalak
Namula ang mga mata ni Daisie, at hindi siya nagsalita.Niyakap siya ni Colton para pagaanin ang loob at saka tiningnan si Titus." Hindi namin tatanggapin ang pagkain galing sa babaeng yan."Para sa kanila, sinumang gustong agawin ang tatay nila sa kanilang nanay ay isang masamang babae.Kahit na dismayado si Rowena, nagpakumbaba pa rin siya. "Okay lang, lolo, huwag niyong sisihin ang mga bata."Makukuha rin ng batang babaeng yan ang dapat sa kaniya balang araw.Galit na hinampas ni Titus ang mesa, natakot ang lahat sa galit niya. "Hindi ako ang lolo o tatay niya. Kung spoiled kayo sa kanila noon, babaguhin ko ang masama niyong ugali. Humingi kayo ng tawad sa Tita Rowena niyo!"Halatang nagulat sina Colton at Daisy sa galit ni Titus, pero matigas pa rin ang ulo nila at tumangging humingi ng tawad.Galit na tiningnan ni Waylon si Titus "Hindi namin kailangang humingi ng tawad sa kaniya."Muntik ng atakihin sa puso si Mr. Cheshire nang marinig yun.Paano nakakayang sum
Paglaki ni Waylon ay magiging ekstra ordinaryo ito.Dumapo ang amoy ng spaghetti sa kaniyang ilong na nagpagutom naman sa matanda.Napansin yun ni Daisie at kumuha ng isang plato. Mamasa-masa ang inosente niyang mga mata habang sinasabi, "Great-grandpa, gusto nyo ba?"Napahinto si Titus. Sinigawan niya ang batang to kanina, pero ngayon ay binibigyan siya nito ng pagkain?Kailangan pa rin panatilihin ni Titus ang dignidad niya, kaya tumikhim siya at umiwas ng tingin nang sabihin, "Huwag niyong isipin na patatawarin ko kayo dahil lang dito."Yunuko si Daisie at binawi ang plato, dismayado siya. "Alam namin na hindi mo kami mahal."Nanlaki ang mga mata ng matanda. "Sinong nagsabi na hindi ko kayo mahal—""Mayroon pang natira sa kaserola kung gusto niyo. Kung hindi, ayos lang." Pinutol ni Waylon ang sinasabi niya.Natahimik si Titus. Masyado na ba siyang matanda? Bakit wala lang sa mga batang to ang pagiging istrikto niya?Hayaan mo na. Walang punto para makipag-away siya
Ngumiti siya at sinubukang lumapit kay Waylon. "Waylon, hindi mo ba kasamang lumabas ang kapatid mo ngayon?"Malamig siyang tiningnan ni Waylon, at nang lagpasan siya nito, iritable nitong sinabi, "Tumigil ka na. Kahit na anong ideya ang ilagay mo sa ulo ni Great-grandpa, hindi mo mapapalitan si Mommy."Nanigas si Rowena sa kinatatayuan niya. Pinanood niyang umakyat sa hagdan ang batang lalaki. Nagulat siya. Bukod sa matalim na tingin ng limang taong gulang na batang yun, paano nito nalaman na naglalagay siya ng mga ideya sa ulo ni Titus?Napayukom ang mga kamay niya. Galing nga talaga sila sa sinapupunan ng babaeng yun—sagabal din, katulad niya!Sa sandaling ito, nakatanggap siya ng isang text galing sa isang unknown number.[Hindi ba't sabi mo ay ilalabas mo ako sa Underground Freeway? Sinabi ko na sa iyo ang lahat. Kailan mo gagawin ang pinangako mo?]Alm kaagad ni Rowena na galing kay Willow ang text. Oo, nakalimutan niya na isang 'kutsilyo' si Willow na pwede niyang ga
Alam ni Maisie na walang dahilan ang tatlong bata para magsinungaling, at alam niya rin naman na impokrita si Rowena. Dahil malaki ang tiwala ni Titus kay Rowena, madali lang para kay Rowena na gumawa ng dahilan para hindi siya lalong magustuhan ni Titus.Bago pa siya makapagtanong, dumating naman si Helios kasama ang dalawa nitong assistant.Mabilis na lumapit si Daisie kay Helios at hinawakan ang kamay nito. "Tito Helios. Ipapakilala ko kayo sa mommy ko!"Pero, matagal na siyang kilala ni Helios.Nginitian niya si Daisie at hinaplos ang ulo nito. Saka niya tiningnan si Maisie at nagtanong, "Pinaghintay ba kita?"Nakangiting sumagot si Maisie at sinabing, "Kararating lang din namin."Pagkatapos nilang maupo, umakyat naman si Daisie sa upuan sa tabi ni Maisie. Sa kaniya lang ang mommy niya ngayon, siya na ang kakain ng shares para sa mga kapatid niya."Nalaman ko kay Waylon na inaalagaan mo silang pareho sa set, Mr. Boucher. Sana hindi ka masyadong naaabala."Sumimangot
Sandaling natigilan si Maisie nang marinig ang sinabi ni Helios. Gayunpaman, kaagad niyang napagtanto kung ano ang sinasabi nito.Mayroong nagtatago sa dilim at kinukunan sila ng litrato.Kaya naman hindi siya lumingon. Sabay silang naglakad ni Kennedy papunta sa sasakyan, at katulad nga ng inaasahan nila, palihim na nakuhanan ng paparazzi ang paghihiwalay nila ni Helios.Tiningnan ng paparazzi ang ilang litrato sa kaniyang camera, dinilaan niya ang mga labi at malawak na ngumiti. Kampante siyang pag-uusapan ng lahat ng mga litrato na ito at pupurihin siya ng editor-in-chief.Nang makabalik sina Maisie at Kennedy sa Soul, mayroon biglang naisip si Maisie at sinabi kay Kennedy, “Tito Kennedy, bantayan niyo ang mga balita para sa akin sa mga susunod na araw.”“Balita? Para saan?”“Oo. Kanina nang maghiwa-hiwalay tayo nila Helios, binalaan niya ako na mayroong paparazzi. Nakuhanan siguro tayo ng litrato.”Ang totoo, hindi nag-aalala si Maisie sa kung anong isusulat nila tung
“Ouch, sinasaktan mo ako, Nolan. Hindi mo ba kayang maging gentle!?”“I’m sorry. Mag-iingat na ako.”Nagdilim ang mukha ni Rowena.‘Ang kapal… ang kapal ng mukha nila na gawin ang ganiyang bagay sa opisina? Maisie, isa ka talagang malanding babae!’Dala ng kaniyang galit, tinulak niya pabukas ang pinto at natulala siya. Nakaupo si Maisie sa couch habang naka-squat naman si Nolan sa harapan nito at minamasahe ang kaniyang paa.Lumingon si Nolan para tingnan nang malamig si Rowena at sinabing, “Hindi ka ba marunong kumatok?”Nagbago ang ekspresyon ni Rowena, at nauutal siyang sumagot, “I’m sorry. Akala… akala ko ay mayroong nangyayari dito.”Namula ang mukha ni Maisie sa hiya.‘Salamat at hindi siya nagtagal ngayon. Kung hindi, baka naghukay na ako at nilibing ang sarili ko.’“Kahit na mayroong nangyari dito, anong kinalaman nun sa iyo?” Tanong ni Nolan, malamig ang boses niya. “Kung wala ng iba pa, lumabas ka na.”Hindi inakala ni Rowena na itataboy na na naman siya