Naupo sa couch si Larissa. Tiningnan niya si Maisie at sinabing, "Maupo ka. Gusto mong magtanong tungkol sa nanay mo, tama?"Naupo si Maisie sa harapan ni Larissa matapos niyang makuha ang permiso nito. Gusto nga niyang mas makilala pa ang nanay niya kaya tumango siya."Tunay kong kapatid si Marina, at totoo nga, kamukha mo siya," Sabi ni Larissa at saka tinawanan ang sarili. Kung nakita niya agad si Maisie, siguro ay hindi siya maniniwala kay Willow at iisipin na ganoong klaseng tao si Maisie.Tila mayroon siyang naisip, kaya nagtanong siya ulit, "Sinabi ba ng nanay mo sa iyo kung bakit siya nagpunta sa Zlokova?"Umiling si Maisie.Naguluhan si Larissa nang makita niyang umiling si Maisie. "Hindi niya rin sinabi sa akin. Ang totoo, kung hindi dahil sa bracelet ni Willow, hindi ko malalaman na nagpunta siya ng Zlokova.*"Hindi niyo rin alam?" Nagulat si Maisie. 'Kahit si Larissa ay hindi alam kung bakit nagpunta ang nanay ko sa Zlokova para takasan ang pamilya de Arma?'"
"Pero Maisie, papaalalahanan na lamang kita na pwedeng manganib ang buhay mo kung patuloy kang sasama kay Nolan. Hindi dahil sa kung anuman, dahil yun sa espesyal na dugo ng mga Goldmann."…Nakaupo si Ryleigh sa living room at umiinom ng fresh milk. 20 minuto na siyang naghihintay, hindi niya alam kung ano ang sinabi ni Tita Larissa kay Zee.Nang uminom ulit siya ng gatas, napansin niya ang isang papalapit na anino. Tumingala siya at kaagad na bumagsak ang ngiti sa mga labi niya.Mapagmataas siyang tiningnan ng matangkad na lalaki. "Ikaw?"Makikita ang inis sa slanted eyes ng lalaki nang makita nito na mayroong mantsa ng gatas sa mga labi ni Ryleigh.Akala niya ay mayroon nanaman ipapakilalang kung sinong babae ang nanay niya sa kaniya. Takot siya sa ideya na yun."Bakit mo naman iniisip na gusto kong pumunta sa bahay mo? Kung hindi dahil kay Zee, I—" May sasabihin sana si Ryleigh nang marinig niyang mayroong pababa ng hagdan. Nakita niya kaagad si Maisie, kaya binaba niy
Natulala nang ilang segundo si Ryleigh. Halatang nabigla siya sa isyu ni Maisie. "Okay, hindi ko talaga maintindihan."Pinatong ni Maisie ang kamay sa balikat ni Ryleigh at nakangiting sinabi, "Ryleigh, naisip ko na ikaw lang ang best friend ko. Hindi ka sumuko sa akin, kahit na ano mang pagpapanggap ko at kahit anong bintang sa akin ng iba. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kung hindi mo ako tinulungan noon."Gulat na gulat si Ryleigh. "Lasing ka ba?""Nakakainis ka, 'no? Mukha ba akong lasing? Medyo emosyonal lang ako." Nilagay ni Maisie ang mga braso sa mga balikat ni Ryleigh. "Minsan naiinggit ako sa iyo. Mayroon kang tatay na prinotektahan ka simula pagkabata kaya ka lumaking inosenteng babae. Wala rin sinong pwedeng bumangga sa yo ng walang dahilan. Maganda rin maging isang young lady na walang pinoproblema."'Kahit paano, hindi niya mararanasan ang mga problemang kinakaharap ko.'"Kailan mo ako nakitang walang problema? Hindi mo lang nakikita yung mga pagkakataon na
Napaka-light ng makeup ni Rowena at ang elegante niya ngayon, magarbo rin ang kaniyang dress. "Wala bang sinabi sa iyo si Nolan?"Sandaling nag-isip si Maisie. "Anong dapat niyang sabihin sa akin?"Tiningnan siya ni Rowena at nagpaliwanag, "Ako na ang assistant ni Nolan ngayon. Hindi 'to sinabi sa iyo ni Nolan?"Tumawa si Maisie at humalukipkip. "Oh, yun lang pala. Akala ko ay mayroon kang sasabihing big deal."'Nagyayabang na siya agad na siya na ang assistant ni Nolan?'"Ms. Vanderbilt, huwag sanang mamali ang intindi niyo sa amin. Arrangement ito ni lolo. Gusto ni lolo na matuto ako kay Nolan. Sa tingin ko naman ay hindi kayo tutol dun, tama?" Binanggit niya ang matanda para linawin kay Maisie na siya ang taong pinapahalagahan ni Titus.'Hangga't kakampi ko si lolo, hindi ka makakapasok sa mga Goldmann!'Hindi niya alam kung anong inaasahan ni Rowena sa kaniya, ngumiti na lang si Maisie. "Bakit naman mamamali ng intindi ko sa inyo? Assistant ka lang naman niya, hindi b
'Magaling magpasikat ang dalawang paslit na iyon.'Biglang tumango si Kennedy. "Kung ganoon, talagang ginagalingan ni Mr. Boucher ang pagtulong na i-promote ang mga products natin. Kahit na kumikita tayo dahil sa association natin sa kaniya nang walang anumang kondisyon, hindi natin pwedeng samantalahin lang 'to nang hindi nagpapasalamat.""Oo, naiintindihan ko." Ngumiti si Maisie habang nakahalukipkip. "Titingnan ko kung maaaya kong kumain si Mr. Boucher kapag nagkaroon ako ng libreng oras."Hindi iisipin ng isang ordinaryong tao na yayaing kumain si Mr. Boucher, pero hindi niya pwedeng samantalahin si Mr. Boucher nang walang binibigay na kapalit. Kaya naman, ililibre na lang niya ito ng pagkain bilang appreciation niya dito.Tungkol naman sa pagbabalik ng pabor, sumagi din sa isipan niya si Francisco sa training camp.'Nakakalungkot na aminin 'to, pero bakit nagkaroon ako ng utang na loob sa mga tagapagmana ng mga Boucher?'Kinahapunan, lumabas ang lahat para mag-lunch, a
Puno ng apeksyon ang titig sa kaniya ni Nolan, masaya ang kalooban niya.''Na-train' ko nang maayos ang kuting ko 'Nilapit niya ang mga daliri ni Maisie sa kaniya at hinalikan ang mga ito. Mayroong bakas ng nakakatakot na pagnanasa ang kaniyang mga mata. "Pupunta ka pa rin ba sa bar sa susunod? Huh?""Hindi, hindi na ulit ako pupunta.""Talaga?"Tinabig ni Maisie ang kamay nito at galit na tumawa. "Oo, pwede na ba tayong kumain ngayon?"Mayroong katok sa pinto.Naningkit ang mga mata ni Nolan, at malamig ang tono ng kaniyang boses. "Pasok."Pumasok si Rowena dala ang ilang dokumento at mayroon sanang sasabihin ngunit makikita sa mga mata niya ang inis nang makita niya si Maisie na nakaupo sa tabi ni Nolan at nasa harap ng mesang puno ng masasarap na pagkain."Mayroon bang kailangan ng atensyon ko?" Napakalamig pa rin ng trato sa kaniya ni Nolan.Pinigil ni Rowena ang galit sa kaniyang puso at pinilit na ngumiti. "Pumunta ako rito para sabihin sa iyo na magsisimula
Kung noon ito nangyari, wala sigurong kwentang hari si Nolan! At walang silbi niyang anak, pareho lang ang mag-ama na yun. Mga rebelde!Mahinang nag-paalala si Rowena, "Huwag kayong magalit, lolo. Sa tingin ko ay si Ms. Vanderbilt ang problema at hindi si Nolan.""Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Titus.Sumimangot si Rowena. "Lolo, kapag sinabi ko sa inyo, baka sabihin ni Nolan na nagsusumbong ako sa inyo.""Huwag kang mag-alala, kakampi mo ako. Sabihin mo lang." Pinakita ni Titus na susuportahan niya si Rowena.Marahang sinabi ni Rowena, "Palaging inaabala ni Ms. Vanderbilt si Nolan at gusto niyang sumama sa meeting. Ang sama rin ng trato niya sa akin. Baka iniisip niyang banta ako para sa kanya."Bigla na lang niya akong tinarget sa camp. Noong araw ng assessment niya, biglang sumama sa akin si Nolan sa camp. Baka mayroon siyang sinabi kay Nolan kay hindi na siya nagtitiwala sa akin."Sinusubukan niyang ipinta si Maisie bilang problema, kung hindi dahil kay Maisie, h
Umiling si Cherie. "Wala. Sabi ng mga taong nakakita kay Wynona ay okay naman siya. Walang nakakaalam paano siya nagkaroon ng kutsilyo.""Wala bang nagbabantay?""Wala."Nakuha na ni Maisie ang sagot, kaya napaisip siya nang malalim. Mayroon sigurong nakapasok sa interrogation room noong walang bantay para puntahan si Wynona.Nang makita na inaalala pa rin ni Maisie ang tungkol kay Wynona, ngumiti si Cherie at sinabing, "Sige na, Maisie, hindi mo na kailangan mag-alala dun. Kami na ang bahala."Pagkaalis ni Cherie, sumandal si Maisie sa kaniyang upuan at saka kinuha ang nabasag na jade ring. Kahit na sa tingin niya ay 'binaboy' na ito ni Rowena, regalo pa rin ito ni Nolan para sa kaniya. Napag-desisyunan niyang ayusin ito.Kinagabihan, nagpunta si Maisie sa underground garage. Nang mapunta siya sa harapan ng sasakyan, isang tao ang biglang lumapit sa kaniya. Tinaas niya agad ang kamay pero kaagad siyang nahawakan sa baywang at napasandal sa harapan ng kotse. Ngumiti ang lalak